You are on page 1of 7

Modyul 2

Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan


Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan
sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri
at pagpapaliwanag ng panitikan. Mahalaga sa panunuring pampanitikan na mabatid kung
kailan isinulat ang akda upang ito ay masuri batay sa panahong lkinabibilangan nito. Dapat
tandaang ito’y hindi pamimintas. Ito’y pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan batay
sa mga teoryaat pagtatalakay.

Simulain sa Panunuring Pampanitikan


1. Ang pagsusuri ng akda ay dapat may katangian ng katalinuhan, seryoso at
marubdob na damdamin.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon o balangkas.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maganda ang paksa, may kalinisan ang wika
at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin.
Ang katangian ng masining na tula ay ang sikad ng damdamin at lawak ng pangitain
nito.
5. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng makata.
6. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop nap ag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.
Mga Teorya at Dulog sa Panunuring Pampanitikan

Klasismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak. Mas hight
din na pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin.
Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.
Dignidad, Pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
Imahismo - Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahe na higit na maghahayag sa
mga damdamin,kaisipan,ideya,saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit na
maunawaan.
Realismo – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan sa Makatotohanang paraan.
Feminismo – Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang tingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Pormalismo/Pormalistiko – Ang layunin lamang nito ay ang pagtuklas at
pagpapaliwanag sa anyo ng akda. Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may
akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na implikasyong
sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal.
Sikolohikal – Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay diin sa porma ng isang
konteksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,
istilo; o paraang artistiko ng teksto. Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
Eksistensyalismo – Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may Kalayaan ang tao na pumili
o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo.
Romantisismo – Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t-ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-alay ng kanyang pag ibig sa kawa, bansa at mundong kinalakhan.
Markismo/Markxismo – Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag
sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapat at suliraning panlipunan at pampulitika.
Sosyolohikal – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Moralistiko – Ang layunin ng panitikan ay ilahat ang iba’t ibang pamantayang sumusukat
sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.
Bayograpikal – Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda.
Queer – Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang babae naman ay feminism ang mga homosexual naman ay queer.
Historikal – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkanyang pagkahubog.
Kultural – Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kulturua ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam.
Feminismo-Markismo – Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t-ibang paraan ng
kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
Dekonstruksyon – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na
bumubuo sa tao at mundo.
Naturalismo – Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang
isang tao dahil ang kanyang buhay ay hunuhubog lamang ng kanyang heredity at
kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi
ng buhay.
Siko-Analitiko – Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan.
Arkeptikal – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda
sa pamamagitan ng mga simbolo. Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa
mga kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya tulad ng kalapati, tanikala,
timbangan, kandila, sulo, at iba pa.
Modyul 3

Panitikang Panrehiyon, Panitikang Pambansa: Magkabukod at Magkarugtong


Isang problematikong humihingi ng maagap at masusing pagsusuri ang relasyon ng
panitikang panrehiyon at panitikang pambansa. Sa nagdaang ilang panahon ng
pananaliksik, pagsusuri at pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas, may mga akdang
nasimulang ituring na nakaposisyon sa sentro at samakatwid, iginagalang bilang mga
obrang kumakatawan sa pinakamahuhusay at pinakamakabuluhang halimbawa ng mga
nasulat ng mga Filipino. Sa diskursong pangkritisismo ng ating panahon, ang nasabing mga
akda ang siyang bumubuo sa “kanon” ng panitikan ng Pilipinas.

Atin munang ipaloob ang salita sa mga panipi. Kailangan pa kasing suriin kung
wasto nga bang tawaging “kanon” ang kalipunan ng mga akdang nabanggit. Tandaan
lamang natin na ang mga akda at ang kanilang mga awtor ay napatanyag sa pamamagitan
ng sistema ng edukasyon sa ating matataas na paaralan at kolehiyo. Ilang henerasyon ng
mga teksbuk para sa pag-aaral ng mga akdang Filipino ang paulit-ulit na nagtampok sa mga
manunulat na katulad nina Francisco Baltazar, Lope K. Santos, Valeriano Hernandez Peñ a,
Fernando Ma. Guerrero, Jose Garcia Villa at Paz Marquez Benitez (sa mga nauna), at
Alejandro G. Abadilla, Macario Pineda, Arturo B. Rotor, Manuel E. Arguilla, Jesus Balmori at
Amado V. Hernandez (ilan sa mga sumunod). Sa ganyan kasimpleng proseso, nagsimulang
mabuo ang matatawag nating “kanon”. Ngayo’y kailangan na nating balikan ang mga
batayan kung bakit ang mga manunulat na ito ang napatampok sa “kanon” at hindi ang iba,
kung bakit tatlong panitikan lamang (Tagalog, Ingles at Espanyol) ang may kinatawan sa
“kanong” iyan. Ang lalong mahalagang tanong para sa okasyon ay kung bakit hindi
nakapasok sa “kanon” ang mga awtor na sa wikang rehiyonal nagsulat. Ang naiwang
impresyon tuloy sa ilang henerasyon ng mga estudyante ay walang puwang sa “kanon”
para sa mga manunulat sa mga rehiyonal na wika.

