You are on page 1of 26

Halimbawa ng Isang Tagalog Tisis

KABANATA 1

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang panitikan ay isang uri ng pagsulat maging pasalaysay man ito o patula.
Para sa akin, pinag-aaralan ang Panitikan upang ating mapagtanto ang tunay na
kahulugan ng bawat kasaysayan. Kahit ang bawat nilalaman ng isang kasaysayan
ay tinatawag na kathang isip lamang o tunay na nangyari ito ay nagtuturo sa atin
ng kaisipang may malalim na damdamin. Dito natin nababanaag ang damdamin o
ang punto de bista o ang gustong ipahayag ng isang manunulat. Tumatalakay ito sa
lahat ng aspeto ng ating buhay, tulad ng mga pangyayari sa ating kapaligiran, sa
pulitika, sa buhay-buhay, sa pangyayari, sa paligid at nagbibigay diin sa bawat
damdamin ng mga taong nasasangkot dito, tulad halimbawa ng damdaming
pagkasuklam, pagkapoot, pag-ibig, pagmamahal, pagkatakot at iba pa. Sa aking
palagay pinag-aaralan natin ang Panitikan upang matutunan natin ang tamang
landas sa ating pamumuhay dahil sa panitikan tinatalakay ang bawat yugto ng
buhay ng isang tao, ordinaryo man o maykaya sa buhay. At dito rin sa mga ito tayo
natututo. Sana sa pamamagitan nito nasagot ko ang mga tanong mo kahit
papaano.
Ayon kay Maribel Nagao, Rehistradong Nars, na mahalaga ang pag-aaral
ng panitikang Filipino sa propesyon natin bilang isang nars. Dahil sa pakikipag
komunikasyon sa mga taong makakasalamuha sa pang-araw-araw na
pagtatarabaho sa Ospital. At maging sa mga pasyente, gaya ng mga tagalog, mas
higit nilang maiintindihan ang salitang tagalog kaysa sa wikang Ingles na wika ng
mundo.
Ayon sa kasaysayan, ang NEUST, Kursong Narsing at maging sa larangan ng
Ibang kurso ay bihasa sa pagsasalita ng tagalog, hindi dahil sa tagalog ang kanilang
wika kung hindi, hinasa na ito ng mga guro sa larangan ng pagsasalita at pakikipag
komunikasyon sa ibang tao.

Hindi lang sa mga pasalita nagagamit ng mga mag-aaral ang kaalaman sa


larangan ng panitikan maging sa pagsulat, gaya ng mga pablikasyon ng
unibersidad. Naipapaabot ng mga estudyante ang kanilang malawak na kaisipan at
naibabahagi sa mga kapwa mag-aaral ng NEUST.

Ayon sa populasyon ng Kursong Narsing sa NEUST, bumaba ito ng malaki


kumpara sa dating populasyon. Dahil ito sa pagtaas ng mga nakapagtapos ng
kursong Narsing ng walang trabaho.

Kung pagbabatayan ang mga nasabing ulat at pahayag ay masasabi bilang


konklusyon na bawat taon ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga mag-aaral
na kumukuha ng kursong Nursing sa NEUST

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kahalagahan ng panitikan sa


kursong Bachelor of Science in Nursing o Narsing sa pang araw-araw na
pakikisalamuha sa mga pasyenteng kanilang binibigyan ng pangalalaga.

Pagpapahayag ng Suliranin

Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Anu-ano ang dahilan kung bakit patuloy na pinag-aaralan ng BSN ang tungkol
sa panitikang Filipino?
2.

Anu-ano ang kahalagahan ng Panitikang Pilipino sa henerasyon?

3.

Bilang isang mag-aaral ng kursong nursing, anu-ano ang


maidudulot nito sa aking magiging propesyon?

Kahalagahan ng pag-aaral

Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang


motibasyon upang kanilang mas lalong pag-ibayuhin ang pagsisikap sa kanilang
pag-aaral maging ito man ay sa kursong Nursing o hindi.

Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan


upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na
siya ring mga mag-aaral,

Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang


dahilan upang mas lalo pa nilang pataasin ang antas at kalidad ng kanilang
pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Para sa pamunuan ng Nueva Ecija University of Science and Technology,


inaasahang ang pag-aaral na ito ay magsilbing daan upang kanilang simulan ang
paggawa ng higit na epektibong hakbang tungo sa pagpapataas ng kalidad ng
edukasyon ng mga mag-aaral sa kursong Narsing.

Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw


ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang pakikipag komunikasyon
at gagawin pang pag-aaral tungkol sa pampanitikang pag-aaral ng mga mag-aaral
ng NEUST sa mga taong kanilang nakasasalamuha.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa kahalagahan ng panitikang Filipino sa


kursong Narsing sa Nueva Ecija University of Science and Technoogy. Saklaw
lamang ng pag-aaral na ito ang mga studyante ng Narsing mula 2009 hanggang
2010.

Depinisyon ng Termino

Board of Nursing. Isang lupon na binubuo ng mga taong maykatungkulan sa


larangan ng panggagamot na siyang nagpapatupad ng mga batas na dapat sundin
ng isang Nurse.

Kurso. Isang programa o palatuntunan ng pag-aaral na maaaring tapusin ng isang


mag-aaral sa loob ng maikli o mahabang panahon.

Mananaliksik, ang katawagan sa isang taong nangangalap ng mga impormasyon o


datos ukol sa isang bagay na gustong malaman.

NEUST Advocate. Ang opisyal na pahayagan o lathalaan ng mga mag-aaral ng


Nueva Ecija University of Science and Technology.

Nueva Ecija University of Science and Technology. Isang prominenteng pamantasan


sa buong Pilipinas na matatagpuan sa General Tinio, CabanatuanCity.

Nurse. Isang taong nagtatrabaho upang tulungan ang mga doctor sa pag-aalaga ng
mga maysakit.

Panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang


maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas

lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.

Student Publication. Ang tawag sa mga nakalimbag na aklat, peryodiko o


lathalaan, at pahayagan na ginawa ng mga mag-aaral bunga ng kanilang
malikhaing pag-iisip.

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Cedrick Potter sa kanyang sipi na Sa bawat pagkumpas ng kamay


hawak-hawak ang pluma at papel, larawan ng isang lahi ang mamumukadkad. Sa
bawat titik, nakabaon ang pusong nais sumigaw upang maihatid ang sari-saring
opinyon at ideya. Sa bawat obrang nalilimbag, hatid ay ang ipamulat sa susunod na
henerasyon ang makulay na nakaraan at masiglang kinabukasan dahil sa
pamamagitan ng ikinikilos ng isang tao ay mayroon na itong ipinahahatid na
mensahe, gaya ng mga simbolo na makikita sa paligid. At sa pamamagitan ng
paggamit ng wika at panitikan ito ay patuloy na mamamalagi sa katangian ng isang
tunay na Pilipino.

Teoryang Klasismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng mayadhika na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda
sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae
ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian
ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda
sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis
at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusurit pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang
lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan
Teoryang Markismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon
mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa
mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang
mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos
o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad
ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat

ng mga pinaka na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang


karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala
sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na itoy
kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstraksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong
pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa aking pag-aaral hindi lang lkayang abutin ang isang bagay kung indi ito
lalakipan ng pag kilos. Kaya kung ating ihahabing sa pag-aaral n panitikan ay hindi
natin ito matutunan kung hindi natin ito isasabuhay. Nag-uugat ang lahat ng
likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangangpinagmulan
nito.

KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Naglalahad ang kabanata na ito ng mga pamamaraan at instrumentong


gagamitin sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang
masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito.


Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang
matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa
pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na
talatanungan.

Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom


ng mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga
mananaliksik sa mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa
Kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan sa kursong Narsing ng Nueva Ecija
University of Science and Technology.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Tinangka ng mananaliksik na ilahok ang apatnaput pitong (47) bahagdan ng


mga estudyante na kukuha at kumukuha na kursong Nursing sa College of Artsand
Science sa NEUST.

TALASANGGUNIAN

A. INTERNET

http://www.panitikan_sa_larangan_ng_narsing/index.html
http://wikipedia.com
http://pinoyhenyo.com
http://www.wikianswer.com

TALATANUNGAN

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan ng maigi at pagkatapos ay


kukunin ng mga mananaliksik makalipas ang ilang minuto. Kayo ay makakaasa na
lahat ng mga impormasyon na inyong ilalahad ay mananatiling confindential ng
mga mananaliksik.

I. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng Check () ang loob ng


kahon batay sa inyong palagay

Tanong

1. Sapat ba ang kalidad ng


edukasyon na ibinibigay ng
NEUST sa mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong
Nursing?
2. Kaunti lang ba ang bilang
ng mga mag-aaral sa kursong
Narsing ng NEUST na
interesadong pag-aralan ang
Panitikang Filipino?
3. Sapat nab a ang leksyon na
itinuturo ng mga mag-aaral
bago ito?

