Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores
PANUTO: Gumawa ng balangkas ng iyong mga natutunan o nalamang mga kaalaman sa pinanuod na Video Lecture. Gamiting batayan ang mga sumusunod na katanungan. 1. Maglahad ng isang maikling kasaysayan ng wikang Filipino. Batay sa video lecture na aking napanuod, bilang lingua franca ang wikang Filipino ay nagsimula sa wikang Austronesyano (9,000 BCE). Kaya halos mag kakamag anak ang iba’t ibang wika sa kapuluan kung saan may mga salitang mag kakapareho ng anyo at kahulugan na tinatawag na cognates (halibawa : balay, bahay).
2. Paano ilulugar ang wikang Filipino sa panahon ng Globalisasyon lalo
sa konteksto ng edukasyon ayon sa lektura? Batay sa aking napanuod aking nalaman na may mga dayuhang pumupunta sa ating bansa upang mag aral ng wikang Filipino at ito rin ay natuturo sa ibang bansa, kung kaya’t mas mahalin ang atin wika at pag yamanin pa ito. Nararapat din paunlarin ang intelekwalisasyon ng ating wika sa pamamagitan ng patuloy na pag aaral nito upang ams umunlad pa ang ating wika para sa mga susunod na henerasyon.
3. May Pagkakaiba ba ang Internasyunalisasyon at Globalisasyon?
Ang Globalisasyon o GLOBAL EDUCATION, ito ay mas nakatuon sa economic, may kinalaman din ito Marketing of International Programs, Commercialization and Corporatization, at Business Advantage ng mga bansa. Ang Internasyonalisasyon o Internationalization of Higher Education ito naman ay tungkol sa uniberisdad kung saan inaalam ang estado ng unibersidad sa bansa. Nakapaloob din dito ang Knowledge and Language Acquisition at Curriculum Enhancement. Ang isang unibersidad ay maituturing na internasyonalisado kung marami na itong mga International Students, Foreign Visiting Professors, at International Programs. Gayundin sa Globalisasyon, kinakailangang labas-pasok ang mga mag-aaral sa bansa o tinatawag na Student and Faculty Mobility. Makikita nating ang dalawang magkaibang konsepto, ngunit sa usapang edukasyon ang Internasyonalisasyon at Globalisasyon ay magkaagapay. 4. Paano naging wikang Global ang Filipino dahil sa Internasyunalisasyon? Ang wikang Filipino ay nagiging global dahil sa ng Internasyonalisasyon batay sa kasunduan tulad ng Memorandum of Agreement, Memorandum of Understanding, at Partnership sa pagitan ng isang unibersidad at isa pang unibersidad. Maliban sa pag- aaral ng wikang Ingles hindi nakakaligtaan ang pagkatuto ng wikang Filipino, kasaysayan at kultura ng Pilipinas. kaya hindi kinakailangan ang mga dayuhang mag-aaral ay Ingles lamang ang kanilang matututunan mula sa atin sapagakat mahalaga ding malaman din nila ang ating wika, kultura at kasaysayan. Kung kaya’t napakarami na din dayuhang mag aaral ang dumarayo sa ating bansa para mag aral ng wikang Filipino. Meron din ilang unibersidad sa ibang bansa tulad ng Moscow State University sa Rusyo na tinuturo ang wikang Filipino.
5. Magbigay ng isang maikling paglalahad ukol sa Globalisasyon at Panitikang Pilipino
Ang panitakang Pilipino ay malaking parte ng globalisasyon dahil ang panitikang Pilipino ay nag bibigay impormasyon sa mga tao ng kanilang kalinangan at kasayansayan. Ang panitikang Pilipino ay nag hahayag ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino sa pasalita o pasulat na pamamaraan.
6. Magbigay ng iyong sariling puna at reaksyon hinggil sa nananuod na lektura.
Batay sa aking napanuod nararapat na baguhin an gating kaisipan na ang wikang Filipino ay hindi maaaring makaagapay sa panahon ng Globalisasyon at Internalisasyon lalo na sa edukasyon. Ito ay binigyang patunay na simula pa noong panahon ng Kalakalang Galyon hanggang sa pagbubukas sa Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan, ang ating bansa ay globalisado na. Sa kasalukuyang panahon mas dumarami na din ang mga dayuhang nagiging interesadong matuto ng wikang Filipino, pinamalas na ang ating wika ay itinuturo sa mga prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa. Bilang isang mag-aaral na Pilipino ikinararangal ko at ipanag mamalaki ang ating sariling wikang Filipino dahil ito ay nag papakita ng ating kultura at and ating makabuluhang kasaysayan.