You are on page 1of 57

Pagpoproseso ng

Impormasyon para
sa Komunikasyon
GEC 10 – KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
YUNIT II | JAY-AR TABARANGAO CIPCON, LPT
CBSUA-CAS- HUMANITIES DEPARTMENT
Ang Pananaliksik
at Komunikasyon
sa ating Buhay
*Sa anumang sitwasyong
pangkomunikasyon, ginagamit sa
pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at
pakikipagtalastasan sa kapuwa ang
mga kaalamang natutuhan natin mula
sa pag-oobserba at pagsusuri sa
lipunan.
Pangunahing Salik ng Kaalaman
1. Mga impormasyong nasagap
natin mula sa mga tao;
2. Sa ating kapaligiran;
3. at sa Midya.
“Ang bawat butil ng
impormasyon na alam natin at
anumang kaugnayan ng butil
na ito sa isa’t isa – ay ang
malaking bahagi ng ating
kaalaman.”
Marshall McLuhan
“Binabago ng midya ang simbolikong
kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensyahan nito ang kanilang
pananaw, karanasan, ugali at kilos.” –
(Griffin, 2012)
Sa kasalukuyang panahon kung
kailan laganap ang kultura ng
pangmadlang midya at vitual
na impormasyon, mas madali
ang pagkalat ng tinatawag na
disinformation (FAKE NEWS).
Samatuwid, kailangang maging
mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa
midya upang magamit ang mga
ito sa kapakinabangan, sa halip
na kapahamakan.
ABISO PUBLIKO:
– Dapat ding maging mapanuri
sa mga impormasyong
nakukuha sa harapang
pakikipag-usap.
“Ang sinasabi ng eksperto,
mahal sa buhay, matalik na
kaibigan, sikat na artista,
politiko, o tinitingala sa lipunan
ay hindi awtomatikong
katotohanan.”
– Mahalaga ang pagtatasa,
pagtitimbang at pagtatahi ng
mga impormasyon na galing
sa iba’t ibang tao bilang
batis ng impormasyon.
Dapat Isaalang-ala sa Pagkuha ng
Impormasyon:
1. Pamamaraan ng pagkuha ng
impormasyon
2. Kontesto ng impormasyon
3. Konteksto ng pinagkunan o
pinagmulan ng impormasyon.
Sa panahon ng “post-truth”,
kailangan mas maging
responsable sa paggawa ng
pahayag, maging harapan
man o ginagamitan ng
midya.
TANDAAN:
Sa pagsasaliksik, minimithi ang
pagtatamo ng karunungan na batay sa
masusing pagsusuri ng mga ebidensiya
at tungo sa higit na matatag na
direksyon sa pananaw at pamumuhay
ng tao. (Almario, 2016)
Mga Panimulang
Konsiderasyon
PAGLILINAW SA PAKSA, MGA LAYON,
AT SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Mga Bagay na dapat Isaalang-alang bago
pumili ng Batis ng Impormasyon
1. Tukoy na paksa at layon ng pananaliksik;
2. Pakay sa paglahok sa sitwasyong
pangkomunikasyon;
3. Uri at kalakaran ng sitwasyong
pangkomunikayon.
Mulaan ng
Impormasyon
MAPANURING PAGPILI
MULA SA SAMO’T SARING BATIS.
– Ang batis ng impormasyon ay
ang pinagalingan ng mga
katunayan na kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng
kaalaman hinggil sa isang isyu,
penomeno, o panlipunang
realidad.
Pangunahing Uri:

