You are on page 1of 183

Mo

dule 10 Oral na paglalahad ng pag-


aaral

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Naiisa-isa ang oral na paglalahad ng pag-aaral.
2. Napahahalagahan ang mga napapanahong isyu sa
tulong ng oral na paglalahad ng pag-aaral.
3. Nakabibigkas ng isang talumpati gamit ang rubric sa
oral na paglalahad ng pag-aaral.

Pagpapatuloy

Isa sa mga patunay na ang isang pananaliksik o pag-aaral ay napagtagumpayan ay


kung ito ay mailalahad sa harap ng partikular na audience o tagamasid, at magpapatibay
sa pagkamakatotoo nito.

Ang paglalahad na oral ay nangangailangan ng paghahanda upang maipaliwanang


nang maayos, tama at may paninindigan ang isinagawang pag-aaral. Ang katagumpayan
nito ay nakasalalay sa kaalaman at kahandaan ng mananaliksik. Ang nilalaman at
pinaghanguan, lalo na ang layunin at kaligiran ng pag aaral ay dapat na nauunawaan at
maipapabatid sa paraan na madaling maunawaan ng audience o panel.

Ang pagsasagawa ng maayos at mabuting oral na paglalahad ay kinapapalooban rin


ng atensyon sa pangangailangan ng audience, masusing paghahanda, at pagkonsidera sa
delivery nito. Kasangkot rin sa mga paghahanda ay ang mga tala, visual aids, teknolohiya
gaya ng computer, projector at iba pa.

Inaasahan na sa matapos ang modyul na ito, lohikal na maipipresenta ang


isinagawang pagaaral mula sa mga naunang modyul at pagtalakay.

Komunikasyon ng Pilipino sa Kontekstong Multikultural

Fast talk. Tayahin natin ang iyong estado bilang communicator. Sagutin mo lamang
ito nang ganito. “Ako iyan.” (AI) “Hindi ako iyan.” (HAI). Lagyan ng anumang pigura ( na
iyong nais) ang kahon na kakatawan sa iyong tugon.

AI IKAW BA? IKAW NA! HAI


Handa akong makipag-ugnayan sa katulad ng aking pinananampalatayaan
Ikinatutuwa ko ang pakikipag-usap sa katulad kong kasarian
Ako ay higit na malakas ang loob na nakikipag-ugnayan sa mga kabilang sa
pangkat-etniko.
Superyor ang kinabibilangan kong pangkat kaya higit akong nakikipag-ugnayan
lamang sa katulad ding antas.
May malaki akong pagpapahalaga sa mga tuntunin sa pakikipag-ugnayan ng
ibaibang pangkat-kultural
Handa akong magsimula ng diskusyon sa sinumang kabilang sa ibang
pangkatkultural.
Kaya kong sabihin ang hindi pagkaunawa sa kilos ng aking kapuwa na
nakakaapekto sa pagpapakahulugan ng kanyang mensahe
Isinasaalang-alang ko ang kakailanganin ng anumang pangkat sa multicultural na
lipunan.
Niyayakap ko ang kaibahan ng pananaw ng bawat isa
Mas magaan ang pakiramdam sa pakikipag-ugnayan sa katulad na kinabibilangang
pangkat-kultural.

Ang mga inilahad mong tugon hinggil sa mga inilahad sa kahon ay


panimulang pagtataya sa iyong kahandaan at maaaring practice sa isang multicultural
na konteksto ng komunikasyon.
Mula ito sa ugat na kultura na nangangahulugang sistema ng mga kaalaman,
paniniwala, halagahan at kaugalian na nakukuha, pinagsasaluhan at ginagamit ng mga
kabilang sa pangkat-kultural sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Pinagunahan ito
ng panlaping multi- upang kilalanin ang karamihan.

Ang kontekstong mulikultural ay mahalagang isaalang-alang sa panahong


pinaiigting ng globalisasyon ang teknolohiya bilang medium ng komunikasyon. Lalo
itong nagbubukas ng pagkakataon para sa tinatawag na intercultural na komunikasyon.
Pinagsasaluhan sa terminong ito ang interaksyon ng iba’t ibang kultura sa
pamamagitan ng iba-iba ring anyo ng ugnayan.

Interracial  Ito ay paglalarawan at pagbabahaginan ng kahulugan sa mga


communication kabilang sa iba-ibang lahi.
 Mula sa dating pagtukoy ng salitang lahi, kinikilala ang
pakikipagugnayan sa iba-ibang may pisikal na katangian (kulay ng
balat, hugis ng mata, kulay ng buhok).

Interethnic  Ito ay ugnayan sa mga kabilang sa iba-ibang pangkat-etniko kahit pa


communication may magkatulad na lahi.

International  Pakikipagtalastasan ito sa pagitan ng mga indibidwal na


communication kumakatawan sa iba’t ibang bayan.

Intracultural  Nangyayaring ugnayan sa pagitan ng magkatulad na lahi,


communication kinabibilangang pangkat-etniko at bayan.
Isinasaalang-alang dito ang mga elementong persepsyon/ pagkilala, berbal
at di berbal na proseso.

Persepsyon/pagkilala  Kinikilala ng communicator ang pagtingin sa mundo, sistema ng


paniniwala, halagahan at kaugalian at institusyong panlipunan
na kabilang sa proseso ng komunikasyon. Isinasaalang-alang
niya ang namamayaning kaayusan at kalakaran ng
pakikipagugnayan sa iba upang maiangkop ang kilos at
sasabihin.
Berbal na proseso  Kargado ang elementong ito ng kakayahang makipag-ugnayan
ng communicator gamit ang wika at ang kasanayan at pag-iisip
sa iba-ibang pagpapakahulugan.
‘di berbal na proseso  Nakatuon ito sa pagkilos sa loob ng komunikasyon na kaugnay
ng konsepto sa oras, espasyo at mosyon ng mga bahagi ng
katawan. Ito ay magkakaiba sa multicultural na konteksto.

Multiculturalist ang turing sa sinumang may paggalang sa kapuwa na


kabilang sa ibaibang kultura. Kinikilala niya ang tinatawag na cultural differences.

Sa layon na maabot ang layuning multicultural na konteksto ng


komunikasyon, palakasin pa natin ang iyong pagsasaalang-alang sa iba-ibang
kultura , tungo sa komunikasyong local at global, para sa lipunang glokal.

Narito ang mga piling tala ng iba’t ibang uri ng komunikasyon at


iminumungkahing isaalang-alang ang mga nauna nang talakay. Makatutulong ito
upang higit na kilalanin ang kaibahan ng mga kultura na magbubunsod sa
intercultural na komunikasyon.

Para sa layuning interaktibo, hinikayat na punan ang ikatlong hanay nang


makilala at mapagtibay ang sariling pag-alam sa kultura. Magkaroon din ng
makabuluhang talakayan hinggil sa mga ito ang klase.

Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na Konteksto Dito sa Amin


Komunikasyon (Pagkakatulad
at
Pagkakaiba)
 Nakaupo upang kilalanin ang pagdating ng mga
Tongans
may matataas na tungkulin.
 Nakalahad ang dalawang kamay sa pagbibigay at
Asyano
pagtanggap ng anumang bagay
Amerikano at  Nakatingin mismo sa taong kinakausap ang
iba pang nagsasalita
Kanluraning
lipunan
 Hudyat ng kawalang paggalang ang paglalagay ng
Turkish
kamay sa bulsa
 Ang paglalagay ng apat na daliri sa tapat ng bibig
Ethiopian
ay hudyat ng pagpapatahimik.

African  Mas buhay at mas maraming paggalaw sa


American pakikipagkomunikasyon

Amerikano  Angkop ang pakikipag-usap sa katapat kaysa sa


katabi.
 Mabilis ang pagkilos na parang lagging may
hinahabol sa panahon.
Hapon at  Hindi lantad ang pagpapakita ng damdamin
Amerikano
(lalaki)
Hapon  Ang matagal na pagtingin sa kausap ay kawalan
ng respeto
 May kahandaan sa matagalang pag-uusap.
Koreano  Kawalan ng paggalang ang direktang pagtingin
lalo sa hindi kapantay ng estado.
 Ang paghawak ng nakababata sa balikat ng
nakatatanda ay hindi maaari.
 Mataas ang pagpapahalaga sa sinumang
nakaupo sa kanan.
Arabo  Ang pagtingin ng direkta at matagal na
pagkakataon ay pagpapakita ng interes.
Nakatutulong ito sa kanila na mataya ang
pagiging totoo sa salita ng kausap.
 Kalakasan at sensiridad ang kinakatawan ng
malakas na tinig sa pagsasalita.
 Karaniwan ang malapitang usapan.
 Ang mga asawang babae ay naglalakad
kasunod mula sa likuran ng lalaki (para sa mga
Sudanese Arab).
Muslim  Ginagamit ang kanang kamay sa pagkain at iba
pang gawain. Ang kaliwang kamay ay para sa
gawain sa palikuran.
 Ang balikat ay gamit sa pagyakap bilang
pagkatawan sa kapatiran.
Mexicano  May pagyakap bilang pagbati
Burmese at  Ang pag-amoy ng kapuwa pisngi ay
Mongols pangungumusta.
Sa Central  Ang pagtuturo (gamit ang hintuturo) ay hindi
Africa kaaya-aya.

Sa Latin  Ang pagdating nang huli ng isa ay


America paggalang.
African  May bagal na galaw ang ugnayan. Ang
mga nagmamadali ay nahihinuhang
nandaraya.
Israelis  Ang papataas na tinig sa pagsasalita ay
kumakatawan sa matinding paniniwala
sa paksa na pinag-uusapan.
German  Ang tono ng pagbibigay-diin ay
nangangahulugang awtoridad at
kalakasan ng loob.
 Sagrado ang pribadong espasyo.
Tsino  Nakakaramda,m na sila ay nasa isang
paghuukom kapag nakaharap o katabi
ang kinakausap.
 May pagpapahalaga sa oras sa
pamamagitan ng mas maagang pagdalo
sa pulong.
Koreano,  Angkop para sa kanila ang mahabang
patlang at/o katahimikan sa mga
Hapon, Tsino
pulong.

Ang hindi pagtukoy sa tiyak na mensahe ay panganib na maituturing sa


komunikasyon. Ang mga tagatanggap ng mensahe na may pagkakamali sa
pagkilala ng kultura ng tgapaghatid ay magtutulay sa hindi angkop na pagtukoy ng
mensahe. Cultural ignorant/ confused ang tiyak na tawag sa mapanganib na
kalagayang ito ng communicator. Kawalan ng pagkakaunawaan ang bunga nito.

Ang mensahe ay nasa anyong berbal, di berbal at ekstra berbal. Tiyakin ang
mensaheng hated ng teksto batay sa pagkilos, mga materyal na gamit bilang icon
(ginayang anyo ng simbolo), mga salitang gamit at simbolo at paggalaw.
Magsaliksik ka sa kulturang kinabibilangan ng kapalitan ng mensahe.

Narito ang ilang pagtunghay sa pagsasaalang-alang ng kultura upang


matamo ang angkop na mensahe.

• Sa mga Taiwanese at mula sa North America, ano ang


kahulugan ng pagkurap habang may ibang nagsasalita?
• Alamin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa mga
hinahangong bahagi ng
Koran.
• Ano ang pagkilala ng mga Hapon at Amerikano sa paggamit ng
business card?
• Ano ang magkaibang pahiwatig ng eye contact ng mga Hapon
at Arabo?
• Ano ang halaga ng pagkilala sa indibidwal sa mga Amerikano?
Ano naman ang pangkatan sa mga Asyano?

Kasabay ng pagtukoy sa mensahe ang pag-alam sa layon nito. May


layuning
maglibang, magpabatid at manghikayat ang anumang anyo ng pagpapahayag.
Mahalagang suriin ng kapuwa tapaghatid at tagatanggap ang namamayaning
kultura upang magbigaydaan sa pagkakilala sa layunin.

• Isahan. May pagpapahalaga ang Great Britain, USA, Canada,


France at Germany sa pagkilalang indibidwal.
• Pangkalahatang Kultura. Kinikilala ng Arab, African, Asyano at
Latin America ang pangkatang layunin ng komunikasyon.
• May mataas na konteksto ng ugnayan. Ang mga Asyano ay may
higit na pagkiling sa higit na hindi tuwirang estilo ng komunikasyon.
May hanggahan ang pagpapaliwanag at nakasandig ito sa ‘di berbal
na komunikasyon.
• May mababang konteksto ng ugnayan. Ang mga mula sa
Kanlurang bansa ay higit na tuwiran sa pakikipag-ugnayan. May higit
ding pagtatanong at pagpapaliwanag.
• Kultura ng mataas na kapangyarihan. Sa mga bansang Saudi
Arabia, India at Malaysia, kinikilala ang kapangyarihan bilang bahagi
ng katotohanan ng buhay. Kinikilala nang higit ang superior. Hayag
ang pagkakaiba ng may katungkulan saw ala.
• Kultura ng mababang kapangyarihan.Sa Israel, Sweden at
United States, ang kapangyarihan ay magagamit sa mga tiyak lamang
na pagkakataon.Bukas ito sa konsultasyon.
• Kulturang makababae. Ang mga bansang Sweden, Norway,
The Netherlands, Thailand at Chile ay mahigit namang
pagpapahalaga sa ugnayan, pagiging malumanay sa anumang
kasarian at sa mataas na kalidad ng buhay. Para sa kanila, pinag-
uusapan at pinagtatagpuan sa gitna ang resolusyon ng mga
tunggalian, solusyong win-win.
• Kulturang makalalaki. Sa Japan, Italy, Germany, Mexico at
Great Britain, higit ang pagkiling sa kalakasan ng lalaki at sa mga
materyal na simbolo ng tagumpay. Ang kulturang ito ay
humahantong sa solusyong win-lose sapagkat may paggamit ng lakas,
dominasyon at kompetisyon.

Mahalaga ring isaalang-alang ang angkop na protocol para sa mas maayos na pakikipag-
ugnayan. Narito ang mga elementong dapat tingnan.
• Appointment. Isinasagawa ang oagbibigay-kabatiran hinggil
sa pulong o pakikipag-ugnayan sa pamamgitan ng liham o teelpono.
May iba-ibang pagtanggap ang iba-ibang kultura.

Latin American Katanggap=tanggapa ng medium ng telepono, mahalaga rin ang liham


sa kanila

Indonesian May pagpapahalaga sa akomodasyon na dumadaan sa kanilang


tanggapan

Germany, Italy at Mahalaga ang mga paunang liham na nakasulat sa kanilang unang wika
Middle East (Turkey
at Pakistan)

Hongkong Ingles ang wikang angkop na gamitin sa liham

Western Europe Ang hiling sa appointment ay dapat na isagawa nang mas maaga ng
tatlo hanggang apat na lingo.

Middle East Ang hiling ay anim na linghgo ng mas maaga

Asyano Hindi angkop ang tuwirang paghiling. Kailangan ang tulong ng


tagapamagitan.

China Dalawa hanggang tatlong buwan ang hiling at kailangang isagawa ng


local

Pilipinas at Kailangan a g liham nang maipakilala ang kredibilidad.


Malaysia
• Kultura ng Pagbati at Pagpapabatid. Mahalagang isaalang-
alang ang ibaibang kultura sa pagbibigay-pugay at pagkilala.
Western Europe Mas pormal ang ninanais na pagbati kaysa Amerikano. Inaayawana
ang pakikipag-usap sa telepono bago ang personal na pulong nang
wala ring paunang pagbibigay-hudyat para sa isang transaksyon.

Dagdag pa, hindi angkop ang pagtawag sa unang pangalan.. Ang titulo
ay kailangang kilalanin nang pormal.
Southern Europe Tumatagal ng lima hanggang pitong stroke ang pakikipagkamay.
Kailangan ding maghanda sa pakikipagpalitan ng business card sa
parehong Ingles at wika nila.

Arab Ang pakikipulong sa kanila ay kailangang simulan mo ng pagbati.

Japanese Hindi maaari ang pagkilala sa unang pangalan.

• Kapormalan. Ang konteksto ay mahalagang salik na dapat


ding gawing batayan
Arab Makikita ang pormalidad sa estriktong pagkilala sa hiyarkiya.

Japanese May higit na pormalidad ang pakikipag-ugnay sa mga Hapon.


Isaalangalang ang paraan ng pagsulat(kanan tungo sa kaliwa, mula
itaas pababa) nila.

• Paraan ng Komunikasyon. Nakatuon ito sa pagiging tuwiran


o hindi ng pakikipag-ugnayan.

Asyano Sa layong isaalang-alang ang damdamin at kalagayan ng pag-iisip ng


kaharap, pinipili nilang maging hindi tuwiran sa pagpapahayag.

• Paggamit ng oras. Ang pagkilala at paggamit ng oras ay


nagkakaiba sa ilang piling lahi.
American, German, Mapagpahalaga sila sa orasa katulad ng salapi.
Australian, Israeli,
Swiss, Scandinavian
Japan, China, Korea, Ang simula ng pulong ay inilalaan sa pagpapaunlad ng rapport.
Saudi Arabia,
Mexico, Brazil at
Chile

Sanggunian:
• Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing
Corp.
• Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Tektso Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books
Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon
sa Akademikong Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing
Corp.
• San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Pateros, Metro Manila. Grandbooks Publishing.
Module
10 Oral na paglalahad ng pag-aaral

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Naiisa-isa ang oral na paglalahad ng pag-aaral.
2. Napahahalagahan ang mga napapanahong isyu sa
tulong ng oral na paglalahad ng pag-aaral.
3. Nakabibigkas ng isang talumpati gamit ang rubric sa
oral na paglalahad ng pag-aaral.

Panimula

Isa sa mga patunay na ang isang pananaliksik o pag-aaral ay napagtagumpayan ay


kung ito ay mailalahad sa harap ng partikular na audience o tagamasid, at magpapatibay
sa pagkamakatotoo nito.

Ang paglalahad na oral ay nangangailangan ng paghahanda upang maipaliwanang


nang maayos, tama at may paninindigan ang isinagawang pag-aaral. Ang katagumpayan
nito ay nakasalalay sa kaalaman at kahandaan ng mananaliksik. Ang nilalaman at
pinaghanguan, lalo na ang layunin at kaligiran ng pag aaral ay dapat na nauunawaan at
maipapabatid sa paraan na madaling maunawaan ng audience o panel.

Ang pagsasagawa ng maayos at mabuting oral na paglalahad ay kinapapalooban rin


ng atensyon sa pangangailangan ng audience, masusing paghahanda, at pagkonsidera sa
delivery nito. Kasangkot rin sa mga paghahanda ay ang mga tala, visual aids, teknolohiya
gaya ng computer, projector at iba pa.

Inaasahan na sa matapos ang modyul na ito, lohikal na maipipresenta ang


isinagawang pagaaral mula sa mga naunang modyul at pagtalakay.
Sistemang Berbal, Di Berbal at Ekstra-Berbal na Komunikasyong Pilipino

Tayo ay gumagamit ng iba’t ibang sistema upang maitawid ang mensaheng nais
ipaabot sa tatanggap. Sa pagkakataong nangyayari ang komunikasyon, mababakas ang
pag-iral ng makaPilipinong gawi. Lumutang ang ating pagka-Pilipino.
Mula sa inilahad nina Evasco at Ortiz (2008) na nanggaling sa tala ng Jeepney Gang
at ni Cruz, tayahin ang iyong sarili sa mga piling gawing Pilipino na mababanggit sa ibaba.
Lagyan lamang ng tseka ng hanya ng kahon sa AKO IYAN ! at HINDI AKO IYAN!

AKO IYAN! GAWING PILIPINO HINDI AKO IYAN!


Nagkakamot ng ulo kapag hindi alam ang sagot o nalilito.
Gumuguhit ng parisukat sa hangin para kunin ang bill sa
restawran.
Itinatala ang tangkad ng mga bata sa dingding.
Spaghetti ang tawag sa lahat ng mga pagkaing pasta.
Nggpipilit na ilibre ang kakilalang nakasakay sa jeep o
bus.
Mahilig magpadala ng quotes at dasal sa cellphone
Hindi marunong humindi. Laging sinasabing “susubukan
ko”.
Iniiwan ang sapatos o tsinelasbago pumasok ng tahanan.
Inaakalang lahat ng doctor ay nanggagamot.
May estatwa ni Buddha para dumating ang suwerte.
Ginagamit ang daliri para sukatin ang tubig sa
pagsasaing.
Nahihiya kapag pinupuri at nagsasabing “hindi naman”.
Nagsusuot ng retainers kahit nakapustiso.
Handa nang mag-aral ang bata kapag naaabot na ng kang
kamay ang kaliwang tainga.
Pinipilit na makalikha ng ugnayan sa mga taong
nakikilala tulad ng malalayong kamag-anak, dating
kaklase, kababayan, o kababata.

Matapos ang sariling pagtataya, mapatutunayang may naiibang paraan tayong mga
Pilipino sa pakikipag-ugnayan at pagpapakilala ng ating mga sarili bilang isa ring
natatanging lahi.

