You are on page 1of 23

MODYUL 1:

KULTURANG
POPULAR
ISINUMITE NI:

AGUILAR, MYLENE ANGELOU V.

ISINUMITE KAY:

Bb. LOPEZ, BOIE L.


PAGTALAKAY

GAWAIN

Ano-ano ang iyong inaasahang matutuhan sa Kulturang Popular? Punan ang

sumunod na chart ng inyong mga inaasahan, mga hamong kinahaharap sa

pagaaral, at komitment sa pag-aaral.

Dugtungan ang sumusunod na mga pahayag:


Inaasahan kong matutuhan sa Ang mga iba’t ibang uri ng mga kadahilanan kung

kursong ito… bakit nais ng mga tao na makasabay sa

napapanahon o sikat na bagay, tao at pangyayari na

nakakaimpluwensiya sa kultura at pagkatao.

Inaasahan ko rin na matutuhan kung paanong ang

kulturang popular ay humuhubog sa kamalayan ng

isang tao upang maramdamang katanggap tanggap

ito sa lipunang kinagagalawan.

Mas madali akong matuto kapag/sa Kapag nasa isang tradisyunal na klase kung saan,

pamamagitan… personal na nakikipagtalakayan at interaksyon sa

guro at mga kamag- aral. Mas madali rin akong

matuto kapag mayroong brainstorming sa pagitan ng

mga kamag-aral ko sapagkat nakakapag-palitan kami

ng mga kuru-kuro at ideya sa bawat isa sa amin.

Sa kasalukuyan, hamon sa aking Ang pagbabago ng modal o kalakaran sa pagtuturo,

pagkakatuto ang … mula sa tradisyunal na klase tungo sa makabagong

1
kalakaran kung saan ay online o modular ang

ginagamit. Hamon ito para sa mga guro at mga mag

aaral sapagkat hindi lahat ay may pribilehiyo na may

gadyet o internet na gamit sa bahay.

Kaugnay nito, hangad ko ang aming Magkaroon ng mabuting puso at pang-unawa sa

instruktor mga nangyayari at hamon sa bawat buhay ng mga

ay… mag-aaral. Hangad ko rin na maituro nya sa amin

ang bawat lektura at mga payo sa buhay na kaniyang

hatid upang mabaon namin ito sa susunod na

panahon.

Makikilahok sa lahat ng talakayan, magpapasa ng


Bilang bahagi ng klase,
Ipinapangako ko na ako ay… mga gawain sa takdang oras at higit sa lahat ay hindi

mandaraya sa kahit anong paraan.

REPLEKSYON

Ano ang iyong komento sa nilalaman at daloy ng kurso?


2
Base sa aking pang-unawa, malinaw at mahusay na nailahad at natalakay

ang nilalaman at daloy ng kurso. Madali kong masusundan ang bawat talakayan at

ang takdang oras na nakalaan para dito sapagkat mayroong mga gabay na tanong

upang matiyak ko na nauunawaan ko ang aking binabasa. Nagkakaroon ako ng

kaunting ideya sa kung ano ang tinutukoy ng nasa aralin. Gayundin sa mga layunin

na nakasaad sa daloy ng kurso mas madaling maunawaan ang inaasahang

matutunan ko sa mga maiisagawang gawain at talakayan. Malinaw rin ang mga

kahingian kung saan nakatala ang gabay kung paano magkakaroon ng puntos sa

mga gawain na dapat sagutan. Nalalaman ko rin kung hanggang saan at ano ba

ang dapat aralin sa ilang lingo na nakasaad sa daloy ng kurso.

Ano ang iyong palagay sa mga patakran sa klase? May nais ka bang linawin?

Sa aking palagay sa mga patakaran sa klase nais kong linawin kung sa

pagapasa ng mga gawain na nahuli sa itinakdang oras ay kung mayroon bang

pagbawas ng puntos at kung tatanggapin ang ipinasa.

