You are on page 1of 11

Internet, Wika ng

Internet at
Wikang Filipino
sa Internet
INTERNET-isang
pandaigdigang network
ng isang mayorya ng mga
lokal na mga network at
mga indibidwal na
computer.
-ito ay ang pinaka-
dynamic at mabilis na
palitan ng impormasyon
T
ng system sa kasaysayan.
Ano ang gamit ng wika sa internet?
Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng komunikasyon ay

ang pagbabagong ugnayang pantao. Kasama sa pag-usad na ito ay ang bagong pag-

usbong na gamit ng wika para sa internet at social media.


Ang Wika sa  Internet 

Maraming maaaring gawin sa internet  na makapagpapaunlad ng wika.

1. Nakapagdodokumento ng mga alaala.

2. Nagtuturong mga bagong bagay .

3. Naipakikilala ang sarili.

4.  Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan.

5. Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at

tagapakinig.

6. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag.

 
Katangian ng Wika ng Internet 
Impormal at personal
•Pinapaboran ang kaswal na wika sa mga video sa Youtube upang mas makahikayat ng
mga manonood.
Mas maikli
•Sa Twitter ay maaaring magsulat ng hanggang sa140 na characters
lamang.
Dinamiko o pabago-bago
•Maraming sumusulpot na emojis na mayroong iba’t ibang kulay ayon sa kulay ng
lahing gagamit nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipag-chat sa
Facebook, Messenger, gayundin sa mga post ng
 Facebook, Twitter at Instagram.
 
Mga Paalala
•Sikaping mapanatili pa  rin ang paggamit
ng pormal na antas ng wikang gamit sa pormal na
mga pag-uusap.
•Maging matalino sa paggamit ng Internet at social
media.
•Hindi lahat ng mga mababasa at mapapanood sa
Internet at
 social media ay totoo kaya iwasang magbigay ng
agarang komento.
Mahahalagang Kaalaman
•Gamit ang internet nagkakaroon ng mga panibagong
paraan ng pagpapahayag ang tao.
•Nagkakaroon ng ugnayan ang mga magkakalayo.
•Nababalik-balikan ang mga naging usapan.
•Naipahahayag ang pagsuportao pagsang-ayon sa
isang pahayag sa social media hindi lamang sa
paraang pasulat gayundin sa pagbigay  ng “like”,
“heart ”,“smile”, at iba pa,
o kaya namanay sapag-“share”nito.
Ang kalagayan ng Wikang Filipino sa Internet

Dahil ang Internet ay ang bagong paraan sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo,


ang paggamit ng wikang Ingles bilang isang larangan ng interes ay lubhang tumaas
(Yusoph, 2016). Ayon sa pahayag ni Dc (2018), mayroon namang babasahing nakalapat
sa Wikang Filipino ngunit hindi ito kasindami ng nasa Ingles, at maaring hindi pa ito
nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamayan, lalo na sa mag aaral na naghahanap
ng mga impormasyon na nakasulat sa ating sariling wika
Maaari ring maitaguyod natin ang ating sariling wika na
Filipino sa paggamit ng internet sapagkat sa
pagpapahayag ng ating mga sariling kaalaman
magagamit natin ang wikang Filipino at dahil dito,
maipapamalas natin ang ating mga nalalaman sa paraang
alam natin. Sa tulong ng interney tayo ay may kalayaang
gawin ang lahat ng gusto natin na kung maaari ay nasa
mabuting pamamaraan. Sa pag unlad ng wikang Filipino,
kaagapay natin ang internet dahil ito’y isang paraan na
maaari nating maipagmalaki ang wikang Filipino na mag
susuyo sa iba pang mga mamamayan na patuloy na
tangkilikin at gamitin ang wikang ito sa tamang
pamamaraan.
Maraming salamat sa
pakikinig.

You might also like