Mula sa mga nakatalang gitnang hanay, mahihinuha ang iba-ibang sistemang


ginagamit ng mga Pilipino na magpapalutang ng kanyang paniniwala, kilos at praktika sa
buhay-Pilipino. Balikan ang mga ito at suriin ang mga itinatampok na sistemang
pangkomunikasyon.

Maituturing na berbal at di berbal ang komunikasyon ayon sa medyom na


ginagamit sa paghahatid ng kaalaman, mensahe o damdamin. Ang sistema ng paggamit ng
wika sa pakikipagtalastasan ay maituturing na berbal (linguistics), ekstra-berbal at di-
berbal.
Intensyonal itong isinasakatuparan kung pili ang mensaheng nais na ihatid. Hindi
naman ito sinasadya kung mula sa pagbulalas ng damdamin at pagpapahayag.

1. Berbal ang komunikasyon kapag ginagamitan ng wika. Ito’y maaaring pasalita o


pasulat. Naisasakatuparan ito sa iba’t ibang kasanayang pangwika.

Reseptibo pakikinig, panonood at pagbabasa

Produktibo pagsasalita at pagsulat

2. Ekstra-berbal ang sistema ng paggamit ng wika sa komunikasyon kung ang


bahaging berbal ay napakikinggan tulad ng mga ponemang suprasegmental. Tinatawag
din itong paralinguistic/paralanguage o vocalic. Maiuuri ito sa pandamdamin, panlarawan,
panghiwalay.

Pandamdamin pag-iyak,pagtawa, pagsigaw, panaghoy, paghikab

Panlarawan tono, intonasyon, diin, haba at hinto

Panghiwalay aaaah, pssst, hmmm

3. Di berbal naman ang komunikasyon kung ang paghahatid ng mensahe ay walang


paggamit ng wika. Tunay nga, mas maraming sinasabi kapag walang sinasabi.Ito ay
nabubuo mula sa panig ng pinanggalingan ng mensahe at ang paggamit ng kanyang
kapaligiran at may taglay na kahulugan na pinagsasaluhan kapuwa ng naglahad at
tumanggap.

Ginagamit ang mga ito sa layunin ng pag-uulit, pagpuri, pamalit at pagkontrol.

Pag-uulit  Pagpapahinto gamit ang palad na nakalahad sa kausap at makailang ulit


na ginagalaw
 Pagpapahindi gamit ang daliri
 Pag-uulit ng mensahe ng pagturo ng tiyak na lugar bilang suplemento sa
oral na pagsasabi

Pagpuri  Pagtapik sa balikat ng kausap, pagpalakpak

Pamalit  Paglagay ng daliri pantapat-pantakip sa bibig bilang kapalit ng


pagpapatahimik
 Pagtaas nang sabay ng mga kilay bilang pagkilala sa kaibigang
nakasalubong sa daan
Pagkontrol ng  Pagtango bilang pagsang-ayon
sitwasyon  Pananahimik na kumakatawan ng maaaring pagsang-ayon o hudyat ng
pagsisimula

Ito ay makikilala sa panahon, espasyo, mosyon, biswal at gamit ng mge senso.


Panahon  paggamit ng oras
(chronemics)  ang tagal ng pagsasagawa ng isang gawain
 ikli o haba ng pagtatakda ng isang sitwasyon
 pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita
 pagkilala sa oras na napakahalaga at tiyak na sinusunod (kulturang
Mtime/ monochromic)
 pagkilala sa oras bilang hindi gaanong konkretong elemento, nagbabago
at nagtatagal (kulturang P-time/polychronic)
 kaisipang kahapon, ngayon at bukas sa mga sitwasyong cultural
Espasyo  may kahulugan ang distansya(lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t
(proxemics) isa
_lubhang malapit na ugnayan tulad ng proteksyon sa minamahal (3-6
pulgada)
_malapit na ugnayan para sa usaping confidential (8-20pulgada)
_may pantay na ugnayan para sa mga transaksyon at panlipunang
diskurso (21-36 pulgada 41/2-5ft)
_pampublikong distansya sa mga pormal na diskurso (5 ½-8ft)
_pansilid na komunikasyon sa klase at pampublikong pagtitipon
(8ft20ft.)
_malayong distansya sa pampublikong pagtatalumpati (21 ft. at higit
pa)
 ang panlipunang agwat ng tao

Pangkalahatang  paggamit ng mga bagay o mga parating hawak o nakasanayang


dalhin(objectics)
anyo
 ang pagpili at paraan ng pananamit at ayos ng tao
 kasuotan bilang pagkatawan sa propesyon o trabaho
 kasuotan sa mga yugto ng buhay-gawaing panrelihiyon, pag-aaral,
pagtatapos, kasal hanggang kamatayan
 kasuotan bilang pagkatawan sa oryentasyonsa pagpapahalaga sa kultura

 kasuotan bilang pagkilala sa oryentasyon ng kasarian


Galaw ng  pagsandal sa kaibigan bilang pagkatawan n gating pagiging relax kasama
katawan at ang kapuwa
kaayuasan  paulit-ulit na paglalakad upang katawanin ang kaba pagpapalapit
(kinesics)  ng nais kausapin gamit ang mga kamay
 pagtungo bilang paggalang
 kaayusan ng pag-upo
 pamumulsa
 ekspresyon ng mukha
 mensaheng dala ng mga bagay, sagisag,s imbolo o larawan
Biswal
(semiotics)
Pampaningin  pagtitig o eye contact
(oculesics0  pagtingin bilang pagkatawan sa damdamin
Amoy  pagkatawan sa ala-ala ng lumayo o pumanaw na minamahal
 mekanismo sa komersyalisasyon ( sa pagkain bilang pang-akit sa
mamimili)
Paggamit ng  ginagamit ang paghaplos, paghawak o pagsalat sa paghahatid ng
Kamay(haptics) mensahe
at pagkumpas  pagkumpas bilang pagpapaigting ng mensahe at damdamin sa
pagtatalumpati at diskurso

Ang komunikasyon ay maiuuri din batay sa mga antas ng pagsasagawa at kabilang sa


gawaing ito. Narito ang pag-uuri.

Intrapersonal na Pansarili
Komunikasyon Ang tao’y may personal na paraan ng pakikipag-ugnayan sa sarili. Siya
ang tapaghatid at tagatanggap ng mensahe.
• pagdarasal
• pagpapasya
• pagtitimbang ng mga konsepto sa isip
• mahina/maunawang pagbasa
Dyad
Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao. May isang tagapaghatid at isang
tagatanggap ng mensahe.
• pangungumpisal
• panayam para sa trabaho
• counseling
• pagsasarbey/pagsagot sa talatanungan
Komunikasyon sa Pangkat o pangkatan
Nagkakaroon ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit pang
bilang ng mga taong may interaksyon sa isa’t isa.
• diskusyong round table
Interpersonal na
• pagpupulong
Komunikasyon Pampublikong Komunikasyon
Ito ay ugnayang isa o higit pa sa maraming tao.Ang isa o higit pa ay
naghahatid at ang tumatanggap ay ang pangkat ng taong nakikinig.
• pagtatalumpati
• pagkukuwento
• deklamasyon
• malakas na pagbasa
• panel discussion
• porum’
• simposyum
Pangmasang/Pangmadlang Komunikasyon
Marami ang kasangkot. Ang daluyan ng komunikasyon ay mga
elektronikong kagamitan.
Makikita ang antas na ito gamit ang iba’t ibang medium tulad ng
telebisyon, radio, cellphone at computer.

Ekspresyong Lokal sa Komunikasyong Pilipino

Layon ng mga Ekspresyong Lokal

Binanggit ni Maggay (2002) na ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang


komunidad na ang lahat ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay madalas nang sama-
sama ay nagsisilbing pagkakataon upang ang linyang humahati sa mga pribadong bagay
at impormasyong pampubliko ay lumabo at minsan ay tuluyan nang maglaho.

Sinabi pa niya, nananatili ang lipunang pabigkas sa kabuoan, umiiral pa rin ang
matulaing estilo ng pananalita; mga kasangkapang panretorika gaya ng mnemonics, o iba
pang pamamaraan paggugunita; mga diskurso na nagpapahiwatig ng madiing
pagpapakahulugan sa matulain at mabulaklak na pagsasalaysay kaysa sa tahasan at
hubad na paglalahad.
Sa konteksto ng ating kultura ipinahahayag ang ugnayan sa komunikasyon sa
pamamagitan ng mga sumusunod na nakagawiang pagpapahayag ng mga Pilipino. Narito
ang tala ng mga salita o ekspresyong local na inihanda ni Maggay (2002).

Layunin Halimbawa

Paggamit ng tagapamagitan pakiabot, pakisabi, pagbilin

Pagbubunyag ng tinatagong ipagtapat,ihinga,isiwalat,isambulat


kalooban

Pagpapakita ng kagiliwan pakitang- tao, pabalat-bunga

Pagtatampok ng sarili bidahan, pabida, bida-bida, pabonggahan


Pagtugon ng tuwiran talastasan, batuhan,pagtalunan

Pagsisiwalat ilantad, ipagwagwagan, isiwalat, itsismis

Pagtitipon kumustahan, beso-beso, tsikahan

Paghahayag ng balita ipagbigay-alam, ibalita, ipabatid

Paghahayag sa panitikan bugtungan, pagtalunan, ba;agtasan, batutian

Pagpapahiwatig sa mga Ekspresyong Lokal

Pinatunayan din ito ng mga pahayag nina Fortunato at Valdez (2003) na marami
ang nagsasabi na hindi isang direktang wika ang Filipino, dahil ang mga Pilipino ay isang
lahi na hindi diretsong magsalita, na hindi prangka. Kaya dahil hindi maprangka ang
kinakausap, mas nakabatay ang validity o katotohanan ng mensahe sa mga ekstra-berbal
na mga pananda.

Isinasagawa ng mga Pilipino ang paggamit ng pahiwatig. Sa pagtalakay ni Maggay


(2002), narito ang klasipikasyon ng komunikasyong Pilipino sa pamamagitan ng
pahiwatig.

Berbal Parinig, pahaging, oadaplis, paramdam, papansin

‘di berbal Pananahimik at paggamit ng iba pang bahagi ng katawan.

Kombinasyon Ligoy, tampo, biro, lambing, dabog, maktol, paglalangis

Sa pagpapalawak pa ng karanasang Pilipino sa berbal at di-berbal na


komunikasyon, narito ang tala ng paggamit ng mga bahagi ng katawan na tiyak na
nagpapalutang ng katangiang Pilipino (Mula sa piling tala ng saliksik ni Maggay noong
2002 sa mga batis na mula kina Covarr, Peralta at Racelis, Hernandez at Agcaoli at
Medina).

Bahagi ng Pahayag na Kargado ng Pahiwatig


Katawan at
Paggalaw nito

Buhok maputi na ang buhok, humahaba na ang huhok, tatlong puyo, kalbo

Noo malapad ang noo, paliparan, taas-noo, kunot ang noo

Kilay tinaasan ng kilay, salubong na kilay


Mata tumirik ang mata, namalikmata,pinandilatan, kinindatan, pinaningkitan,
titigan, irapan, tinging palihim, tinging pailalim, malayo ang tingin, mababa
ang tingin, mataas ang tingin sa sarili, pikit-mata

Tainga humahaba ang tainga, maliit ang tainga

Ilong humahabang ilong, pango, pawising ilong

Bibig makating bibig, matalas ang bibig, bibig ng bayan, maduming bibig, itikom ang
bibig

Labi kagat-labi, naglalaway, inginunguso

Dila nadulas ang dila, maikli ang dila, umatras ang dila

Ngipin nagtitiim ang bagang at ngipin

Ngiti ngiting aso, ngiting pilit, ngiting abot-tainga

Tawa bungisngis, hagikgik, hagalpak, halakhak

Mukha mukhang maasim, maamong mukha, mukhang kontra-bida, matigas ang


mukha

Ulo pag-iling, pagtungo, taas-noo, paulit-ulit na pagtango, paglagay ng hintuturo sa


sentido

Balikat pagkibit-balikat, pagdantay sa balikat, pagtapik sa balikat

Kamay paninisi, pagtawag, paglaban, pagpapasya, pagsang-ayon, pagtanggi,


pagpapahinto, paghingim pagpapaubaya, paglalahad ng kawalan, paglalahad
ng pagkamayroon, dami at bilang, pagsusumamo, pag-asam, pamamaalam,
paghuhudyat ng simula at pagtatapos, paghiling, pagharang, pagkapanalo,
pagkuha ng atensyon, pamamaywang, pagkamot sa ulo, pagkakaunawaan,
pagsasama at pakikiisa, pag-akbay, pagpapalakas ng loob at pagpuri.

Baywang upong otso, upong de- kuwatro, upong pambahay, pagkembot


hanggang hita

Binti hanggang Pagkuyakoy, pagpadyak, pagdabog, pasuray-suray ng lakad, lakad-prusisyon,


paa lakad-pagong, hinahabol ng kabayo

Dagdag pa, masasabi na tumataas ang antas ng pagkaalanganin, o di-pagkatiyak


kapag umiigting ang distansyang panlipunan (ang layo at lawak ng pagkakaiba ng
katayuan at kapangyarihan ng mga kalahok).
Ipinaliwang din ni Fortunato (1993) na ang sosyal na agwat, ang estado at
pangingibabaw ng isang interpersonal na interaksyon ay maaaring ipaabot sa
pamamagitan ng distansya sa pagitan ng mga tao habang nagsasalita.

Sa pag-aaral ng diskurso, sinasabi sa speech act theory ang mga paraan ng


pagbibigaykahulugan sa mga pahayag. Lokusyonaryo ang akto kung direkta ang
kahulugang nais tiyakin. Ilokusyonaryo ito kung hindi direkta at perlokusyonaryo ang
tutukoy sa epekto o bias ng pahayag.
Binanggit ni Zeus Salazar, ama ng Bagong Kasaysayan sa Maggay (2002), na ang
distansyang sosyal ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pakikipagtalastasan sa mga
pangkat ng tao na tinawag niyang ibang tao (others) at di-ibang tao (acquaintance).

Ang pakikipagtalastasan sa ibang tao ay di-tuwiran samantalang tuwiran naman sa mga


diibang tao.

IBANG TAO DI-TUWIRAN


(others) (indirect)

DI-IBANG TAO TUWIRAN


(direct)
(acquaintance)

Samantala, sa banyagang pag-aaral no Wolfson sa kanyang tinatawag na bulge theory,


sinabi niyang may magkaibang paraan sa pakikipag-usap sa mga malapit at di malapit sa
kanila ang mga Amerikanong nasa middle class. Kung malapit o di ibang tao para sa
kanila ang kausap, hindi kailangang kapantay ang estado. Samantala, kung malayo o
ibang tao para sa kanila ang kausap, kailangang kapantay ang estado o katrabaho
( Wolfson, nakuha sa http://ericed.gov/?id=ED340203, 2015).

Mga Pililing Ekspresyon

Piling Ekspresyong Lokal

Tagalog Kapampan Waray Ilocan Ibanag Bicola Sirigaon Ilongg Cebuan


gan o no on o o
Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasta Dios Marajao Maayo Maayon
ng abak y na aga ag na nga Aggaw marha na ng aga g
umaga bigat y na buntag buntag
aga

Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasa nga Marajao Maayo Maayon


ng aldo y na ag na Dios na hapon ng g udto
Taugngana
tanghali udto aldaw marha udto
gaw
yn na
aldaw

Maganda Mayap a Maumpa Naimb Makasta Dios Marajao Maayo Maayon


ng gabi bengi y na gab- ag na nga Gabi marha na ng gab- g gab-i
i rabi-i y na duyom i
banggi

Bakit Bakit Kay-ano Apay Ngatta Kay Kay uno Ngaa Nganom
nano, man an
nyata

Saan Nukarin Diin Idiay Sitaw Diin, Haman Diin Asa


Saen dapit

Hindi Ali Dire Haan Ariri Dae Dili Indi Didi ko

Ano Nano Nano/A Inya Anni Nano Uno Ano Unsa na


nya

Oo Wa Oo Wen Wan Nano Oo Huo Naa

Samantala, kung susuyurin naman ang mga tiyak na ekspresyong local sa iba’t
ibang panig ng Pilipinas, maitatampok ang pagkakahawig o pagkakaugnay ng mga ito.
Dagdag pa, ang angking paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino.

Alalahanin na ang mga nakatala ay kumikilala sa mga variety ng mga wikang local.
Maaari pang isagawa ang pagtuklas sa pamamagitan ng iyong pakikipanayam saka
pagtatala sa mga informant na nagsasalita ng iba-iba ring diyalekto sa Pilipinas. Maaari
itong isagawa nang papangkat.

Ekspresyong Lokal sa mga Pahayagan


Dagdag pa, mailalarawan ang namamayaning ekspresyong local sa gamit ng mga
ito sa tulong ng mass media. Ang produksyon nito ay nakaaabot sa iba-ibang panig ng
Pilipinas at mundo. Sa tiyak na halimbawa, ang pahayagan ay daluyan ng publiksayon ng
mga ekspresyong local.

Sa pag-aaral ni Sayas na inilahad nina Fortunato at Valdez (2003), na Ganyan ang


Wika sa Pahayagan Noon: Paano siya Ngayon?, ipinaliwanag ang estili ng wika sa mga
pahayagan noon, ang kalikasan ng pagbabagong naganap sa wika noon at ang prosesong
pinagdaanan. Natuklasan na ang pagbabago ng wika noon sa pahayagan ay katulad ng sa
kasalukuyan. May tuwirang panghihiram sa wikang banyaga at may pagbabagong
asimilasyon sa pamamagitan ng pagkaltas, pagpapalit at pagdaragdag. Pinatunayan din
na ang panghihiram ay natural na phenomena.

Ganito rin ang tinungo ng papel ni Mariano sa Peregrino et. al (2005) na Ang
Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo. Nagagamit ang panghihiram sa
Ingles sa pagbuo ng mga pahayag. Bukod sa hinihiram ang kumbensyon ng pagsulat ng
balitang isports, lumulutang naman ang pagkakaiba ng gamit ng salitang hiniram batay sa
uri ng laro o isports na itinatampok. Ang panghihiram ay maaaring mula sa orihinal at
maaari ding binaybay sa ating wika.

Ibinigay na halimbawa ang mga sumusunod:


• Sa Boston, umiskor ang 10th draft pick na si…(Pilipino Star Ngayon, Pebrero
8)
• …pinulot ng Shell si Rhum player…habang ang ikalawa nitong pick sa first
round na si…(Kabayan, Enero 170
• RP netters nasapawan ang Chinese- Taipei, 3-2 (Abante, Pebrero 15)
• Si Agassi, seeded No. 5, ay tila wala sa loob ang paglalaro sa court sa isang
Grand Slam Tournament…(Kabayan, Enero 26)

Nakita rin na may iba-ibang paraan din ng paggamit ng maaksyong salita para
katawanin ang pagkapanalo at pagkatalo.

Narito naman ang tala ng mga halimbawa.

• Sa pagkapanalo: pinaluhod, namayani, hinampas, nanaig, lumusot,


pinadapa, nasweep, sinunog, pinanis, umuusok, binasag, dinagit, lilipad,
pinasabog, hinampas, sunog
• Sa pagkatalo: bagsak, taob, tuhog, basag, bugbog, napatalsik
Natuklasan din na may mga salitang ginagamit sa pare-parehong isports
• hataw, walis/sweep-ginagamit sa basketbol at sabong  palo-makikita sa
balita tungkol sa sabong at tennis

Nakaaaliw naman ang paglalarawan sa makulay na paraan ng paggamit


ng wika sa
mga pagpapahayag sa mga balitang showbiz. Sa pag-uuri ni Abello sa Perehrino et. al
(2005), may apat na kategorya ang mga nabubuong salita upang magamit sa
pagpapahayag sa mga balitang showbiz. Ito ay kinabibilangan ng artificial coinage tulad
ng shortening at acronym (buking, bading, lukring, dyeling, etching), importations (erase,
boldie, sey, na-award, mag-on),pagtatangka na magpatawa (kalukadidang, tsugi, baklesh,
hubadera, papa) at novel assignments of meaning (tuhog ang linya, bagets, walang
tienes, walang kiyeme, tumabo sa takilya).

Narito ang mga inilahad na halimbawa.


• Parang wala akong sinabi, erase.
• Erase, erase, erase!
• Anong sey mo Ining!
• Naombag sib oldie ng kaniyang dyowa.
• Naku, pa-epek lang ang luhang iyon.
• Ining, chaka ano?
• Plangak!

Sanggunian:
• Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp.
Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tektso Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon sa
Akademikong Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
• San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Pateros, Metro Manila. Grandbooks Publishing.

Module 009- Paglalahad ng Pinal na


Sulatin

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Natutukoy ang mga hakbangin sa paglalahad ng
isinulat, kahalagahan ng oral na paglalahad, at mga
materyales at kagamitang panteknolohiyang ginagamit sa
paglalahad ng pag-aaral at mga tulong nito.
2. Nabibigyang-halaga ang paglalahad ng pinal na sulatin
sa tulong ng mga hakbangin sa paglalahad ng isinulat.
3. Nakasusulat ng tatlo hanggang apat na talata tungkol
sa gamit ng teknolohiya sa pananliksik.