Kahingian

Gawain 1: Directory ng Mag-aaral 3


Buong Pangalan Mylene Angelou V. Aguilar

Tirahan Brgy. Panasahan city of Malolos, Bulacan

Cell Phone No. +63906-6483-501

Gmail Aguilarmyleneangelou@gmail.com

FB Account URL https://www.facebook.com/myleneangelou.aguilar


 Synchronous
/ Asynchronous
Moda ng Pagkakatuto
 Remote Print

Gawain 2: Diagnostic Test

Ang mga sumusunod ay mga konsepto na tatalakayin sa klase. Layon ng gawaing


ito na mataya ng guro ang antas ng kabatiran ng estudyante sa mga konseptong
saklaw ng kurso. Walang tama o maling sagot sa gawaing ito. Inaasahang
sasagutin ng estudyante ng buong katapatan ang gawain.

Panuto: Tukuyin ang antas ng inyong kabatiran tungkol sa kahulugan at


kabuluhan ng konsepto.

Lagyan ng markang tsek (✔) sa tapat ng angkop na BILANG.

1 kung HINDI pamilyar sa salita

2 kung Naririniig/ nababasa ang salita pero HINDI malay sa kahulugan.

3 kung MAY KAUNTING IDEYA sa kahulugan at kabuluhan ng salita.

4 kung LUBOS na nauunawaan ang kahulugan at kabuluhan ng salita.

KONSEPTO 1 2 3 4
1. nasyon ✔
2. kultura ✔

4
3. ideolohiya ✔
4. politika ✔
5. gitnang-uri ✔
6. tunggalian ✔
7. gahum ✔
8. konta-gahum ✔
9. kapitalismo ✔
10. naghaharing uri ✔
11. neoliberalismo ✔
12. subkultura ✔
13. kolonyalismo ✔
14. produksiyon kultural ✔
15. globalisasyon ✔
16. terrain ✔
17. pre-determined ✔
18. ideolohikal na aparato ✔
19. hegemony ✔
20. niche audience ✔

B. Panuto: Tukuyin kung sang-ayon o di sang-ayon sa sumusunod na


pahayag. Lagyan ng markang tsek (✔) sa tapat ng angkop na tugon.
PAHAYAG SANG- DI DI ALAM
AYON SANGAYO
N
1. Ang isang inbidwal ay awtomatikong ✔
nagiging bahagi ng nasyon sa oras na siya ay
ipanganak.
2. Magkatumbas ang lahi at nasyonalidad. ✔
3. Pasibo ang mga mamimili sa loob ng mall. ✔

4. Ang danas sa mall ay idinikta. ✔


5. Ang mall ay senyales ng paglakas ng ✔
ekonomiya ng isang siyudad.
6. Walang kontrol ang mga manonood sa ✔
kanilang natutunghayan na palabas.
7. Kayang baguhin ng mga contest sa ✔
telebisyon ang buhay ng mga kalahok.
8. Ang kahirapan ay tadhana o nagkataon. ✔
9. Ang indibidwal ang responsible sa pagahon ✔
sa kahirapan.
10. Ang mga memes ay isa lamang source ng ✔
entertainment sa mga birtwal na komunidad.

11. Hindi dapat gawan ng memes ang mga ✔


seryosong usapin o isyu.

5
12. Ang kultura at mga paniniwala na umiral sa ✔
mahabang panahon ay hindi na dapat palitan.

13. Walang magandang resulta ang ✔


pagrereklamo sa mga social media site.
14. Dapat limitahan ang kalayaan ng mga ✔
taong magpahayag ng opinyon at saloobin
upang mas umiral ang disiplina.
15. Ang kabataan ay dapat na makisangkot sa ✔
mga napapanahong isyu.
16. Makapangyarihan ang mamayan. ✔
17. Kailangang may sensura o censorship sa ✔
mga ipapalabas sa telebisyon, pelikula, at mga
pahayagan.
18. Mas maraming mabuting epekto ang ✔
kapitalismo kaysa masamang epekto.
19. Ang epekto ng globalisasyon ay makikita ✔
sa ating pananamit, pinapanood, kinakain, at
pag-iisip.
20. Malaki ang impluwensiya ng kulturang ✔
popular sa paghubog ng kamalayan ng
mamayan.

