You are on page 1of 7

ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974

(1974-1986)

1. A. KAHULUGAN

BILINGGUWALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang


tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan
ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag-aambag sa debelopment ng
wika. Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay
tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng
pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika

1. B. MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG


BILINGUWAL 1974

 panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang


pambansa.
 Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang
malayang bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at
ang sinumang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa
anumang asignatura/aralin)
 Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive
Order No.202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine
Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng
sistema ng edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng pagtuturo ang siyang
nakita ng komisyon na nangangailangan ng atensyon.

Pinagtibay ng PCSPE na:

(1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementary, at ang bernakular ay


pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog

(2) ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekundarya at tersiyarya

 Noong 1971 sa bisa ng E.O. 318 s. 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas


ang Educational Development Projects Implementing Task
Force(EDPITAF) sa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon upang
bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga rekomendasyon sa
Komisyon.

Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng


bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3, Artikulo XIV, na:

1. Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang
Filipino.
2. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang dapat na
mga wikang opisyal.

 Pebrero 27, 1973, batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon


ng Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa
Edukasyon. Sa Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973,
pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe 1987-159):

Na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo at ituturo bilang mga


asignatura sa kurikulum mula Baitang I hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga
paaralang publiko at pribado.

1. C. IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974

 Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa


pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang
ito:

Ang edukasyong bilingguwal ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit


ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling
gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan.

 Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong


transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum
sa mga asignaturang tulad ng A.P (Social Studies), Agham Panlipunan (Social
Science), Edukasyong Panggawain (Work Education), Edukasyon sa Wastong
Pag-uugali (Character Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health
Education).
 Simula 1978 hanggang 1982 magiging sapilitan na ang paggamit ng Pilipino sa
mga paaralan sa mga Tagalog na lugar at sa mga lugar na nagsisimulang gumamit
nito noong 1974-1975.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-utos ang sumusunod:

Courses in English and Pilipino shall be offered in tertiary institution as part of


appropriate curricula pursuant to the policy of bilingual education; furthermore, by
school year 1984, all graduates of tertiary institutions should be able to pass
examinations in English and/or Pilipino for the practice of their profession.

 Nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersiyarya (MEC


Order No. 22, s. 1978).
 simula sa taong panuruan 1979-1980, magsasama sa kurikulum ang lahat ng
mga institusyong tersiyarya ng anim (6) nay unit ng Pilipino.

1. D. EBALWASYON AT SARBEY KAUGNAY NG EDUKASYONG


BILINGGUWAL 1974

 Ang sensus ng 1970 at 1980 ay nagbigay ng impormasyon sa total na bilang ng


mga isipiker sa Tagalog/Pilipino at Ingles na nagbibigay ng ilang indikasyon sa
naging lawak ng bilingguwalismo sa bansa.

1970 1980

(batay sa kabuuang (batay sa anim na taong gulang


populasyon: 36, 684, 486) pataas: 38, 925,000)

Pilipino/Tagalog 20,257,941 (55.2%) 29,998,000 (77.0%)

Ingles 16, 409,133 (44.7%) 25,000,000 (64.5%)

Kastila 1,335, 945 (3.6%) –

Kapwa Pilipino at Ingles 24, 356, 000 (62.6%)


 Komprehensibong pag-aaral sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974 ang isinagawa
noong 1985-1986 na binubuo nina Bonifacio P. Sibayan et. al na tinawag na
Bilingual Education Evaluation (BEPE)

Sa resulta ng ibinigay na proficiency test lumabas ang sumusunod:

(a) na ang kabuuang marka sa proficiency test ng mga guro ay mababa

(b) ang mga guro sa Baitang VI ay nakakuha ng mataas na marka kaysa sa mga guro
sa Baitang IV

(c) samantalang ang mga guro sa ikaapat na taon ng hayskul ay walang-gaanong


kaibahan ang proficiency sa mga guro sa Baitang IV

 Ang mga pangunahing rekomendasyon ng pag-aaral ay:

1. pagpapatuloy ng kasalukuyang patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa primary


2. mas maluwag at flexible na implementasyon sa antas sekundarya lalo na sa mga
lugar na di-Tagalog
3. ang development ng Pilipino bilang wika ng lasrum at iskolarling gawain sa
unibersidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga propesor na
gamitin ang Pilipino sa kanilang pagtuturo, pananaliksik, at pagsusulat upang
makabuo ng mga reperensiya sa Pilipino na magagamit sa mga paaralang
elementary at sekundarya.
4. inirekomenda rin na sa pagsasanay ng mga guro na pre-service at in-service,
kailangang bigyang-diin ang pagkakaroon ng kaalaman nila sa nilalaman ng mga
asignaturang itinuturo upang maging epektibo ang pagtuturo.
5. iminungkahi rin ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ang mga mamamayan ay
dapat bigyan ng kaalaman o impormasyon tungkol sa patakaran sa wika ng
edukasyon at ito ay maipatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan

1974----Kautusang Pangkagawaran Bilang 25 Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng


Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
patakarang bilinggwal.

1979----Kautusang Pangkagawaran Bilang 22 Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng


Edukasyon at Kultura na nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi na nang kurikulum na
pangkolehiyo. Simula sa unang semester ng taong 1979-1980, ituturo ang anim na yunit ng
Pilipino sa kolehiyo: Pilipino I (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts) at
Pilipino II (3 yunit) Panitikang Pilipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys
and Readings of Literature in Pilipino).

1987Naging mabunga ang taong 1987 nang magpalabas noong Mayo 21 ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 52 si Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports na mas kilala sa Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987. Higit pa itong
pinagtibay pagkat matapos ang anim na araw, Mayo 27, inihayag na niya agad sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Bilang 54 ang Panuntunan sa Implementasyon ng Patakaran. Malinaw
na isinasaad dito na sabay na gagamitin sa mabisang komunikasyon sa mga paaralan ang mga
wikang Filipino at Ingles. Sa taon ding ito, isinilang
Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na
Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi. Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang
ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon
ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta
sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang
lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na


pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal
na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget
(Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery
Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated
Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language
Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan
ang pag-asa ng bayan”.

Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto
ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2,
W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.

You might also like