PAGLALAHAD
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa. Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas
ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at
kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
Itinuturing din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao sa
mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawain na
pangkomunikasyon.
Iba’t ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo’t sa paraang
pasalita o pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang
makita ang sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa.

HAKBANG SA PAGLALAHAD NG ISINULAT


1. Gawing malinaw ang paksa at sikapin ding maging malinaw ang
pagkasulat nito.
2. Gumamit lamang ng mga salita at pangungusap na madaling
maunawaan
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi
ng katawan, at kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD


1. Kalinawan-Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga
salitang ginamit
2. Katiyakan-Nakapokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang
layon ng pagpapaliwanag. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa
tinatalakay.
3. Kaugnayan-Magkakaugnay ang mga pangungusap o talata
4. Diin-Binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais
talakayin
Komunikasyong Filipino
Araw-araw ay nasasangkot ang tao sa komunikasyon. Hindi nakaliligtaan ng
taong mapabilang sa mga sitwasyong malaya niyang naibubulalas ang
kanyang naiisip at nararamdaman. Labis mang sabihin ay nilikha ang tao na
parang isang nagpipilit na actor sa entablado na walang tigil sa pagkasa ng
kanyang linya upang mapatawa kundi man ay mapaiyak o sa ilang sitwasyon
ay mapaniwala at makakuha ng simpatya mula sa kanyang mga manonood.

Kahalagahan ng Komunikasyon sa Filipino


Mahalaga ang komunikasyon sa tao at sa kanyang kapuwa. Ang
pagsasakatuparan nito ay malaki ring tulong sa lipunan. Idagdag pa ang
mahalagang gampanin nito sa pagpapanatili at paglilipat ng kultura.
Makapaghatid kaalaman at  Nakapagbabahaginan ang tao ng mga kaalamang mahalaga
mailahad ang pananaw sa kani-kaniyang buhay.
 Nalilinaw ang mga pangyayaring nangangailangan ng
pagtutuwid at pagmamatuwid
 Nabubusog ng komunikasyon ang utak ng tao sa paghahatid
at pagtanggap ng mga bagong kaalaman
 Nalalaman ng tao ang tamang paggamit ng kanyang wika
Makapagbigay-libang  Nailalahad ang angkop na damdamin hinggil sa anumang
uri ng paksa/teksto.
Makabuo ng pag-unawa sa  Nabibigyan ng pagkakataon na ibahagi ng tao ang sarili sa
sarili at pagkakaunawaan kanyang kapuwa
kasama ang kapuwa  Nagkakaroon ang tao ng ganap na kaalaman tungkol sa
sariling pagkatao batay sa ipinatatalastas ng kanyang
kapuwa at siya sa kanyang kapuwa.
 Napag-uugnay ang mga pusong magkakalayo, Espasyo,
dingding, tubig, pulo man ang pagitan
 Napag-iisa kung hindi man ay napaglalapit ang mga tao sa
lipunan.
 Napagtatagumpayan ng tao ang pagkakamit ng kanyang
mga pangarap.
Nagmula sa salitang Latin na communis na nangangahulugang karaniwan
ang komunikasyon. Tinutumbasan ito sa wikang Filipino na
pakikipagtalastasan. Hinugot ito sa salitang-ugat na talastas na
ngangahulugang alam at mga panlaping paki-, pag-,
- an na nagpapakilala ng pagkilos. Samakatwid, ito’y pagkilos o pagbabahagi
ng nalalaman. Ngunit hindi lamang limitado sa kognitibong pagbabahagi ang
gawaing ito. Kasama rin ang pandamdaming domeyn ng indibidwal.
Bilang pagpapatibay, ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay pagkilos
na pagbabahagi, pagpapabatid o pagpapahayag ng nararamdaman at iniisip.

Prinsipyo ng Komunikasyong Pilipino


Mula sa inilahad na depinisyon, higit na makikilala ang mahalagang gawaing
ito sa mga sumusunod na prinsipyo:
Ito ay simboliko  Ang gawaing ito ay kumikilala sa halaga ng pagtatampok at
pagpapakahulugan ng mga mensahe. Ito ay dahil sinusubukang hanapin
ng tao ang kahulugan ng mundo.
 Ang pagpapakahulugan ay hindi magaganap sa direktang ugnayan ng isip
sa isip ng mga kabilang sa proseso. Pinagsasaluhan ang kahulugan batay
sa iba pang mga elementong kasama sa komunikasyon. Ang kayang gawin
ng mga kasangkot ay magbigay ng hinuha at papagtibayin ito.
Ito ay may  Natural na proseso na sa bawat paggalaw ay may kasunod na tugon.
kahihinatnan Ibinabandila ng pagiging proseso ng gawaing ito aang ugnayan mula sa
naghatid ng mensahe tungo sa tatanggap. Ang kahihinatnan ay maaaring
sumibol sa mga kasangkot at sa biyolohikal na aspekto ng ugnayan.
Ito ay dinamiko  Ito ay nagpapatuloy na nangyayari. Ang proseso nito ay nagbabago at
hindi na maaaring maulit. Kung literal man itong maulit, hindi na ito
katulad ng nauna.

Ito ay  Sa komunikasyon, maisasaalang-alang ang konteksto sa lunan, okasyon,


kontekstwal panahon at mga kasangkot.
 Ang pagkilos at pakikibahagi ay nakaayon sa lunan. Nalalaman ang tiyak
na akto sa mga tiyak ding lugar tulad ng sa simbahan, silid-aralan, aklatan,
kanto, kugar ng trabaho at iba pa.
 Ang tiyak namang okasyon tulad ng pagdalo sa lamay, burol, kaarawan at
iba pa ay nagsasabi ng angkop na paraan ng pakikibahagi.
 Ibinabatay ng communicator ang pagtugon, paggalang, at paghihintay sa
oras na inilalahad sa komunikasyon.
 May iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iisa, dalawahan o
maramihang komunikasyon.
Ito ay  Binubuksan ng komunikasyon ang pagtingin ng mga kasangkot sa
pansariling kanilang sarili. Laging tinataya ng tao ang kanyang kasanayan sa
pagninilay pakikipag-ugnayan at ang epekto ng mga inilahad sa kapuwa. Tinitinggnan
ang sarili na mabuting element ng paghahatid, pag-unawa at pagtanggap.
Elemento ng Komunikasyong Pilipino
Ang proseso ng pakikipagtalastasan ay naisasagawa sa tulong ng
kolaboratibong interaksyon ng iba’t ibang element nito. Ito ay binubuo ng
mga sumusunod;

Kasangkot  Gaganap bilang tapaghatid/enkowder at tagatanggap/dekowder ng


mensahe.
 Ito ay napakahalagang element ng komunikasyon.
Konteksto  Ito ay kondisyong isinasaalang-alang ng mga kasangkot.
-LUGAR. Magkakaiba ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa simbahan,
tanggapan, unibersidad, palengke at iba pa.
-PANGYAYARI. Kinokontrol ng communicator ang kanyang akto sa mga
pagkakataong tulad ng pagtatapos, pagpupulong, pagdiriwang at iba pa. -
PANAHON. May angkop na pakikipag-ugnayan ang tao sa iba-ibang oras
depende sa hinihingi ng pagkakataon.
-BILANG. Magkakaiba ang atake sa isa, dalawahan o maramihang
pakikipag-ugnayan
Mensahe  Ito ang inihahatid (inienkowd) at tinatanggap (dinedekowd) na nasa
anyong berbal, di berbal at ekstra berbal
Daluyan  Medyum ito sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe ( kasama ang
paningin at pandinig)
Sagabal  Ang mga ito ay humahadlang sa pagtatagumpay ng komunikasyon -
PANLABAS. Ito ang mga hadlang na nakikita, nadarama at naririnig. -
PANLOOB. Ang mga ito sy sikolohikal at biyolohikal na hadlang tulad ng
pagkakabingi, pagkakasakit o pag-aalala
-SEMANTIKA. Suliranin ito sa interpretasyon at pagpapakahulugan.

Tugon  Tanda ito ng pagkaunawa sa mensahe.


 Pahiwatig ito ng pagtanggap o hindi ng pahayag.
 Ito ay reaksyong maaaring may manipestasyon sa ekspresyon ng mukha o
sa sistemang berbal.

KOMUNIKASYON SA TULONG NG TEKNOLOHIYA


May panganib ang tambalang komunikasyon at teknolohiya pero…
ngunit…

Ang pagkakaroon natin ng isang komunidad na ang lahat ay nakikihalubilo


sa isa’t isa at namumuhay madalas nang sama-sama ay nagsisilbing
pagkakataon upang ang linyang humahati sa mga pribadong bagay at
impormasyong publiko ay lumabo at at minsan ay tuluyan nang maglaho
(Manggay, 2002).

Sa kontekstong Filipino, angkop ang inilalarawang ugnayan sa pahayag.


Ngunit, sa patuloy na buhos ng impluwensya ng hegemony ng banyaga,
nagkakaroon ng pagbabagong bihis ang ugnayang ito.

Totoo sa kulturang Filipino ang pagpapahalaga sa pagsasama-sama at


mapagsama (inclusivity). Sa pagtukoy nga ni Salazar sa Maggay (2002), may
paglalarawan ng pakikisama sa mga itinuturing na ibang tao at sa di ibang
tao (acquaintance). Ipinaliwanag din ito nina Santiago at Enriquez (1989) sa
continuum ng mula pakikitungo (formal civility) hanggang pakikiisa (full
identification). Itinuturing na ugnayan sa ibang tao ang mga sumusunod:
pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay at pakikisama.
Samantala, sa di ibang tao ay pakikipagpalagayang loob, pakikisangkot sa
pakikiisa.

Nagkaroon na ng pagtatagpo ang hegemony at gahum na mayroon sa


kinikilala ngayong bagong uri ng komunikasyon-ang pagsandig sa
teknolohiya bilang pangunahing medium ng pakikipag-ugnayan.
Mailalarawan itong mabilis, real time at may pangakong instant gratification
sa sinuman.

Ang shifting sa nabanggit ay nagbukas ng panibagong uri ng pamumuhay sa


mga Pilipinong kumakapit sa kaginhawaang maibibigay ng teknolohiya.
Madaling natatamo ng tao ang kaginhawaang ito sapagkat mabilis na
natutugunan ang kailangang makaugnay. Angkop pa rin ang inilahad ni
Maggay (2002) na pagkawala ng hanggahan sa pagitan ng pribadong bagay
at impormasyong publiko kaya lamang nakahanap ang tao ng daluyang sa
katotohanan ay may abstraktong ba gay pa ring humaharang sa mga tao-ang
espasyo. Higit, sa kulturang Pilipino ay makabuluhan ang gampanin ng
espasyong ito. Nagbibigay kahulugan ito sa proseso ng uignayan ng mga
Pilipino.
Kugnay ito ng binabanggit na artikulo ni Turkle (2012) sa kanyang The
Flight From Conversation. Inilalarawang bagamat napag-iisa ng teknolohiya
ang tao sa pamaraan ng komunikasyon, hindi maitatangging may
pagkatuklas sa dulo na nag-iisa lamang talaga ang tao. Maaaring ituring na
sangkap ang espasyo na kargado ng kahulugan. Ang espasyong ito ay
nagtatakda ng kawalan. Nawawala ang pandamdaming aspekto. Hindi
nasasapul ang sinseridad ng mganagsasalo-salo sa locution at diskurso.
Wala ang tunay na pagdamdam ng pagdamay, pagkasiya, pagkalungkot,
pagkagulat, pagkagalit at iba pa. Ang kahulugan ng mga pahayag na
pinagsasaluhan ay nakapako lamang sa maibibigay ng mga sign (icon, index
at symbol) at karanasan ng tumatanggap. Ito ay batay sa pagtanaw ng mga
structuralist.
Ito ang malinaw na larawan ng paradigm shift sa kalakarang komunikasyon
at teknolohiya-mula napag-iisa tungo sa nag-iisa.Napapalitan nito ang
kinagawiang estilo ng pakikiugnay. Gayundin, ang estado ng pagkilala sa
pagkatao ng mga kabilang sa komunikasyon ay nababago. Kung ilalapat ang
saliksik sa pagkatao ng Pilipino ni Covar, ang Pilipino ay may labas (pisikal
na anyo at bahagi ng katawan), loob (loob na bahagi ng katawan) at lalim
(kaluluwa). Tinutugunan ng tambalang komunikasyon at teknolohiya ang
kakailanganin ng labas at loob. Hindi nito pinauunlad ang kaluluwa na
nagpapaigting sa naumang damdaming maaaring danasin ng tao.
Kaya, ang naisusuot na pagkatao sa pakikipagtalastasang Pilipino ay mula
sa hegemony ng banyaga. Siya ay may bagong tingin sa sarili na kaiba sa
danas ng komunikasyong maka-Pilipino. Lalo, nakauon ang epekto ng
teknolohiya sa higit na pagbibigay- diin sa sarili at kawalan ng malinaw na
ugnayang tao sa tao. Nawawalan ng saysay ang makabuluhang feedback
bilang isa sa mahalagang elemento ng komunikasyon. Ang feedback na ito ay
nagtatapos lamang sa gampaning mailuwal, masambit at matanggap lamang
ito nang rabaw. Ang pagsuri sa pagdamdam ng mga kabilang sa
komunikasyon ay malaking hamon. Ang katotohanan sa mga ito ay malaking
puzzle na dapat masagot.
Napag-iisa ang tao pero nag-iisa pa rin siya sa huli. Nagpapatuloy ito. Ngunit
ang hanggahan ng pagbabagong ito? Nakadepende ito sa mga susunod pang
buhos ng pagbabago.

Napag-iisa. Nag-iisa.

Ang susunod na equation na ito ay iisa-isahin pa at itatakda ng maraming


salik sa hinaharap. Hindi ito matitiyak sa mga panahong ito sa napabibilis
ang proseso ng patuloy na paglusong at pagkalunod ng tao sa teknolohiya.
Pangako ito ng globalisadong konteksto ng panahon. Pagpapabilis. Real
time.
Hindi natatapos ang kondisyon, ang pero, ang ngunit.

Komunikasyon at iba pang Teknolohiya


Sa tulong ng nagbabagong teknolohiya, nagpapatuloy ang pagsulong ng
komunikasyon sa iba’t ibang medium. Ang local at global na hanggahan ay
nawawala sapagkat nalilikha ang tinatawag na virtual na komunidad.

Ang mga medium na ito ay maaaring maiuri sa mga sumusunod:


• Sa ugnayan sa Trabaho. Maipararating ang mga mensahe at imahen
sa pamamagitan ng pulong, newsletters, annual report, impormasyon
hinggil sa sahod, liham, bulletin board, e-mail at pagpapahalaga sa mga
mahahalagang pangyayari.
• Sa ugnayan sa pamahalaan. Isinasagawa ang komunikasyon sa
tulong ng pagtatakda ng mga pulong, briefing, at pagtatakda ng ngalan ng
mga tagapaglingkod ng pamahalaan sa sariling phonebook, tala ng
pinadadalhan ng liham (snail mail o elektroniko).
• Sa ugnayan sa komunidad. May komunikasyon sa pamamagitan ng
mga liham (snail mail at elektroniko), pampublikong
paglalahad/pagsasalita, audio-visual na presentasyon, personal na
pakikibahagi, pampublikong pulong/ konsultasyon, pakikibahagi sa gawaing
pampaaralan at baranggay, pagdalaw sa mahahalagang lugar, mga ads sa
paligid at transportasyon, mall displays at mga gawaing pinondohan sa
tulong ng mga sponsor.
• Sa ugnayang pang-media. Maisasakatuparan ang talastasan (print,
radio, telebisyon at new media) sa tulong ng mga sumusunod: tala ng mga
tirahan (address) sa mga mamamahayag para sa layuning pagpapadala ng
liham, tala ng bilang ng telepono ng mga mamamahayag, panayam, pulong
sa editorial board, news at electronic releases, kumperensiya, porum, liham
sa editor, pahayag ng spokesperson, lathalain, at mga naitampok na posting
sa web, newsletters/publikasyon, posters at Public Service Announcements
(PSA).
• Sa ugnayan sa mga Organisasyon at Kalakalan. Ginagamit ang
talumpati/ pagtatalumpati, pahatid ng mga nakatataas sa tulong ng
spokesperson, mahahalgang gawain/ special events, trade shows, ulat
(annual at financial), brochures, pamphlets at pulong.

Mahalagang tayahin ang tatanggap ng mensahe. Kilalanin ang target


audience, ang pagkakakilanlan nila.

Narito ang tala ng mga maaaring audience (indibidwal o pangkat).

Sa ugnayan sa doctor, dentist, pharmacist, guro, abogado, engineer at iba pang trabaho
trabaho
Sa ugnayan sa Government officials, political party officials at iba pa
pamahalaan
Sa ugnayan sa Opisyal ng mga organisasyong pangkomunidad-club, fraternity, sorority,
komunidad samahang pangkabataan at para sa mga beterano at iba pa

Sa ugnayang Mga patnugot, manunulat, publisher, mamamahayag, tagapagsalita at


pangmedia tagapamahala ng mga produksyong panradyo o pantelebisyon at iba pa

Sa ugnayan sa mga Tagapamahala, opisyal at nagmamay-ari, employment agency, pinuno at


Organisasyon at miyembro ng mga union at manggagawa at iba pa
Komunidad
Bukod pa sa mga naunang binanggit, maaaring isaalang-alang ng mga
kabahagi ng komunikasyon ang iba pang pamamaraan sa paglalahad ng
mga mensahe. May tinatawag na tekstong multimodal na nagbibigay-daan
sa paggamit ng magkakaiba at magkahalong medium. Magagamit ang mga
kasanayang pakikinig, pagbabasa at panonood mula sa mga tekstong
ganito. Nangangahulugang ang ideya ay maipapahayag sa mga
presentasyong pasalita, awdyo-biswal at web-based.

Sa paggamit ng mga tekstong multimodal, mabisang maisasakatuparan ang


paghikayat sa mga tagatanggap ng mensahe katulad halimbawa ng
tinatawag na Public Service Announcements (PSAs).

Ang pampublikong anunsyo ay may layong magpabatid sa madla ng mga


kakailanganing pagkilos, maghudyat ng pagpapasya at magpaalala ng
babala hinggil sa mahalagang paksa/isyu.

Maaaring gamitin ang PSA sa pagpapabatid tungkol sa isang sakuna


(nangyari at nangyayari at darating), gawain sa pagpapahalaga sa kalikasan
at mga halagahang cultural na dapat panatilihin. Ang medium ay maaaring
audio, video, audio-visual o social-media.

Ang tagapaglahad/ pangkat ay maaaring bumuo ng PSA sa pamamagitan ng


mga posters, leaflet, brochure, promotion video, pamphlet, social media
page/account.

Pakikipag-ugnayan sa Social Media

Sa anumang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba-ibang network gamit ang


kapangyarihan ng internet, may tinatawag na netiquette o network
etiquette. Ito ay tumutukoy sa pagpapamalas ng paggalang sa anumang
anyo ng pakikipag-ugnayan sa internet.

Sa mga panahong naging mabilis ang buhos ng nagbabagong midya (new


media) naging suliranin ang cyberbullying o cyberharassment dahil sa
kalayaan at medaling accessibility ng teknolohiyang ito. Inilunsad din ang
Cybercrime Prevention Act ng 2012 (Republic Act 10175) at anti-bullying
Act ng 2013 (Republic Act 10627) upang magkaroon ng malinaw na gabay
ang sinumang gagamit ng mga bagong teknolohiya.

Ang GMA Network ay nagkaroon din ng advocacy na ipalaganap ang


responsableng paggamit ng social media noong 2011 sa pamamagitan ng
Think Before You Click. Itinuturo nito sa mga Pilipino na pag-isipang mabuti
ang anumang kahihinatnan ng pahayag na ilalathala at kamtin ang
pananagutan sa mga ito.
Mula sa www.bbc.co.uk/webwise/guides/about-netiquette, tinalakay ang
mga sumusunod na batayang paraan ng pagpapakita ng netiquette:

1. Iwasan ng pag-abuso sa sarili. Kung makikipagtalo, iwasan


ang paggamit ng ibang pagtawag o pagbabanta ng
makapagpapahamak sa kapalitan ng mensahe.

2. Huwag mag-spam, iwasan ang paulit-ulit na pag-post ng


advertisement para sa produkto o serbisyo. Ang ilang site ay may
mahigpit at tiyak na panuntunan sa paglalathala.

3. Maglahad ng mensahe nang malinaw at tiyak. Isaalang-alang


ang kaangkupan ng wikang gagamitin.

4. Tandaan na ang anumang inilalahad mo ay pampubliko.


Maaari itong mabasa ng sinuman.

5. Kailangang pagtuonan ang paksa ng pag-uusap. Iwasan ang


pagpasok ng mga paksang walang kinalaman sa pinag-uusapan.

6. Huwag iasa sa ibang tao ang paghahanap ng anuman. Ilahad


ang mga nagawa mo na upang makatulong ang marami. Kailangang
maramdaman ng mga kapuwa netizen na tinutulungan ang sarili.

