You are on page 1of 23

YUNIT III

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON


NG MGA PILIPINO
(Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay, Pulong-
bayan, Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.), Mga
Ekspresyong Lokal )
Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto

a. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga


Pilipino sa iba’t ibang antas larangan.
b. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
c. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga
Kababayan
➢ Sa karaniwang diskurso, ang tsimisan ay itinuturing na isang
pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Subalit ang
tsismis, na siyang laman ng tsismisan, ay nanggagaling din minsan sa hindi
kakilala, lalo na kung ito’y naulinagan lang sa mga nagtsitsismisan.

➢ Ang pinagmulan o pinanggalingan ng impormasyon ay mauuri sa tatlo:


(1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;
(2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa;
(3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa
madla
Tsismis laban sa Katotohanan

➢ Sa kasalukuyang panahon na ang tsismis ay naglelevel up sa


pamamagitan ng information technology gamit ang social media
katulad ng facebook, twitter, instagram, at iba pa, higit na naging
mahirap na matukoy kung alin ang totoo at alin ang tsismis, alin ang
totoong balita at alin ang fake news. May mga taong mapanuri sa
mga impormasyong kanilang natatanggap subalit mayroon din
namang mabilis maimpluwensyahan at maniwala. Delikado ito
sapagkat higit na mabilis na kumalat ang mga balita sa kasalukuyang
panahon. Isang click lamang sa mouse ng computer ay agad ka ng
makatatanggap ng balita na hindi katulad noong hindi pa uso ang
teknolohiya na ginagamit natin sa kasalukuyan na kailangan mo pang
bumilang ng araw, buwan o taon upang matanggap mo ang isang
balita.
Umpukan: Usapan, Katuwaan at
Iba pa sa Malapitang Salamuhaan

➢ Ang salitang umpukan ay tumutukoy sa


maliliit na pangkat o grupong tao na nag-
uusap tungkol sa mga usaping may interes
ang bawat kasama sa pangkat o grupo.
Maaaring ang pinag-uusapan ay may
kabuluhan sa kanilang personal na bunay,
sa buhay ng ibang tao, o mga kaganapan sa
lipunan sa loob man o labas ng bansa.
➢ Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng
salamyaan bilang talastasang bayan kung saan nabubuo
at napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob,
namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa
mga kalahok, at napapasigla at napapatibay ang
ugnayan at samahan ng mga Marikenyong
magakakatulad ang “interes at hanapbuhay”
Talakayan: Masisinang Palitan
at Talaban ng Kaalaman
➢ Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng
dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa.
Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga
itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at
programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok. Ang
karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga
isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong
pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral,
magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa
o makakakawing na mga problema at makagawa o
makapagmungkahi ng deesisyon at aksiyon.
Katagian ng mabuting pagtalakay:
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang
partisipasyon sa talakayan sa punto ng walng pangamba na nagingibabaw sa
kanilang pagpapahayag.
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit
hindi dapat dumating sa punto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng
pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit
nananatili ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng
pananaw ng mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang
hindi mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang
ipinapahayag sa malayong pagtalakay.
PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran

➢ Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing pangkomunikasyon ng


mga Pilipino kung saan naglalakbay o dumadayo ang isang tao o
grupo ng tao sa isang partikular na lugar kung saan iniisa-isa nila
ang mga kabahayan upang kumuha ng mga impormasyon o datos
na kinakailangan nilang makalap para sa isang partikular na
gawain. Ang halimbawa nito ay ang census, oplan tokhang,
pangangampanya at marami pang iba.
PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan
➢ Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan
upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang
mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng
mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon
makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.

➢ Ito ay karaniwang isang paraan na kung saan ang mga tao ay makakagawa
ng mga demokratikong desisyon. Sa isang pulong ng bayan dapat tiyakin ng
lahat ng tao na nakikilahok sila sa mga legal na gawain ng negosyo.
Nakatalaga sa mga pulong bayan ang mga agenda na dapat pag-usapan.
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL:
Pagpapahiwatigan sa Mayamang
Kalinangan
➢ Kinasasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang
uri ng komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng
interpretasyon ang nga senyas upang malsakatuparan ang
proseso ng komunikasyon. May mga paham na naniniwala na
ang komunikasyong di-berbal ay kinasasangkutan ng mga
detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat subalit
nauunawaan ng lahat.
Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal

1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng


komunikasyong berbal. Kalimitan, inuulit ng mga
kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag
sa pamamagitan ng wika.

