Professional Documents
Culture Documents
Sosyedad at Literatura
Prepared by:
Name: ________________________________________
Talakayan:
Natatanging pagkakakilanlan
Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat
etniko na naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may koneksyong
pangkasaysayan, mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas
nila sa gawi ng kanilang pamumuhay. Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng
Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous Peoples na kabilang
sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay pangunahing nakatuon sa Mindanao
(61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%), kasama ang ilang
mga grupo sa Visayas, ayon sa datos ng United Nations Declaration on the Rights of
“A stronger focus on those excluded groups, and on actions to dismantle these barriers
is urgently needed to ensure sustainable human development for all,” ayon sa naturang
ulat.
Tuklasin:
Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing
ninuno (ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga
dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch Organization, isang organisasyon na
naglalayong protektahan ang mga minorya, marami ang nakasaksi sa pagpatay ng mga
hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng
kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika
at marami pang iba. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-usbong
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o
Indigenous People Rights Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga
katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan at National Commission on
Indigenous Peoples (NCIP) na nagraraos ng National Indigenous Peoples Conference,
isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities
(kaakibat nito ang kamakailan lang na paglagda sa isang kasunduan ng NCIP at
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagsulong at
pakikiisa nila sa mga minorities at mga Indigenous Cultural Communities). Sa kabila
ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan
na kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.
Dito nag-ugat ang ilang mga sigalot na nagdulot ng pagkamatay ng mga katutubo, na
nakakuha ng atensyon sa mga taga-Maynila na naglunsad ng kampanya upang tigilan
ang tinawag nilang lumad killings. Ilang mga lumad at mga tagasuporta nila ang
namatay sanhi ng armadong tunggaliang dulot ng sigalot sa mga lupaing ninuno.
Nagbalik ang mga lumad ng Mindanao ngayong taon upang muling igiit ang kanilang
mga hinaing sa pamahalaan. Kaiba noong nakaraang taon, higit na maraming grupo
ang kasama ng mga lumad. Ilang mga grupong Moro ang sumama sa lakbyan upang
makiisa sa mga lumad at ipahayag na magkatuwang sila sa pagpukaw ng atensyon sa
kalagayan ng mga katutubo sa Mindanao. Mayroon ding mga Aeta na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng Luzon at Visayas, at mga Mangyan ng Mindoro na sumama sa
Lakbayan ng mga Katutubo.
Soyedad at Literatura Page | 4
Mahabang panahon nang hindi pinahahalagahan ng mga namamahala ang kalagayan
ng mga katutubo. Higit na nakakabahala, mahabang panahon nang itinuturing na
mababa ang kalagayan ng mga kalinangang katutubo kung ihahambing sa ibang mga
Pilipinong nasakop ng mga dayuhan. Sa katunayan, sa unang gawa pa lamang ng
pagbubuo ng kolonyal na pamahalaang Espanyol, marami nang katawagan ang
nasambit upang maipakitang mabangis, marahas, magulo, mababa ang kalagayan ng
mga katutubo. Sa mga planes de almas (literal na kahulugan mula sa Espanyol na mga
mapa ng kaluluwa), ihinihiwalay ang mga katutubo sa iba pang mga indios naturales
na mga grupong Kristiyano. Itinuring silang mga Cimarron, Salvajes, Malhechores,
Infieles (wild, savage, evil doers, infidels) upang ihayag ang pagkakaiba nila sa mga
‘napapapayapang’ mga katutubong indio.
the wild peoples of the Philippines may be divided into four classes: Those who were
essentially savage and nomadic in their habits, such as the headhunters of Luzon and
Soyedad at Literatura Page | 5
certain of the Moros; those who are peaceful and sedentary, such as many of the
Igorots; those who are peaceful, nomadic, and timid, such as the Negritos, the
Mangyans of Mindoro, and the pagans of Mindanao, who, on the appearance of
strangers, flee to the fastnesses of the forests and jungles, and cannot be approached;
and finally, those who compose the outlaw elements from the Christian towns, and are
known as the monteses, remontados, vagos, nomadas, pulijanes (sic), and babylanes
(sic) … (Census 1905)
Hindi lamang iniugnay ang pagiging sibilisado sa mga Kristiyanong taga-patag,
naging malalim ang implikasyon ng klasipikasyon ng mga katutubo bilang mga
‘mababangis’ at ‘magugulo’ dahil pinatatag nito ang diskriminasyon sa pagtingin ng
mga taga-patag sa ibang mga katutubong grupo. Kasama ang lahat ng mga katutubo
sa mga hindi tumatanggap ng sibilisasyong Amerikano at mga tumututol dito.