7. Huwag ilathala ang mga materyal na may taglay na rehistro ng


copyright. Magalang kang humingi ng permiso tungkol sa
nais na ibahagi.

8. Ang anumang site ay pag-aari ng maraming moderator, ang


pagpapatupad ng mga tuntunin ay batay sa kanilang
magkakasamang tinig.

Pagsasalita sa TElebisyon para sa Isang Panayam

Napakalakas pa rin ng gampanin ng telebisyon sa paghahayag ng


pampublikong opinion at talakayan. Nakapaghuhulma at/o
nakapagmumungkahi ito ng maaaring pagpapasya ng mga manonood na
Pilipino.

Sa mga pagkakataong may dapat na linawing isyu, ang mga programang


pantelebisyon tulad ng mga talkshow, dokumentaryo o newscast, hinihingi
ang mahahalagang pahayag ng mga eksperto o kahit ng karaniwang Pilipino.
Inaanyayahan at binibigyang espasyo ang tao upang maihayag sa ere,
maaaring live o kaya taped/ recorded.
Inilahad ni Nair (2013) ang mga sumusunod na gabay sa kanyang artikulong
The Complete Guide to Being Interviewed on TV.

1. Ihanda ang mensahe at tiyaking maibabahagi ito. Sinabi pa,


ang anumang puntos ay angkop na apat hanggang limang
pangungusap na magsisimula sa linyang nakahahatak ng atensyon
sa mga manonood.

2. Kailangang igiya rin ng nagsasalita ang mga dapat pagtuonan


sa pag-uusap.

3. Ang mensahe ay gawing payak at tiyak, at alamin ang


pagkakataon na tumigil sa pagsasalita. Ang mga recorded na
soundbite ay hanggang sampung Segundo lamang. Tatlumpung
segundo naman ang ideyal na itinatagal ng pagsasalita sa live na
pakikipanayam.

4. Isaalang-alang ang kahalagahan ng mga sasabihin para sa


marami at hindi lamang nakatuon sa sariling pakinabang.

5. Sabihin ang mga pahayag na maaalala ng marami. Maaaring


gumamit ng mga pagwawangis at/o pagwawangki na kakapit sa
kaisipan ng mga nakikinig. Gawin din itong maikli at konkreto –
iparamdam kaysa sabihin lamang.

6. Isiping walang tinatawag na “off-the-record”. Mag-iingat ka sa


lahat ng anumang sasabihin. Pagtuonan ang nalalaman at huwag
magbigay ng komento sa mga paksang hindi sakop ng kaalaman.

7. Huwag mong sabihing wala kang masasabi. Matapat mong


sabihin ang kawalan ng kaalaman hinggil sa tinatanong. Iwasan
ang pag-uulit ng mga salitang ginamit ng nakikipanayam.

8. Ang mga opinion na pansarili ay sarilinin na lamang lalo kung


kabahagi ng organisasyon. Alalahaning kinakatawan ka ng pangkat
na iyong kinabibilangan.

9. Balansehin ang ekspresyon, kasama rito ang pagpili ng


angkop na wika, pagsasangkap ng damdaming mababakas sa
mukha, galaw ng katawan at angkop na pag-uugnay ng tinig.

10. Magsanay bago dumating sa lunan ng panayam. Maaaring i-


record ang sarili o ang tinig. Aralin ang mga tinatawag na talking
points.
11. Kapag nasa loob ng studio, humarap ka sa audience o sa
kinakausap. Kung binabato ang video sa studio mula sa lunan ng
iyong panayam sa labas ng studio o sa remote na lugar, tumingin
ka sa camera.

12. Gumamit ng kasuotang angkop sa iyong kinakatawang


trabaho o propesyon. Tanungina ng produksyon tungkol sa
susuotin-kulay, pagkokontrast ng mga kulay para sa chroma (na
ginagamitan ng berdeng background), brand at iba pang detalye.
Ayusin din ang buhok, tiyakin ang kaayusan ng sarili. Humingi ka
ng ideya sa produksyon tungkol sa iyong anggulo na makikita sa
harap ng camera.

13. Iwasan, hangga’t maaari ang pagkabahala. Maging panatag ka


sa pagbabahagi. Pagtuonan ang nagsasagawa ng panayam

Sanggunian:
Books and Journals
Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp.
Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tektso Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing
Corp.
Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon sa
Akademikong Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Pateros, Metro Manila. Grandbooks Publishing.

Module 8
Pagkritik sa Awtput o
Sulatin a. Mga Gabay sa
Oral na Paglalahad
b. Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagsulat at Pagsasalita
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1.Naiisa-isa ang mga gabay sa oral na paglalahad at mga
dapat isaalang-alang sa pagsulat at pagsasalita.
2.Nabibigyang-halaga ang pagkritik sa awtput o sulatin
gamit ang rubric.
3.Nakapagwawasto/Nakapagki-kritik ng sariling awtput
o sulatin gamit ang rubric.

Pagrebisa at Pag-edit (Pagsulat ng mga Draft)


Ang bahaging ito ng pag-aaral ay magbibigay- diin sa mga huling bahagi
ng kabuoang proseso ng pagsulat-pagrebisa, pag-edit at paghahanda para
mailathala.

Ang pagrebisa ay nakatuon sa layuning mapabuti ang tekstong


isinusulat at may pagsaalang –alang sa naging proseso ng aktuwal na
pagsulat. Samantala ang gawaing pag-edit ay may layong maitama ang mga
kamalian sa pagbaybay at gramatika at may pagsasaalang-alang sa sulatin
bilang product

Pagrebisa

Ang gawaing rebisyon ng mismong nagsulat ng teksto ay proseso ng


muling pagtingin sa sinulat upang matiyak ang kaisahan, kalinawan at
maayos na daloy ng mga salitang ginamit sa loob ng bawat pangungusap at
ugnayan ng mga talata. Layon ng pagsasanay na ito na makamit ng teskto ang
kaayusan kaya tinitingnan o muling tinitingnan (re+vision) ang sinulat mula
sa lente o pagbasa ng maaaring target na audience/mambabasa. Maaaring
ipagpalagay din ng sumulat na siya ay tagabasa at hindi siya ang bumuo
upang mapanatili ang pagiging obhetibo.

Isaalang-alang sa sarili ang naging proseso ng aktwal na pagsulat.


Maaaring makatulong ang mga sumusunod na gabay na tanong.

Gabay na Tanong Oo Hindi

1. Natukoy ba ang paksa?


2. Naipaliwanag bang mabuti ang paksa?

3. Natukoy ba ang mga pamaksang pangungusap sa


bawat talata?

4. Paano pinaunlad ang paksa?


a. may paglalahad ng halimbawa
b. may paghahambing/pagkokontrast
c. may pagsasalaysay
d. may paglalarawan
e. may pagsusuri
f. may pangangatwiran
g. papaksang paglalahad
h. paglalahad na batay sa puntong nais palutangin

Mula sa mga inilahad na mga tanong, maaari nang galawin ang teksto
upang tiyakin ang mga sumusunod na konsiderasyon tungo pa rin sa
lalong mapabuti, mapalawak at mapalinaw ang kabuoan ng sulatin:
• Isaalang-alang ang pagbabago ng tinig ng kabuoang sulatin,
mula pasibo tungong aktibo.
• Tingnan ang tiyak at malinaw na estruktura ng talataan.
• Linangin ang pamaksang pangungusap sa pamamagitan ng
pagdagdag ng mga pantulong na detalye at mga patunay.
• Paunlarin ang mga argument o puntong nais palutangin.
• Kung kailangan, ilipat o alisin ang buong talata bilang tugon
sa pagpapabuti ng kabuoang organisayon ng teksto.
• Muling isulat ang mga talatang nagtataglay ng magulong
ideya.

Pag-edit

Katulad ng nabanggit na, ang pag-edit o pagwasto ng manuskrito ay


may pagsasaalang-alang sa teksto bilang mabuting produkto.
Nakatingin ang gawaing ito sa layuning maging katanggap-tanggap ang
sulatin sa estandard at anyo para sa babasa. Hakbang ito patungo sa
paglathala kung nanaisin ng sumulat.

Ito ay maaaring gawin nang personal at maging ng mga kakilala o


kaibigan. Sa larang ng paglalathala, ito ay gawaing kompleks sapagkat
mas masaklaw pa sa inaakala ng marami ang gampanin ng tumatayong
tagapagwasto/editor. Ang masaklaw na gawain ay mula sa pagtatama
hanggang sa pagtitipon at pagsasaayos ng presentasyon ng mabubuong
output.

S apagkakataong ito, ang tukoy ng gawaing pag-edit na tinatalakay ay


bilang personal na gawain ng manunulat na makatutulong at
magbibigay-daan sa tatapusing gawaing saliksik.

Makatutulong ang pagsasaalang-alang ng mga sumusunod sa pag-edit


ng sariling manuskrito.
• Tingnang mabuti at itama ang mga sumusunod:
pagdadaglat, pagbabantas, paggamit ng malalaki at maliliit na
titik.
• Ayusin din ang paraan ng pagbaybay ng bilang at iba pang
kaparaanan ng pagpapaikli ng salita.
• Isaalang-alang din ang wastong paraan sa paghiram ng
mga salita.
• Itama ang gramatika, paggamit at pagpili ng mga salita.
• Suriin dimg mabuti ang pagbuo ng mga salita at pagbaybay
nang hindi ayon sa pormal na sulatin.

Upang mapalawak pa ang pagsasakaytuparan ng mga


nabanggit na paraan ng personal na pag-edit ng sulatin, maaaring
gawing sanggunian ang Gabay sa Ispeling at Gabay sa Editing ng Wikang
Filipino ng Surian ng Wikang FilipinoDiliman at Unibersidad ng Pilipinas,
ang Filipino ng mga Filipino ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan at ang 2013 Ortograpiya Ng Wikang Pambansa ng
Komisyon sa Wikang Filipino.

Malaki ang maiaambag ng pagsunod sa nasabing gabay ng KWF


sa pagwawasto ng KWF sa pagwawasto ng manuskrito o papel-saliksik
sa larang akademiko. Kaya, minarapat na ilahad sa bahaging ito ang mga
pangunahing pagbabago sa naturang gabay mula sa Komisyon sa
Wikang Filipino. Ito ay inihanda ni Minda Blanca L. Limbo (2011).
Ang mga pangunahing pagbabago sa tuntuning ito ay ang
sumusunod:

Una, ipakita sa bagong gabay na ito ang pahapyaw na


kasaysayan ng
ortograpiya ng wikang Filipino.

Ikalawa, ipinakita rito ang letra at hindi letra na bumubuo sa


grapema.

Ikatlo, sa Pasulat na Pagbaybay: ang huling patinig na e sa mga


salitang –
ugat ay hindi na papalitan ng I kapag inuulit. Halimbawa nito ay ang
salitang berde, kapag inulit magiging berdeng-berde; nene, neneng-
nene; kaliwete, kaliwetengkaliwete; ganire, ganireng-ganire; peste,
pesteng-peste; libre, libreng-libre. Gayundin naman ang o kapag nasa
hulihan ng salita, hindi ito pinapalitan ng u gaya ng salitang sino. Ito ay
magiging sino-sino; buo, buong-buo; lito, litong-lito; dulo, dulong-dulo,
solo, solong-solo; bago, bagong-bago.

Ikaapat, (sa gamit ng walong letra) Bagama’t walang tuwirang


tuntuning nakasaad sa gamit ng walong letra sa gabay na ito, ang mga
tuntunin sa gamit ng walong letra C, F, J, Ñ ,Q,V,X,Y,Z sa bagong gabay na
ito ay nahahawig sa tuntunin ng 1987 Alpabeto.

Tulad sa 1987 Patnubay sa Ispeling, ang walong dagdag na letra


ay gagamitin sa a) pantanging ngalan; b) salitang katutubo mula sa
ibang mga wika ng Pilipinas; c) salitang pang-agham at teknikal; d)
simbolong pang-agham.

Samantala, sa 2001 Revisyon , niluwagan ang paggamit ng


walong letra sa lahat ng salitang hiram na nagtataglay ng alinman saw
along letra. Gayunman ay walang itinatakdang hangganan sa
panghihiram. Binabaybay- Filipino ang mga hiniram na salita.
Halimbawa, ang salitang Ingles na budget ay tinumbasan ng salitang
bajet. Ang variety ay varayti samantalang ang scissors ay sizors. Naging
katawa-tawa ang mga ipinanumbas na salita, hindi malaman kung ang
bajet ay babasahin ng ?bahet/ o, /bajet/. Kung tutuusin ang, ang budget
ay may katumbas sa Filipino na laang-gugulin o kaya naman ay
maaaring baybayin nang badyet. Isa pang maaaring gawin ay paghiram
nang buo sa salitang Ingles na budget.

Gayundin naman ang salitang scissors. Mayroon naman itong


katumbas na
gunting sa ating wika.

Ang ganitong sitwasyon o paglalapat ng tuntunin ang isa sa


mga nais bigyang-diin ng bagong gabay na inihaharap ngayon. Ang
pagtutumbas na ipinatutupad ng 2001 Revisyon ay nagdulot ng malaking
kalituhan sa mag-aaral partikular sa mga bata sapagkat hindi na nila
makilala kung ano ang tamang baybay ng orihinal na salita.
Samakatuwid, naging mahina sila sa ispeling sa Ingles. Ito ang naging
pinakamalaking negatibong epekto at bunga ng pinaluwag na gamit ng
walong letra. Sinasabing ang tuntuning ito ay nagdulot ng kalituhan sa
Filipino at pati na rin sa Ingles.

Ikalima, kaugnay ng binanggit sa itaas, hindi na natin laging


tutumbasan ang mga hiram na salita ayon sa pagbigkas sa mga ito sa
Filipino, halimbawa, sovereignty, hindi na dapat sovereynti. Sa halip,
maaaring ipanumbas sa salitang ito ang soberanya (mula sa Espanyol na
soberania) o kung angkop ay ang katumbas sa Filipino na
kapangyarihan . May mga pagkakataon nga lamang na may mga dati
nang salita na nilapatan ng ganitong tuntunin na hindi na kailangang
ibalik sa dati upang umayon sa bagong tuntunin. Ito ay dahil matagal
nang ginagamit at tinatanggap ang mga salitang ipinanumbas. Ang
halimbawa nito ay ang salitang nars (mula sa Ingles na nurse),
kompiyuter ( mula sa computer) at iba pa.

Ikaanim, sa pagbaybay ng mga salitang hiram sa Espanyol gaya


sa “estudiante estudyante” (hindi istudyante), “estandardizacion
estandardisasyon” (hindi istandardisasyon), “estructura estruktura”
(hindi istruktura) at iba pa.

Gayundin naman sa mga salitang hiram sa Espanyol na may o,


panatilihin ang o at baybayin ayon sa baybay-Filipino gaya sa
“diccionario diksiyonaryo”, “tornillo tornilyo (hindi turnilyo),
“consiencia konsiyensiya” (hindi kunsiyensiya), “politica politika” (hindi
pulitika) at iba pa.
Ikapito, sa pag-uulit ng salitang may klaster, inuulit ang unang
KP (katinig patinig), gaya sa plano=paplanuhin, magpaplano;
prenda=ipeprenda, magpeprenda; traysikel,=magtatraysikel,
itatraysikel. Sa mga salitang hiram na karaniwa’y sa Ingles, ang inuulit
ay ang tunog ng unang KP ng orihinal na ispeling. Halimbawa,brown-
nagba-brown; dribble-magdi-dribble; trim- magtitrim, ititrim.

Ikawalo, hindi dapat lagyan ng mga sa unahan ng mga salitang


hiram na nasa anyong maramihan na. Ito ay sa dahilang magiging
redundant na ang pahayag. Kaya kung ang salita ay pictures, hindi dapat
sabihing mga pictures; rules, hindi mga rules, chairs hindi mga chairs,
etc. Gayundin ang mga salitang nasa anyong maramihan na, gaya ng
kababaihan, kalalakihan, at iba pa, ay hindi na dapat pangunahan ng
mga. Tulad nang nasabi na, magiging redundant na ang pagiging nasa
anyong maramihan ng mga salita.

Ikasiyam, ang mga panlaping makauri ay ikinakabit sa mga


salitang-ugat na hindi orihinal na pang-uri upang makabuo ng isang
pang-uri gya sa pangakademya/akademiko (hindi pang-akademiko),
panlingguwistika/lungguwistik (hindi panlingguwistik),
pangmatematika/matematikal ( hindi pangmatematikal) at iba pa.

Ikasampu, nilalagyan ng “I” sa unahan ang mga salitang hiram


na nagsisimula sa “s” kapag binaybay sa Filipino. Ang halimbawa nito ay
sportisport, scoutiskawt, at iba pa.

Ikalabing-isa, kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram


(kadalasa’y sa Ingles) na may magkasunod na magkaparehong katinig
gaya sa grammar gramar; bulletin buletin; immortal imortal; immoral
imoral at iba pa.

Ikalabindalawa, sa mga salitang hiram sa Espanyol na may


kambal-
patinig, dapat isaalang-alang ang dalawang uri ng patinig na mahina: I,
u.

Sa mga salitang hiram sa Espanyol na may magkasunod sa


alinman sa dalawang malakas na patinig, a+(e,o); e+(o,a); o+(a,e)
pinanatili ang gayong kumbinasyon. Tulad sa sumusunod na salita:
maestro, aerosol , aorta, teorya, empleado, boa, poesia.
Samantala, sa mga salitang Espanyol na may kombinasyon ng
mahina at
malakas na patinig, i+(a,e,o) at u+(a,e,o), ang i ay pinapalitan ng y gaya
sa barberiabarberya; Deciembre Disyembre at ambicion ambisyon, vicio
bisyo. Ang u naman ay napapalitan ng w tulad sa mga salitang visual
biswal, casual kaswal, manual manwal, pozuelo poswelo, triduo tridwo.

Dinisingitan naman ng w o y ang mga salitang may


kombinasyon ng
ua,ue,ui, uo at ia, ie, io kung:

(1)Ang kambal-patinig ay sumusunod sa panimulang katinig ng


salita.

cuago - kuwago
cuarenta - kuwarenta
cuenta - kuwenta
suerte - suwerte
buitre - buwitre
diabetes - diyabetes
siete - siyete
Dios - Diyos

(2)Ang kambal-patinig ay sumusunod sa kambal-katinig o mahigit


sa dalawang katinig:
escuadron - eskuwadron
despuesto - despuwesto
influencia - implluwesiya
zarzuela - sarsuwela
infierno - impiyerno
prioridad - priyoridad

(3)Sumusunod sa patinig na may tunog h kapag binaybay sa


Filipino:
jues - huwes
perjuicio - perhuwisyo
antologia - antolohiya
colegio - kolehiyo
region - rehiyon
prestigio - prestihiyo
Ikalabintatlo, may seksiyon din sa aklat na ito tungkol sa Mga Bantas na
Gamitin; Gamit ng Malaking Titik; Pagbaybay sa Bilang o Pagsulat ng
Numerong Arabe; Paggamit ng Daglat; Tala at Talababa; Talasanggunian
at Talatuntunan: Talahanayan at Talalinawan.

Inilabas na rin ng KWF ang bersyong 2013 na gabay sa Ortograpiyang


Pambansa. Gawing sanggunian ito upang mapataas ang gamit ng wikang
pambansa sa pananaliksik.

Matapos ang pag-edit gamit ang mga binanggit na gabay, maaari nnang
muling isulat ang nabuo upang maihanda nang maipabasa, maipasa o
mailathala kung nanaisin ng sumulat at may potensyal na maging bahagi
ng mga research journal.

KASANAYANG PAGSASALITA

Ang pagsulat ay pagsasatitik ng kaisipan, damdamin, opinion o kuru-


kuro sa maayos at kapaki-pakinabang na paraan. Ito ay mahalaga sa
pakikipagtalastasan.

Naipababatid nito ang ating iniisip, saloobin, impormasyon o


karunungan, kahit sa mga hindi naaabot ng tinig. Ang anumang bagay na
nais mong sabihin subali’t hindi mo kayang bigkasin ay maaaring
makararating sa kinauukulan sa pamamagitan ng pagsulat.

Sa pamamagitan nito, napananatiling buhay ang ating makulay na


kultura sa mga tao, sa iba’t ibang panahon na naging daan sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang mga naitalang mga karanasan ng
ating mga ninuno, ang kanilang mga ideya, adhikain, pagmamalasakit na
ating natunghayan bagama’t luma na ay mahalaga sa ating pag-unlad.
Buhay namang katibayan ang mga pagpupunyagi at ang matayog na
mga kaisipan ng tulad ni Gat Jose Rizal, sa kanyang ginawa tungo sa
pagsulong ng ating bansa. Maraming nagpapahalaga at nangasitulad sa
mga kagitingang nakasulat at natunghayan na. Ang mga isinulat ay
nagsilbing isang dokumento sa paglipas ng panahon. Salamat na lamang
at an gating mga ninuo ay natutong sumulat.

