You are on page 1of 2

URI NG TAYUTAYKAHULUGANMGA HALIMBAWA

Simile o PagtutuladPaghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atbp.
Sa hayagang pamamaraan. Ginagamitan ng parang, wangis, anomo y, gaya ng, tila, tulad ng, mistula,
atbp.1. Balahibuhin parang labong ang mga braso niyaat binti.
2. Ang kanyang pisngi ay tila makopya sa kapulahan.
3. Siya ay parang nauupos na kandila sa kahihiyan.
4. Ang buhay natin ay kawangis ng gulong.
5. Ang buhay ng tao ay parang gulong.
Mitafora o PagwawangisPaghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atbp. Na
ginagamitan ng mga salita o pariralang pantulad sapagkat direkta nang ipinaaaangkin ang katangian ng tinutularan.
1. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.
2. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo.
3. Ang ina ay ilaw ng tahanan.
4. Ang pangulo ay haligi ng bayan.
5. Siya ay leon kung magalit.
Personifikasyon o Pagbibigay-KatauhanGinagamit para bigyang-buhay, pagtaglayin ng katangiang pantao
 talino, gawi, kilos, ang mga bagay na likas na walang buhay. Ito ay naisasakatuparan sa pamamagitanng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang diwa.
1. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi.
 2. Sa paglalakad ng buwan magbabago nang lahat ang takbo ng panahon.
3. Magmaktol man ang pagibig kung hindi bibigyang pansin tiyak na magtitigil din.
4. Kumakaway ang mga dahon sa ihip ng hangin.
5. Nakita kong kumikindat ang bituin.
Apostrofe o PagtawagIsang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa malayo o kaya
ay patay na. gayundin sa mga kaisipan o mga bagay na binibigyang-katauhan na parang kaharap na kinakausap.
1. Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
2. Tukso, layuan mo ako.
3. Buwan, sumikat ka na at pawiin ang kadiliman sa kapaligiran.
4. Pagasa, halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay buhay sa akin.
5. Diyos ko, tulungan mo ako.
Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole Ito ay isang lagpas-lagpasang pagpapasidhing kalabisan o kakulangan ng
isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
1. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
2. Sa sobrang problema namunting lahat ang buhok niya.
3. Kumukulo ang dugo ng biktima sa nangholdap sa kanya.
4. Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan.
5. Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto
.Paghihimig o OnomatopeyaIto ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
1. Nakailang kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin.
2. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod sa ginaw.
3. Dumagundong ang malakas na kulog.
4. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na trak.
5. Ang sagitsit sa kawali ng mantikang ipinamprito sa bangos ay lalong nagpasidhi sa aking pagkagutom.
Pag-uyam o IronyaSa tila namumuring pananalita pinaloob o pinahihiwatig ang paglibak, pagtudyo opagkutya.
Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi.
1. Bilib ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura nalunok mo.
2. Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa mga magulang.
3. Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
4. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robert ay nawala na ang relo
nito.
5. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyong kapareha.Pagpapalit-Saklaw
o SenekdokePagbanggit ng bahagi bilang kabuuan o ng kabuuan bilang katapat ng
bahagi.1. Ayoko ng makita ang mukha mo sa pamamahay na ito.2. Lahat tayo

y dapat magbanat ng
buto.3. Maraming bibig na umaasa sa kanya.4. Sampung bibig ang umaasa kay Anthony5. Isang katipunero ang nag
bunot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan.Pagpapalit-Tawag o MetonomiyaSa paraang ito ang pangalan ng
isang bagay na tinutukoy ay hinahalinhan o pinapalitan ng ibang katawagan, pero ang pinapalit ay may kaugnayan
sapinalitan.
1. Nagiging pulahan na ang iba nating kababayan.
2. Sila ang kawawang yagit sa lansangan.
3. Isinilang siya sa Perlas ng Silanganan.
4. Ang pananampalataya ay ating kaligtasan.
5. Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan.

You might also like