Napatining ang mababang pagtingin sa mga lumad at iba pang katutubo dahil sa mga
patakarang kolonyal. Walang pagkilala sa karapatan at kakanyahan ng mga katutubo
na pamahalaan ang kanilang sarili kaya ang itinuring ng Census na mga ‘sibilisado’
lamang ang binigyan ng karapatan sa pamamahala. Mananatili ang ganitong ugnayang
mayorya-minorya bilang isang kolonyal na proyekto hanggang sa panahong magiging
isang Republika ang Pilipinas.
Kung tutuusin, lahat naman ng mga mamamayan sa Pilipinas ay katutubong Pilipino,
subalit dahil sa mga patakarang kolonyal, nagkaroon ng paghahati ang lipunan at
naging mababa ang pagtingin sa mga katutubo. Ang kawalan ng kaunlaran, ang
pagiging iba ng kalinangan, wika, gawi, paniniwala – ang kalimitang binabanggit
bilang batayan kung bakit iba ang mga katutubo sa nakararaming mga Pilipino. Ang
minoritisasyon o ang proseso ng pagiging minorya sa sariling bayan ang makikitang
bunga ng ganitong pagtingin.
Iba’t ibang pamahalaan ang nagdaan, ilang mga patakaran din ang naisakatuparan
upang ‘maging sibilisado’ ang mga katutubo sa pananaw ng estado at mga kolonyal
na pamumuno. Ang pwersahang paglipat ng relihiyon, pagtanggap sa Kristiyanong
kalinangan, ang pagiging ‘makabago’ tulad ng mga nakatanggap ng pananakop – mga
patakarang pawang naglalayon ng asimilasyon at integrasyon ng mga katutubo sa
kultura ng nakakarami – ang mga isinulong na patakaran sa mga katutubo.
Subalit ang asimilasyon at integrasyon ng mga katutubo ang siyang magiging ugat ng
suliranin sa pagbura ng kultura ng mga katutubo. Kung magiging katulad na ng iba
Soyedad at Literatura Page | 6
pang mga taga-patag na Kristiyano ang mga katutubo sanhi ng ‘pag-unlad’ o
‘development’ na ipinapahayag ng mga nasa pamahalaan, ano na ang mangyayari sa
katutubong kultura, paniniwala, kalinangan, wika, at pamamaraan ng pamumuhay ng
mga lumad, ng mga Moro, ng mga taga-Kordilyera at ng mga Mangyan? Ano ang pag-
unlad kung mabubura naman ang kanilang lipunan dahil lalamunin lamang ito ng mga
kalinangang kanluranin?
Maraming insidente ng karahasan na ang nararanasan ng mga lumad. Pinipilit silang
magbakwit sa kanilang sariling pamayanan. Pinapasarhan ang kanilang mga paaralan.
Ginagawang minahan ang kanilang lupang ninuno. Nagiging lugar ng digmaan at
militarisasyon ang kanilang mga bayan. Nang idulog ng mga lumad ang kanilang
kalagayan sa pamamagitan ng lakbayan, sinalubong ang paglalakbay ng mga lumad
sa Kamaynilaan kamakailan ng karahasan ng sandatahang lakas at pulisya. Muli,
napuna ang kalagayan ng naratibo ng mga katutubo sa pambansang naratibo.
Karahasan ang nagiging tugon sa mga hiling ng mga lumad na kilalanin ang karapatan
bilang pambansang minorya. Muli, lumabas na naman ang naratibong ‘marahas’,
‘mabangis’, ‘salvaje’ at ‘cimarron’ ang mga katutubong nagpoprotesta kaya
kailangang tapatan sila ng kapangyarihan ng estado upang maging ‘payapa’ at
‘sibilisado’ ang kanilang pag-iral. Marami pang mapait na pamana ang ating
kasaysayan na kailangan nating kaharapin upang makilala kung sino talaga ang
‘sibilisado’ at ‘mabangis’ sa ating lipunan.
Katutubo
Ni Tatay Remo Fenis
Cotabato City
Ang Lumad
Tula ni Dr. Rommel Linatoc
National Council of Churches in the Philippines
“Tila malaking isyu na pala ngayon ang anyo o pananamit ng tao para sa DepEd?” ani
Yap.