Sa pagsulat, nararapat na maging maingat sapagka’t madaling


mapapansin ang pinakamaliit na pagkakamali. Marami ang nagsasabi na
ang paraang ito ay higit na mahirap kaysa sa paraang pasalita sapagka’t
sa pagsasalita ay maaaring hindi gaanong mapapansin ng mga nakikinig
ang ilang kamalian, mapupuna lamang ito kapag nakasulat ang sinasabi
ng nagsasalita. Sa pagsasalita, mapapansin na ang mga kamalian ay
medaling makaligtaan ng tagapakinig, kung maganda ang tinig at
kumpas ng kamay ng nagsasalita na siyang humihikayat.

Sa gawaing pagsulat, nangangailangan ng mga kasanayan tulad ng


pagsasaalang-alang sa kawastuhang pambalarila, pagsasaayos ng
kaisipan, at pagbubuo at pagkakaroon ng layunin.

MGA DAPAT NA ISAALANG-ALANG BAGO SUMULAT NG ISANG


PAHAYAG

1. ang ideya

Ang susulat ay kailangang may ideya sa paksang susulatin upang


makapagtipid sa panahon at pag-iisip ng paksa. Ang ideya ay ang
pinakatampok sa lahat ng nais ipahayag sapagka’t ito ang pinagkukunan
ng kaisahan sa buong pahayag.

2. ang layunin

Ito ay mahalaga sa pagsulat sapagkat nagbibigay-liwanag sa


bisang inasahan ng sumulat. Maaaring ang kanyang layunin ay magturo,
mang-aliw, magbigay ng kaalaman o magpahayag. Sa layunin mababatid
kung alin ang dapat bigyan ng diin.

3. ang kaalaman sa wika, balarila at retorika

Mahalaga ang wikang gagamitin upang maging epektibo sa mga


babasa.
Ang malawak na talasalitaan ay mahalaga sa pagsasatitik ng iniisip. Ang
kaalamang pambalarila ay mahalaga sa pagbuo ng mga pangungusap.
Gayundin ang kaalamang panretorika (paggamit ng mga transisyunal na
pananalita-tayutay, idyoma, salawikain… ay kailangan upang maging
masining ang isang pahayag.

Mga Prinsipyo sa Pagpapahayag na Pasulat


1. may kaisahan
Nararapat na pamalagiin ang ideyang binabanggit. Ang lahat ng
sangkap ng pangungusap sa talata ay ukol lamang sa iisang paksa o
tema.

2. may kaugnayan ang mga ideya


Ang diwa sa paksa ay dapat magkakaugnay sa pamamagitan ng
mahusay na paghahanay ng mga ideya.

3. may diin
Ang interes ng mga mambabasa at ang mga mahahalagang pangyayari
sa paksa ay dapat bigyan ng tuon.

KASANAYANG PAGSASALITA

Ang pagsasalita ay makrong kasanayan na siyang pangunahing


ginagamit upang mapanatili ang unawaan at pagkakaisa ng mga
mamamayan. Ito rin ang pangunahing ginagamit sa paaralan sa
pagdukal ng karunungan. Sa mga tanggapan, ang kasanayang pasalita
ay siyang mabisang instrumento upang umunlad ang ano mang uri ng
kalakal at umusad ang kaunlaran. Sa pulitika, pagsasalita ang ginagamit
upang maipaliwanag ang mithiin at nang sa gayon ay makahikayat ng
boto. Tunay ngang napakahalaga ng paraang pasalita sapagkat ito ay
higit na mabilis kaysa pasulat. Ang harapang pag-uusap ay nagbibigay
ng pagkakataon sa isa’t isa upang magkaroon ng sapat na paglilinaw sa
paksa. Ang ating pang-araw-araw na kabuhayan ay pinaiinog ng
pakikipagtalastasan.

Kalikasan ng Pagsasalita

pagbuo Ito ay maaaring isagawa sa harap ng kapwa/madla. May


direktang kontak sa tagapakinig. Maibibigay agad ng tagapakinig
ang reaksyon o puna. Sa ganitong sitwasyon, nalalaman ng
tagapagsalita ang kanyang kamalian at agad na naitutuwid. Ang
tuon ng tagapagsalita ay sa pagpapakahulugan lamang.
ang nilalaman Ang mga nilalamang pahayagay maaaring ulitin at palawakin
batay sa naging reaksiyon ng tagapakinig. Ang pag-uulit ay
ginagawa upang magbigay-diin.
paghahatid at Ang mga pahayag na binabanggit ay agad ding nawawala. Malaki
pag-iiwan ang posibilidad na ang eksaktong binanggit ay hindi lahat
mananatili. Naiipon lamang ang mga iyon sa isip ng mga
tagapakinig.
ang Isinasaalang-alang ang pagbuo at pag-uugnayan ng mga salita sa
kawastuhang pangungusap kung pormal ang lebel ng paggamit. Kung hindi
pambalarila pormal, pinapayagan ang mga taliwas sa tuntuning
panggramatika.

Kahulugan ng Pagsasalita

Likas sa tao ang magsalita. Ito ang sukatan sa isang indibidwal ng


kanyang talino, husay at galing. Ang makrong kasanayang ito ang unang-
unang pinapaunlad sa isang indibidwal mula pagsilang. Ang kakayahang
makapagbigkas ng makabuluhang tunog mula sa pautal-utal na mga
kataga ay indikasyon ng pagunlad ng isang bata sa makrong kasanayang
pasalita.

Tungkulin ng Wika sa Pagsasalita

Narito ang mga tungkulin ng wika na pangunahing gamit sa kasanayang


ito. (Badayos, 1999).

1. Transaksyunal ang tungkulin ng wika kung ang binibigyang-diin sa


kasanayan ay paghahatid ng mensahe o impormasyon. Ito ay maaaring
sa pagpapahayag na paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.
Malaki ang pagsasaalang-alang sa paghahatid ng tagapagsalita.
Maibibilang din dito ang layon ng tagapaghatid na panatilihin ang
usapan at magtanong ng ilang kaalaman sa wika.

2.Interaksyunal ang tungkulin ng wika kung ang pokus ay


pagpapanatili ng maayos at magandang relasyong sosyal. Malaki ang
pagsasaalang-alang sa damdamin ng tagapakinig. Kasama rito ang mga
pormularyong/pormulasyong panlipunan.

Katangian ng Isang Mabisang Tagapagsalita

1. May sapat na kaalaman sa paksa


Ang nagsasalita na may tiyak na kaalaman sa kanyang tinatalakay ay
nakagaganyak pakinggan. May sapat na kaalaman ang nagsasalita kung
may kakayahan siyang mag-ugnay ng mga bagay-bagay na familiar sa
kanyang tagapakinig. Ito ay kanyang magagawa kung siya ay
mahusay na tagamasid.

2. May mayamang talasalitaan

Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksa ay nagiging


makabuluhan sa pagkakaroon ng malawak at mayamang talasalitaan.
Sa pamamagitan nito, naihahatid ang kaalaman ng maliwanag sa
paksang tinatalakay. Kung inaakalang ang salitang ginagamit ay
hindi gaanong gamitin bigyan ng kasingkahulugang salita na
madaling maunawaan ng tagapakinig.

3. May kaaya-ayang tinig

Sa pagsasalita, kinakailangan ang voice variation ayon sa nais bigyan ng


diin upang hind imaging kabagut-bagot ang mga talakay. Ang tinig na
malakas, sapat sa mga nakikinig ay nakatutulong upang maiwasan
ang pagkaidlip ng mga nakikinig at upang mapanatili ang kawilihan.

4.May tiwala sa sarili

Kahandaan at kaalaman sa paksa ang magpapalakas sa loob ng ispiker.


At kapagka ang ispiker ay may sapat na paghahanda, malakas ang
kanyang loob at siya ay nagkakaroon ng tiwala sa sarili.

5. Malinaw ang pagbigkas

Ang malinaw na pagbigkas sa bawat tunog o kataga ay daan para sa


mabilis na pagkaunawa ng mga tagapakinig sa nais tukuyin ng ispiker.
Kailangang gamitin ng wasto ang mga sangkap sa pagsasalita
upang makalikha ng wasto at kawili wiling tunog.

6. May sapat na kaalaman sa balarila

Ang balarila ang nag-uugnay sa mga kawil ng mga pangyayari sa


inihahayag. Kapag ang balarila o gramatika ng mga pangungusap ay
hindi wasto, ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkaunawa
ng mga tagapakinig sap unto ng talumpati.
7. May angkop na galaw at kumpas

Ang angkop na galaw at kumpas ay kinakailangan ng nagsasalita upang


mabigyang buhay ang sinasabi. Ang bawat kumpas ng kamay ay may
layuning linawin, patingkarin at bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdaming ipinahahayag.

Sanggunian

Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon


sa Filipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp.
Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tektso Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing
Corp.
Mortera, Melvin O. at Conti, Baby Lyn J. (2016) Komunikasyon sa
Akademikong Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Pateros, Metro Manila. Grandbooks Publishing.

Module 7
Pagsulat ng kritikal at mapanaliksik na pagaaral sa
disiplinang Filipino at/o Filipino at kaugnay na
disiplina
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang
1. Natutukoy ang mga paraan sa pagsulat ng kritikal at
mapanaliksik na pag-aaral sa disiplinang Filipino at/o
Filipino at kaugnay na disiplina.
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik sa pamamagitan
ng mga etika at responsibilidad ng mananaliksik
3. Nakasusulat ng isang maimpormasyong talata na
ginamitan ng pananaliksik tungkol sa kahalagahan ng
pagbabalik sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.

PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Narito ang halimbawang pormat ng mga bahagi ng konseptong papel


(maaaring mabago batay sa kalakaran ng bawat institusyon). Sapagkat ito ay
gagawin o proposal pa lamang, ang aspekto ng pandiwang gagamitin ay
kontemplatibo

PAHINA NG PAMAGAT

TALAAN NG NILALAMAN
TALA NG MGA TALAHANAYAN (kung mayroon)
TALA NG MGA PIGURA (kung mayroon)

KABANATA 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Teyoritikal na Batayan
Konseptwal na Batayan
Paradaym ng Pag-aaral
Paglalahad ng mga Suliranin
Hipotesis (kung mayroon)
Saklaw at Limitasyon
Kahalagahan ng Pag-aaral
Depinisyon ng mga Termino

KABANATA 2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-


AARAL

(kung thematic, ang mga subheading ay pamagat ng mga paksa)

KABANATA 3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Pamaraan ng Pananaliksik
Pagkuha ng Sampol/Tagatugon
Paglalalarawan sa mga Tagatugon
Instrumento sa Pananaliksik
Balidasyon ng Instrumento
Pangangalap ng Datos
Estadistikang Gagamitin (hindi angkop sa kwalitatibong pananaliksik)

TALASANGGUNIAN
APENDISE
Talatanungan
Kurikulum Bita

Mula sa pormat na inilahad, maaari nang simulan ang pagbuo ng


sariling proposal gamit ang mga sumusunod na gabay.

PAGBUO NG PANIMULA

Ang anumang sulatin ay binubuksan ng isang panimula


upang maihanda ang mga mambabasa. Sa gawaing ito, layon ng mananaliksik
na bigyan ng paunang patikim ang tagatangkilik. Ito ay maisasakatuparan sa
pamamagitan ng pagsulat sa kaligirang kasaysayan ng paksa at mga patunay
na presensya at pagkakaroon ng suliraning dapat bigyan ng tugon at pansin.

Ang introduksyon (at ang kabuuang manuskrito ng


saliksik) ay sinusulat sa ikatlong panauhan ng mga nominal (pangalan at
panghalip). Ito ay isinasagawa upang maging obhetibo at patunayang walang
pagkiling ang kabuoan ng saliksik.

Maaaring ilagay ang mahahalagang direktang sipi ng mga


konsepto basta kasama ang pinaghanguan. Ang pagkilala (citation) sa mga
sanggunian ay gawin sa angkop na kaayusan ng American Psychological
Association .

Halimbawa:
Panimula

Ang wika ay may kakayahang tumugon sa mga hamon ng


nagbabagong panahon. Taglay nito ang katangiang dinamiko. Nagbabago ito
batay sa kahingian ng modernisasyon sa usapin ng pagpapaunlad ng wika,
ortograpiya at paggamit.

Sa konteksto ng bansang Pilipinas, tinitingnan bilang batayan ng


pagiging dinamiko ang itinatakda ng Konstitusyon ng 1987 tungkol sa
Filipino bilang Wikang Pambansa at wikang opisyal (para sa layunin ng
pagtuturo at komunikasyon) na patuloy na dumadaan sa proseso ng
ebolusyon ng paglinang, pagpapayabong at pagpapayaman.

Sapagkat nangyayari ang pagiging dinamiko ng wikang


pambansa, ayon sa binabanggit sa Saligang Batas, malaki ang potensyal ng
pagkakaroon ng pagpaplanong pangwika na magtutulay sa pormulasyon ng
mga patakarang pangwika.

Sa pagsasakatuparan ng layong paglinang at pag-unlad ng wika,


iniatas ang gampanin sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa ilalim ng
Tanggapan ng Pangulo. Ito ay pagtupad naman sa kahingian ng Konstitusyon
ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9.

Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang


Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.

Sa pagkakabuo ng KWF, nagkaroon ng sandigan ang


pagsasagawa ng pagpaplanong pangwika tungo sa binabanggit sa kautusang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng wikang Filipino at iba
pang mga wika.

Tunay nga, upang maisakatuparang ganap ang pagpaplanong


pangwika, kailangang dumaan sa iskema na inilatag nina Ferguson at
Fishman sa Fortunato at Valdez (2005) na pinangungunahan ng pagpili ng
norm, susundan ng estandardisasyon, pagpapalaganap at pagpapaunlad.
Kasama ang mga nabanggit sa gawain ng Komisyon.

Nakaatang sa KWF ang pangkalahatang gampanin ng


pagpaplanong pangwika ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas ( Ibarra sa
http://www.academia.edu/2115074/Estratehiya_ng_Pagpaplanong_Pangwik
a _sa_Filipinas, nakuha noong Mayo, 19,2013).

Bahagi ng mga naturang hakbang sa pagpapaplano ang


paglalarawan nang tiyak sa Filipino, na ipinalabas ng KWF sa Resolusyon blg.
96-1 (2013) bilang tugon din sa hinihingi ng mga pagbabago ng panahon.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Filipinas bilang wika ng komunikasyon sa isa’t isa ng mga pangkating
katutubo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumadanas ng
paglinang at pagpapayaman sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga
katutubong wika ng Filipinas at mga di-katutubong wika at sa pamamagitan
ng mga pagbabago sa nagiging gamit ng Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at
pangyayari, pasalita man o pasulat na pahayag, ng iba’t ibang pangkating
panlipunan at pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba’t ibang
paksain at disiplinang akademiko (KWF, Resolusyon 96-1, 2013).

Sa resolusyon, ipinaliwanag na kahit napanatili nito ang diwa ng


dating kahulugan, kinikilala ng binagong paglalarawan ang pagiging aktibo at
buhay na wika ng Filipino at ang malalim na ugnayan sa buhay-Filipino ng
mga nagsasalita nito. Ang pagsasapanahong ito sa batayang deskripsyong
Filipino ay isa pa lamang sa maraming hakbang ng bagong pamunuan ng
KWF kaugnay ng aktibong kampanya sa Wikang Pambansa sa mga
makapangyarihang larang (KWF,2013).

Mahihinuhang kailangan ang malapit na pakikipag-ugnay ng


KWF sa iba’t ibang sector o domeyn sa lipunan, partikular sa mga
maituturing na makapangyarihan o kumukontrol.

Kabilang sa kumukontrol na domeyn pangwika ay pamahalaan,


lehislatura, hudisyal, kalakalan, komersyo, industriya, agham at teknolohiya,
mga propesyon, midya at edukasyon sa lahat ng antas (Sibayan sa Bringham
at Castillo, 1999).

Bahagi ng patuloy na paglinang ng Filipino ang mga gawaing


isinasakatuparan sa mga paaralan na maituturing na bahagi ng kumukontrol
o makapangyarihang larang/domeyn. Para kay Almario (2008), Punong
Komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting magsimula sa itaas-pababa. Ang
mga aksyon ay nararapat na magmula sa kolehiyo/unibersidad. Sinabi pa
niya na mabilis ang paglaganap ng anumang wika mula sa sentro ng
karunungan tungo sa mababang antas.
Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang
kolehiyo/unibersidad. Inilahad pa rin ni Almario (2008) na may suliranin sa
nabanggit na domeyn. Ang mga suliraning ito ay pagtanggap at
pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang karamihan at hindi sila naniniwalang
kailangan ang Filipino sa kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na
Edukasyon (HEI).

Sinabi naman ni Sibayan sa Brigham at Castillo (1999), na upang


magtagumpay ang hakbang sa programang pagpapaunlad ng Filipino bilang
bahagi ng pagpaplanomg pangwika, magmumula ang pagkilos sa mga iskolar
sa pamamagitan ng pagsusulat sa Filipino at sa mga Institusyon sa tersarya
na hinihikayat lalo ang paggamit ng Filipino.

Dagdag pa, kung ang wika ay ginagamit lamang sa loob ng silid-


aralan at hindi aktibong sinusuportahan at pinahahalagahan ng nasa paligid
nito, an gagunlad ng wika at motibasyon sa pagpapaunlad ng wika ay bababa.
Patunay ito
na ang usapin ng Institusyunal na pagpaplanong pangwika sa mga HEI ay
hindi lamang nakatuon bilang midyum ng pagtuturo, kaagapay nito ang
malawakang paggamit at pagsuporta sa loob ng Institusyon.
Naniniwala sina Brigham at Castillo (1999) na kung gagamitin
ang Filipino sa antas-tersarya at sa iba pang mga kumokontrol na domeyn,
makakamit nito ang mas mataas ma estado ng pagkilala. Dagdag din ang
pagkilala sa mga HEI.

Sa panahon na naghahanap ng identidad ang bawat institusyong


University of the Philippines (UP), De La Salle University (DLSU) bilang
Sentro ng Kahusayan sa Filipino ng iginawad ng CHEd (2013), dagdag pa ang
Ateneo University at Polytechnic University of the Philippines sa
pagpapalaganap at pagpapasulong ng Filipino bilang wikang pambansa at
opisyal (Atienza sa aklat nina Peregrino et. al, 2005), nais isulong ng saliksik
na ito ang panimulang hakbang sa paglapat ng maka-Filipinong perspektiba
na magbubunsod sa Pilipinisasyon ng pagpaplanong pangwika ng ilan pang
mga Institusyon ng Lalong Mataas na Edukasyon.

Teyoritikal at Konseptwal na Batayan

Nauna nang binanggit na mahalaga ang panimulang pagbasa ng mga


aklatreperensya upang magkaroon ng batayan at inspirasyon sa
pananaliksik. Mula sa pagbasa, magiging malinaw sa sarili ang naging
motibasyon sa pag-aaral. Matitisod din ang mahahalagang konseptong
maaaring gawing batayn ng saliksik.

Mula rito, matutukoy at maisusulat ang mga batayang teyoritikal


at konseptwal. Teyoritikal na maituturing ang mga konseptong nabasa sa
mga literature na maaaring gabay at mailapat sa isinasagawang pag-aaral.
Samantala, konseptwal naman ang batayang mula sa sarili ng mananaliksik at
maaaring ilahad upang makita ang kaugnayan sa dalumat (konsepto) ng iba
pang mananaliksik at palaaral.

Halimbawa:
Teyoritikal na Batayan

Binanggit sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV,


Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wikang pambansa.

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang it’y nabubuo,


patuloy itong pauunlarin at payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang wika.

Malinaw na isinasaad na Filipino ang wikang pambansa. Dagdag


pa, inilahad ang patuloy na pag-aaral at pagpapaunlad nito. Sa ganitong
kalagayan, kailangang tiyakin pa ang gamit nito sa mga tiyak na larang. Narito
ang kasunod na magpapatunay.
Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng Kongreso, gagawa
ng hakbang ang Pamahalaan upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema sa edukasyon (bahagi ng Artikulo
XIV, Seksiyon 6).

Tiyak din ang pagbanggit sa gampanin ng Filipino bilang wika ng


opisyal na talastasan at pagtuturo sa domeyn-akademiko. Tinutukoy ng
bahaging opisyal na komunikasyon ang transaksyong maisasakatuparan sa
loob ng anumang Institusyong akademiko samantalang ang konsentrasyon
ng pariralang wika ng pagtuturo ay gawaing instruksyon. Malinaw ang
kahingian na ang oryentasyong pangwika sa mga sitema ng edukasyon ay
Filipino.
Pinagtibay pa ito ng kasunod na Seksyon 7 na nagsasaad ng ganito:

Para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng


Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatakda ang batas, Ingles.

Dapat na itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

Masasabing pangunahing konsiderasyon bilang opisyal na wika


naman ay Filipino. Nais tukuyin na ang pagtawag na opisyal na wika ay
tumutukoy sa midyum na ginagamit sa mga tanggapan ng pamahalaan,
paaralan at sa hukuman.