Kulturang Popular (AAH101b) 1

Ang Pilipinas sa Daluyong ng Globalisasyon


Pagbibigkis at Paghihiwalay:
Pagsusuri sa Kapangyarihan ng Kulturang Popular

6
Introduksiyon

Bakit sikat ang Ben&Ben? Bakit mahaba ang pila sa samgyupsal at unli-
wings? Bakit naging patok ang Wattpad sa mambabasang kabataan? Bakit
tinatangkilik ang mga sikat na vlogger? Ilan lamang ang mga tanong na ito sa
sisikaping sagutin ng Kulturang Popular. Ang bawat tanong na nabanggit sa itaas ay
nagpapakita sa naghaharing danas lalo ng kasalukuyang henerasyon. Ang
problema sa pagiging lubog sa mga karanasang ito ay ang paglimot sa simple
ngunit mahalagang proseso ng pagkukuwestiyon, pagtatanong, at paghamon sa
realidad na nakagisnan kahit na ito ay itinuturing nang kultura.

Paunang Pagtataya

Anong karanasan ang nagpapatibay sa iyong identidad bilang Pilipino?

Sa aking paghihinuha sa aking mga naging danas, isa sa nagpatibay sa

aking identidad bilang Pilipino ay ang pag-aaral sa pinagmulan ng wika, kultura at

kasaysayan nating mga Pilipino sa pamamagitan ng kursong Buhay, Gawa at

Sulatin ni Dr. Jose Rizal. Mas naramdaman ko na kabahagi ako ng isang nasyon

sapagkat kahalintulad ng pag-iisip ni Dr. Jose Rizal sa bansang Pilipinas, tayong

mga Pilipino ay may sariling wika, kultura at sibilisasyon bago pa man tayo

masakop ng mga banyaga. Naikintal sa aking isipan na hindi natatapos ang

pagiging Pilipino dahil sa kulay ng ating balat, pagiging maliit o sarat ang ilong kundi

sa ating pagmamahal sa bayan.

Puntos __ / 5

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay tumbas sa 5 puntos.

7
1. Paanong hinihiraya ang isang nasyon ayon kay Benedict Anderson?

Ayon kay Benedict Anderson, hinihiraya ang isang nasyon sa pamamagitan

ng pagkakaroon ng kamalayan ng mga tao at nagkakaroon ng mga bagay na

pinanghahawakan upang masabing bahagi sila ng isang bansa o nasyon. Ayon sa

kaniya, ang pagsasalo sa wika, paniniwala, kasaysayan, at danas ang bumubuo

sa konsepto ng nasyon sa isip ng mga tao. Ang paghihiraya ng mga tao ay

nagbibigay daan tungo sa pagbubuo ng nasyon.

2. Bakit mahalaga ang wika, kasaysayan, at kultura sa paghiraya ng nasyon?

Mahalaga ang wika, kasaysayan, at kultura sa paghiraya ng nasyon

sapagkat, ayon sa sinasabi ni Benedict na bagamat hindi natin makikilala o

makakausap ang bawat Pilipino ngunit dahil nagsasalo tayo ng iisang wika at

paniniwala ay kinikilala natin ang bawat Pilipino saan mang sulok ng mundo bilang

“kapuwa” dahil sa inyong pagsasalo ng wika, danas, paniniwala, at kasaysayan.

Kahalintulad ng mga Pilipinong OFW sa ibang bansa na kapag may nakilalang

kapwa Pilipino ay mayroong pakiramdam na sila ay kabahagi ng isang nasyon kahit

pa ito ay hindi nya kakilala ay tatawagin pa itong “kababayan”.