1.Primaryang Batis
2.Sekundaryang Batis
Primaryang Batis
o ay mga orihinal na pahayag,
obserbasyon at teksto na direktang
nagmula sa isang indibidwal, grupo o
institusyong na nakaranas, nakaobserba
o nakapagsiyasat ng isang paksa o
penomeno.
Mga Halimbawa ng
Primaryang Batis
Mula sa Harapang Ugnayan
sa Kapuwa-tao
1. Pagtatanong-tanong; 5. Umpukan
2. Pakikipagkuwentuhan; 6. Pagbabahay-bahay
3. Panayam o Interbyu;
4. Pormal, Inpormal,
Estrukturado, o Semi-
estrukturadong talakayan
Mula sa mga Materyal na
Nakaimprenta at Kopyang Elektroniko
1. Awtobiyograpiya; 7. Balita (diyaryo/radio/tv);
2. Talaarawan; 8. Record sa tanggapan sa
3. Email; gobyerno;
4. Tesis at Disertasyon; 9. Orihinal na dokumento;
5. Sarbey 10. Talumpati at pananalita;
6. Artikulo sa Journal; 11. Larawan/Biswal na
grapika.
Iba pang Batis
1.Harapan o Online na sarbey;
2.Artifact (bakas ng labi ng dating buhay na
bagay, specimen, pera, kagamitan, at
damit);
3.Nakarekord na audio at video;
Iba pang Batis (cont.)
4. Mga blog sa internet na naglalahad ng
sariling karanasan o obserbasyon;
5. Website ng mga pampublikong at
pribadong ahensya sa internet; at
6. Mga likhang sining tulad ng pelikula,
musika, painting at music video.
Sekundaryang Batis
o ay mga orihinal na pahayag ng
interpretasyon, opinion at kritisismo
mula sa mga indibidwal, grupo o
institusyong na hindi direktang
nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik
ng isang paksa o penomeno.
– Kasama rito ang mga
interpretasyon sa mga
pangyayari mula sa taong hindi
dumanas nito o “pagtalakay sa
gawa ng iba”.
(Hinampas, 2016)
Halimbawa ng Sekundaryang Batis
1. Ilang artikulo sa diyaryo at magasin (editorial, kuro-kurong
tudling, sulat ng patnugot, tsismis o tsika);
2. Encyclopedia; 6. Kritisismo;
3. Teksbuk; 7. Komentaryo;
4. Manwal at Gabay na Aklat; 8. Sanaysay;
5. Disyonaryo at Tesoro; 9. Abstrak;
Halimbawa ng Sekundaryang Batis (cont.)

10. Sipi mula sa orihinal na hapag o teksto;


11. Mga kagamitan sa pagtuturo (Powerpoint
Presentation); at
12. Sabi-sabi
TANDAAN:
– Alinman sa sekondaryang
batis ay maaaring maging
primaryang batis kung ito ang
mismong paksa ng pananaliksik.
* Binibigyang prayoridad ang
primaryang batis sapagkat ito
ay nanggagaling sa aktuwal na
karanasan, obserbasyon, o
pagsisiyasat kaya itinuturing na
mas katiwa-tiwala kaysa
pangalawa.
– Ngunit hindi dapat
ipagbalewalang bahala ang
alinmang sekondaryang batis
dahil maaaring maghain ito ng
kaugnay o alternatibong
perpektiba at kabatiran na
magpapatatag sa kaalaman.
* Sa pagsangguni sa mga
sekundaryang batis, iwasan ang
tahasang pagtitiwala sa mga
sangguniang na ang nilalaman
ay maaaring baguhin o
dagdagan ng sinuman.
(halimbawa: Wikipedia)
Ilan sa mga Kalakasan ng
Harapang Ugnayan
1. Maaaring makakuha ng agarang sagot at
paliwanag;
2. Makapagbigay ng angkop na kasunod na
tanong;
3. Malinaw niya agad ang sagot; at
4. Maoobserbahan ang kanyang berbal at di-
berbal na ekspresyon.
Mga Pamamaraan sa
Paghahagilap ng
Impormasyon
Survey
o Ginagamit sa mga deskriptibo at
kuwantitatibong pag-aaral ng malalaking
populasyon para sukatin ang kaalaman,
persepsyon, disposisyon, nararamdaman,
kilos, gawain at katangian ng mga tao.
(Baxter at Babbie, 2004)
– Ito ay ginagamitan ng
talatanungan at maaaring
isagawa ng harapan o online.
Mahalaga ang organisado,
malinaw at espisipikong mga
panuto at katanungan sa pagsa-
survey.
Interbyu
o Isang interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik bilang tagapagtanong at
tagapakinig, at ng tagapagbatid na
siyang tagapagbahagi ng
impormasyon.
(Baxter at Babbie, 2004)
Uri ng Interbyu