Lubos na
Sangayon

Sangayon

Hindi
Sangayon

Lubos na
Hindi
Sangayon

Walang
masasa
bi

4. Kailangan bang pagtuunan


ng pansin ng mag-aaral ang
pag-aaral ng panitikang
Filipino?
5. Malaki ba ang bilang ng
mga estudyanteng
interesadong pag -aralan ang
Panitikang Filipino?

II. Bilugan ang titik ng napiling kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang iyong masasabi kung ikukumpara ang kaalaman ng mga Narsing student
ng NEUST sa larangan ng Panitikan sa ibang unibesidad?
a.) Mas magaling.
b.) Kulang at nahuhuli sa leksyon.
c.) Magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin ang pag-aaral

2. Kung istilo ng pagtuturo ang pagbabatayan, ano ang pagkakaiba ng mga trainers
at mga propesor ng NEUST Institute of Nursing sa mga trainers at mga propesor ng
ibang unibersidad?

a.) Ang mga trainers at mga propesor ng NEUST ay mas student-centered, mas
interaktibo, at mas advanced ang pagtuturo kumpara sa mga trainers at mga
propesor ng ibang unibersidad.

b.) Nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at mga propesor ng
NEUST kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.

c.) Hindi masyadong mahigpit o strikto ang mga trainers at mga propesor ng NEUST
kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.

3. Mas mahigpit ba ang NEUST pagdating sa pag-aaral Panitikang Filipino ng mga


estudyante ng kursong Nursing kumpara sa ibang unibersidad na nagtuturo
Panitikan?
a. OO
b. HINDI
c. MEDYO

III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ekis () ang loob ng
kahon batay sa iyong palagay o opinyon.

Tanong

1. Sa NEUST Teachers
nakasalalay ang pagtaas o
pagbaba ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa Panitikang
Filipino.
2. Sa mga mag-aaral
nakasalalay ang pagtaas o
pagbaba ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa Panitikang
Filipino.
3. Nakasalalay sa mga librong
nakalimbag ang kamalayan
ng mga Narsing Student sa

Lubos na
Sangayon

Sangayon

Hindi
Sangayon

Lubos na
Hindi
Sangayon

Walang
masasa
bi

panitikang Filipino.

KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahanayaan Bilang 1

Talahanayan Bilang 1.1

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Sapat ba ang kalidad


ng edukasyon na

15

75

31.9

4.19

SA

ibinibigay ng NEUST sa
mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong
Narsing?

28

112

59.6

6.4

2.1

47

197

100

Total

Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.1 na 28 respondente o 59.6% ang sumasangayon na sapat ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng NEUST sa mga mag-aaral
na kumukuha ng kursong narsing; 15 respondente o 31.9% ang lubos na sumasangayon; 3 respondente o 9% ang hindi sang-ayon; 1 respondente o 2.1% ang walang
masabi; at wala ang nag nagsabing hindi sila lubos na sang-ayon na may berbal na
deskripsyon sang-ayon.

Talahanayan Bilang 1.2

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Kaunti lang ba ang


bilang ng mag-aaral sa
kursong narsing ng
NEUST na interesadong
pag-aralan ang
Panitikang Filipino?

15

6.4

3.55

SA

21

96

44.7

15

45

31.9

6.4

10.6

47

167

100

Total

Inilalahad sa talahanayan bilang 1.2 na 21 respondente o 96% ang


sumasang-ayon na konti lang ang mga mag-aaral na interesadong pag-aralan ang

Panitikang Filipino sa kursong narsing ng NEUST; 15 respondente o 31.9% ang hindi


sang-ayon; 5 respondente o 10.6% ang walang masabi; at tig-3 respondente o 6.4%
ang nagsasabing sila ay lubos na sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon
na may berbal na deskripsyong sang-ayon.

Talahanayan Bilang 1.3

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Sapat nab a ang


leksyon na itinuturo sa
mga mag-aaral bago
nito?

20

8.51

3.34

DS

22

88

46.81

13

39

27.66

4.26

12.177

47

157

100

Total

Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.3 na 22 respondente o 46.81% ang


nagsasabing sila ay sang-ayon; 13 respondente o 27.66% and hindi sang-ayon; 6
respondente o 12.177% ang mga walang masabi; 4 respondente o 8.51% ang lubos
na sumasang-ayon; at 2 respondenete o 4.26 ang lubos na hindi sumasang-ayon na
may berbal na deskripsyong hindi sang-ayon.

Talahanayan Bilang 1.4

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Kailangan bang
pagtuunan ng pansin
ng mga mag-aaral ang
pag-aaral ng Panitikang
Filipino?