Lalong hindi nagustuhan ng mambabatas ang isa pang tanong sa module na,
“Makikipaglaro ka ba sa kaklase na Igorot dahil iba ang kanyang pananamit?”
“Bakit kailangang turuan ang mga bata na may mga kababayan tayo na iba ang anyo
o kultura?” dagdag pa ni Yap.
Hirit pa niya sa DepEd, “Hindi ba’t ang mga bata, walang pakialam kung anong hitsura
o anyo ng kanyang kalaro o kasama?”
Diaspora o migrasyon
-tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan
Panloob na Migrasyon (internal migration)- ay ang migrasyon sa lob lamang
ng bansa
Migrasyon Panlabas (International migration)- ang tawag ka[ag lumipat na ang
mga tao sa ibang bansa upang doon manirahan o mamalagi nang matagal na panahon
Migrante- ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar
Migrant- pansamantala paglipat
Immigrant- permanenteng paglipat
Mga sanhi ng migrasyon
Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na
ECONOMIC MIGRANTS o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon
upang mapaunlad and kanilang kabuhayan
Bahagi rin ng mga migrante sa buong mundo ay mga REFUGEE na lumikas sa
kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at
gutom na sanhi ng mga kalamidad.
A ng kadalasang dahlia ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang paghahanap ng
mas magandang trabaho na may malaking sahod upang matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya.
Epekto ng migrasyon
Pagbabago ng populasyon
Kaligtasan at karapatang pantao
Ang 2007 ang pinaka-nakakapagod na taon siguro sa akin. Nakatapos ako ng apat na
indies sa US comics, nakagawa ng concepts at storyboards sa dalawang animation
studios, naging active sa lahat ng gatherings at forums ng local komiks, nag-edit at
nag-layout ng libro tungkol sa komiks, nag-sideline sa advertising ng storyboards at
designs, nagsulat ng nagsulat ng husto dito sa blog ng kung anu-anong isyu hanggang
sa mag-away-away na ang mga tao, magtirahan ng magtirahan, at magturingan nang
mortal na magkagalit hehehe.
2008. Medyo payapa na ang mundo ko. Tapos ko na ang mga deadlines, tapos na rin
ang kontrata ko sa animation. Nakadalaw na ako sa tatay ko na nasa Bulacan, nabisita
ko na rin ang mga kamag-anak sa Pampanga at Tagig.
Wala na akong masyadong iniintindi nitong January kundi gumawa na lang ng
kabastusan dito sa APAT NA HINDI (heheh). Pinagpa-praktisan ko ito, isang
publisher kasi ang nag-iimbita sa akin para gumawa ng libro na nakakatawa (parang
Bob Ong). Masyado akong excited dito, pero tingin ko ay praktis muna, masyado ko
kasing kinarir ang komiks issues ng 2007 kaya nawala ang pagiging komedyante ko
hehehe.
Sa komiks illustrations, inihahanda ko na rin ang sarili ko sa superhero genre.
Malamang na sa taong ito ay gumawa na ako ng maraming samples ng Marvel at DC
characters na hindi ko pa naidu-drawing. Pagbali-baligtarin man natin ang mundo,
nasa ‘big 2’na ito ang pera kung komiks ang gusto kong gawin, wala dito. Hindi ko
pa alam kung kanino ako lalapit (agent o editor) pero naka-set na talaga ang utak ko
para mag-tryout sa American mainstream comics.
Nakatakda na ang alis ko sa January 16 papuntang Cebu, then diretso ako ng Tacloban
at Iloilo. Wala akong gagawin sa byaheng ito kundi I-enjoy ang freedom. Videocam
at sketchpad lang ang dala ko, hindi ko rin alam kung kelan ako babalik ng Maynila.
Medyo adventure itong gagawin ko dahil wala naman talaga akong particular na
pupuntahan, may sasalo lang sa akin na ilang kaibigan para may matuluyan ng ilang
araw, tapos byahe na naman kung saan-saan. Puwede akong umupa ng hotel, o
matulog sa kalsada, kumporme na siguro kung saan ako makakarating.
Para sa iba, siguro kaweirduhan itong gagawin ko. Para sa iba naman, gastos lang ito.
Pero para sa akin, part ito ng experience. At parang premyo ko na rin ito sa sarili ko.