Mula sa mga probisyong binanggit sa Konstitusyon, malinaw na


iniuutos ang patuloy na pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa at
opisyal lalo na sa larang ng institusyong akademiko. Bilang pagtugon ng ilang
Unibersidad (UP. DLSU, Ateneo at PNU na may tiyak na patakarang
pangwika), nagpapatuloy ang gawain ng pagpaplanong pangwika. Inilahad ni
Constantino
(2008) na ito ay organisadong pagdedesisyon tungkol sa wika na
pinamamahalaan ng mga akademisyan at komiteng pangwika. Maaring
gawain ito ng pagbibigay-solusyon sa mga suliranin o kaya’y pagbabago sa
estruktura at element ng wika. Ito ay isinasakatuparan upang magabayan ang
pag-unalad ng wikang pambansa sa konteksto ng pagbabagong panlipunan,
pangkultura at panteknolohiya. Patunay ito na ang gawaing pagpaplanong
pangwika ay pagtugon sa patuloy na mga hakbang sa pagpapaunlad ng
wikang pambansa.
Sa paliwanag ni Haugen na nakalahad sa introduksyon ni
Constantino sa Filipino at Pagpaplanong Pangwika Ikalawang Sourcebook ng
SANGFIL(2005), ang proseso ng pagpaplanomg pangwika ay magsisimula sa
seleksyon o pamimili ng norm, susundan ng kodipikasyon ng anyo ng wikang
napili, elaborasyon at implementasyon.

Ang mga hakbang na nabanggit ay maaaring ilapat sa


pagpaplanong institusyunal na ang tuon ay sa mga institusyong akademiko.

Maituturing na modelo ang karanasan ng UP sa pagkakabuo ng


kanilang Patakarang Pangwika sa Filipino at patuloy na paglinang sa wikang
pambansa.
Ayon kay Lagahit-Abad (2005) sa kanyang artikulong Panimulang Pagsusuri
sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas, ang UP ay pursigidong
magamit at mapaunlad ang wikang Filipino sa loob ng pamantasan, mula sa
pinakamalaking opisina hanggang sa pinakamaliit na bahagi ng estruktura
nito. Dagdag pa, ang Unibersidad ay makapag-iimpluwensya sa
pagpapalaganap ng wikang pambansa sa mga paaralang pribado at publiko,
mula batayang edukasyon hanggang panggradwadong pag-aaral. Gampanin
pa rin ng UP at ng nasabing patakaran ang pagpapsigla at pagsasabuhay ng
iniaatas sa Saligang Batas na tuon sa Filipino bilang pamabansa at opisyal na
wika.

Mula sa inilahad, hindi lamang usapin sa paggamit ng Filipino


bilang wikang panturo ang tuon ng nabanggit ng Patakarang Pangwika sa
Filipino ng UP. Ang binibigyang-diin ay kabuuan ng sistema ng edukasyon sa
loob ng Unibersidad.

Patunay rito ang ilang probisyong nabanggit sa nasabing


patakaran na may kinalaman sa oryentasyon ng paggamit ng Filipino sa mga
gawaing pagtuturo, produksyon, pananaliksik, gawaing ekstensyon at
pagsasalin sa loob ng Unibersidad.

Sa gawaing pagtuturo, nakasulat ang probisyon na magiging


midyum ang Filipino sa antas na di gradwado. Upang mahikayat ang
produksyon sa Filipino,itinakdang magbigay ng insentibo at parangal sa mga
gagawa ng mga aklat, at iba pang kagamitang pampagtuturo. Sinabi rin na
Filipino ang opisyal na wika ng komunikasyon sa pananaliksik at gawaing
ekstensyon. Bibigyan din ng suporta ang malakas na programa sa pagsasalin.

Pati ang rehiyonal na mga wika ay binigyan ng pagpapahalaga sa polisiya.


Katulad ng binabanggit sa probisyon, itataguyod ng UP ang pagtuturo,
pananaliksik sa kultura, wika at panitikan ng mga rehiyonal na bahagi ng
Pilipinas .

Hinihikayat ng Unibersidad ang kooperasyon at


pakikipagtulungan ng iba pang sektor ng lipunan at institusyong
akademikoupang sabay-sabay na sumulong sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa.

Sinabi ni Almario(2008) na kailangang patuloy na linangin ang


edukasyon sa Filipino bilang bahagi ng paradaym ni Einar Haugen (1968) sa
pagpaplanong pangwika, sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol sa
Pantayong Pananaw.

Ang saliksik na ito ay nakabatay rin sa simulain ng Pantayong


Pananaw ni Zeus Salazar (1968), ama ng Makabagong Kasaysayan, na nais
ilapat sa pagsuri ng oryentasyong pangwika ng Institusyon.

Ang konsepto ng Pantayong Pananaw ay mula sa panghalip na


tayo at perspektiba na magpakilala ng mula sa Pilipino at para sa Pilipino o
makaFilipino at maka-Pilipinong pamumuhay (kinuha noong 2012,
Pebrero ,15 sa
http://kyotoreview.cseas.kyoto-u.ac.jp/issue/issue2/article_247.html).

Sa paliwanag ni Salazar (1968), makikita ang Pantayong Pananaw batay sa


pahayag sa ibaba.

“…kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa asarili at sa


isa’t isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat.
Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung
tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan,
pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan ng mga ito sa
isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code”-ibig sabihin, may isang
pangkabuuang pag-uugany at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.
Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”

Sa pagsuri ng malapit na ugnayan ng mga tao sa perspektibong


Pantayo, ang gamit na koda, sa pagkakataong ito ay nais tukuying wika sa
loob ng institusyon.

Dala-dala rin ng konseptong Pantayo ni Salazar ang dapat


taglaying nasyonalismo sa pangkat ng mga tao o komunidad na magtataglay
niyon. Sa saliksik na ito, ilalapat ang Filipinisasyon sa domeyn ng edukasyon
na tiyak na kikilala sa nasyonalismo at makabayang uri ng sistema.

Katulad ng isinasaad sa artikulo XIV, seksyon 3 ng Konstitusyon


ng 1987, ang mga akademikong Institusyon ay naglalayong:

…ikintal ang patriotism at nasyonalismo, itaguyod ang


pagmamahal sa sangkatauhan, ang paggalang sa karapatang pantao, ang
pagpapahalaga sa papel ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pag-
unlad ng bansa, ituro angmga karapatan at pananagutan ng mamamayan,
patatagin ang etikal at espiritwal na nga pagpapahalaga, hubugin ang
katangiang moral at personal na disiplina, hikayatin ang kritikal at
malikhaing pag-iisip, palawakin ang siyentipiko at teknikal na kaalaman, at
isulong ang bokasyonal na kahusayan.

Sinabi ni Diokno sa Sepeda (2012), ang reyalidad ng sistema ng


edukasyon sa kasalukuyan na bunga ng misedukasyon o maledukasyon ng
maraming henerasyon ng mga Pilipino ay tila hindi tumutugon sa
pagsasakatuparan ng layunin ng nakasaad sa saligang batas. Hindi ito ang uri
ng edukasyon na tutulong para sanayin ang pangarap ng isang dakilang
bayan para sa mga anak sapagkat hindi ito isang edukasyon ng at para sa mga
Pilipino kundi isang uri ng kolonyal na edukasyon na maglilingkod sa mga
banyaga. Samakatwid, dapat lumaya ang sistema ng edukasyon mula sa
tanikala ng kolonyalismo para umunlad ang sambayanan.

Iminungkahi ni Sepeda (2012) sa papel na Isang Pagpapanibago ng


Edukasyon sa Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya ang ilang
katangiang dapat taglayin ang isang makabayang uri ng sistema ng
edukasyon.Sinabi niyang dapat may pagkiling sa paggamitng sariling wika
bilang pangunahing wika sa talakayan at pagkatuto. Ang paggamit ng wikang
Filipino sa akademya at pananaliksik ay isang pagpapatuloy ng mga
pagsisikap ng ilang mga Pilipinong dalubhasa na palayain ang sariling wika sa
kolonyal ng nakaraan at kasalukuyan.

Dagdag pa ni De Mesa sa nabanggit na papel (2012), na sa


pamamagitan ng sariling wika, nakagagamit ng isang paraan ng
pagkakaintindihan na kinalakihan at kinalalahukan ng lahat. At sa paraang ito
naiiiwasan ang maraming pagkalayo ng mga pananaw at damdamin sa mga
kapwa Pilipinong pinaglilingkuran sa larang ng pagunawa at
pananampalataya kaya ang wika ay maaaring ituring na tahanan ng pagkatao.

Sisikapin ng mananaliksik na suriin ang potensyal ng mga HEI sa


makamit ang Filipiniisayon dahil na rin sa kondisyong binanggit ni Salazar
(1968) na ngayon ay wala (o wala pang) Pantayong Pananaw (na bumabalot)
sa buong bansa. Binanggit pa niyang kung nais na mabuo ang bansa ng mga
Pilipino, samakatuwid, kailangang pausbungin at pagyamanin ang Pantayong
Pananaw.

Dagdag pa, kung ilalapat ang pagpaplanong pangwika sa


institusyong akademiko, iminumungkahi ni Constantino(2005) ang
pagsasagawa ng pananaliksik mula sa at para sa Filipino sa akademya. Ang
nararapat na manguna sa gawaing ito ay mga guro at mag-aaral ng wika.
Tinutugunan nito ang pangunahing layon ng pagpaplanong pangwika ng mga
institusyong akademiko.

Konseptwal na Batayan

Ang sitwasyon ng Institusyunal na pagpaplano ay nakatuon sa


usapin ng mga nabuong polisiya at programa at hiwalay na isyu ng
pagpapatupad.

Katulad sa pagpaplanong pambansa, hindi sapat ang


pagpapatupad ng mga patakaran ng mismong pamahalaan at mga ahensya
nito kaya’t kinakailangan pa ang pagsisikap ng mga organisasyong pangwika
at mga institusyong pang-edukasyon na nagsisilbing mga lobby group at
pressure group. Gayunpaman kahit sa mga nabanggit na institusyon, kulang
pa rin ang pagtataguyod ng mga adminstrador sa kabila ng aktibong pagkilos
ng mga indibidwal at grupo. Mas malaki ang pagkabahala sa patakarang
pangwika sa mga institusyong edukasyonal gaya ng mga kolehiyo at
unibersidad (Constantino, 2005).
Sa ginawang panimulang pagsuri ni Melania-Abad sa Contantino
(2005) sa patakarang pangwika ng UP, binigyang-diin na kailangang suriin
ang lawak ng implementasyon at follow-up ng mga implementasyon.

Samantala, iniisa-isa rin ni Constantino (2005) ang ilang unibersidad


na may suliranin sa implementasyon ng patakarang pangwika at/o
pagpaplanong pangwika. Binanggit niyang limitado at walang kalinawan ang
pagpapatupad sa Mindanao State University-Iligan, Polytechnic University of
the Philippines, University of the Asia and the Pacific, Palawan State
University at Isabela State University. Ang naturan ay batay sa mga
isinagawang pag-aaral na ang tuon ay sa midyum ng pagtuturo.

Kaya ang nagiging sitwasyon ay kawalan ng kalinawan sa paggamit ng


Filipino kung mayroon mang probisyon sa mga nalikhang patakarang
pangwika at kung mayroon mang pagsasakatuparan ng pagpaplanong
pangwika. Sa pagkakataong wala naman, maaari wala ring kalinawan sa
paggamit ng wikang pambansa kahit itinatadhana naman ng mga probisyon
sa Konstitusyon ng 1987.

Paradaym ng Pag-aaral

Ang teyoretikal at konseptwal na mga balangkas ay susundan ng


pagpapakilala sa prosesong pagdadaanan ng saliksik upang ganap na
mabuo/maisakatuparan. Ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng bubuoing
paradaym/paradigm.

Narito ang mga halimbawa ng paradaym na angkop gamitin sa mga


saliksik sa akademya at wika.

Dayagram ng Input-Process-Output

Ginagamit ito upang maipakita ang proseso sa pagsasakatuparan ng


isang gawain.
PROSESO
AWTPUT
INPUT Pagpapasagot ng
instrumentong mula kay
Ebalwasyon ng mga guro Pinau nlad na aklat na
Seguin (Isinalin at
at mag-aaral sa aklat na Komunikasyon sa
pinaunlad sa Filipino)
Komunikasyon sa Akademikong Filipino at
Akademikong Pagpapahalaga sa mga iba pang aklat sa iba pang
Filipinobatay sa antas ng datos sa pamamagitan disiplina
pagsang-ayon sa mga ng mga estadistikang
sumusunod na aspekto: pormula at Pagbubukas ng pagsusuri
-Nilalaman - Feedback
interpretasyon. sa kalidad ng iba pang aklat
Eduskayonal na pagdulog at kagamitang panturo
-Pagbabalangkas ng Pigura 1-Paradaym ng upang mapabuti ang
Pag-aaral
kaayusan kalidad ng pagkatuto.
-Ilustrasyon

Dayagram ng Sanhi at Bunga

Ipinakikita ng dayagram na ito ang ugnayang sanhi at bunga. Sa mga


tesis, ginagamit ito sa mga eksperimental na pananaliksik upang katawanin
ang mga Malaya at di malayang baryabol.

SANHI BUNGA

KOLABORATIBONG MAUNLAD NA
PAGDULOG SA INTERPERSONAL
PAGTUTURO NG NA TALINO NG
PANITIKAN MGA
MAG-AARAL

Dayagram ng Ugnayan

Ang dayagram na ito ay inilalahad para sa eksposisyon ng kaugnayan


ng mga baryabol sa isang sulating pananaliksik.

MALAYANG BARYABOL DI MALAYANG BARYABOL


PAGSASALING MAKA-FILIPINO
REHIYONAL NA URI NG
PANITIKAN

Paglalahad ng Suliranin

Sa bahaging ito, ilalahad ang mga suliranin na nais saliksikin. Ang mga
ito ay nasa anyong patanong.

Tiyakin na ang mga mabubuong katanungan ay nakatuon sa mataas na


antas ng pagkatuto, magagamit sa kabuoan ng saliksik, may kalinawan,
mahalaga at may paggalang.

Ang mga tanong ay masasagot sa tulong ng mga sanggunian at hanguang


magagamit.

Bago ilahad ang mga tanong, ang pangkalahatang suliranin/paksa ay


dapat munang banggitin. Ang mga ito ay kakatawan din sa mga layunin ng
pananaliksik.

Hipotesis at mga Baryabol

Ang hipotesis ay inilalahad batay sa kalikasan ng saliksik na


isinasagawa. Karaniwang isinusulat ito sa pamaraang eksperimental. Ito ay
pansamantala at siyentipikong hula sa resulta na binubuo bago pa man
matapos ang pag-aaral.

Ang mga hulang ito ay maaaring null at operasyonal/alternatibo. Ang


null na hipotesis ay nagpapakilala ng kawalan ng ugnayan at epekto ng mga
baryabol na isinaalang-alang sa saliksik. Samantala, bise-bersa nito ang
alternatibong hipotesis.

Null na hipotesis
Walang makabuluhang ugnayan ang kasarian at
pagbuo ng neolohismo
Walang makabuluhang epekto ang wikang
ginagamit sa uri ng pamumuno ng mga lider sa
mga Institusyon
Operasyonal/Alternatibong
May makabuluhang ugnayan ang kasarian at
hipotesis
pagbuo ng neolohismo

May makabuluhang epekto ang barayti ng wika


sa pagbuo ng ng mga kagamitang panturo para
sa MTBMLE.
Binubuo ang mga hulang ito upang maipakita ang relasyon ng mga
baryabol. Ang mga baryabol ay anumang katangian maaaring mabago sa mga
kabilang sa isang partikular na pangkat. Constant naman ang pagtawag sa
bise-bersa nito.

Ang mga baryabol ay maituturing na Malaya at di-malaya. Ang


malayang baryabol ay kumakatawan sa sanhi samantalang bunga naman ang
di-malaya.

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Kasarian Pagbuo ng neolohismo

Wikang Ginagamit Uri ng Pamumuno sa Institusyon

Barayti ng Wika Pagbuo ng Kagamitang Panturo para sa


MTB-MLE
Saklaw at Limitasyon

Upang maging espisipiko ang kabuoan ng saliksik, kailangang ilahad ang


saklaw
at limitasyon nito. Ang saklaw ng pananaliksik ay tumutukoy sa ilalahad na
pangkalahatang layunin, paksa at tiyak na aspektong pag-aaralan,

Samantala, ang limitasyon ay tumutugon sa mga tanong na sino, saan at

kailan. Halimbawa:
Ang pananaliksik ay naglalayong mailarawan ang gampanin ng
kasarian ng tao sa pagbuo ng neolohismo. Saklaw lamang nito ang mga pag-
aaral sa mga nagmemedyor ng Filipino sa Rizal Technological University sa
Taoang Panuruan 20132014.

Pagtatakda ng Espisipikasyon

Sa klaw Limitasyon

sino Nagmemedyor sa layunin Mailarawan ang


Filipino gampanin ng
kasarian ng tao sa
pagbuo ng
neolohismo

saan Rizal Technological paksa Kasarian at


University neolohismo

kalian Taong Panuruan aspekto wika


2013-2014
Ang tinatawag namang delimitasyon ay mga hindi labilang sa
pananaliksik. Ito ay makatutulong sa paglalahad ng hangganan.

Halimbawa:

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa antas ng oryentayong


pangwika at paggamit ng Filipino sa mga aspektong administratibo
(administrative), kurikulum at pagtuturo (curriculum and instruction),
pananaliksik (research), gawaing pangkomunidad (exetension and
community service), produksyon (production), publikasyon (publication) at
pagpapaunlad na gawain para sa mga empleyado (faculty and staff
development) sa mga Institusyong Akademiko sa National Capital Region ,
Local at State Universities at Colleges. Ginamit bilang batayn sa pagpili ng
local ang pagsasaalang-alang na ang lingua franca sa NCR ay Filipino.
Samantala, lilimitahan lamang ang pag-aaral sa mga respondanteng
pangunahing nanunungkulan bilang mga opisyal at administrador ng mga
institusyong akademiko.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Maipakikita ang gampanin ng saliksik sa paglalahad ng mga
kahalagahan nito. Babanggitin dito ang mga tatanggap (indibidwal o sektor
sa lipunan) ng kahalagahan at mga tiyak na kontribusyon. Dagdag pa ang
paraan ng pagtanggap ng kapakinabangan nila sa saliksik.

Halimbawa:

Kahalagahan ng Pananaliksik

Mahalaga ang pananaliksik sa mga sumusunod:

• Para sa mga Tanggapan ng Pamahalaan. Maisasaalang-alang


ang kulturang kontekstwalisado sa Filipino upang mailapat sa
gawain ng bawat yunit ng tanggapan. Mabibigyan ng saysay ang
serbisyong maka-Pilipino para sa Pilipino na hindi lamang
limitado sa pormularyong ginagamit na may salin sa Filipino.
Magagamit ang Filipino sa diskurso at serbisyo para sa layuning
maging produktibo ang ppaglilingkod sa mas nakararaming
Pilipino.
• Para sa CHed. Mabibigyang-pagkakataon na makapagplano ng
panlahat o pambansang hakbang sa paggamit ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad na hindi limitado sa pagtuturo, maging
sa pamamahala o administrasyon.

Pasimula ito ng pagsasaalang-alang ng pagbukas ng scholarship grant


para sa pananaliksik at pag-aaral ng pagpapalawak ng Wikang Pambansa at
konseptong maka-Filipino/Pantayong Pananaw.

Mabubuksan ang pagkakataon ng malawak na pakikipag-ugnay o


linkages sa mga tanggapan ng pamahalaan at ilang organisasyong may
kinalaman sa Wikang Pambansa upang makapagplano ng mga programa (sa
pagsasalin at pananaliksik) at malawakang diseminasyon ng pagbuo o
paglapat sa Institusyon ng kulturang kontekstwalisado sa Filipino.
• Para sa mga Administrador ng Institusyon. Magbibigay-daan
sa pagpaplano ng mga gawain, programa at polisiya tungkol sa
patuloy na pagpapaunlad at paglinang ng Wikang Pambansa at
maka-Filipino na oryentasyon ng pamamahala. Pangunahing tuon
ng saliksik ang magiging modelo sa panimulang pagbuo ng
patakarang pangwika ng Institusyon na magbubunsod sa dagdag
na pagpapakilala ng namamayaning kultura sa kani-kanilang
Kolehiyo/Unibersidad.
• Para sa mga Instruktor at Propesor. Makatutulong pa ang
saliksik sa pagpapatatag ng Institusyong pinaglilingkuran ng mga
instructor at propesor. Ang bawat yunit na bumubuo sa
kolehiyo/unibersidad ay makapag-aambag sa awtentiko at maka-
Filipino na mga patunay ng pamantayan, halagahan at paniniwala
na bumubuo naman sa kultura ng kanilang organisasyon. Ito ay sa
pamamagitan ng pagsasakatuparan ng maka-Filipino na
pagtuturo, pananaliksik, serbisyong extension at produksyon.
• Para sa mga mag-aaral sa Tersarya. Mailalapat ng Institusyong
kinabibilangan sa kani-kanilang mga mag-aaral ang maka-Filipino
na oryentasyon sa pagkatuto, hakbang na magiging ambag naman
sa produktibong mamamayan ng bansa at awtentikong
nagtataglay ng damdaming nasyonalismo.
• Para sa mananaliksik. Makabubuo ng awtput na magiging
ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino, inisyatibo sa
pangunguna sa pagmungkahi ng pagpaplano at patakarang
pangwika sa Institusyong pinaglilingkuran at patuloy na pagbuhay
ng maka-Pilipino o Pantayong Pananaw na pinasimulan Zus
Salazar, Ama ng Makabagong Kasaysayan.
 Pagbibigay-kahulugan sa mga Termino
Mas magiging malinaw ang pag-unawa ng mambabasa sa isinasagawang
saliksik kung ilalahad ang mga kahulugan ng mga terminong mababanggit sa
kabuoan ng manuskrito.
May dalawang uri ng pagbibigay-kahulugan. Una, maaaring ito’y
konseptwal na pagpapakahulugan . Ito ay depinasyon batay sa mga kalata-
sanggunian. Ikalawa ang tinatawag na operasyonal na batay sa paraan ng
pagkakagamit sa saliksik. Mas angkop itong gamitin para sa ganap na
paglilinaw.
Ang mga akronim ay maaari ding ilahad. Ang presentasyon ng mga
termino ay nararapat na paalpabeto.