3. Paanong nagkamukha ang sitwasyon ng Catalonia at Hong Kong?

Nagkamuka ang sitwasyon ng Catalonia at Hongkong sapagkat pareho

silang kabahagi ng heograpiya ng isang bansa; Espanyol at Tsina. Kaparehas

8
na hindi sapat ang heograpikal na katangian ng bansa, ang lahing

pinagmulan, o magkakatulad na katangiang pisikal upang mahiraya ng

mamamayan na bahagi sila ng isang nasyon. Iginigiit ng mga Hongkonger at

Catalans na mayroon silang sariling wika, kasaysayan, at kultura na iba sa

Espanya at Tsina.

Puntos __ / 15

PAGTATASA

Paunlarin ang iyong ibinahaging sagot sa Paunang Pagtataya (nasa pahina 1). Sa
tulong ng mga napag-alaman sa araling ito, talakayin ang iyong karanasan na

9
nagpapatibay sa iyong identidad bilang Pilipino. Gamitin ang pamantayan sa
pagmamarka sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 250
salita.

SAGOT:

Kahalintulad ng naunang tugon ko sa Paunang Pagtataya, ang masasabi

kong naging karanasan ko na nagpatibay sa aking identidad at pagkatao bilang

isang Pilipino ay ang mamulat ako sa kalagayan ng mga kasalukuyang Pilipino

bilang isang kabataan. Sa mga araling nabasa ko at sa mga pangyayari sa lipunan

na aking nasaksihan; alam ko na ako ay isang Pilipino. Ang pang- aapi o opresyong

nararanasahan ng mga Pilipino higit ng mga kababaihang katulad ko ang

nagpatibay ng aking identidad bilang Pilipino. Ang pagiging mulat din sa mga isyung

panlipunan ang nagbigay daan upang marinig ang boses ng mga taong pilit

pinatatahik. Para sa akin ang tunay na Pilipino ay hindi ipasasawalang bahala ang

nangyayari sa ating kapwa at hindi kakampi sa ano mang uri ng opresyon. Ang

mga bayaning kagaya ni Dr. Jose P. Rizal at ni Gat. Andres Bonifacio ang

nagpatunay sa tapang na nananalaytay sa dugo ng mga Pilipino ang siyang

kumintal sa aking isip na hindi basta- basta ang mga Pilipino. Ang makabagong

pakikibaka o pangangalampag na isinasagawa ko sa mga social media platforms

ang nagging susi upang maipahayag ko ang mga maling nangyayari ang nagpatibay

sa aking identidad bilang isang Pilipino. Alam kong hindi natatapos ang pagiging

Pilipino kung ikaw ay isinilang sa bansang Pilipinas bagkus ang pagiging isang

Pilipino ay naisasaisip, naisasapuso at nagagamit ang bawat ipinamanang kultura,

wika at kasaysayan ng ating mga ninuno.


KAHINGIAN

10
Maaaring panoorin ang bidyong “Bangsamoro Autonomy Explained” sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=oD_dlmpUN_o o gamitin ang mga dating
kaalaman tungkol sa ARMM sa pagsagot. Paanong mailalapat ang sinasabi ni
Benedict Anderson na ang nasyon ay hiniraya lamang sa sitwasyon ng mga Moro
sa Mindanao? Ipaliwanag kung bakit sila humihingi ng awtonomiya at ang
implikasyon nito sa paglikha ng nasyon. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka
sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 300 salita.

Base sa aking pag-unawa sa aking mga nabasa at napanuod tungkol

sa Autonomous Region In Muslim Mindanao na matatagpuan sa isla ng Mindanao.

Binubuo ito ng limang Muslim provices: Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu,

at Tawi – Tawi at syudad ng Marawi at Lamitan.

