You are on page 1of 1

Langaw sa Isang Basong Gatas: Pagsusuri

Sa kuwento,walang makikitang langaw, walang makikitang baso at lalong walang


makikitang gatas. Ang kuwento ay ukol sa isang magbubukid na pinipilit na paalisin sa lupaing
kanyang sinasaka sapagkat siya ay isang ‘eye sore’ sa bagong subdibisyong itinatayo sa gilid
ng inookupa niyang lupa. Ang mambubukid ay Dito masusuri ang kwento ayon sa ekonomiya.
Nakakalungkot mang isipin pero sa kasalukuyang panahon ay hindi maikakaila na ito ay
nangyayari pa din. Maraming mga lupa ang kinukuha sa mga mamayang hindi kayang
paglaban ang kanilang mga pag-aari.

Pagdating naman sa aspetong kultura, sa kuwento ay ipinakikita ang pag-uuri ng tao


batay sa kanyang katayuan sa buhay, kung siya ba ay may pera o wala, may pinag-aralan o
maledukado, may lahi ba o wala. Matinding diskriminasyon ang ipinabatid dito. Parte na din
ng kulturang Pilipino ay ang pagkakaisa sa pagharap sa isang problema, sa kwento ay
mababasa kung pano bumuo ng grupo ang mag asawa at nagrally upang ipaglaban ang
kanilang lupain na ninakaw mula sa kanila.

Ipinakikita rin ang pagpanig ng batas o ang pagpapaikot sa batas upang pumanig sa
mga may kaya laban sa mga pesante. Malinaw na isang pagmamalabis sa kapangyarihan
ng mga taong may kapit samay kapangyarihan o makapangyarihan mismo. Nagkaroon ng
360 digring ikot ng paggamit sa gatas dito kung ikukumpara sa gamit sa gatassa panitikang
ng mga naunang piryod. Kung buhay,pagka-ina, o pagiging bata ang mga naunanggamit sa
gatas, dito, ginamit ang gatas bilang representasyon ng kapangyarihan at mataas naestado
sa buhay samantalang ang mga taong siyang nagtitiyagang maggatas sa kambing, kalabawat
baka ay silang mga itinuring na langaw

You might also like