Ang “kanon” na inilarawan sa itaas, sa kapangyarihan ng sistema ng edukasyon at sa


bisa ng pag-uulit, ay itinuturing na siya mismong “Panitikang Pambansa” Isang katiwalian
ang ganyan dahil marami pang awtor mula sa iba ibang panitikang panrehiyon ang naiiwan
sa labas ng “kanon”. Bago maikapit ang katangiang “pambansa” sa panitikang binubuo ng
mga akdang kabilang sa kasalukuyang “kanon” kailangan nitong sumalamin sa kabuuan ng
mga akdang likha ng mga Filipinong mula sa iba’t ibang panahon at wika.
Saksi ang maraming manunulat at guro sa realidad na pumipigil sa madaliang
pagpasok ng mga akda mula sa mga rehiyon. Hanggang ngayong na marami nang mulat na
sa kahalagahan ng panitikang panrehiyon, ay mabagal pa rin ang pagpasok ng mga
manunulat na panrehiyon sa mga teksbuk na ginagamit sa mga paaralan. Dapat alalahanin
sa mga teksbuk na ginagamit sa mga paaralan. Dapat alalahanin na nito na lamang dekada
80 naging malaganap sa akademya sa sentro (Kamaynilaan) ang kamalayang
nagpapahalaga sa mga akdang nasusulat sa mga wikang Filipinong bukod sa Tagalog.
Nasimulan na ang masigasig na pagtitipon sa mga akdang bernakular sa mga institusyong
tulad ng Cebuano Studies Center, Visayan Studies Center, at iba pa. Subalit iilan pa rin ang
mga kritikong lumilitaw na may sapat nang kasanayan sa pag-uuri-uri at pagsusuri sa mga
akdang natipon, sa dahilang ang mga iskolar, na siyang may pagsapol sa kasaysayan at
kontekstong panlipunan, ay hindi lagging handang gumanap sa tungkulin sa kritiko.

Napag-ukulan ko ng paglilimi sa unang pagkakataon ang relasyong panrehiyon-


pambansa sa panitikan, nang maging bahagi ako ng pagsisikap na linawin para sa CCP
Writing Grants Program ang pagkakaiba ng wikang Tagalog sa wikang Filipino. Nagsimula
iyon sa pagtatanong. Ang pagkakaiba ba ng Tagalog sa Filipino ay usapin lamang ng
bokabularyong hiniram o ng istraktura ng wika? Natuklasan kong ang pagkakaiba ay
usapin din ng kulturang pinag-ugatan ng wika, dahil panitikang panrehiyon ang panitikang
Tagalog, na sa isang paglihis ng kasaysayan ay itinuring na ring “panitikang pambansa”.

Bunga ng ganoong pagkatuklas, naging panawagan ng isa kong maikling sanaysay


ang “Ibalik sa rehiyon ang panitikang Tagalog.” Sa isang bahagi ng nasabing sanaysay,
ganito ang sinabi ko tungkol sa “panrehiyon” at “pambansa”
Hindi ko layunin na pagsalungatin ang “panrehiyon” at “pambansa.” Nais ko lamang igiit
ang nawala sa panitikang Tagalog nang nadamay ito sa usaping pangwika nang maging
batayan ng wikang pambansa ang wikang Tagalog. Importante sa palagay ko napag-ukulan
ng pansin ng manunulat unang-una ang mga realidad na tuwirang nauugnayan niya, nang
sa ganoon ay makalikha siya ng daigdig sa akda na hitik sa mga katunayang siyang
nagpapasigla sa pagsasalaysay at sa pagtula. Sa maikling salita, ang “panrehiyon” ay siyang
batayang daigdig ng manlilikha, at kung maging “pambansa” man siya ay sa dahilang ang
kanyang mga katangiang “panrehiyon” ay nagsilbing tuntungan tungo sa higit na malawak
na daigdig sa labas ng rehiyon.