Noong dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay hindi napagtagumpayang sakupin

ang mga mamamayang Muslim sa katimugan ng Pilipinas. Nilabanan nila ang mga

Kastilang mananakop at hindi nila pinayagang mabautismuhan sila ng inihahayag

nilang relihiyon o pagiging kristiyano. Gayundin ang mga mananakop na mga

Amerikano at hanggang sa kasalukuyan. Upang maunawaan kung ano ang nag-

uudyok sa mga mamamayan ng Moro sa naturang hidwaan, kinakailangang pag-

aralan ang kanilang kasaysayan, relihiyon, at ang kanilang etniko na bumubuo sa

kanilang iba't ibang mga panrehiyong pangkat. Ang mga batayan ng kanilang

relihiyon ay nangangailangan ng isang homogenous Islamic government. Sa

Pilipinas mangangailangan ito ng paghihiwalay, o hindi bababa sa kabuuang

awtonomiya para sa mga lugar ng Muslim. Hindi ito pinapayagan ng pamahalaang

Kristiyano na nagpatuloy sa sanhi ng insurhensya ng Moro. Ang sigalot ay tiyak na

magpapatuloy hangga't ang awtoridad ng Kristiyano ay ipinataw sa mga

mamamayang Moro. Ang Moro problem na ito ang sa tingin kong naging dahilan

upang humingi sila ng awtomasiya sa central na gobyerno dahil sa kanilang

sagradong paniniwala sa kanilang relihiyon, kultura, kasysayan at wika na taliwas sa

11
mga ibang rehiyon sa Pilipinas. Ang mga moro ay may ideolohiyang kakaiba sa

ibang parte ng bansa kahit pa sila ay bahagi parin ng Pilipinas o kahit pa sila ay

ipinanganak dito ay at talagang masasabing may hinihiraya nilang sila ay mga

Muslim na may iisa silang nasyon na ayon sa sinasabi ni Benedict Anderson na ang

paghiraya ng nasyon ay nilikha ng pagsasalo-salo ng wika kasaysayan at

paniniwala.

12
Kulturang Popular (AAH101b) 2

Ang Pilipinas sa Daluyong ng Globalisasyon Ang


Mall Bilang Kuna: Pagsusuri sa Kulturang Popular
at Globalisasyon sa Pilipinas

Hanapin Natin!

Hanapin at isulat ang kahulugan ng sumusunod na mga salita na makikita sa


pagtalakay.

1. politika – Ang politika ay mga aktibidad na nauugnay sa pag-iimpluwensiya sa

mga askyon at paniniwala ng tao, grupo, at institusyon.

2. gitnang uri – Ang gitnang uri ay isa sa klase ng “social class status”. Ito ay ang

pagdanas ng kasapatan at hindi kasalatan. May kaunting pag- aaari at napapag

aralan ang mga anak. May maayos na lifestyle ito yung mga taong kaya pang

gumastos para sa mga luho o pagiging burgis.

3. pre-determined – Ayon sa talakayan ito ang pre-determined ay nakadikta o

nakaplano na ang isang bagay bago pa man ito malaman. Halimbawa nalang nito

ay ang mall na nakapre-determined na ikaw ay maligaw dahil ito ay sadya.

4. terrain – Sa aking pag unawa ang ibig kahulugan ng salitang ito ay ang

pinakamataas na bahagi ng isang tunggalian. Kung saan ditto matatagpuan ang

pinakamahalagang bahagi ng tunggalian.

5. subkultura – Paniniwala ng isang indibidwal na may sariling paniniwala,

pamantayan at mga pag-uugali. Nakapaloob ito sa isang umiiral na kultura,

halimbawa nito ay ang pagiging “homie” hindi ka mapapabilang sa ganito kung

hindi ka nakikinig ng rap music.

13
Paunang Pagtataya

Magbahagi ng iyong paboritong karanasan sa loob ng mall. Anong produkto o

serbisyo ang iyong karaniwang tinatangkilik sa loo ng mall?

