You are on page 1of 3

Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan:

ANG PANITIKAN NG TSINA

Kapaligiran

 ang Tsina ay isa sa nangunguna sa laki at bilang ng populasyon sa ilang bansa


ng Asia.

Karanasan

 isa sa bansa sa Asia ang may pinakamayamang panitikan.


 Nagsimulang umusbong ang panitikan ng mga Tsino noong panahon ng
Dinastiyang Zhou (770-221 B.C) at patuloy pa ring yumayabong sa
kasalukuyang panahon.

 Confucius , isa sa mga iginagalang na manunulat at pundasyon ng panitikang


Tsino. Sa kanya nagmula, o siya ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng mga
Classics.
 Lantarang pinipigilan ang pagkamalikhain ng mga Tsino dahil na rin sa takot ng
ilan na mawawala at tuluyang makalimutan ang mayaamng kasaysayan ng
bansa.
 Isa si Lu Xun (na may tunay na pangalang Zhou Shuren) sa mga manunulat na
walang takot na nagsulong ng makabagong tema at kaisipan sa The League of
Left Wing Writers na siyang nagsulong sa kaisipang socialist realm.

Salik na Panlipunan o Pampulitika

 Kabila-kabilaang mga nagsusulputang manunulat na galling sa Tsina na siyang


nagbibigay ng bagong dugo at bagong mukha sa panitikan sa bansa.
 Ilan sa mga iba’t ibang dinastiyang naghari sa Tsina noon.

Salik na Panrelihiyon

 Sa kasalukuyan, kinikilala si Lu Xun na ama ng modernong panitikan Tsino.


 Ang kanyang kwentong A Madman’s Diary ay isa sa mga patunay kung gaano
siya kagaling sumulat gamit ang makabagong pamamaraan ng pag sulat.

MGA NAGING IMPLUWENSIYA NITO SA ASPEKTONG PANLIPUNAN


SA BANSANG PILIPINAS

 Mga Popular na pagkaing mula sa mga Tsino - ang mga pagkaing tsino ay malasa at
sagana sa sangkap. Kaiga-igaya rin sapagkat mura, medaling ihanda at talaga naming
nakabubusog. At ilan sa mga ito ang sumusunod;

a) Mami at lugaw - Popular na pagkain sa mga lansangan dahil mura at talaga


namang makatitighaw ng gutom. Ang malasang sabaw ng mami ay kinahiligan
ng maraming pinoy at karaniwang inilalako sa palengke at mga lansangan
samantalang ang lugaw naman na re-invent at nagkaron ng ibat-ibang timpla at
luto ay madalas na inihahanda ng pamilyang Pilipino sa tahanan.

b) Siopao - Ang siopao ay halaw sa cantonese steamed bun ng mga tsino. Ang
sinaunang siopao ay bun na gawa sa bigas ngunit gumagamit na rin sa ngayon
ng ibang sangkap. Pinapalamanan ito ng karne, gulay at mga pampalasa at saka
pinasisingawan. May dalwang uri ng siopao na popular sa bansa. Ito ang siopao
asado at bola-bola.

c) Siomai - Isa pa sa pagkaing Tsino na nagustuhan na ng maraming Pilipino. Ang


siomai ay dumpling na may masang mula sa bigas o sa primera klaseng harina at
pinalaman ng karne ng baboy (pork), manok, hipon, o baka. Ang dumpling ay
pinasisingawan o di kaya naman ay ipiniprito.

Ang iba pang pagkain na nagmula sa tsina ay ang lumpia, pansit, puto at kutsinta.

 May mga kasuotan at kagamitan sa tahanan ang mga Pilipino na natutunan natin
gamitin mula sa mga tsino. Ito ay resulta ng patuloy na pakikihalubilo natin sa kanila.
Hanggang sa ngayon, ginagamit pa rin natin ang mga ito.

 Ang paggamit ng tsinelas ay nakuha natin sa mga Tsino. Nang dumating ang mga
Kastila, marunong na ang ilang pangkat gumamit ng tsinelas. Di kalaunan, gumawa na
rin ang mga Pilipino ng tsinelas na yari sa abaka.

 Ang paggamit ng mga kagamitang porselana, gaya ng pinggan, baso at platito ay


natutunan din natin sa mga Tsino. Ang mga kagamitang ito ay ang pangunahin nilang
kalakal kaya hindi kaginsa-ginsa na natutunan natin itong gamitin.

 Ang kasuotang kagaya ng Kamisa ay impluwensiya rin sa atin ng mga intsik. Nauso sa
mga Pinoy ang paggamit ng Kamisa na mahaba ang kamay na nagagamit pananggalang
sa mainit na sikat ng araw kapag nagtatrabaho sa bukid o di kaya naman ay
nangingisda.
 At bukod sa mga ito, kung papansining mabuti, makikilala natin ang impluwensiya ng
mga Tsino sa ating mga gawi. Ilan sa mga mga ito ang pagtawag nang Ate sa
nakatatandang kapatid na babae, Kuya sa nakatatandang kapatid na lalaki at Bunso sa
nakababatang kapatid. Ang mga terminolohiyang ito at halaw sa Lengwaheng Hokkien
ng Tsina.

PanitikangTsino

Agham Edukasyon sa Edukasyong


Humanidades Heyograpiya Matematika Pangkabuhayan
Panlipunan Pagpapahalaga

Paggamit ng Pagtawag ng Ate Nakaimbento


Ang Tsina ang Systemang
tanso o Kuya sa ng
pinakamalaking Irigasyon
nakatatandang Kalendaryong
bansa sa Asya.
kapatid Lunar
Paggawa Pagluto ng
ng pulbura ibat ibang
pagkain
Paggawa Ang mga Filipino
ng ay nagging Pagsuot
kagamitang malikhain at ng damit
metal mapamamaraan na kamisa
sa larangan ng
pangkabuhayan

You might also like