You are on page 1of 14

PAGPROSESO NG IMPORMASYON, PARA SA KOMUNIKASYON (YUNIT II)

1. ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY


KOMUNIKASYON
ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang Sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon,
ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang
interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
—Webster
ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat
na paraan.

—Bernales, et al., 2002


proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na
maaaring berbal o di-berbal

—Greene at Petty
isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri
ng simbolo
upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang
indibidwal tungo sa iba.

Sitwasyong pang-KOMUNIKASYON
-ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha, at pakikipagtalastasan sa kapuwa
ang mga kaalamang natutuhan natin mula sa pag-oobserba at pagsusuri sa lipunan.
Pangunahing salik ng kaalaman
-na ibinabahagi din natin sa kapwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula
sa tao at ating
kapaligiran, at sa midya.
Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at
komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalaman at napanday nating
karunungan.
Ang kaalaman ay makapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang
pakikipag-usap sa kapuwa o pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at
talab ng mga ibinabahaging kaalamn na nakabatay sa malalim at malawak na
pagsususuri at pagtatahi ng impormasyon.

Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang kultura ng pang madling midya at
virtual na komunikasyon, mas madali nang magpakalat ng tinatawag na disinformation,
na mas kilalang fake news sa mga midya ginagamit sa Information and Communication
Technology

=Bahagi ng mataas na antas ng literasing pangmidya ang matalas na sensibilidad sa


pagsagap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang midya sa ating lipunan. Walang
anumang midya at teksto ng midya na values free.

=Ang klase ng midya, ang wika at naratibong itinampok dito, ang estraktura at daloy ng
kuwento, ang mga tunog at imahen na ginawang representasyon ng realidad, at iba
pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral – bagkus may sinasalamin at kinakatawan
itong mga diskurso, ideolohiya, at kapangyarihang sosyal, kultural, at ekonomik.

Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo na o mga kwento na
naglalaman ng ilang katotohanan, ngunit hndi ganap na tumpak.

Ilang hakbang upang malaman kung ang impormasyon ay lehitimo o hindi

-Pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.


-Suriin kung tunog tama ba ang pahayag o impormasyon.
-Kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan.
-Maging mapanuri sa pinagmulan ng mga impormasyon.
-Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mgaimpormasyon.
Mass Media o pangmadlang midya
-ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunan ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ng impormasyon ang madla.

—Maxwell McComb at Donald Shaw


Ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko.

—George Gerbner
ang midya lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakakatakot.

—Marshall McLuhan
binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahan nito
ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabing “ang midyum
ay ang mensahe.”

—Stuart Hall
ang midya ay nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan.

=Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang-alang ang pamamaraan ng


pagkuha ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng
pinagkunan o pinagmulan ng impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong
sa palso at di angkop na datos.

=Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng


impormasyon, kailangang magtiwala tayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo
sa pagkalap at pagsusuri ng impormasyon.
2. MGA PANIMULANG KONSIDERASYON: PAGLILINAW NG PAKSA, MGA
LAYON, AT SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na


problema, pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Ito ay nagbibigay
pagkakataon sa atin upang mapataas ang antas ng kaalaman sa pamamagitan ng
isang eksperimento. Ito ang pinakamahusay na nagawa sa pamamagitan ng paggawa
ng isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng pananaliksik upang sagutin ang
tanong. Ito ay maaaring tungkol sa anumang bagay, at maraming halimbawa ng
pananaliksik ang abeylabol sa iba’t ibang midya.

Dapat isaalang-alang ng isang mananaliksik bago pumili ng batis ng


impormasyon.

-Kailangang malinaw ang tukoy na paksa at layon ng pananaliksik.

-Kailangang ikonsidera ng mga mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong


pangkomunikasyon.

-Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pang


komunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman.

Mga mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982)

-Iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa.

-Gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino.

-Humango ng mga konsepto at paliwanag sa mga kalahok.


3. MULAAN NG IMPORMASYON: MAPANURING PAGPILI MULA SA SAMO’T
SARING BATIS

PRIMARYANG BATIS
mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba o nakapagsiyasat ng isang
paksa o penomena.

Halimbawa ng primaryang batis:

1. Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao


-Pagtatanong-tanong
-Pakikipagkuwentuhan
-Panayam o interbyu
-Pormal, impormal, o semi-estrukturado ng talakayan
-Umpukan
-Pagbabahay-bahay

2. Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang


elektroniko.
-awtobiyograpiya
-talaarawan
-sulat sa email
-tesis at disertasyon
-sarbey
-artikulo sa journal
-mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, kopya ng batas
at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-organisasyon
-orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament.
-talumpati at pananalita
-larawan at iba pang biswal grapika

3. Mula sa iba pang batis


-harapan o online survey
-Artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen, pera, kagamitan, at
damit.
-Nakarecord na audio at video
-Mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.
-Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet
-Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video.

