You are on page 1of 4

Pagbuo, Pag-uugnay, at

Pagbubuod ng mga
Ideya
Pagbubuod at Pag-uugnay ng mga Ideya
at Datos tungo sa Mapanuring pagsulat
Maraming gawain sa akademiya ang nangangailangan
ng masusing pagbasa, panonood, pagsasalita,
pakikinig, at pagulat. Ibinabahagi ang mga ito sa
mga kaklase at guro. Sa paraan ng pagbabahagi,
kinakailangan ang pagpapaikli upang ang mga
pangunahing ideya at pagkakaugnay-ugnay ng mga
ito ay maipahayag nang malinaw at maayos.
Tumutulog din ito upang malinawan ang mga datos
na ginagamit sa mga suating akademiko at
pananaliksik

Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay


ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ilan dito
ang buod, lagom o synopsis, presi, hawig sintesis,
at abstrak.
Buod

Siksik at pinaikling berisyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat , pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang
ideya at sumusuportang ideya o datos. Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na
teksto. Kadalasan, nakatutulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohika at kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o
komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto.
Bilang datos sa isang masusing binasang teksto upang magamit sa isang pagsusulat, mahalaga ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng
argumento. Hindi tayo nagbubuod para lang ilahad ang ginawa o isinulat ng isang may-akda. Ginagamit ito bilang pansuporta sa isang
posisyon o tesis. Isa rin itong batayan kung paano binasa ng sumulat ang naturang akda at kung paano niya iyo naiuugnay sa kanyang paksa.
Pangunahing mga katangian ng pagbubuod ay ang mga sumusunod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita. Isa itong “muling pagsulat” ng binasang akda sa
maikling salita. Inihahalili sa mga salita ng may-akda ang mas pangkalahatang termino gaya ng kasuotan sa halip na saya, pagtuturo sa
halip na paglelektyur, at iba pa.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa ditto ang buod.
Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:
4. Basahin, panorin, o pakinggang muna nang pahapyaw ang teksto.
5. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga
susing salita (key words)
6. Pag-ugnay-ugnaying ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.

You might also like