Halimbawa:
Depinasyon ng Termino

Sa bahaging ito, ilalahad ang mga termino at katapat na paglilinaw sa


mga depinisyon. Bibigyang-kahulugan ang mga termino sa paraang
operasyonal.

Aspekto ng mga HEI. Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng mga HEI na


maaaring kapalooban ng oryentasyon pangwika at paggamit ng Filipino . Ito
ay kinabibilangan ng administratibo (administrative), kurikulum at
pagtuturo (curriculum and instruction), pananaliksik (research), gawaing
pangkomunidad (exetension and community service), produksyon
(production), publikasyon (publication) at pagpapaunlad na gawain para sa
mga empleyado (faculty and staff development) .

Filipinisasyon. Tinatanaw sa terminong ito ang higit na pagkiling sa


Filipino upang magamit sa mga gawain sa loob ng HEI.

Filipino. Sa pag-aaral na ito, ginamit upang tukuyin bilang wikang


pambansa at isa sa pangunahing opisyal na wika.

HEI/HEI’s. Ito ay pagtukoy sa mga institusyong akademiko sa lalong


mataas na edukasyon. Angkop na itawag sa mga Local at State Universities
and Colleges sa NCR na gagamitin bilang tuon sa pag-aaral na kito.

Institusyunal na Pagpaplanong Pangwika. Nakapokus ang


terminong ito na inisyatibo ng mga HEI sa pagpapaunlad ng Wikang
Pambansa.

Opisyal na Wika. Nkatuon ang terminong ito sa mga wikang midyum


sa mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan at hudisyal. Higit, itinatanghal
nito ang Filipino bilang pangunahin at pansamantala, ang Ingles.

Oryentasyong Pangwika. Nais tukuyin sa pariralang ito ang kaalaman


(malay o di-malay) sa pagpaplano at patakarang pangwikang nagaganap sa
mga HEI.

Pagpaplanong Pangwika. Gawain ito ng pagdedesisyon upang


makatugon sa mga suliranin sa pagpapaunlad at patuloy na paglinang ng
wika. Kaugnay nito ang pagtataguyod ng mga programa at patakaran.

Pambansang Wika. Kaugnay ng binabanggit sa Konstitusyon ng


1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, ito ay Filipino.Dagdag pa, nais tukuyin sa
saliksik na ito bilang midyum na higit na magpapakilala sa pagiging Pilipino
at ginagamit sa mga sistemang pang-edukasyon sa gawaing komunikasyon at
instruksyon.

Patakarang Pangwika. Ito ay mga polisiya at programa na


aktibong
ipinatutupad sa mga Institusyon upang patuloy na paunlarin ang
malawakang paggamit at pagpapaunlad ng wika.

Pagbasa ng mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang magiging resulta ng pananaliksik ay ibinabatay sa mga


pansuportang konsepto at prinsipyong ilalahad bilang rebyu ng mga
kaugnay na literature at pag-aaral.

Ang bahaging ito ay presentasyon ng mga binasang batayan ng


mananalisksik upang pagtibayin ang isinasagawang pag-aaral. Ang
literatura bilang termino sa pananaliksik ay tumutukoy sa mahahalagang
konseptong may kinalaman sa paksa. Samantala,a ng pag-aaral ay anumang
imbestigasyong naisagawa na at may kaugnayan sa paksa ng sinasaliksik.

Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang


kaugnayan sa pag-aaral nang bago (sampung taon ang nakaraan mula sa
panahon ng pagsasagawa ng saliksik maliban sa mg aim[pormasyon at
teoryang maituturing ng klasiko).

Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling. Ang pagiging
obhetibo ay makikita sa pamamagitan ng maayos na pagkilala sa mga
pinaghanguan.

Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang ilalahad. Kilangang sasapat


na pansuporta ito sa paksa at mga kaugnay na suliranin.

Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga aklatan at mga website,


mapupunan ang pangangailangan sa presentasyon ng mga kaugnay na
literatura at pag-aaral. Narito ang tala ng mga maaaring gawing sanggunian.

Para sa Literatura Para sa Pag-aaral


Dyornal, di-nalathalang materyal
aklat,ensayklopidya,dyornal, (manuskrito,tisis,disertasyon),
magasin,pahayagan, elektronikong elektronikong sanggunian
sanggunian

Iba pang sanggunian

• Aklat, ensaykopidya, almanac at ibang katulad na reperensya


• Artikulong inilathala sa mga dyornal, magasin, pahayagan, at iba
pang publikasyon
• Manuskrito, monograp, talumpati at mga liham
• Konstitusyon at mga batas
• Buletin, sirkular at kautusan
• Pampubliko at pribadong record
• Papel mula sa mga panayam
• Opisyal na pampublikong ulat

Ang paglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay


nagsisilbing pundasyon ng saliksik. Ang proseso ng rebyu sa sa mga ito ay
malaking tulong sa kabuoan ng pagsasakatuparan ng pag-aaral.

Ito ay magtatakda sa pagbuo ng mga partikular na suliranin, hipotesis,


konseptwal at teyoretikal na batayan. Ito rin ay batayan ng pagpili at
paglapat ng angkop na pamaraan ng pananaliksik, teknik sa pagkuha ng
sampol at estadistika pormula.
Makatutulong din ito sa presentasyo, pagsusuri at interpretasyon ng
mga datos. Magiging pansuporta ang mga konseptong makakalap sa resulta
ng saliksik. Dagdag pa, magbibigay-daan pa ito sa pagbuo ng bahaging
natuklasan, konklusyon at mga rekomendasyon.

Maaaring ilahad ang mga kaugany na literatura at pag-aaral sa tatlong


paraan: site, thematic/topical, chronological.

Ang paraang site ay nakabatay sa lugar na pinagkunan ng mga saliksik.


Ito ay nakaayos sa ganitong pagkakasunod: Banyagang Literatura, Lokal na
Literatura, Banyagang Pag-aaral, Lokal nap AG-aaral at Sintesis.
Pagkakasunod-sunod ng Kahulugan
Site na Presentasyon
Mahahalagang konsepto at prinsipyong mula
Banyagang literatura sa banyagang lugar/ibang bansa
Mahahalagang konsepto at prinsipyong
Lokal na literatura matatagpuan sa Pilipinas
Mahahalagang imbestigasyon o pag-aaral na
Banyagang pag-aaral binuo sa banyagang lugar/ibang bansa
Mahalagang imbestigasyon o pag-aaral na
Lokal na pag-aaral
matatagpuan sa sariling bayan
Sintesis Ang mabubuong konsepto mula sa mga
inilahad na mga kaugnay na literatura at
pagaaral , ang halaga ng mga inilahad sa
kabuoan ng pag-aaral.

Ang paraang thematic/topical ay batay na man sa kaayusang papaksa. Ang


mga subheading na gagamitin ay mga paksang buhat sa pamagat at mga
suliranin.

Ang presentasyong chronological ay nakaayos batay sa panahon/taon.


Angkop itong gamitin sa saliksik sa paraang historikal.

Ang bawat huling bahagi ng presentasyon ay nilalagyan ng sintesis bilang


pagpapatibay ng mga inilahad na literatura at pag-aaral. Inilalahad din sa
bahaging ito ang kaugnayan ng mga iyon sa ginagawang pag-aaral.

Pangangalap ng Datos

Maingat na isinasagawa ang pananaliksik. Ito ay proseso. Ito ay


dumadaan sa mga hakbang ng pagtatanong at pagtugon at malalimang
pagsuri sa mga pangyayari at konteksto ng panahon.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na maaaring isagawa sa larang ng akademya ay


makikilala sa layunin nito bilang batayan(basic) at isinapraktika (applied).
Ang pananaliksik ay batayan (kinikilalang tradisyonal din) kung ang
layon ay makabuo ng teorya na maaaring tumugon sa suliraning tinutuklas.
Samantala, isinapraktika naman kung nais subukan ang bias ng produkto
ng batayang pananaliksik. Ito ay maaaring nasa tipo ng pag-aaral para
makabuo ng pagkilos na tutugon sa suliranin (action research), pagtataya sa
epekto at pagsuri sa bisa ng isang teorya o programa.

Sa larang ng wika, narito ang ilang halimbawa ng mga isinapraktikang


saliksik na inilahad sa Ikatlong Internasyonal na Kumperensiya tungkol sa
Filipino bilang Wikang Global na may temang Ang Wika at Kulturang
Filipino:Iba’t Ibang Isyu at Hamon ng Siglo 21, Agosto 3-5, 2012.(Piniling
ilagay lamang ang pamagat, maikling mga patunay at ngalan ng mga
mananaliksik. Para sa nais na sumangguni tungkol sa saliksik, maaaring
makipag-ugnayan gamit ang mga address ng kanilang e-mail.)

Pamagat Patunay na Pagiging Isinapraktikang


Pananaliksik

Pagtataya sa Antas ng Pag-unawa Ginamit ang isang standardized test sa


sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa maunawang pagbasa upang mataya ang antas
Kolehiyo Tungo sa Mabisang ng pag-unawa sa pagbasa.
Pagtuturo ng Filipino ni Norbert
Calinggan Lartec ng University of
Cordilleras, nclartec@yahoo.com

Assessment ng Programa sa
Ibinatay ang pag-aaral sa konsepto ni Cohen
Pagtuturo ng Filipino para sa
(1994).
Dayuhang Mag-aaral ng FEU: Isang
Basehan sa Paggawa ng Limang
Taong Plano ni Dr. Emmanuel
Signo Gonzales ng Far Eastern
University, manpoltaz@yahoo.com
Inilapat sa pag-aaral ang Flanders System of
Sampung Lrong Pangklasrum Interaction Analysis at ang Systems Theory ni
bilang mga Alternatibong Lapit sa Zwaenepoel.
Pagtuturo ng Filipino ni Dr.
Rogelio L. Gawahan ng Xavier
University-Ateneo de Cagayan,
rgawahan26@yahoo.com
Makikilala rin ang espisipikasyon ng terminong pananaliksik sa
pamamagitan ng iba’t ibang uri nito batay sa pamaraan.

Ang pananaliksik ay maituturing na historikal, deskriptib o eksperimental.


Ang pangkalahatang layunin ng tatlo ay maglarawan ngunit ang tuon ay
nagkakaiba.

Pamaraan ng Tuon ng Pagkilala Halimbawa


Pananaliksik Paglalarawan
Historikal sa naganap Sinisikap lamang Bakas ng Subersiyon:
na ilarawan ang Martial Law at Dekada
kondisyon o 70 ni Karl Christian
penomena Alcover ng University of
Hawaii at Manoa,
karlchri@hawaii.edu.
Deskriptibo sa kasalukuyang Sinisikap ding Diskurso at Pagtutol:
nagaganap ilarawan ang Naratibong Testimonyal
kondisyon o sa silid-aralang
phenomena pangwika ni Noel
Christian A. Moratilla ng
St. Scholastica College,
nomoral @yahoo.com
Eksperimental sa magaganap Nagkaroon ng Ang Filipino bilang
manipulasyon sa dayuhang wika sa
kapaligiran upang Malaysia: Pagtaya sa
Makita ang kahusayan ng mga
pagkakaiba at Estudyante ni maria
epekto Khristina S. Manueli ng
Theologische Hochscule
Reutlingen, grupintar
@yahoo.com, Francis
Perlas Dumanig
(fdumanig@yahoo.com)
at Rodney C. Jubilado
(rcjubilado@yahoo.com)
ng University of Malaya

Kalikasan ng Pananaliksik
Sa araaling ito, sisikaping ilapit sa mga mananaliksik sa Filipino ang mga
hakbang ng pagsasagawa ng saliksik at ang tuon ng bawat paraan ng pag-
aaral.

Sa pananaliksik, maituturing na tatlo ang pangunahing paraang isinasagawa


sa larang akademiko at pangwika. Ang pag-aaral ay maaaring historikal,
deskriptib at eksperimental.

Paraan Tuon
paglalarawan sa nakaraan
historikal
paglalarawan sa kasalukuyang
deskriptib phenomena
paglalarawan sa maaaring mangyari
eksperimental

Makikilala ang paraan ng pananaliksik batay sa kalikasan nito. Ito ay


maituturing na qualitative at quantitative. Nakaangkla rito ang antas/eskala
ng panukat ng mga datos.

Uri ng
Kalikasan Datos/Antas ng Mga Baryabol Pagkilala
Eskala sa
Pagsukat
Qualitative Nominal/ kasarian, kulay,tipo Ang datos na ito
Kategorikal ng dugo, relihiyon, ay walang tiyak
bansa at ilan pang na ranggo. Pantay
klasipikasyon ang inilalahad ng
mga baryabol.
Gagamitan ng
coding kung
bilang ang
nakuhang datos.
Ordinal edukasyon, May ranggo ang
katayuang sibil, mga baryabol na
klasipikasyon sa kaugnay nito.
paaralang Gagamitan ng
sekondarya coding kung
bilang ang
nakuhang datos.
Quantitative Interval iskor, temperature Walang tiyak na
sa antas Celsius at pinagmulang
Fahrenheit, blood zero(0).
pressure
Ratio Temperature sa May tiayak na
antas Kelvin, edad, pinagmulang
weight, height, oras, zero(0).
balance sa bangko
Inilahad ni Merriam sa Garcia at Reganit (2010), ang pagkakaiba ng
kalikasan ng pananaliksik batay sa iba’t ibang aspekto. Gawing gabay ang
matrix na nasa ibaba.

QUANTITATIVE KAIBAHAN QUALITATIVE


GAMPANIN NG suhetibo
obhetibo MANANALIKSIK
TUON kalikasan at halaga
bilang
pagsubok sa hipotesis LAYON pag-unawa, paglalarawan,
pagtuklas, pagbuo ng
hipotesis
DISENYO maaaring magpabago-bago
natukoy na sa umpisa at
nakaugnay sa estruktura
LUNAN natural, pamilyar
artipisyal
SAMPOL malliit, hindi random,
malaki, pinili ng random at
teyoretikal
kinatawan
PAGKALAP NG DATOS mula sa mananaliksik,
binuong instrumento
panayam, pagmamasid
(eskala, pagsusulit, sarbey,
talatanungan)
PAGSUSURI pabuod
pasaklaw
NATUKLASAN komprehensibo, holistiko,
Tiyak may pagpapalawak

Ang disenyo ng pananaliksik ay kumakatawan sa plano na ginagawang


gabay sa paraan ng pangangalap ng mga datos.

Mahalagang matukoy ang uri ng datos (eskala ng pagsukat) upang matiyak


ang uri ng disenyong gagamitin.

Dagdag pa, isaalang-alang din ang kalikasan ng datos na susuriin at mga


inilahad na mga kaugnay na suliranin (Garcia at Reganit, 2010).

Narito ang mga gamiting disenyo.

QUANTITATIVE QUALITATIVE
Ito ay pinakagamiting Case Study Nilalayon ng gawaing
Sarbey disenyo na naglalayong ito na idokumento saka tiyakin at pulsuhan ang
pag-aralan ang isang pananaw at damdamin sitwasyon/suliranin sa ng
partikular na pamamagitan ng mga populasyon o sampol gawaing pagmamasid,
tungkol sa isang pagtatala at pagsusuri.
phenomena o paksa Ang awtput ay tugon sa
kaso/problema.
Ito ay pangmatagalang Biyograpikal na Pag- Nilalayon ng
gawaing
Longitudinal pag-aaral na aaral ito na idokumento ang
naglalayon ding alamin mga detalye ng buhay ang perspektiba at ng isang tao
batay sa damdamin ng mga personal na tiyak na tagatugon pakikipanayam.
tungkol sa isang phenomena o paksa.
Nais palutangin sa Content o Ito ay pagsusuri ng
Correlational disenyong ito ang Documentary teksto at konteskto. Ito
kaugnayan ng mga Analysis ay kombinasyon ng baryabol na ginamit na
gawaing pagbabasa, sentro ng pag-aaral. pakikipanayam at Nilalapatan ito ng
pagmamasid 9may
pagsubok sa inilatag na triangulation) at iba hipotesis. pang paraan.
Ugnayan naman ng Etnograpiya Ang disenyong ito ay
Experimental sanhi at bunga ang naglalayong ilahad ang
nais na matukoy sa holistikong larawan ng disenyong ito. isang phenomena o
Sinusubok din ang sitwasyon sa
hipotesis na inilahad. pamamagitan ng iba’t
ibang pamaraan.
Ang layon ng Isinasagawa rin ang
Evaluative disenyong ito ay triangulation upang
tayahin (maaaring ang matiyak ang consistency bias) ang isang ng
resulta. phenomena o paksa

Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuoang bilang na gagamitin sa


pananaliksik. Sa mga saliksik na gagamitan nito, hindi na kailangan ang
pagsubok sa hipotesis. Ito ay tatawaging sensus kapag tiyak na bahagi na ng
saliksik.

Samantala, ang sampol ay bahagi lamang upang katawanin ang populasyon.


Sa mga saliksik na gagamitan nito, kailangan ang pagsubok sa hipotesis.

Kung hayag ang kabuoang bilang ng populasyon, maaaring gamitin ang


pormula ni Slovin bilang paraan ng pagkuha sampol o tinatawag na sampling.

Pormula:

N=N/1+Ne2 na
ang n -
kukuning sampol
N - kabuoang
populasyon
e - margin of error/palugit para sa pagkakamali (1% hanggang 5%)

Halimbawa:

Ang kabuoang bilang ng mga nakapagtapos ng Teacher Education


Program sa Taong Panuruan ng 2012 ay 897. Gamit ang pormula ni Slovin,
ilan ang kukuning sampol? Gagamitin ang 5% na palugit ng pagkakamali.

N - 897
e - 5%

n=N/1 +Ne2
n=897/1+897
(.05)
n=897/1+897
(.0025)
n=897/1+2.24
25
n=897/3.2425
n=276.63
n=277

227 ang kukuning sampol mula sa mga nakapagtapos ng Teacher Education


Program.

Ginagamit ang sampol sapagkat mas mabilis at mapagkukunan


ng komprehensibong impormasyon upang katawanin ang buong populasyon.

May dalawang batayang uri ng pagkuha ng sampol. Ito ay kinabibilangan ng


nonprobability at probability sampling.

Non-probability Probability
Ito ay pagpili sa paraang random. Tinitiyak na
Ito ay suhetibo. Pinipili ng mananaliksik ang ang klahat ng kabilang sa populasyon ay may
sampol batay sa kanyang nais o saanman nila pantay na pagkakataong mapili o mapasama
matagpuan. Ito ay tinatawag ding hindi bilang sampol. Siyentipiko ang maaaring itawag
siyentipiko. Hindi lahat ng kabilang sa
populasyon ay may pagkakataong maging bahagi sa paraang ito.
ng sampol.
Sa uring ito, kinukuha Simple Mula sa nakuhang
Accidental ang mga sampol batay Random bilang ng sampol (gamit
sa preperensiya ng ang pormula ni Slovin),
sinumang may maaaring kunin ang
kinalaman sa ngalan ng lahat ng
pananliksik. Sinuman kasangkot saka bunutin
ang nariyan ay ang tiyak na bilang ng
maaaring gawing sampol mula sa mga
sampol. iyon.
Tiyak o particular na Systematic Sistematiko ang pagpili
Purposive kinukuha ang mga sapagkat tinitiyak ang
sampol batay sa pagbilang sa hanay ng
kahingian sa saliksik. mga ngalan ng mga
Sinuman ang pakay ay tagatugon na nakaayos
ginagawang sampol. sa paraang kronolohikal
o paalpabeto. Bago
maisagawa ito,
kailangang kunin ang
sampling interval upang
matukoy ang pagbilang
sa hanay ng mga
pangalan.
Ang paraang ito ay Stratified Ang bawat strata ay
Convenience nakabatay sa mabilis kumakatawan sa
na paraan o midyum pangkat. Ito ay
na magagamit ng ginagamit sa
mananaliksik upang populasyong nahahti sa
maabot ang tagatugon tatlo o higit pang
( respondents). pangkat. Nilalayon
nitong maging
proporsyon ang
makukuhang sampol sa
bawat pangkat.