SEKUNDARYANG BATIS
ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal, grupo, o
institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o
penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa
taong hindi nakaranas nito o pagtatalakay sa gawa ng iba.

Halimbawa ng sekundaryang batis:


-ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editoryal kuro-kurong tudling, sulat sa
patnugot, at tsismis o tsika.
-encyclopedia
-teksbuk
-manwal at gabay na aklat
-diksyonaryo
-komentaryo
-sanaysay
-sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
-abstrak
-mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation
-sabi-sabi

Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito ang
mismong paksa ng pananaliksik.

_-Hinampas (2016)
Daan ito sa pagtukoy ng iba pang mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng
magamit ng mananaliksik, gayunman, dapat na balikan, suriin, at gamitin ng
mananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga impormasyong nagamit
sa sekundaryang batis.

Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon


Sa pagpili ng mga kapuwa-tao bilang batis ng impormasyon, kailangang timbangin ang
kalakasan, kahinaan, at kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag-ugnayan. Ang
mga kapuwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung ang
nasagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba.

Sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao, sinasadya, tinatanong, at kinakausap ng


mananaliksik ang mga indibidwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong
sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito, o kaugnay nito
sa iba’t ibang dahilan.

Sa mediadong ugnayan naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa


kapuwa-tao sa pamamagitan ng ICT.
Midya bilang Batis ng Impormasyon
Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon, kailangan ding pag-isipang
mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng
kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, ang angkop na
uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.

4. PAGLUBOG SA MGA IMPORMASYON: MGA PAMAMARAAN NG


PAGHAHAGILAP AT PAGBABASA

Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon, kailangang


paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at
datos. Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik kung
kaya inaasahang natukoy na dito ng mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng
impormasyon.

TAMBALAN NG PANGANGALAP AT PAGBABASA NG IMPORMASYON


Maraming disenyo ng pagsasaliksik kungsaan kailangan munang malikom ang datos o
impormasyon bago ang pagbabasa at pagsusurinito. Mayroon ding mga disenyo na
kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na gawaing ito.

PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA KAPWA-TAO


Ang ating kapwa-tao ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang
maaaring masabi batay sa kanilang karanasan; maaari nilang linawin agad at dagdagan
pa ang kanilang mga sinasabi sa mananaliksik; at may kapasidad din silang mag-imbak
at magproseso ng impormasyon.

Marami ng establisadong pamamaraan ng pangangalap ng katunayan at datos


mula sa kapwa-tao. Ang pinakapalasak sa mga ito ay natutuhan natin mula sa
Kanluran, at ang ilan ay maaaring nang isagawa nang online ngayon.
Subalit may mga pamamaraan na ring nadebelop mula sa larangan ng
Sikolohiyang Pilipino (SP) na madalas nang gamitin ngayon ng mga Pilipinong
iskolar, lalo na sa mga pananaliksik sa agham panlipunan.

1. Eksperimento
2. Interbyu
3. Focus Group Discussion
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa
5. Pagtatanong-tanong
6. Pakikipagkwentuhan
7. Pagdalaw-dalaw
8. Pakikipanuluyan
9. Pagbabahay-bahay
10. Pagmamasid

1. Eksperimento
Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang
kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang
mahalagang problema at paksa.
2. Interbyu
Isang interaksiyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapag tanong at tagapakinig, at
tagapagbatid na syang tagabahagi ng impormasyon.

Uri ng Interbyu
Estrukturadong Interbyu
Di-estrukturadong Interbyu
Semi-estrukturadong Interbyu

3. Focus Group Discussion (FGD)


Isang semi-strukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na
kadalasang mananaliksik, at anim at hanggang sampung kalahok.
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa
Ang pakapa-kapa ay isang eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto ng
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraan
ng pagkuha ng datos kagaya ng pagmamasid pagtatanong-tanong, pagsubok,
pagdalaw, pakikilahok at pakikisangkot (Torres, 1982)

5. Pagtatanong-tanong
Ang pagtatanong--tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon:
- kung ang impormasyong sini-siyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid;
kung hindi tuwirang mata-tanong ang mga taong may direktang karansan sa paksang
sinisiyasat;
-kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa; at
-kung nais maberipika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid.

6. Pakikipag-kuwentuhan
Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid
hinggil sa isa o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na
tiyak na mga tanong at hindi nya pinipilit igaya ang daloy sa isang direksyon.

