You are on page 1of 4

 Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na communis na

nangangahulugang common o karaniwan


 Ayon naman kay Louis Allen (1958), ang komunikasyon ay kabuuang
ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba
 Ayon kay Keith Davis (1967), ang komunikasyon ay isang proseso ng
pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao
 Para naman kina Newman at Summer (1977) ang komunikasyon ay
pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon o maging opinyon ng mga
kalahok sa proseso
 Sinabi naman ni Birvenu (1987) na ang komunikasyon ay isang proseso ng
pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa
pagitan ng mga nabubuhay na nilalang
 Binigyang-kahulugan naman ni Keyton (2011) ang komunikasyon bilang
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito
 Pangangailangan upang makilala ang sarili
 Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
 Pangangailangang praktikal
 Ayon kay Edward Tylor (1871; sa Panopio at Santico-Rolda, 1992), ang
kultura ay tumutukoy sa isang masalimuot na kabuuang binubuo ng
karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral, mga kaugalian at iba
pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang isang myembro
ng lipunan
 sa low-context culture ay ginagamit ang wika nang direkta upang ipahayag ang
ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa
ganitong kultura
 high-context culture na ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang
nakabatay sa salitang ginamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel
ng mga 'di berbal na palatandaan, pamantayan, kasaysayan ng
relasyon/ugnayan at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang
masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon sa kapwa.
 Sa ganitong pag-uuri, masasabing ang Amerika, Canada, Israel at mga bansa
sa Kanlurang Europa ay halimbawa ng may kulturang low-context
 Sa kabilang banda, kabaligtaran ito ng mga bansang Asyano partikular na ang
Hapon, mga bansa sa Gitnang Silangan at maging Pilipinas na mas
pinananaigan ng high-context na kultura
 itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-reliant, mapaggiit at
independent sa isang lipunang indibidwalistiko
 kulturang kolektibo na namamayani ang pagsasakripisyo, pagiging matulungin
at mapagbigay at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin ang kapwa kaysa
sa sarili
 cultural sensitivity ay tumutukoy sa pagiging malay ng isang taong ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng bawat lipunan ay buhay na buhay
nang walang pag-uuri kung alin ang tama at mali
 pahiwatig ay isang maselang pamamaraan ng katutubong pagpapahayag na 'di
tuwiran at may pagkalihis sapagkat napapaloob sa kulturang matindi ang
pagpapahalaga sa niloloob ng kapwa tao
 Pahaging. Isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis
 Padaplis. Isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o
masanggi nang bahagya ang kinauukulan
 Parinig. Isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng
niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino
mang nakikinig sa paligid;
 Pasaring. Tumutukoy ito sa mga berbal na 'di tuwirang pahayag ng pula, puna,
paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga
nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan
 Paramdam. Isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang
espiritu,
 Papansin. Tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon,
kadalasang ginagawa kapag pakiwari ng nagmemensahe ay kulang siya sa
sapat na pansin
 Paandaran. Isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at
umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na
binabanggit sa sandaling may pagkakataon
 Pahatid. Isang mensaheng ang pinagtutuunan ay ang akto ng pagpapadala sa
pamamagitan ng isang sugo
 Pasabi. Mensaheng ipinasabi sa isang tagapamagitan
 Pabilin. Isang mensaheng nagsasaad ng atas o ibig ipatupad sa tumatanggap
ng mensahe bilang pagsunod o pagbibigay-layaw sa nagmemensahe
 Paabot. Isang mensaheng ipinadadala roon sa panig na may kalayuan upang
maluwalhating magkaintindihan
 Ihinga. Tumutukoy ito sa pagpapaluwag ng sarili sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng sakit ng loob o pagsasabi ng mga lihim na kinakailangang
ilabas upang mapawa ang hirap na nararamdaman sa loob
 Ipagtapat. Ito ay nagmula sa salitang-ugat na tapat na nangangahulugang
kaharap, mapagkakatiwalaan at kapani-paniwala bukod pa sa pagsasabi ng
totoo at hindi umiiwas magsalita nang tuwiran
 Ilabas. Nangangahulugan ito ng paglalantad sa paningin ng madla o ng sino
mang kinauukulan na madalas ginagamit sa mga bagay na maselan o nakatago,
ikinukubli dahil sa pagsasaalang-alang sa mga sangkot subalit pilit pa ring
umaalpas at nangingibabaw.
 Ilahad. Tumutukoy ito sa maayos na pagsasalaysay
 Pagtatampo (Tampo). Ito ay damdaming dala ng pagkabigo
 Pagmumukmok (Mukmok). Ito ay komunikasyong naipaparating sa
pamamagitan ng pagsasawalang-kibo
 Pagmamaktol (Maktol). Akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang
pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol
 Pagdadabog (Dabog). Ito ay 'di berbal na komunikasyon na likas sa kulturang
Pilipino na ang pinakamalaking elemento ay paglikha ng ingay gaya ng
pagpadyak ng paa
 Ang tsismisan ay isa sa mga gawaing pangkomunikasyon na bahagi ng
kulturang Pilipino
 umpukan bilang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o
higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng
impormasyon
 Ang talakayan naman ay tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga
kalahok sa nasabing usapan a binubuo ng tatlo o higit pa
 Ang panel discussion ay pinangungunahan ng isang tagapagpadaloy na
nagsisilbing gabay kapwa ng mga panelist at tagapakinig sa talakayan.
 simposyum sa isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang
mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan
 ang pagbabahay-bahay. Kalimitan namang isinasagawa ito sa mga sitwasyong
nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol
sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong
bilang metodo.
 pulong-bayan na isinasagawa ng publiko at ng mga kinauukulan. Sa kulturang
Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa
kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang
kalagayan ng komunidad, kung may programa o proyektong gagawin sa kanilang
bayan na nangangailangan ng pagsang-ayon ng mga mamamayan
 ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil
sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta,
takot, dismaya, tuwa o galak.
CHAPTER 3

 Ang komunikasyon ay nag-uudyok sa pagsisimula at pagpapatuloy ng mga


panlipunang ugnayan
 Ang komunikasyon ay behikulo ng pagpapalaganap ng kritikal na impormasyon
at kaalamang kultural.
 Ang komunikasyon ay nagpapatibay sa isang kolektibong hangarin ng
mamamayan.
 Pormal at impormal na komunikasyon.
 Berbal at Di Berbal na komunikasyon
 ANTAS NG KOMUNIKASYON
 Intrapersonal na komunikasyon- nagaganap sa isang indibidwal lamang
 Interpersonal na komunikasyon- pakikipag usap sa isa o higit pa
 Pangkatang komunikasyon.- ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang tao
na iisa ang layunin
 Pampublikong komunikasyon.-tumutukoy sa komunikasyon na nagaganap sa
pagitan ng isa at malaking pangkat ng tao
 Pangmadlang komunikasyon- hindi malinaw sa taga pag batid ng mensahe kung
anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang taga pakinig
 SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON- tumutukoy sa mga sitwasyon na kung
saan may komunikasyon na nagaganap
 Prinsipyo ng kantidad - daming impormasyong kailangang ibigay
 Prinsipyo ng kalidad - katotohanan ng ibinibigay na impormasyon.
 Prinsipyo ng relasyon - halaga ng ibinibigay na impormasyon
 Prinsipyo ng pamamaraan - paraan ng pagbibigay ng impormason

You might also like