1. Estrukturadong Interbyu
2. Semi-estrukturadong Interbyu
3. Di-estrukturadong Interbyu
Pagtanong-tanong
o Maraming mga mananaliksik ang
gumagamit ng patanong-tanong sa
pagkalap ng katunayan at datos. “Sa
ganitong pamamaraan, may mga dapat
isaalang-alang tulad ng pook at
panahon ng pagsasagawa nito”.
(Gonzales 1982)
Ang Pagatatanong-tanong ay
mainam sa mga ss:
1. Kung ang impormasyong sinisiyasat ay
makukuha sa higit sa isang
tagapagbatid;
2. Kung hindi tuwirang matatanong ang
mga taong may direktang karanasan sa
paksang sinisiyasat.
Ang Pagatatanong-tanong ay
mainam sa mga ss: (cont.)
3. Kung ‘di pa tiyak kung sino ang may
kaalaman o karanasan hinggil sa paksa;
4. Kung nais maberipika ang mga
impormasyong nakuha mula sa ibang
tagapagbatid.
* Nagtatanong-tanong ang
mananaliksik kung hindi niya
masyadong gamay o wala
siyang gaanong alam pa sa
paksang sinisiyasat.
(Gonzales, 1982)
Pagmamasid
o Paglilikom ng datos hindi lamang sa
kapuwa-tao kundi pati na rin sa mga
bagay, lugar, pangyayari at iba pang
penomeno. Ito’y pag-oobserba gamit
ang mata, taynga, ilong at pandama sa
tao, lipunan at kapaligiran.
– Ang pagmamasid ay kaakibat
din ng iba pang mga
pamamaraan ng pagkuha ng
datos kagaya ng pakikilahok,
pakikisangkot, pagbabahay-
bahay at pakikipanuluyan.
Iba pang Pamamaraan
sa Pagkalap ng mga Datos
o Eksperimento
o Focus Group Discussion
o Pakikisangkot
o Pakikipagkuwentuhan
Iba pang Pamamaraan
sa mga Pagkalap ng Datos (cont.)

o Pagdalaw-dalaw
o Pakikipanuluyan
o Pagbabahay-bahay
Instrumento sa Pagkalap ng Datos
1. Talatanungan
2. Pagsusulit o Eksaminasyon
3. Talaan sa Fieldwork
4. Rekorder
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa mga Aklatan
* May mga katunayan at datos na
hindi sa kapuwa-tao direkta at
tahasang maaapuhap, kundi mula
sa mga midya at iba pang material
na maaaring matagpuan sa mga
aklatan.
– Mahalaga ang aklatan
dahil dito makikita ang
maraming sanggunian na
magagamit sa
pananaliksik.
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa mga online na materyal
* Maraming primaryang batis ng
impormasyon ang maa-access
gamit ang internet at digital na
teknolohiya. (tulad ng kompyuter
at maging cellphone at tablet)
– Pangunahing sa mga
batis na ito ang mga
artikulo sa journal, balita
sa online news site, at
account ng karanasan sa
blog.
Pangangalap ng Impormasyon
mula sa pangmadlang midya
* Maraming impormasyon ang
maaaring makuha sa mga
pangmadlang midya gaya ng radio,
diyaryo, magasin, tv, pelikula at
internet.
– Ang pangmadlang midya ay
nahaharap sa malaking isyu ng
kredibilidad at pagiging katiwa-
tiwala kahit itinuturing itong
pang-apat na estado ng lipunan
na nagbabantay sa gobyerno.
(Teodoro, 2001)
GABAY NA TANONG
1 buong papel
1. Bakit mahalaga ang
pananaliksik bago bumuo at
magbahagi ng pahayag ng
kaalaman sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon?
GABAY NA TANONG
2. Sa iyong karanasan sa pananaliksik sa
hayskul, paano pinag-ugnay-ugnay ang
mga impormasyon na galing sa iba’t
ibang batis? Paano naman ginagawan ng
buod ang mga pinag-ugnay-ugnay na
impormasyon?
GABAY NA TANONG
3. Bakit mahalagang gamitin ang wikang
Filipino sa pagpoproseso ng
impormasyon para sa komunikasyon,
mula sa pagpili ng paksang sisiyasatin
hanggang sa pagbuo ng pahayag ng
kaalaman?

You might also like