7. Pagdalaw-dalaw
Ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay
magkakilala. Ito ay maaring kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng
datos kagaya ng pakikipagkuwentuhan at pakikilahok.

8. Pakikipanuluyan
Nakikisalamuha sa mga tao at nakikisangkot sa ilan sa kanilang mga aktibidad.
Inaasahang malalim at komprehensibo ang impormasyong malilikom ng mananaliksik.
Ito ay isa sa mga pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa
tao.
9. Pagbabahay-bahay
Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik
at tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay
walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi nya pinipilit igaya ang daloy sa isang
direksyon.

10. Pagmamasid-masid
Ito ay pag-oobserba gamit ang mata, ilong, taynga at pandama sa tao, lipunan at
kapaligiran. Ang pagamamasid ay kaakibat din ng iba pang mga pamamaraan ng
pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay-bahay at
pakikipanuluyan.

Apat na uri ng Pagmamasid


-Ganap na tagamasid
-Kalahok bilang tagamasid
-Tagamasid bilang kalahok
-Ganap na kalahok

Mga Instrumentong Karaniwang ginagamit sa Pagkalap ng Datos mula sa Kapwa-


tao
-Talatanungan at gabay na katanungan
-Pagsusulit o eksaminasyon
-Talaan sa fieldwork
-Rekorder
PANGANGALAPNG IMPORMASYON GALING SA MGA AKLATAN

May mga datos na hindi sa kapwa tao direkta at tahasang makukuha, kundi mula
sa mga midya at iba pang materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan.

Bigyang pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa


aklatan.
-Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy
para sa isang pananaliksik.
-Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na
pinaiiral sa aklatang natukoy.
-Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at
makagamit ng mga pasilidad.
-Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress.
-Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon,
at ilan pang mga printed na materyal.
-Gamitin ang online public access catalog (OPAC)
-Huwag kalimutang halughugin ang pinagkunan na online ng aklatan.

PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA ONLINE NA MATERYAL


Sa kasalukuyang panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang
maraming primaryang batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop
at desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet tulad ng cell phone at tablet. Pangunahin
sa mga batis na ito ang mga artikulo sa journal, balita sa online news site, at account ng
karanasan sa blog.

Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananliksik, bigyang prayoridad ang


online news sites na:
-walang hayag na kinikilangang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga
artikulong may iba’t ibang panig.
-pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamgitan ng komento
-hindi naglalabas ng mga propagandangnagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo,
o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Mainam ding bisitahin ang mga sumusunod kung ang pananaliksik ay may
kaugnayan sa isyung pambansa.
-website ng pamahalaan
-website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan.
-website na gumagawa ng fact check.

5. PAGSUSURI NG DATOS: MULA SA KAUGNAYAN NG MGA IMPORMASYON


HANGGANG SA PAGBUO NG PAHAYAG NG KAALAMAN
Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos mangalap at magbasa ng mga katunayang
impormasyon at datos para sa binubuong pahayag ng kaalaman.
Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
1. Maaaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon.
2. Tingnan ang mga semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon.
-istriktong paglalakip
-espasyal
-pagbibigay-katuwiran
-sanhi-bunga
-lugar ng isang kilos
-gamit
-pagkakasunod-sunod
-attribusyon
3. Gumamit ng mga pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik.
Pagbubuod ng Impormasyon
Sa pagbubuod ng teksto, pinapalitaw ang mga pangunahing puntong makukuha sa
mga pinag-ugnay-ugnay at tinahi-tahing impormasyon. Makatutulong nang malaki
sa pagbubuod kung may abstrak at sumaryo ang binasang materyal.
Gabay na dapat antabayanan sa pagbubuod ng impormasyon
-Basahin ng mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga susing salita na gagamitin sa
pagbuod.
-Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o
tinatanong.
-Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos mabisang paraan o gamitin ang coding.
-Kahingian sa ilang uri ng material na angkop sa elemento at ekstraktura ng buod.

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman


Sa bahaging ito, kailangan ng pagpasyahan o iorganisa ng mananaliksik ang
pangunahing tema at karampatang detalye na lalamanin ng kaniyang pahayag ng
kaalaman.

Ikonsindera ang mga sumusunod sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman


-pumili ng mga angkop na salita.
-gumamit ng epektibo at wastong komposisyon.
-isaayos ang estruktura at daloy ng kaalaman.
-pukawin ang interes, damdamin at kamalayan ng mga kalahok o audience.
-gumamit ng panauhang pananaw.
-iwasan ang paglalahad ng impormasyong makapapahamak sa mga tagapagbatid.
-gumamit ng mga sipi mula sa mgatapagbatid at eskperto.
-gumamit ng estilong pangsanggunian.

You might also like