You are on page 1of 10

YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

PANIMULA

Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na


pag-ukulan ng sapat na atensyon at ituring bilang isa mga isyung
pambansang marapat tugunan ng ating gobyerno. Nakasalalay sa mga
manggagawa ang pag-angat ng ating pambansang
ekonomiya.Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pag-unlad ng
pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ang dalawang sektor sa
araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya, ang anuman isyung
kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng
bawat Pilipino.
Sa Yunit IV ay ating papag-aralan ang tulang pinamagatang Ang
Aklasan na isinulat ni Amado V. Hernandez. Sa kanyang akda ay
Walang takot niyang inilantad ang kaawa-awa at kalunos-lunos na
kalagayan ng mga manggagawa dahil sa pagmamalabis at
pagsasamantala ng mga kapitalistang may-ari ng mga pagawaang
kanilang pinapasukan. Pangunahing biktima sila ng kahirapan dahil sa
kawalan ng lupa ,kontraktwalisasyon at mababang pasahod. Buhay na
testimonya sa malungkot na realidad ng lipunang Pilipino ang akda.

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang mapalalim ang
pagpapahalaga sa malaking kontribusyon ng mga magnggagawa sa ating bansa.
Partikular na nilalayon ng aralin na:

1. Maipaliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa


pamamagitan ng makabuluhang akdang pampanitikang nakatuon sa mga isyung
pangmanggagawa at pangmagsasaka;
2. Makasulat ng akdang pampanitikang tumatalakay sa isyung pangmanggagawa o
pangmagsasaka;
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at panitikan.

GAWAIN

Marapat lamang na bigyang-pugay at pagkilala ang mga natatanging ambag ng mga


manggagawa sa ating lipunan kaya sa gawaing ito, nais kong iyong isulat ang halaga ng
mga manggagawa sa kultural, ekonomikal, sosyal at global na pag-unlad gamit ang spider
web. Ang spider web na susundan ay binubuo ng pangunahing konsepto (katawan) at mga
sumusuportang datos (apat na paa ng gagamba.)

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

KULTURAL EKONOMIKAL

HALAGA NG
MGA
MANGGAGAWA

SOSYAL GLOBAL

PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 20
Linaw ng Paglalahad ng Kaisipan 15
Masistemang daloy ng mga impormasyon 15

KABUUAN 50

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

LINANGIN
Sa pagkakataong ito’y iyong basahin ang tulang pinamagatang “Ang Aklasan
na tahasang nagbunyag sa mga tunay na pangyayari tunay na pangyayari, sa buhay ng
mga mahihirap na manggagawa.

ANG AKLASAN
Ni Amado V. Hernandez
I.
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.

Nagpahiga
ang makina
sa pabrika.

Natiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.

At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.

Nanlupaypay
ang puhunan
at kalakal.

Nangsara
ang lahat na…
Welga! Welga!

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

Bawat sipag,
bawat lakas
ay umaklas.

Diwang dungo’t
ulong yuko
itinayo.

Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.

Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?

Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.

Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.

Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi.

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

Ang gumawa
ng dambana’y
hampas-lupa.

Ang bumungkal
niyang yaman,
nangungutang.

II.
Bakit? Bakit
laging lupig
ang matuwid?

Di nasunod
pati Dios
na nag-utos.

Di tinupad,
Binaligtad
pati batas.

Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.

Laging huli,
laging api,
laging bigti!

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
May lunas bang
hihigit pa
sa sandata?

Ang aklasa’y
di tagumpay,
kung sa bagay.

Nalilibid
ng panganib,
dusa’t sakit.

Pagkat ito
ay simbuyong
sumusubo.

Pagka’t ningas
na nagliyab
at sumikab.

Pagbabangon
ng ginutom
ay inulol.

Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

Buong sumpa,
poot, luha,
ng paggawa.

Katapusan
ng kasama’t
pangangamkam.

At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad!

III
Nguni’t habang may pasunod
na ang tao’y parang hayop,
samantalang may pasahod
na anaki’y isang limos,
habang yaong lalong subsob
at patay sa paglilingkod
ay siyang laging dayukdok,
habang pagpapabusabos
ang magpaupa ng pagod,
habang daming nanananghod,
sa pagkaing nabubulok
ng masakim at maramot,
habang laging namimintog
sa labis na pagkabusog
ang hindi nagpawis halos,
at habang may walang takot

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN
sa lipunan at Diyos,
at may batas na baluktot
na sa ila’y tagakupkop,
ang aklasan ay sisipot
at magsasabog ng poot,
ang aklasa’y walang lagot,
unos, apoy, kidlat, kulog,
mag-uusig, manghahamok
na parang talim ng gulok,
hihingi ng pagtutuos
hanggang lubusang matampok,
kilalani’t mabantayog
ang katwirang inaayop,
hanggang ganap na matubos
ang Paggawang bagong Hesus
na ipinako sa kurus.

ABSTRAKSYON
Atin ngayong suriin ang akdang Ang Aklasan sa pamamagitan ng pagbuo sa dialog box
at concept organizer.
Ikaw ba’y naniniwala na ang pag-aaklas ng mga manggagawa ang kasagutan sa kanilang
mga karaingan? Bakit?

Sinasang-ayunan kita sapagkat


Akoy naniniwala na ______________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

Simbolismo
Bakit inihambing ni Hernandez ang mga manggagawa kay Hesus
na nakapako sa krus? Ano ang sinasagisag ng krus sa mga
manggagawa?

Istruktura ng Tula
Dahilan ng Aklasan
Bakit kaya ganitong porma
ang ginamit ng awtor? TEMA

P
3. c
5.

Ang mga Manggagawa


Paano inilarawan ng may-akda ang kalaga- yan ng mga mangga-
gawa?

PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 30
Katiyakan at Kawastuhan ng mga Sagot 30
Kaayusan ng Pagkakalahad ng mga Kaisipan 25
Linaw ng mga Ideya 15

KABUUAN 100

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IV ISYUNG PANGMANGGAGAWA: ANG AKLASAN

APLIKASYON
Bumasa ng isang artikulo o balitang tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng mga
manggagawa.Mula sa mga nakalap mong impormasyon, gumawa ka ng pasalitang
advocacy campaign (audio clip) kung paaano higit pang mapabubuti ang kanilang
kalagayan.

PAGPUPUNTOS
Nilalaman 30
Organisasyon ng mga Ideya 30
Kabuluhan 25
Pangkalahatang Bisa 15

KABUUAN 100

SANGGUNIAN
Ulit, P. et al. (2000) “Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas” Komisyon ng Wikang Filipino

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.

You might also like