Ang paborito kong karanasan sa loob ng mall ay noong ako ay bata pa at ito

ay tuwing pasko sapagkat pagkatapos naming mamasko ay magtutungo kami sa

mall upang doon gastusin ang aming perang pinamaskuhan. Magkakasama kaming

buong pamilya upang kumain sa paborito naming kainan, walang iba kundi kay

Jollibee. Pagkatapos ay manunuod ng Enteng Kabisote sa sinehan at mapapabili ng

popcorn at softdrinks upang lalong maenjoy ang panunuod. At bago umuwi ay hihirit

pa na maglaro sa timezone upang masulit ang oras n gaming pagpunta sa mall.

Sa kasalukuyan, pag ako ay pumupunta sa mall ay mayroong dalawang

dahilan: maglalabas ng sama ng loob o di kaya ay bibili sa paborito kong bilihan ng

pang skincare, at yun ay sa Watsons. Magdamag akong maglilibot sa mall kahit na

ito ay kabisado ko na, upang magpalamig dahil sa init ng dulot ng P.E sa BulSU.

Iyan lamang ang ilan sa aking paboritong karanasan sa loob ng mall.

Puntos __ / 5

14
Pag-unawa sa Binasa 1

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay may tumbas na 5 puntos.

1. Sino ang may hawak ng kapangyarihan ng espasyong gaya ng mall?

Ayon kay Rolando Tolentino ay mayroong tatlong pananaw sa kulturang popular

bilang terrain ng tunggalian. Nangangahulugan sa tatlong pananaw na ito kung sino

ang may hawak ng kapangyarihan ng espasyong gaya ng mall. Una, ang

Institusyunal na Pananaw, kung saan kinikilala ng mga tao na ang may hawak ng

kapangyarihan ay ang mall o institusyon kung saan ang mall nagdidikta sa tao kung

ano ang popular at kung ano ang dapat sundin ng mga tao. Maging ang mga

nauusong damit ay idinidikta ng mall.

Ang ikalawang pananaw naman ay ang popularistang pananaw kung saan may

kakayahan din ang tao na magdikta sa mall. Nadidikahan ng tao ang mall sa kung

anong popular at ano ang gusto nating tangkilikin.

Sa ikatlong pananaw naman ay sinasabing bagamat may kakayahang magdikta

ang institusyon ngunit ang mga tao ay may kakayahan din na magdikta sa kung ano

ang magiging popular kahit na may limitasyon lamang.

2. Sa anong produkto o danas sa loob ng mall masisipat ang globalisasyon?

Ang mga produkto o danas sa loob ng mall na masisipat ang globalisasyon

ay katulad ng mga cosmetic products na nagmula sa Korea gaya ng Etude

House sa Robinsons Place Malolos. Madalas itong tangkilikin dahil sa nauusong

K-drama na nagpapakita ng mga produktong ginagamit ng mga artista sa Korea.

Mayroon na din iba’t ibang restaurant na espesyalisado sa particular na bansa

15
gaya ng Samgyupsal ng Korea, Japanese, Hainanese, Mexican at maging

French Cuisine. Hindi mo na kailangang bumisita sa mga nabnaggit na bansa

upang matikman ang mga putahe na ito dahil may imitasyon na inilalaganap sa

loob ng mall.

3. Alin sa tatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian ka

naniniwala? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian sa

unang pananaw ako naniniwala, sapagkat ang institusyonal na pananaw ay may

kakayahang diktahan ang mga mamimili sa kung anong dapat bilhin o maging

danas ng mga taong pupunta sa loob ng mall. May naoobserbahan aakong

pamilya na masasabi kong nasa gitnang uri na madaling maimpluwensyahan sa

kung ano ang inaasahan ng naghaharing uri. Halimbawa nito ay ang mga anak

nila ay nakakita ng laruan na nakadisplay sa ground floor ng mall kahit na wala

silang balak na bumili nito dahil ito ang iniuudyok ng mall ay mapapabili sila.

Naniniwala ako na malakas ang kapangyarihan ng institusyon sa opaghubog ng

kamalayan ng mga tao.

Puntos ___/ 15

16
Suriin Natin

Basahin at suriin ang tulang “Big One” ni Keanu Harold G. Reyes. Gamiting gabay
ang mga tanong sa ibaba sa pagsusuri.