▪ Halimbawa maaari nating sabayan ng kumpas na


naglalarawan ang pangungusap na, “Ganito nang kataas
ang aking bunsong kapatid.” O kaya naman ay maaaring
sabayan ng ngiti ang pangungusap na, “Nasisiyahan ako sa
nakuha kong marka sa pagsusulit.”
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin
sa halip na wika. Sa ating kultura, ang pagtango ng ulo
ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling
ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “hindi”.

3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal


ang isinasaad ng wika. Alam na nating higit na
ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig.
Sa mga senyas na di-berbal at ng wika, higit na
pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon.
▪ Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso
upang itulak ang isang kalahok sa talakayan
na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni
Patricio, nakatutulong ang ganitong senyas sa
daloy ng talakayan.
▪ Mga Uri ng Komunikasyong
Di-Berbal
▪ Komunikasyon sa pamamagitan
ng paghipo
▪ Komunikasyon sa pamamagitan
ng espasyo
▪ Komunikasyon sa pamamagitan
ng oras
▪ Komunikasyon sa pamamagitan
ng katahimikan
▪ Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo

➢ Ito ay may tanging kahalagahan sa atin


sapagkat ito ang unag paraan ng
komunikasyong naranasan natin bilang
sanggol. Ang pagkalong, pagyapos, o pagtapik
sa atin ay nakatutulong sa pagpapatibay ng
tiwala sa sarili. Habang tayo ay lumalaki,
natututuhan nating gamitin ang paghipo
upang ipahayag ang ating mga damdamin.
▪ Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo

➢ Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang namamagitan sa


mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri
ng distansiya:
a) sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay
magkakalayo ng mga labindalawang talampakan o higit pa.

b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng


mga apat hanggang pitong talampakan.

c) sa distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng


isa't kalahati hanggang apat na talampakan.

d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay


magkakalayo ng hindi hihigit sa labindalawang dali.
Ang ilustrasyon sa itaas ay minodipikang bersyorn ng modelo ni Hall sa
komunikasyong di-berbal na may pagsasaalang-alang sa espasyo bilang sanligan.
a. Ang kilalang-kilala espasyo (intimate distance) ay kinabibilangan ng pag- akap,
paghawak, pagbulong;
b. Ang personal na distansya ay makikita sa interaksyon sa pagitan ng
magkakaibigan at mga kamag-anak;
c. Ang sosyal na distansya ay ang interaksyon sa mga kakilala;
d. Ang pampublikong distansya ay ginagamit sa mga pampublikong pagtalakay.
▪ Komunikasyon sa pamamagitan ng oras

➢ Ang pag-aaral sa oras ay isa ring esensyal na paksa ng


pagtalakay sa komunikasyong di berbal. Tumutukoy ito
sa interdependente at integratibong antas ng karanasan
sa paggamit ng oras. Si Thomas J. Bruneau ang unang
gumamit ng salitang ito noong huling bahagi ng 1970
upang matukoy ang papel na ginagampanan ng oras sa
pakikipag-ugnayan ng tao. Ang paggamit ng tao sa oras
bilang bahagi ng kanyang buhay ay maaaring lumikha
ng pananaw sa ibang tao na tinitingnan ito bilang akto
ng komunikasyon.
▪ Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan

➢ Ang katahimikan katulad ng pagsasawalang kibo,


pagbibigay ng blangkong sagot sa isang text
message ay maituturing na mga mensahe sa isang
akto ng komunikasyon. Ang mga ito ay mga di-
berbal na komunikasyon na ang kahulugan ay
nakabatay sa pananaw ng taong tumatanggap
nito.
MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad,
Masigla at Makulay na Ugnaya’t Kuwentuhan

➢ Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong


wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal at iba
pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala at
pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na
ang kahulugan ay hindi literal na kahulugan ng
bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang
taong hindi bihasa sa lenggwahe.
➢ Halimbawa nito ay ang mga salitang pangkanto at gay languange
na talamak at nauusong gamitin ngayon sa pakikipag-usap katulad
halimbawa ng (lodi, petmalu, ngitpa, werpa, amats, olats, sisteret,
chaka). Ang mga halimbawa sa itaas ay mga salitang tambay o
pang-kanto at maaaring mga salitang balbal na ang ibig sabihin ay
mga salitang panlansangan. Ilan din sa mga halimbawa nito ay:

“Patola” - ginagamit upang ilarawan ang isang tao na mainitin ang


ulo at pumapatol sa issue.
“Hopia” - Isang tao na patuloy na umaasa sa isang bagay na
imposible ng mangyari.
“Anak ka ng tokwa” - Isang ekspresyon na nababanggit na
nagpapahayag ng pagkamangha o galit.
END

You might also like