You are on page 1of 12

KONTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA
FILIPINO 1
MODYUL BLG 01
KABANATA 3
MGA PAKSA:
A. TSISMISAN
B. UMPUKAN
C. TALAKAYAN
D. P:AGBABAHAY-BAHAY
E. PULONG-BAYAN
F. KOMUNIKASYONG DI BERBAL ( KUMPAS ATBP), AT
G. MGA EKSPRESYONG LOKAL
• Ang Tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.
Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o
magkapalagayang loob.. Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na
katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o
narinig, pawang haka-haka sadyang di totoo o naimbentong kuwento lamang.
• Ang Umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga kakilala para
makausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o nagaganap na lamang sa bugso ng
pagkakataon.
• Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na
nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito ay maaaring pormal o impormal at pwedeng
harapan o mediated o gumagamit ng anumang midya. Ito ay maaaring pormal at
impormal.
• Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o isang grupo sa isang
bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng
isang teknolohiya, komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa,
mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok na tumangkilik sa
isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
• Ang Pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan sa itinakdang oras at
lulan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu,
kabahalaan,problema, programa at iba pang usaping pampamayanan.
• Ang komunikasyong Di-Berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa
pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Ito ay isang karaniwan at
lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi
ginagamitan ng salita.
• Sa larangan ng komunikasyon;
• Kinesika- Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan
• Proksemika- Pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng espasyo.
• Vocalics- Komunikasyong naipararating gamit ang tono ng pagsasalita.
• Chronemics- Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras.
• Haptics- Komunikasyong nakabatay sa pandama.
• Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala na nasasambit ng mga Pilipino dahil
sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak.
• Ang mga halimbawa ng ekspresyong lokal ay Manigas ka!, Malay mo., Hay Naku,
Susmaryosep
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO 1
MODYUL BLG 02
KABANATA 3

BATAYANG URI NG DISKURSO, NARASYON, MGA ELEMENTO NG NARATIB, URI AT


KAHINGIAN

BATAYANG URI NG DISKURSO: ARGUMENTASYON, URI, FALACIES OF REASONING, MGA


KAHINGIAN
MGA BATAYANG URI NG DISKURSO

1. Diskriptib/Paglalarawan Halimbawa: Paglalarawan ng pook pasyalan upang


makahikayat ng mga turista.
2. Naratib/Pagsasalaysay
3. Ekspositori/Paglalahad
4. Argumentatib/ Pangangatwiran
MGA ELEMENTO NG NARARATIB, URI AT
KAHINGIAN
1. Tauhan
2. Pangunahing Tauhan
3. Katunggaling Tauhan
4. Kasamang Tauhan
5. Ang May-Akda
IBA PANG URI NG TAUHAN

1. Tauhang Bilog (Round Character)


 maraming saklaw ang personalidad
 nagbabago ang katangian at damdamin
2. Tauhang Lapad (Flat Character)
 nagtataglay nang dalawang katangian
 madaling maunawaan ang katangian o predictable
3. Tagpuan at Panahon
 tumutukoy hindi lamang sa lugar kundi sa panahon (oras,petsa,taon) nang pinangyarihan at damdaming umiiral sa kapaligiran
ng maganap ang pangyayari
4. Banghay
 daloy ng pangyayari
IBA’T IBANG URI NG BANGHAY

• a. Analepsis (Flashback)- dito ipinapasok ang mga pangyayari sa naganap na nakalipas


• b. Prolepis (Flash Forward)- dito naman ay ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap
pa lang sa hinaharap.
• c. Ellipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapaktan may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
• 5. Paksa o Tema  pangunahing ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
• Argumentasyon- Naglalayong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig. Mahalaga ang
argumentasyon sapagkat nakapagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa isang tiyak na
isyu o panig sa lipunan.
• Uri ng Argumentasyon
• 1.Pabuod na Pangangatwiran- nagsisimula sa isang maliit at espesipikong halimbawa o
katotohanan at nagsisimula sa isang panlahat na simulain.
• 2. Pasaklaw na Pangangatwiran- nagsisimula sa malaking kaisipan ng mga tiyak na
pangyayari o katotohanan.

You might also like