Professional Documents
Culture Documents
Sitwasyon
ng mga Pangkat Minorya
PAKSA
MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng Aralin 6, ang mga mananaliksik na mag-aaral ay
inaasahang:
Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning
panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang
pampanitikan.
Maibuod ang mga mahahalagang pangyayari at/o kaisipan
sa akdang binasa.
Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay
sa kalagayan ng pangkat minorya.
A
Singkaw- kaisipan
Ang iba’t ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o
higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan.
Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na naninirahan sa kapatagan na
Austranesyano, at naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa
loob ng tatlong daang taon ng pananakop ng mga Kastila.
Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano,
mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi
minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman,
kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na
nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.
Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno (ancestral
domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch
Organization, isang organisasyon na naglalayong protektahan ang mga minorya, marami ang nakasaksi sa
pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng kapulisan sa
protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika at marami pang iba. Idagdag pa dito ang
pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-usbong ng mga corporate extractive industries na pumapasok sa kanilang
lupaing ninuno (na tinatago sa tawag na development projects), tulad ng mga minahan, pagtotroso, quarrying,
proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang plantasyon at proyektong pangturismo na hindi angkop sa
kanilang kultura.
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o Indigenous People Rights
Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan
at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na nagdaraos ng National Indigenous Peoples
Conference, isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities (kaakibat nito
ang kamakailan lang na paglagda sa isang kasunduan ng NCIP at Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA) sa pagsulong at pakikiisa nila sa mga minorities at mga Indigenous Cultural Communities). Sa
kabila ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan na kulang ang mga ito
upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.
Sa patuloy na pag abante ng ating bayan sa kinabukasan, hindi dapat talikuran ang kultura at ang mga
palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa kabihasnan kundi para
sa lahat, minorya man o hindi.
Ang artikulong ito ay nailimbag sa The Benildean Vol. 4 No. 1: Exploitation.
Paksa 2: Ang mga Mangyan ng Mindoro