Big One ni Keanu


Harold G. Reyes

Doon tayo sa SM malagi


Habang hinihintay,
Ang pagdating,
Ang pagyanig,
Ng matinding
Lindol.
Dahil guguho,
Ang Angat Dam.
Babahain,
Ang buong lalawigan.
Aanurin tayong lahat,
Hanggang Pacific Ocean.

Kaya sa SM tayo mamalagi,


Dahil ang bawat poste nito ay dingding,
Pasok sa International standard.

Dahil wala raw pondo


Dahil wala raw pondo Para
ang dam ay makumpuni,
Kaya sa SM tayo mamalagi.

17
Pag-unawa sa Binasa 2

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay may tumbas na 5 puntos.

1. Ano ang mahihinuhang sitwasyon sa tula?

Ang nahinuha kong sitwasyon sa tula ay ang pag iisip na ang mall ay ideyal

na espasyo kung saan ay napakaperpekto nito. Nagkakaroon ng paniniwalang hindi

maapektuhan ng kahit anong baha, lindol o kahit ano pa mang kalamidad ang mall.

Kung saan sa mall ay isang ligtas at napakagandang lugar. Walang ingay at

kaguluhan, walang mabahong amoy na nagmumula sa tubig baha na hindi ito

papasukin dahil mataas ang estruktura ng mall.

2. Paanong inilarawan ang mall bilang espasyo sa tula?

Inilarawan ang mall bilang ideyal na espasyo sa tula. Isang lugar kung saan

may matataas na poste at dinging na kailanman ay hindi matitibak ng kahit anong

kalamidad gaya ng lindol at baha. Binanggit na ang mall ay pasok sa international

standard kung saan inilarawan na pang world class ang estruktura ng mall. Kung

saan kahit na anurin ang lahat nandoon pa rin ang mall at hindi ito maapektuhan sa

sobrang tibay nito.

3 Ano ang ugnayan ng mall, dam, at lindol sa tula?

Ang ugnayan ng mall, dam, at lindol sa tula ay pagkukumpara nito sa

estruktura ng mga nabanggit. Sa tula mas pinaniniwalaan pa na ang mall ay mas

matibay pa kaysa sa dam. Kung saan nakasaad na masisira ang dam dahil sa lindol

ngunit mananatiling nakatayo ang mall sapagkat pasok sa international standard

ang estrutura ng mall. Masisira ang dam at hindi makukumpuni ngunit hindi ang

mall. Perpekto sa paningin ng ibang tao. Ligtas kung iispin, welcome lahat ng tao sa

18
loob ng mall ngunit alam natin na may invisible na timbangan ang pinto ng gate ng

mall.

Puntos ___/ 15

Pagtatasa

Paunlarin ang iyong ibinahaging sagot sa Paunang Pagtataya (nasa pahina 2).
Magbahagi ng iyong paboritong karanasan sa loob ng mall. Sa tulong ng mga
napagalaman sa araling ito, talakayin ang produkto o serbisyo ang iyong
karaniwang tinatangkilik sa loo ng mall. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka
sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 250 salita.

SAGOT:

Mayroon akong hindi malilimutang karanasan sa loob ng mall noong bata pa

ako. Tatlo kaming magkakapatid at tuwing Linggo, pagkatapos ng pagsisimba ay

didiretcho kami papuntang SM Marilao. Kung saan ay mamasyal kami at kakain sa

paboritong kainan ng mga bata, walang iba kung hindi kay Jollibee. Masayang

masaya kami kumain doon kahit na madalas kami kmain sa Jollibee ay hindi kami

nagsasawa. Habang kumakain ay doon nabubuo yung mga pangarap namin bilang

isang pamilya. Akala ko ay mayaman kami kasi kada-Linggo nalang ay magpupunta

kami sa mall upang mamasyal kung minsan ay namimili ng mga pagkain sa SM

Supermarket para sa bahay o di kaya ay simpleng mamasyal lang sa Timezone.