16

80

34.04

4.21

SA

28

112

59.57

2.13

2.13

2.13

Total

47

198

100

Inilalahad sa talahanayan bilang 1.4 na 28 respondente o 112% ang


nagsasabing sila ay sang ayon na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga magaaral ang pag-aaral ng Panitikang Filipino; 16 respondente o 34.04% ang lubos na
sumasang-ayon; at tig1 respondente ang nagsasabing sila ay hindi sang-ayon, lubos
na hindi sumasang-ayon, at walang masabi na may berbal na deskripsyong sangayon.

Talahanayan Bilang 1.5

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Malaki ba ang bilang ng


mga estudyanteng
interesadong pagaralan ang Panitikang
Filipino?

30

12.77

3.40

DS

23

92

48.94

10

30

21.28

17.02

47

160

100

Total

Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.5 na 23 respondente o 48.94% ang


nagsasabing sila ay sang ayon na malaki ang bilang ng mga estudyanteng
interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino; 10 respondente o 21.28% ang hindi
sumasang-ayon; 8 respondente o 17.02% ang walang masabi; 6 respondente ang
nagsasabing sila ay lubos na sumasang ayon; at walang respondente ang
nagsasabing sila ay lubos na di sumasang-ayon na may berbal na deskripsyong
hindi sang-ayon.

Talahanayan Bilang 2

(Talahanayan Bilang 2.1) Kaalaman ng mga estudyante sa kurong narsing ng NEUST


sa larangan ng Panitikang sa ibang unibersidad.

a.) Mas magaling

13

27.66

b.) Kulang at nahuhuli sa leksyon

4.26

32

68.09

47

100

c.) Magaling ngunit kailangan pang


pag-ibayuhin ang pag-aaral
Total

Ipinapakita sa talahanayan bilang 2.1 na rank 1 32 respondente o 68.09%


ang nagsasabing magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin ang pag-aaral; rank
2 13 respondente ang sabing kulang at nahuhuli sa leksyon; at rank 3 ang mga
nag sabing mas magaling.

(Talahanayan Bilang 2.2) Istilo ng pagtuturo

F
a.) Ang mga trainers at mga

propesor ng NEUST ay mas student


centered, mas aktibo at mas
advanced ang pagtuturo kumpara s
mga trainers at mga propesor ng
ibang Unibersidad.

30

63.83

63.83

11

23.40

47

100

b.) Nahuhuli sa panahon ang istilo


ng pagtutuo ng mga trainers at
mga propesor ng NEUST kumpara
sa mga trainers ng mga propesor
ng ibang Unibersidad

c.) Hindi masyadong mahigpit o


istrikto ang mga trainers at mga
propesor ng NEUST kumpara sa
mga trainers at mga propesor ng
ibang Unibersidad

Total

Inilalahad sa talahanayan bilang 2.2 na rank 1 30 respondente o 63.83%


ay nagsasabing ang mga trainers at mga propesor ng NEUST ay mas studentcentered, mas aktibo at mas advanced ang pagtuturo; rank 2 11 respondente o
23.40% ang naglalahad na hindi masyadong mahigpity o istrikto ang mga trainers
at propesor ng NEUST; at rank 3 6 respondente o 12.77% ang nagsasabing
nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at propesor ng NEUST.

(Talahanayan Bilang 2.3) Kahigpitan ng NEUST sa pagtuturo ng Panitikan

OO

19.15

HINDI

17.02

MEDYO

30

63.83

Total

47

100

Ipinapakita sa talahanayan bilang 2.3 na rank 1 30 respondente o 63.83%


ay nagpapahayag na hindi masyado ang kahigpitan ng NEUST sa pagtuturo ng
Panitikan; rank 2 9 respondente o 19.15% ang nagsasabing mahigpit magturo ng
Panitikang Filipino ang NEUST; at rank 3 8 respondente ang nagsasabing hindi.

Talahanayan Bilang 3

Talahanayan Bilang 3.1

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Sa mga Guro ng Neust


nakasalalay ang
pagtaas o bagbaba ng
kaalaman ng mga magaaral sa Panitikang
Filipino.

15

75

31.91

3.98

SA

21

84

44.68

21

14.89

6.83

1
Total

2.13

47

187

100

Inilalahad sa talahanayan bilang 3.1 na 21 respondente o 44.68% ang


nagsasabing sang-ayon sila na sa mga guro ng NEUST nakasalalay ang pagtaas at
pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino; 15 respondente o
75% naman ang lubos na nagsang-ayon; 7 respondente o 14.89% ang nagsasabing
di sila sang-ayon; 3 respondente o 6.83% ang nagsasabing lubos na hindi sila sangayon; at 1 respondente o 2.13% ang walang masabi na may berbal na diskripsyong
sang-ayon.

