You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Imus Campus
Cavite Civic Center Palico IV, Imus, Cavite
(7 (046) 471-66-07 / 4366584
www.cvsu-imus.edu.ph

Department of Languages and Mass Communication


FILI 8: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PANIMULA: PUBLIKONG PAGSASALITA

5 KALIKASAN NG RETORIKA
1.) Imbensyon- ginagamit ito upang bigyan ng pagkakataon na maipahayag sa mabisa at
kawili-wiling pamamaraan ang nadarama, saloobin, guni-guni, takot, pantasya at iba pa.
2.) Pagsasaayos- ito ay isang elemento sa proseso ng pagsulat na magkakaugnay ang
paksa at detalye sa talata.
5.) Paghahatid- laging layunin ng sumusulat kung paano epektibong maihahatid ang
mensahe, ideya at diwa ng tekstong isinusulat.
3.) Estilo- ito ang katauhan ng nagsasalita o sumusulat. Pinipili at inaayos ang mga salitang
gagamitin sa isusulat.
4.) Memorya- sa pagsulat, maaaring mula sa nabasa, nakita, napanood o naranasan ang
batayan ng isusulat

ANO ANG PUBLIKONG PAGSASALITA?


 Ito ay ang pakikipagkomunikasyon o pagpaparating ng ideya gamit ang wika na may
pagkilos upang ipaalam sa kanila ang nangyayari sa isipan ng tagapagsalita.
 Ito ay ang pagbuo ng talumpati o pormal na pagbigkas ng talumpati sa harap ng
maraming tao, kung saan pinakikita ng ispiker ang kahusayan sa pagbigkas
 Isang anyo ng komunikasyon na ang tagapagsalita ay humaharap sa malaking bilang ng
tagapakinig at nagsasalita tungkol sa isang paksa. 
 Ito ay ang pakikipagugnayan ng mga ideya gamit ang mga salita at kilos upang malaman
ng iba kung ano ang iyong isinasaisip.
 Isang sining, maaring binuo sa pamamagitan ng pagsasanay.

LAYUNIN NG PUBLIKONG PAGSASALITA

 Magpabatid
 Manghikayat
 Mangatwiran
 Magbigay alam o impormasyon
MGA PRINSIPYONG DAPAT ISAALANG ALANG SA PUBLIKONG PAGSASALITA

 Kilalanin ang sarili


 Kilalanin ang iyong tagapakinig
 Alamin ang sitwasyon
 Kumuha ng mga reaksyon mula sa mga tagapakinig
 Mangalap/dumiskubre ng mga materyales na may kaugnayan sa paksa
 Magbigay ng lohikal na argumento

MGA TAGUBILIN SA PAGPAPABUTI NG KASANAYAN SA PUBLIKONG


PAGSASALITA

 Ikalma ang sarili


 Irelaks ang boses
 Alisin ang takot sa sitwasyon
 Paulit-ulit na pagsasanay

ANG SINING NG KOMUNIKASYON

Katuturan at Kahulugan

 Ang Sining ay tumutukoy sa ano mang kasanayan na kung saan ipinapakita at


ipinapahayag ng isang tao ang kagandahan na nasa kanyang paligid sa
pamamagitan ng natural na pandama at pang-amoy.
 Ang Komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan
ay ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
 Ang Sining ng Komunikasyon ay nagsasaad at nagpapakita ng pagsasanib ng wika
at pagbasa. Ang binasang kathang pampanitikan ang nagsisilbing nilalaman upang
linangin ng guro ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Ang mga karanasan ng
iba't ibang tauhan sa katha, mga kaisipan at temang isinasaad nito ng ang gagamitin
upang linangin ang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat.

Iba't Ibang Kahulugan ng Komunikasyon

Sikologo: Napiling pagtugon o reaksiyon.

Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay


niya sa kanyang kapaligiran.

Ang komunikasyon ay isang paraan para ihatid at ipaunawa sa nakikinig ang impormasyon
na iyong ipinapahayag sa lahat ng uri ng mensahe na pinagtatambalan ng mga proseso ng
pagsasalita at pagpapaunawa sa iyong kausap.
Ang Komunikasyon Bilang Isang Proseso

Ito ay magmumula sa mananalita na nagpapahayag ng isang mensahe at magtatapos sa


tumatanggap o nakikinig.

Sa kasalukuyan, wika pa rin ang pinakagamitin sa paraan ng paghahatid ng anong uri ng


mensahe dahil pwede itong magamit sa paraan ng pagsusulat o pagsasalita.

Mga Uri ng Komunikasyon

Komunikasyong Berbal ~isang anyo ng pag hahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga


salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay.

Komunikasyong Di-Berbal ~hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita o
pasulat. Madalas rin tayong gumamit ng mga di-berbal na anyo ng komunikasyon.
Halimbawa, Kapag nahuli ng isang ina ang kanyang anak, hindi maililihim ng bata ang
kanyang kasalanan sa kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay
sa kabila ng kanyang matigas na pagtanggi.

Ang Layunin ng Komunikasyon

-Pagpapabuti ng ugnayan sa kapwa

-Magpabuti at magpaunlad ng sarili, lipunan, at bansa

-Maiparating ang gusto at di gusto sa mga nasa paligid at itama ang mga bagay para
magkaroon ng pagkakaintindihan.

You might also like