You are on page 1of 44

Pagpoproseso

ng
Impormasyon
Para sa
Komunikasyon
PAKSA
✘ Pagpili ng Batis (Sources) ng
Impormasyon
✘ Pagbabasa at Pananaliksik ng
Impormasyon
✘ Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng
Impormasyon
✘ Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa
Impormasyon
2
Ano nga ba ang
Komunikasyon?
✘ Ang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na
“communis” na nangangahulugang “karaniwan”
o “panlahat”. Isang pagpapadala at pagtanggap ng
impormasyon na maaaring berbal o di-berbal.
✘ Atienza et. Al 1990 Tahasan itong binubuo ng
dalawang panig: isang nagsasalita at isang
nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang
lamangan

3
Ano nga ba ang
Komunikasyon?
✘ S.S. Stevens. Ang komunikasyon ay ang napiling
pagtugon ng organism sa anomang bagay na
nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon.
✘ Green at Petty (Developing Language Skills)
Intensyonal o konsyus na paggamit ng anomang
simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin, emosyon, mula sa isang
indibidwal tungo sa iba.

4
Ano nga ba ang
Komunikasyon?
✘ E. Cruz et.al., 1988 Ang masining at mabisang
pakikipagtalastasan/ komunikasyon ang proseso
ng pagbibigay (giving) at pagtanggap (receiving),
nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at
damdamin. Nagbubunga ang ganitong
pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran sa
lipunan

5
Pagpili ng Batis
(Sources) ng
Impormasyon
Ulat ni:
Erika Mae B. Nunez
Ano nga ba ang impormasyon?

 Ito ay ang mga kaalaman na nakalap mula sa


mga nababasa, naririnig, napapanuod, o
nararamdaman na napoproseso ayon sa
sariling karanasan – mga representasyon o
interpretasyon.
 Ang mga batis ng impormasyon naman ay mga
sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga
nagbabasa at nakikinig.
Ito ay pinagkukuhanan ng isang impormasyon ng
isang tao o isang mananaliksik.
Ito ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at
paggawa ng pormal na kasulatan.
Halimbawa ng maaring batis:
 Aklat
 Cassette tape
 Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan
 Artikulo
 Internet entry
 Pananaliksik
WHOA! MAY TATLONG
URI
NG BATIS NG
IMPORMASYON
PARA SA
KOMUNIKASYO
N
NA NAITALA
01 02 03
Pangunahing o Sekondaryang
Primaryang Batis Batis Tersyaryang Batis
Primarya o Pangunahing Batis
Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon
at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal,
grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena.
Halimbawa:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan
5. Umpukan
6. pagbabahay bahay
Primarya o Pangunahing Batis
Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may
kopyang electroniko:
• Awtobiyograpiya
• Talaarawan
• sulat sa koreo at email
• tesis at disertasyon
• Sarbey
• artikulo sa journal
• balita sa diyaryo, radio, at telebisyon
• Mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon,
katitikan ng Pulong, kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at
pahayagang pang-organisasyon
• orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament
• talumpati at pananalita
• larawan at iba pang biswal grapik
Primarya o Pangunahing Batis

Mula sa iba pang batis


• harapan o online na survey
• artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen, pera, kagamitan,
at damit
• nakarecord na audio at video
• mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon
• website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet
• mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video
Sekondaryang Batis

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng


interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal,
grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno.
Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga
pangyayari mula sa taong hindi nakaranas nito o
pagtalakay sa gawa ng iba.
Sekondaryang Batis
MGA HALIMBAWA:
• Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling,
sulat sa patnugot, at tsimis o tsika
• Encyclopedia
• Teksbuk
• Manwal at gabay na aklat
• Diksyonaryo at Tesoro
• Kritisismo
• Komentaryo
• Sanaysay
• Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
• Abstrak
• Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation
• Sabi-sabi
Tersyaryang Batis

 Ito ay ginagamit upang organisahin at hanapin


ang pangunahin at sekondaryang batis.
Halimbawa: Indexes, Abstrak, Databases
Iba Pang
Batis o
Sources ng
Impormasyo
n
18
 Pasalitang kasaysayan- Kasaysayan na sinambit ng bibig.

Halimbawa: Interbyu at Pagsasadula

 Nationalist Perspective- Pagtingin o perspektiba na naaayon o


mas pabor sa isang bansa

 Kasaysayang Lokal -Kasaysayan na nagmula sa ating lugar


 History From Below- Naglalayong kumuha ng kaalaman batay
sa mga ordinaryong tao, binibigyang pansin nito ang kanilang
mga karanasan at pananaw, kaibahan sa estereotipikong
tradisyonal na pampulitikang kasaysayan at tumutuon sa gawa
at aksyon ng mga dakilang tao

Mga Halimbawa: Sarbey at Talatanungan


PANTAYONG PANANAW
Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na
nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay ugnay at pag-uugnay ng
mga katangian, halagahin (values),
kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at
karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan
-kabuuang nababalot sa at ipinapahayag sa pamamagitan ng
iisang wika.
Pangkaming Pananaw

Ito ang nagawa ng hanay ng mga Propagandista tulad nina Rizal,


Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin.
Ang kausap nila sakanilang mga nilalathala ay ang mga banyaga
— partikular ang mga kolonyalistang Kastila.

Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang mga indio na sila


ang nagdala ng‘ kaliwanagan’ sa atin(bunga ng relihiyon) at
utang natin ito sa kanila dahil tayo daw ay mga barbaro at
walang sariling sibilisasyon kung hindi pa sila dumating dito sa
atin.
Pansilang Pananaw

Sa perspektiba ng PP "pansilang pananaw“ naa-absorb o


ipinagpapatuloy ng kasalukuyang mga antropologong
Pilipino(sa nasyonalidad ngunit siguro hindi sa kultura at wika).
Ibig sabihin, wala pa nga sa Pangkaming Pananaw ang agham
tao sa Pilipinas (na ginanagawa ng mga may nasyonalidad na
"Pilipino".
Kapuwa Tao
bilang Batis
ng
Impormasyon
.
24
● Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis impormasyon,
kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan
ng harapan at mediadong pakikipag-ugnayan.
● Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong
at kinakausap ng mananaliksik ang indibiwal o grupo na
direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga
apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito
sa ibat-ibang dahilan (halimbawa ay ang lider ng komunidad kung
saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din
sa paksa).
● Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid
2. makapagbigay ng angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa
kaniya
3. malinaw niya agad ang sagot
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
● Bentahe naman sa mediadong ugnayan ang:
1. Pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang
oras at pagkakataon kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. Ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang
puntahan nang personal ng manananaliksik ang mga tagapagbatid
3. Ang mas madaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may
elektronikong sistema na ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng
datos (halimbawa. Mga online survey tools, Digital transcriber, video
analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon.
 Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,kelangan ding
pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito
para sa binubuong pahayag ng kaalaman.
 Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri
ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
Mga Hakbang sa
Pagpili ng Batis ng
Impormasyon
 Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang
kailangan gayundin ang klasifikasyon kung saan maaaring
matagpuan ito sa silid-aklatan.

Yugto 1: Panimulang Paghahanap - Panimulang paghahanap ng kard


katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang
elektroniko.

Yugto 2: Pagsusuri- Pagsusuri na kinasangkutan ng browsing,


skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng
citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala
 Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga
impormasyon o datos mula sa mga napiling sanggunian.

Mahalaga dito sa ikatlong yugto ang pagsasagawa at paghahanda ng


mga tala ng impormasyon o datos.
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na
materyal.
• Sa kasalukuyang panahon ng Internet at digital na
teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang batis ng
impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at
desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet na cellphone at
tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga
artikulos sa journal, balita sa online news site, at account ng
karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik,
bigyang prayoridad ang online news sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil
naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang panig
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa
pamamagitan ng komento at errata
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa
ngalan ng isang tao, grupo, o institusyon habang tahasang
bumabatikos sa mga kalaban nito.
WHOA! Mga Paraan sa
Pangangalap ng
impormasyon mu
la sa
kapuwa tao.
 Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipunan, ang eksperimento ay isang
kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan
sinusukat ang epekto ng dependent variable, na
tinatalaban ng interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng
paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase(independent
variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang
paksa sa agham (dependent variable).
 Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa
pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong, at
tagapakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng
impormasyon (baxter & babbie 2004). Mainam ang interbyu sa
pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa
pagunawa sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno
batay sa punto de bista ng tagapagbatid, sa pag aaral ng wika ng
tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang aspekto
ng isang paksa
 Focus group Discussion
Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi
estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na
kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na anim
hanggang sampung kalahok.
Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay
nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga
kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may
pagkakataong makapag bahagi ng ideya o impormasyon.
 Pakikisangkot habang pakapa-kapa
Sa hanay ng mga pamamaraan maka Pilipino,
maraming mapagpipilian ang isang mananaliksik, depende
sa ng mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik,
at dulog ng pangangalap ng datos. Sa kanyang panananaliksik
hinggil sa pagkalalake, halimbawa, ginamit ni Santiago (1977)
ang pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa
pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng
maraming araw sa tatlong buwan.
 Pagtatanong-tanong
Maraming mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong
sa pagkalap ng katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay
mainam sa sumusunod na pagkakataon:
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa
isang tagapag batid
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may
direkstang karanasan sa paksang sinisiyasat
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan
hinggil sa paksa
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa
ibang tagapagbatid (Gonzales, 1982 )
 Pakikipagkwentuhan
Pakikipagkwentuhan naman ang ginagamit ni de vera na (1982 )
upang pag aralan ang pakikiapid sa isang baryo sa camarines
norte. Ito ay isang di-estrukturadong at impormal na usapan ng
mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang
mga paksa kung saan ang mananliksik ay walang ginagamit na
tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit at igiya ang daloy sa
isang direksyon.
 Pagdalaw-dalaw
Ayon kina Gepigon at Francisco(1982) , ang pagdalaw dalaw
ay ang pagpunta punta at pakikipag-usap ng mananaliksik
sa tagapagbatid upang sila ay makakilala, matapos magpakilala
at makuha ang loob ng isat isa, mas maluwag na sa kalooban ng
tagapagbatid at ilabas sa usapan “ang mga nais niyang sabihin
bagamat maaring may ilan pang pagpipipigil (1982, p. 194).
 Pagbabahay-bahay
May pagkamasaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi
lamang pumupunta sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik,
nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at
nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagsasasagawa ng survey, pero ituturing ding etnograpikong
pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik,
kompleks, at malalalim na impormasyon mula sa maraming
tagapagbatid.
 Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa
paglikom ng datos mula kapuwa tao kundi pati narin sa
mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno.
Sa madaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga,
at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung kaakibat ng
pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya
ng mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi
sa mga susunod hakbangin” sapananaliksik ( Gonzales
1982 p.175)

Salamat Po!

You might also like