Talahanayan Bilang 3.2

Kategorya

DR

WF

WM

VI

Sa mga mag-aaral
nakasalalay ang
pagtaas o pagbaba ng
kaalaman ng mga magaaral sa Panitikang
Filipino.

18

90

38.40

4.13

SA

23

92

48.94

6.38

6.38

47

194

100

Total

Ipinapakita sa talahanayan bilang 3.2 na 23 respondente o 48.94% ang


nagsang-ayon na sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino; 18 respondente o 38.40% ang
lubos na sumang-ayon; tig3 respondente o 6.38% ay di sumasang-ayon at walang
masabi; at walng respondente na nagpahayag na lubos na di sumasang-ayon na
may berbal na diskripsyong sang-ayon.

KABANATA 5

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

PAGLALAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina ang


kahalagahan ng Panitikang Filipino ng Nueva Ecija University of Science and
Technology sa kursong Narsing. Ang
Ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib nanormatib sarbey namn
ang ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Ang mga mananaliksik
ay nagdisenyo ng isang kwestyuneyr na ginamit na instrumento sa pangangalap ng

mga datos mula sa mga respondente. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taongakademiko 2010.
Sa apatnaput pitong (47) respondenteng unang taon na kumukuha ng
kursong Narsing sa NEUST.

KONKLUSYON

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

a.) Ang karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong narsing ay nagsasabing sapat ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa kanila ng pamantasan.

b.) Aminado ang mga mag-aaral na kaunti lamang ang bilang ng mga mag-aaral na
interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino

c.) Madami ang hindi sumang-ayon na Sapat ang leksyon na itinuturo sa mga magaaral bago ito.

d.) Karamihan ay nag-sasabing dapat pang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng


panitikang Filipino.

e.) Hindi sang-ayon ang mga studyante na interesado silang pag-aralan ang
panitikang Filipino sa kanilang kurso.

f.) Magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin kumpara sa ibang unibersidad ang
kaalaman ng mga mag-aaral ng NEUST sa larangan ng Panitikang Filipino.

g.) Mas student-centered ang mga propesor sa NEUST kumpara sa ibang


UNibersidad.

h.) Mataas ang nakuhang impormasyon sa medyo mahigpit ang NEUST sa pagtuturo
ng Panitikan.

i.) Sumasang-ayon ang lahat na sa guro nakasalalay ang kinalaman ng mga magaaral sa panitikang Filipino.

j.) Tanggap ng mga mag-aaral na sa kanila nakasalalay ang pagtaas at pagbaba ng


kanilang kaalaman sa Panitikang Filipino.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang


iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat,
tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyonp;

Para sa mga namumuno sa paaralan, maging mahigpit sa pagtanggap ng


mga guro sa Panitikang Filipino. Kailangan ipatupad ang minimum na
kwalipikasyong itinakda ng serbisyo sibil sa pagtanggap ng mga bagong guro sa
nabanggit na signature.

Sa CHED. Pag-aralan kung paano madaragdagan ang pondong inilaan sa


pagpapabuti ng pagtuturo sa Panitikang Filipino sa mga Paaralan o UNibersidad.

Para sa mga guro ng Pamantasan, maging mahigpit at istrikto sa pagtuturo


ng Panitikang Filipino sa mga mag-aaral. Mag-isip ng ibang istilo ng pagtuturo upang
makadagdag ng interest sa mga mag-aaral upang mahikayat itong mag-aral
mabuti.

Para sa mga Mag-aaral, bigayang pansin ang mga leksyon na itinuturo ng


mga guro sa panitikang Filipino. Pag-ibayuhin pa ang pag-aaral upang mapabilis ang
pag-unawa sa mga leksyon at mapabilis ang pagtuturo ng mga guro upang
makadagdag kaalaman.

Para sa mga Magulang, bigyang-pansin ang mga anak sa kanilang pag-aaral.


Hikayatin patio na mag-aral mabuti at ipaalam kung ano ang magandang idudulot
nito sa kanilang buhay at kung paano ityo makatutulong.

Para sa iba pang Mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na


ito upang makatuklas ng iba pang solusyon sa mababang istado ng panitikang
Filipino sa lalawigan.

Para sa iba pang mga Mananaliksik/CHED, magsagawa ng katulad na pagaaral hingil sa ibang asignatura at/o sa ibang local upang mahangaan ng mga
posibleng solusyon ang iba pang matutukoy na suliraning pang edukasyon.

You might also like