Kapag magpapasko ay mamimili kami ng pamasko at pag nakapamasko na kami ay

manunuod kami ng sine. Napakasaya ko kapag nagpupunta sa mall naisip ko pa

nga na doon na lamang tumira dahil lahat ay kumpleto na akala ko ay libreng

nakukuha. Ngunit nangyari ang kinatatakutan ko bilang isang bata, huminto na kami

pumunta sa mall pati na rin ang magsiba. Lingid sa aming kaalamang magkakapatid

ay nawalan pala ng trabaho ang aming Ama at hindi na maayos ang pagtrato nito

samin lalo na sa aming Ina. Naging malungkot at matamlay kaming magkakapatid

19
noon lalo na ako sapagkat di na kami nakakapunta sa mall para kumain o

mamasyal. Isang araw ay pumunta muli kaming pamilya sa SM Marilao,

napakasaya ko at sobrang excited. Binilan kami ng mga damit at laruan ng Ama

naming at kumain ulit sa Jollibee. Ngunit hindi naming alam na huli na pala yun kasi

iiwan na kami ng Ama namin dahil maghihiwalay na sila. Ang araw na hindi ko

malilimutan ang pinakamasayang araw at pinakamalungkot din, kaya ng tumanda

ako kapag pumupunta ko sa SM Marilao kahit masaya ang paligid ay parang

nagluluksa ako.

20
Kahingian

Sumulat ng maikling repleksiyong papel sa kung paano mong tinitingnan ang mall
noon at ihambing ito sa iyong kasalukuyang pagtingin. Paanong nagbago ang iyong
pagtingin sa mall bilang espasyo? Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa
ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 300 salita.

Noon, tinitingnan ko ang mall bilang isang lugar na napakaperpekto, ideyal at

napakasayang lugar. Para sa akin ang mall ay nagpaparamdam sa akin na may

kakayahan ako sa buhay dahil nakakaya kong makabili ng luho na inilalatag sa akin

ng mall. Gaya nga ng ibinahagi kong karanasan sa loob ng mall noong bata pa ako

ay akala ko ay mayaman kami kasi madalas kami kumain at mamili sa mall.

Napakaganda pa ng estruktura nito, maliwanag ang mga ilaw, malamig dahil sa

aircon, malinis ang paligid at higit sa lahat ay may flush ang toilet na sa bahay ay

wala naman. Isa pa ay kapag nasa mall ako ay pakiramdam ko na mataas akong tao

sapagkat kung tawagin ako ay “Ma’am” o di kaya ay “Miss”. Makikita mo rin sa ideyal

na espasyong ito na magagara ang damit na suot ng mga tao sa loob nito na kagaya

na lamang ng nakadisplay na suot ng mannequin sa mga department stores.

Aakalain ko na nakarating na ako sa ibang bansa dahil nakikita ko sa loob ng mall,

gaya ng Ice skating sa Mall of Asia o di kaya ang malaking tsubibo na naghahatid ng

mala-London-eye vibes. Subalit, matapos ang makabuluhang talakayan sa ating

lektura sa kulturang popular ay nabago ang tingin at paniniwala ko sa mall. Kung

para sa akin noon ay ideyal na espasyo ito at tinatagusan ng aking mga mata ang

mga manggawa ng mall na nagbibigay serbisyo at tumatawag sa akin ng mga

paggalang na salita ay para sa kanila ang mall ay isang opresyon. Naisip ko na hindi

pala dapat magsaya kung may mga taong nagdurusa sa pagiging kontraktwal,

21
pagtayo ng matagal kahit na hindi pa sila nakakain o hindi makatarungang sahod na

hindi matutumbasan ng kanilang pagod. Hindi dapat ito ipasawalang bahala

sapagkat isa lamang itong nagpapakita na hindi pantay-pantay ang pagtrato sa loob

ng mall.

MARAMING SALAMAT PO MAAM BOIE!!!!

22

You might also like