You are on page 1of 3

KABANATA 3

Modyul Blg. 01
MGA GAWING PANG KOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Ang komunikasyon ay isang mahalagang sangkap ng ating buhay na siyang nagbibigay
kulay at silbi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ayon kay Birvenu (1987) ang
komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman,
paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. Mahalaga sa bawat tao na
matuto na magkaroon ng mahusay na pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon sa
kanyang kapwa upang magkaroon ng pagkakaunawaan hinggil sa mga bagay na pinag-
uusapan.
Bilang Pilipino likas na sa atin ang pakikipagkapwa tao at bahagi na ng ating kultura ang
pagsangkot sa mga komunikatibong sitwasyon.
Sa kabanatang ito, matatalakay ang mga kahulugan at maging ang mga gawi na dapat
isaalang-alang upang magkaroon ng maayos na pakikipagkomunikasyon berbal man o di-
berbal. Matatalakay rin ang ilang uri ng diskurso: Naratib at Argumentatib at ang ilang mga
kahingian sa pagbuo nito upang higit na malinang ang gawaing pangkomunkasyon ng mga
Pilipino.
A. Tsismisan
Ang Tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.
Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o
magkapalagayang loob.. Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na
katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o
narinig, pawang haka-haka sadyang di totoo o naimbentong kuwento lamang.
B. Umpukan
Ang Umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga kakilala para makausap
ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o nagaganap na lamang sa bugso ng pagkakataon.
C. Talakayan
Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na
nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito a maaaring pormal o impormal at pwedeng
harapan o mediated o gumagamit ng anumang midya. Ito ay maaaring pormal at impormal.

D. Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o isang grupo sa
isang bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng
isang teknolohiya, komunsulta sa mga miyrmbro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa,
mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok na tumangkilik sa
isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
E. Pulong-bayan
Ang Pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan sa itinakdang oras
at lulan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu,
kabahalaan,problema, programa at iba pang usaping pampamayanan.
F. Komunikasyong ‘Di Berbal
Ang komunikasyong Di-Berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa
pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Ito ay isang karaniwan at lahat
ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan
ng salita.
Kinesika- Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan
Proksemika- Pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng espasyo.
Vocalics- Komunikasyong naipararating gamit ang tono ng pagsasalita.
Chronemics- Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras.
Haptics- Komunikasyong nakabatay sa pandama.
G. Mga Ekspresyong Lokal
Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala na nasasambit ng mga Pilipino dahil
sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak.
Ang mga halimbawa ng ekspresyong lokal ay Manigas ka!, Malay mo., Hay Naku,
Susmaryosep,
KABANATA 3
Modyul Blg. 02
MGA GAWING PANG KOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
Mga Batayang Uri ng Diskurso
1. Diskriptib/Paglalarawan
Halimbawa:
Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.
2. Naratib/Pagsasalaysay
3. Ekspositori/Paglalahad
4. Argumentatib/ Pangangatwiran
Mga Elemento ng Nararatib, Uri at Kahingian
1. Tauhan
2. Pangunahing Tauhan
3. Katunggaling Tauhan
4. Kasamang Tauhan
5. Ang May-Akda
Iba Pang Uri ng Tauhan
1. Tauhang Bilog (Round Character)
 maraming saklaw ang personalidad
 nagbabago ang katangian at damdamin
2. Tauhang Lapad (Flat Character)

 nagtataglay nang dalawang katangian


 madaling maunawaan ang katangian o predictable
3. Tagpuan at Panahon
tumutukoy hindi lamang sa lugar kundi sa panahon (oras,petsa,taon) nang pinangyarihan
at damdaming umiiral sa kapaligiran ng maganap ang pangyayari
4. Banghay
daloy ng pangyayari
Iba’t ibang Uri ng Banghay
a. Analepsis (Flashback)- dito ipinapasok ang mga pangyayari sa naganap na nakalipas
b. Prolepis (Flash Forward)- dito naman ay ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap
pa lang sa hinaharap.
c. Ellipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapaktan may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
5. Paksa o Tema
pangunahing ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
H. Batayang Uri ng Diskurso: 4 Argumentasyon, Uri, Falacies of Reasoning, mga kahingian
Argumentasyon
Naglalayong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig. Mahalaga ang argumentasyon
sapagkat nakapagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa isang tiyak na isyu o panig sa
lipunan.
Uri ng Argumentasyon
1.Pabuod na Pangangatwiran
nagsisimula sa isang maliit at espesipikong halimbawa o katotohanan at nagsisimula sa
isang panlahat na simulain.
2. Pasaklaw na Pangangatwiran
nagsisimula sa malaking kaisipan ng mga tiyak na pangyayari o katotohanan.
Argumentum ad baculum-Pwersa o awtoridad ang gamit dito upang maiwasan ang isyu
at tuloy na maipanalo ang argumento.
Ignoratio elenchi-"Circular reasoning" sa english, paliguy-ligoy sa Filipino; Gamitin ito ng
mga Pilipino lalo sa mga usaping "barberya"
Dilemma- Naghahandog lamang ng dalawang opsyon na para bang iyon lamang at wala
ng iba pang alternatibo.

You might also like