Sa kasaysayan ng pabubuo ng Wikang Pambansa, isinabatas na ang wikang Tagalog


ay gawing batayan ng wikang palalaganapin sa lahat ng Filipino. Ibinunga nito ang
paggamit sa mga akdang Tagalog bilang batayang babasahin sa panimulang pag-aaral ng
wikang pambansa. Sa kalaunan, lumabo ang linyang naghihiwalay sa panitikang Tagalog
bilang panitikang panrehiyon sa panitikang itatanghal bilang “panitikang pambansa.” Hindi
maitatangging kaburaraan ang pinagmulan ng paglabo, kung kanino at bakit ay hindi na
muna natin tatalakayin dito. Ang importante ay muling iukit ang linyang nagtatampok sa
pagkakaiba ng “panrehiyon” at “pambansa.”

Sa loob ng panahong ang panitikang Tagalog ay halos naging katumbas ng


panitikang pambansa, ang mga panitikang panrehiyon na pinangungunahan ng Sebuwano,
Ilonggo at Iluko, ay nabuhay at umunlad nang may bahagyang kaugnayan lamang sa
panitikang sinusulat sa sentro ng bansa.
Ang “bahagyang kaugnayan” ay makikita sa limitadong relasyon ng tatlong principal
na panitikang rehiyonal - Sebuwano, Hiligaynon at Iluko- sa panitikang Tagalog na
nakapalaman sa Liwayway. Dahil ang Bisaya, Hiligaynon at Bannaway ay mga publikasyong
“kapatid” ng Liwayway, may panahon na dinala ng mga ito ang mga salin sa Sebuwano,
Ilonggo at Iluko ng mga akdang Tagalog. Ang ganitong isang-patunguhang relasyon ay hindi
nagbunga ng palitan ng bisa na siya sanang nagaganap tuwing may makabuluhang
pagtatagpo ang panitikang rehiyonal at ang panitikang pambansa.
Bagamat hindi maitatangging mahalaga ang pagsasalin sa wikang rehiyonal ng mga akdang
Tagalog sa Liwayway, ang relasyong hinahanap natin sa pagitan ng panrehiyon at
pambansa ay relasyong diyalektikal. Ibig sabihin, nais nating iwasan ang relasyong
malakas-mahina sa pagsasalin ng mga akda, na siyang nasasaksihan kapag ang pambansa
ay itinuring na may “pribilehiyo” kaya’t siyang dapat mangingibabaw. Kapwa may sariling
natatanging bisa ang panrehiyon at pambansa, at malaking pakinabang para sa isa’t isa
kung magkakasalinan ng bisa ang dalawang entidad.
Ano ba ang prinsipal na bisa ng panitikang panrehiyon? Iyon ay ang panloob na
paninging nagpapalalim at nagpapatibay sa pag ugat ng mga akda sa tradisyonal na kultura
ng rehiyon. Ano naman ang prinsipal na bisa ng panitikang pambansa? Iyon ay ang palabas
na paningning nakabukas sa ibang kultura, katutubo man at dayuhan, na nagpapalawak sa
repertoryo ng kaisipan at pamamaraan na magagamit ng manunulat. Sa palitan ng bisa ng
dalawang panig, nagiging mabulas at malago ang paglikha ng mga manunulat; kayang
abutin, arukin at namnamin ang mga akdang panrehiyon ng tagalabas, at ang kaibang
pananaw ng tagalabas at ang mga malikhaing inobasyong galing sa ibang panitikang
panrehiyon.

Ang diyalektikang magbubunga ng palitan ng bisang minimithi natin ay


nagpapatampok sa mahigpit na pangangalingan para sa puspusang pagsasagawa ng
pagsasalin. Sa mga darating na panahon, gawaing humingi ng pondo, talino at suporta ng
mga institusyon ang pagsasalin ng panitikang panrehiyon sa wikang Filipino. At kasabay ng
puspusang pagsasalin, inaasahan nating magiging puspusan din ang paglalatag ng
kasaysayan at konteksto ng iba-ibang panitikang panrehiyon, at ang pag susuri sa mga
sentral na obra mula sa iba-ibang rehiyon.
Hangga’t ang mga panitikang panrehiyon ay hindi pa nasisinop ng mga iskolar at
kritiko, nakabinbin ang pagbubuo ng tunay at awtentikong kanon, at hindi pa rin tayo
handa para pag-usapan nang may bahagyang katiyakan ang tinatawag nating Pambansang
Panitikan.

You might also like