Ang title nga palang 'Isang Mahabang, Mahabang Paglalakbay Pauwi' ay galing sa
short story na ipinanalo ni Ka Levy Balgos dela Cruz sa Palanca noong 70s. Na-miss
ko ang nature, at na-miss kong makisalamuha sa mga karaniwang tao. Sa byaheng ito,
ang dala ko lang ay ang sarili ko.
(Ito ang isa sa pinakahuling byahe na ginawa ko noong taong 1999 yata, hindi ko na
matandaan, nang magturo ang Pinsel ni Juan (painter's organization) ng pagpipinta
sa mga kapus-palad na bata ng Bulacan. Nakatayo sa gitna si Ka Levy.)
Gawain:
Panuto: Gawin ang mga sumusunod na pinapagawa sa bawat numero.
A. Apat na tula
B. Isang sanaysay
Soyedad at Literatura Page | 23
C. Isang maikling kwento
Mga Batayan sa pagmamarka:
A. Pagsulat ng Tula
Kategorya Napakahusay Mahusay Kailangan pang Iskor
(5) (3) husayan (1)
Orihinalidad Ang tula ay sariling Ang tula ay sariling Ang tula ay sariling
gawa at hindi kinopya sa gawa ngunit may gawa ngunit
internet o ano mang akda ilan na kinopya sa marami ang
internet o iba pang kinopya sa internet
akda o iba pang akda
Nilalaman Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Hindi gaanong
ang laman ng tula. laman ng tula. makabuluhan ang
Sumalasalamin ito sa Sumalasalamin ito laman ng tula.
isyu ng lipunan. sa isyu ng lipunan. Hinid gaanong
umalasalamin ito sa
isyu ng lipunan.
Pamamaraan Ang tula ay ginamitan Ang tula ay Ang tula ay
ng napakahusay na ginamitan ng ginamitan ng
pamamaraan ng estilo mahusay na pamamaraan
pamamaraan ng
estilo
Taglay na Ang tula ay may taglay Ang tula ay may Ang tula ay may
element ng tula na tatlo o higit pang taglay na dalawang taglay na isang
elemento elemento elemento
Kooperasyon Ang ideya sa tula ay Ang ilang ideya sa Ang ideya sa tula ay
may maayos na tula ay maayos na hindi gaanong
pagkakasunod sunod pagkakasunod maayos na
sunod pagkakasunod
sunod
Dating sa Ang tula ay sobrang Ang tula ay Ang tula ay di
mambabasa nakakaantig sa nakakaantig sa gaanong nakakantig
mambabasa mambabasa sa mambabasa
Kabuuan
B. Pagsulat ng Sanaysay
Mga Sanggunian:
Evardone, R.(2018) Sulyap sa buhay ng isang minorya
Retrieved at https://thebenildean.org/2018/03/sulyap-sa-buhay-ng-isang-minorya/ on February 04,
2021
Valle, R. (2019)(ISYUNG PANLIPUNAN – Mga Problema Sa Lipunan
Retrieved at https://philnews.ph/2019/07/19/mga-isyung-panlipunan/ on February 04, 2021
Gealogo, F. (2019) Ang lumay ng mga lumad Retrieved from
https://www.bulatlat.com/2019/09/03/ang-lumbay-ng-mga-lumad/ on February 22, 2021
Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon Retrieved from
https://www.cebookshop.com/index.php?route=product/product&product_id=186973 on February 22,
2021
Taiwan Literature Award for Migrants Paglisan sa Bayan ni Juan
Retrieved from https://tlam.sea.taipei/?p=3085&lang=en on February 23, 2021
DepEd, pinagpapaliwanag ni Yap sa Igorot Topic sa module
Retrieved from https://www.remate.ph/deped-pinagpapaliwanag-ni-yap-sa-igorot-topic-sa-module/
on February 23, 2021
Ang Lumad tula ni Dr. Rommel Linatoc ay hinalaw mula sa:
https://www.google.com/imgres?imgurl=https://pbs.twimg.com/media/COSOP59VAAASIfG.jpg&im
grefurl=https://twitter.com/nccphils/status/640793453350096896&h=1200&w=830&tbnid=2FiK1Nw
EstA9WM&q=mga+tula+para+sa+lumad&tbnh=150&tbnw=104&usg=AI4_-
kT_ja15tt7UYBHOslwpzK0iX-PD0w&vet=1&docid=mWcH26rJMb0EyM&client=firefox-
a&sa=X&ved=2ahUKEwj2kK7Vhf3uAhWGwosBHe3dDFoQ9QEwBHoECAEQCA#spf=16139818
81713 noong February 22, 2021