Halimbawa ng paggamit ng sistematikong paraan:

Sa 897 na bilang ng mga nagtapos ng Teacher Education


Program, 277 ang kukuning sampol mula sa ginamit na pormula ni Slovin.
Kung gagamitin ang sistematikong paraan, kailangang malaman ang
pagbilang sa bawat hanay ng mga pangalan.

Ito ang gagamiting pormula.


K
=
N
/
n

n
a

a
n
g

K - sampling
interval N-
populasyon
n- sampol

K=897/277
=3.24
=3

Sa tuwing ikatlong pagbilang sat ala ng mga ngalan ang kukuning


sampol. Ito ay magaganap hanggang sa makuhang lahat ang 277 na sampol.

Halimbawa ng paggamit ng stratified na paraan:

Ipagpalagay na ang kabuoang populasyon ng College of


Education ay mahahati sa mga sumusunod na bilang sa bawat medyor.
 Computer 35
 English 20
 Filipino 100
 Social Studies 16
 Kabuoan 171

Kunin muna ang bilang ng gagamiting sampol sa pamamagitan ng pormula ni


Slovin. Mula sa pormula, nakatakdang kunin ang 120. Isagawa ang kaayusang
proprosyon sa bawat strata.
Medyor Populasyon Sampol
35 (35/171) (120) 25
Computer
20 (20/171) (120) 14
English
100 (100/171) (120) 70
Filipino
16 (16/171) (120) 11
Social Studies
171 120
Kabuoan

Mula sa 120 na sampol, dalawampu’t lima (25) ay medyor sa


Computer, labingapat (140 sa English, pitumpu (70) sa Filipino at labing-isa
(11) sa Social Studies.

Instrumentonng Gagamitin at Pagpapatibay nito

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik ay nakabatay sa


kalikasan at disenyo ng pananaliksik. Dagdag pa ang tiyak na paraan ng
pagsagot sa mga inilahad na kaugnay na mga suliranin.

Karaniwang ginagamit ang talatanungan bilang instrumento sa


pangangalapo ng mga datos. Ito ay maaaring sa porma ng tanong at sagot,
may pagpili, rating scale, o tseklist.

Ang anumang instrumento at dapat na dumaan sa pagpapatibay


upang matiyak ang pagiging obhetibo ng pananaliksik. Ito ay maaaring sa
paraang harapang balidasyon (face validation0 na inihaharap sa mga
eksperto ang instrumento upang sumailalim sa pagsusuri at pagtatama.

Matapos iyon, kailangan ding sumailalim sa dry-run ang


talatanungan. Sa ganitong paraan,ipinapasagot ang instrumento sa mga
tagatugon na hindi kasama sa tiyak na sampol na gagamitin. Pag-aaralan ng
mananaliksik ang paraan ng pagsagot at pagtanggap ng mga tumugon sa dry-
run. Tatanungin sa kanila ang mga bahaging hindi naunawaan saka
rerebisahin ang talatanungan.

Samantala, angkop sa kwalitatibong pananaliksik ang


pakikipanayam. Instrumento ring maituturing ang awtput ng gawaing ito.
Ang mga kasanayan sa maayos na pakikipanayam tulad ng pagiging
mapitagan at pagtugon sa oras ng pagkikita at pag-uusap ay nararapat nag
awing pangunahing konsiderasyon.

Ginagawa rin ang pagmamasid. Ang mananaliksik ay maaaring


tagamasid lamang o kay ay sumailalim sa gawaing imersyon sa minamasid na
paksa o sitwasyon.

Paggamit ng Estadistika sa Pananaliksik

Bilang paraan ng pagpapahalaga sa datos, ginagamit ang


estadistika sa pananaliksik. Ang pagtiyak sa mga gagamiting pormula ay
nakabatay sa mga inilahad na suliranin at uri ng datos ng pag-aaral.

Nakalahad sa ibaba ang mga gamiting estadistika.

Layon Estadistika
Frequenncy count at percentage
Kung nais na tukuyin ang pananaw, persepsyon,
damdamin at dami.
Weighted mean
Kung nais na tukuyin ang antas
Narito ang ilan pang ginagamit na estadistika na mahahati sa parametric at non-
parametric na pagsubok na inilalahad sa hipotesis.

Sinusubok na Parametric na Pagsubok Non-parametric


Hipotesis na
Pagsubok
Nakatuon sa mga datos na interval Nakatuon sa mga
at ratio datos na nominal
at ordinal
Pearson Halimbawa: Chi-square (sa Halimbawa:
Pagsubok sa Product Kaugnayan ng nominal) Kaugnayan ng kasarian
ugnayan ng mga Moment grado ng mga sa piniling kurso
baryabol Coefficient/ mag-aaral sa
Pearson r pananaliksik at Spearman rank (sa Halimbawa:
kanilang edad ordinal) Kauganayan ng
edukasyong nakamit sa
katayuang sibil
Pagsubok sa Difference Halimbawa:
kaibahan Between Two Kaibahan ng
Means Pre-test at
(Dependent Post-test sa
Samples at Two Filipino 2 ng
Independent mga mag-aaral
Samples) ng BS-Nursing
(Dependent
Samples)

Kaibahan ng
Pagtanggap ng
mga Magulang
at Guro sa
Pagkakaroon ng
Senior High
School (two
independent
samples)

Difference of Halimbawa:
more than 2 Kaibahan ng
independent pananaw ng
samples/ mga propesor,
Analysis of magulang at
Variance mag-aaral sa
(ANOVA) bagong General

Education
Curriculum sa
Tersiyariya
Pagsubok sa Regression Halimbawa:
pattern o Analysis
trend/prediksyon General
Weighted
Average bilang
Predictor ng
Pagpasa sa
LET

Bilang pagtugon sa hipotesis, narito ang batayan ng mabubuong


desisyon mula sa makokompyut na mga pigura.

Desisyon
Paraan Huwag tanggapin ang Tanggapin ang hipotesis
hipotesis na null na null

Gamit ang halaga ng t Mas mataas o kapantay Mas mababa

Gamit ang halaga ng Mas mababa o kapantay Mas mataas


significance level

Ang mga nabanggit na estadistikang pagsubok ay makikita


lamang sa kwantitatibong kalikasan ng pananaliksik.

Halimbawa:
Estadistikang Gagamitin
Ang mga nakalap na datos ay bibigyan ng pagpapahalaga gamit ang mga
estadistikang pormula. Ito ay para sa layuning gawing balido ang magiging
resulta ng saliksik.
Narito ang mga gagamitin .
1. Pormula ni Slovin. Ito ay angkop na gamitin sa pagkuha ng sampol mula
sa kabuoang populasyon.

Pormula:

n = N/1Ne2
kung saan:
n - kukuning sampol N -
kabuoang populasyon e -
palugit para sa
pagkakamali

2. Bahagdan. Ito ay gagamitin sa pagkuha ng tiyak na bilang ng tagatugon sa


bawat strata.
Por
mul
a:
kun
g
saa
n:
P-

bahagda
nf -

dami
N- bilang ng tagatugon

3. Weighted mean. Ito ay para sa pagkuha ng katumbas na bigat na


magsasabi sa antas ng pagpili o preperensya ng mga mananaliksik sa mg
aytem na ilalahad sa talatanungan. Ilalarawan sa pamamagitan ng pormulang
ito ang antas ng oryentasyong pangwika at paggamit ng Filipino sa mga HEI.

Pormula:

kung saan:
WM - katumbas na bigat
W - bigat na
iniatas F - dami
sa bawat opsyon n
- bilang ng
tagatugon

Mula sa makukuhang weighted mean, narito ang eskala ng


paglalarawan (pansamantala) sa antas ng oryentasyong pangwika at
paggamit ng Filipino.

Weighted Mean Paglalarawan


4.20-5:00 Higit na mataas na oryentasyon/paggamit
3.40-4.19 Mataas na oryentasyon/paggamit
2.60-3.39 Katamtamang oryentasyon/paggamit
1.80-2.59 Mababang oryentasyon/paggamit
1.00-1.79 Higit na mababang oryentasyon/paggamit
4. Pearson Product-Moment Correlation Coefficient. Ito ay gagamitin para
sa layuning Makita ang antas ng ugnayan ng mga baryabol na ilalahad sa pag-
aaral na ito. Ipakikita ang antas ng ugnayan ng antas ng oryentasyong
pangwika at paggamit ng Filipino ng mga HEI.

Por
mul
a:
kun
g
saa
n:
r - antas ng
ugnayan x -
malayang baryabol
y - di-malayang
baryabol n - bilang
ng tagatugon

Makikita sa ibaba ang antas ng ugnayan at katapat na paglalarawan.


+ 1.00 Perfect positive (negative) relationship
+ 0.91 to + 0.99 Very high positive (negative) relationship
+ 0.71 to + 0.90 High Positive (negative) relationship
+ 0.51 to +0.70 Moderately positive (negative) relationship
+ 0.31 to +0.50 Low positive (negative) relationship
+ 0.01 to +0.30 Negligible positive (negative) relationship
0.0 No relationship

5. T-test. Ito ay gagamitin para sa pag-alam ng kabuluhan ng uganayan ng


antas ng oryentasyong pangwika at paggamit ng Filipino sa mga HEI.
Pormula:
t =
r[“
(N-2)/(1-r2
)] kung
saan:
t - t value r -
Pearson r value
n - bilang ng
tagatugon
Sanggunian:
Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp.
Publishing Corp.
Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tektso Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing
Corp.
San Juan, Gloria P., et al. (2014). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Pateros, Metro Manila. Grandbooks Publishing.

Module 006- Pananaliksik

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa
pananaliksik na may kinalaman sa awtor at
pagmamay-ari.
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik sa
pamamagitan ng pagkilala sa awtor at pagmamay-ari.
3. Nakakasusulat ng pananaliksik na kumikilala sa
awtor at pagmamay-ari.

Awtor at Pagmamay-ari
Panimula

Ang pag-aangkin sa gawa ng iba ay isang matinding isyung pang


akademya lalo na sa larangan ng pananaliksik.

Bakit may sulating pananaliksik? Isang pagpapatotoo ito ng


iyong kakayahan at nagagawang mapabuti at mapaunlad ang
kasanayan sa pagsulat. Kaya gayun na lamang ang pagpapaunlad ng
kasanayan sa pananaliksik lalo na sa larangan ng edukasyon. Hindi
lamang basta pagsasanay kundi magbuo ng mga pag-aaral na makapag
aambag sa lipunang Pilipino.

Ang pagsasagawa nito ay nangangailangan ng maingat na


pangangalap ng datos. Ang mga datos na susuporta sa haypotesis ay
maingat na kinalap mula sa iba-ibang pinagkunang yaman gaya ng
lathalain o sa mga buhay na tao. Ang mga pinagkunan ng datos ay
kinakailangan sa pagbuo ng isang pag-aaral, ang pagtukoy kung saan
nakuha ang mga batayang ideya ay kailangan maisama sa pag-aaral.
Ang mga ito ay magsisilbing pagpapatotoo ng reabilidad at balidasyon
ng pagkamakatotoo ng pag-aaral.

Ang alinman o sinumang pinaghanguan ng datos na nakatulong


sa pagbuo ng pagaaral ay isa sa mga pundasyon na magpapatibay ng
kainaman at katotohanan sa resulta ng pananaliksik. Ang pagkilala ay
nararapat, at aalamin sa modyul na ito ang mga pamamaraan sa
pagkilala sa awtor at pagkamay-awtor ng mga pananaliksik.
PAGKILALA (CITATION) AT PAGBUO NG TENTATIBONG
SANGGUNIAN (BIBLIOGRAPHY)

Matapos mapag-aralan ang mga isinasaalang-alang sa pagsulat


ng mga naunang bahagi ng saliksik, ang bahaging ito naman ang
maglalahad ng mga paraan ng pagkilala sa mga pinagkunang batis ng
kaalaman.
Ang mga sanggunian o batis ng kaalamang pinaghanguan ay
maiuuring pangunahin at sekondarya. Ang pangunahing batis ay
mga pinagkunan ng mga impormasyong tangi sa pinagmulan. Ito ay
mga tiyak na sanggunian na maituturing na first-hand. Samantala, mula
sa terminong sekondarya, ang sanggunian ay maaaring nailipat o
naisalin na sa iba’t ibang midyum.
Anumang pinaghanguan, pinagbatayan o pinanggalingan ng
sagot, impormasyon, o detalye ng inilalahad na paksa. Ito ay maaaring
libro at iba pang babasahin sa websites, interbyu , sarbey, at panoorin.
Ang talasanggunian ay tala ng mga pinaghanguan ng mga
impormasyong nabanggit sa kabuuan ng sulatin, samantalang ang
bibliyograpiya ay lista rin ng mga sanggunian na ginamit lamang na
batayan sa nilalaman ng sulatin
Sa pagsulat ng kabuoan ng manuskrito ng saliksik, hindi
maitatatwang humahango ang mananaliksik ng mga konseptong
maaaring nabasa o nakuha niya mula sa iba’t ibang midyum. Sa
ganitong kalagayan, kailangang pairalin ang pagiging obhetibo sa
pamamagitan ng maayos na pagkilala (citation) sa pinagkunan.

Narito ang kaayusang American Psychological Association


(APA) sa pagkilala ng batis sa loob ng talataan.

Bilang ng personalidad May direktang banggit Di direktang banggit

1 Ayon kay Aquino (2010), Bawal ang wang-wang


bawal ang wang-wang (Aquino, 2010)

2 Binanggit nina Alim at Amil Dapat paunlarin ang


(2012) na dapat paunlarin Wikang Pambansa 9Alim at
ang Wikang Pambansa Amil, 2012)

Higit sa dalawa Sinabi nina Cruz et al. Mahirap ang kritika sa


(2006), mahirap ang bansa(Cruz, et al., 2006).
kritika sa bansa.
Samantala, narito naman ang pormat ng pagbuo ng talasanggunian.
Sanggunian Halimbawa

Aklat-isang awtor: Apelyido ng Lopez, M.(20120. Filipino sa baitang 11.


awtor, inisyal. (taon). Pamagat ng Mandaluyong City: National Book Inc.
libro. Lugar ng publikasyon:
kumpanya.
Aklat-dalawang awtor
Villar, L. at Padilla, K. (2010). Filipino para sa
Pilipino. Manila:Dex Bookstore.
Aklat-higit pang awtor Zion, M. Villa, , Padilla, K. at Cruz B. (2008). Ang
Pilipinas ngayon. San Juan City: Envil Publishing
House.
Perez, D. (2013, Enero 26). Ang pagbaybay sa
Artikulo sa dyaryo o magasin:
Filipino. Diyaryo Pinoy, 21 (56), 6-7.
Apelyido ng awtor, inisyal.
(petsa). Pamagat ng artikulo,
Pangalan ng dyaryo o magasin,
bilang ng bolyum (bilang ng
labas), pahina.
Corpuz, M. (2013). Estruktura ng barayti ng Tagalog
Di nalathalang disertasyon:
sa bansa. Di nalathalang disertasyon, Unibersidad ng
Apelyido ng awtor, inisyal. (taon).
San Juan.
Di nalathalang disertasyon,
institusyon.

Sanggunian Halimbawa

Di nalathalang tisis: Apelyido ng Lacson, J. (2012). Kaugnayan ng kasarian sa


awtor, inisyal. (taon). Pamagat ng neolohismo sa mga nagmemedyor ng Filipino, taong
tisis. Di nalathalang tisis, panuruan 2010-2011. Di nalahalang tisis, Kolehiyo
institusyon. ng Rizal.

Elektronikong sanggunian: Diaz, K. (2010, Enero 19). Ang mga wika sa Pilinas.
Apelyido ng awtor, inisyal. (petsa). Nakuha noong Pebrero, 22, 2012, sa
Pamagat ng artikulo. Nakuha http://www.filipino/wika/sa_pilipinas/glcten.edu.
noong buwan, araw, taon, sa
buong URL.

Personal na panayam: Apelyido ng Sanchez, K. (2013, Enero 7). Personal na panayam.


kinapanayam, inisyal. (petsa).
Personal na interbyu.

iyakin na mayroong inihandang tala ng mga sanggunian

sulat ito sa
magkakahiw
alay na indeks kard- para sa aklat, sa pahayagan, sa websites at iba pa.
 Sipiin nang buo ang orihinal na teksto kung sa palagay mo ay
higit na magpapalinaw sa puntong nais bigyang-diin.

Ang imahe ay halimbawa ng kard na maaring paghanguan ng


impormasyong ilalagay para sa talasanggunian na makikita sa mga
silid-aklatan. Sa kasalukuyan, bibihira na lamang ang may ganitong
sistema dahil sa teknolohiya, napabilis na ang paghanap.

ANG LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Many years ago, a young Professor Williams made an importang discovery about
the history of the English language because he found some old church records that no one
had thought to connect to how people spoke in Shakepeare’s time. But whwn it came
time to publish his discovery, he came to an awful realization: he had not recorded all of
the bibliographical data on the source, and he could not remember exactly where he had
found it. For mor than a year, he could not publish his paper, while he search for that
source. Then it came to him one night in his sleep: he had been looking in the wrong
library!

Professor Williams was happy to report that he never made that mistake aagain.

-Kate L. Turabian (2010)


Ang listahan ng mga sanggunian ay matatagpuan sa katapusan ng isang papel-
pampananaliksik. Ito ang pinakakatumbas ng Bibliograpi sa M.L.A. Sa A.P.A., ang
pahinang ito ay maaaring pamagatang Listahan ng mga Sanggunian, Mga Sanggunian
o Talasanggunian.

Ang unang linya ng bawat entri sa listahan ng sanggunian ay nagsisimula sa


dulong kaliwa, samantalang ang ikalawa at mga kasunod na linya ay nakapasok nang
tatlong espasyo mula sa kaliwang margin. Hanging indention ang tawag dito. Ang mga
entri ay nakaayos ng alpabetikal batay sa apelyido ng awtor o unang awtor.

Mahalaga ang listahan ng sanggunian sa isang pamanahong papel. Ito ay gumaganap


sa mga sumusunod na tungkulin.

1. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya,


ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na hinalaw,

2. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman,

3. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mga mambabasa na


nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik;

4. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may


katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik, at

5. Nagbibigay ito ng kredebilidad sa pananaliksik na isinagawa.

Ang mga entries sa listahan ng sanggunian ay kailangang maging


kumpleto sa kapakanan ng iba pang mananaliksik na maaaring nagbabalak na
sumangguni rin sa mga sangguniang nakatala roon. Kung gayon, kailangang matukoy
sa listahan ng sanggunian ang mga sumusunod na batayang impormasyon:

1. awtor o mga wtor

2. pamagat

3. lugar ng publikasyon

4. publisher/tagalimbag

5. petsa/ taon ng publikasyon/pagkalimbag

6. editor, tagasalin, consultant, compiler (kung mayroon)


Si Burgess (1995) ay nagtala ng mga tagubilin sa paggawa ng listahan ng
sanggunian sa akda niyang A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan sa
http;//Webster.commet.edu/apa/apahtm#content2. Pinili naming ang ilan niyang
mga tagubilin sa paglilista ng iba’t ibang uri ng sangguniang madalas gamitin sa
kasalukuyan. Pansinin ang mga sumusunod na tagubilin na pinilit naming gawing
simple at ang mga halimbawang nasa loob ng mga kahon.

a. Aklat na may isang awtor

1. Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor (o buong


pangalan kung abeylabol ang datos na iyon), at tuldukan.

2. Isunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.

3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa
malaking titik at ang mga pangngalang pantangi at ang unang salita ng subtitle na
karaniwang sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.

4. Isunod ang lugar ng publikasyon at ang publisher. Paghiwalayin ang dalawa


ng tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok.

Aquino, B. 1990. The taming of the millionaire. New York: Random


House.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal: Vicente


Publishing House Inc.

b. Aklat na may dalawa o higit pang awtor

1. Simulan sa apelyido ng unang awtor, kuwit at inisyal o pangalan (kung


abeylabol). Huwag babaguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga awtor na
nakatala sa aklat.

2. Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor. Tularan ang pormat ng unang awtor.
Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit, maliban kung dalawa
lamang ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).

3. Sundin ang tuntunin a. 2, a.3 at a.4.

Davis K. & Newstorm J. 1989. Human behaviour in organization.


New York: Mc Graw-Hill.

Tumangan, Alcomtoser P., Bernales, Rolando A., Lim, Dante C. &


Mangonon, Isabela A. 2000. Sining ng
pakikipagtalastasan:Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya
Publishing House.

Ang et al. (et alibi, and others, at iba pa) ay hindi ginagamit sa listahan
ng sanggunian kahit pa mahigit sa dalawa ang awtor ng isang sanggunian. Sa
dokumentasyon (talang-parentetikal) lamang ginagamit ang et al.

c. Inedit na bolyum ng isang aklat

1. Simulan sa apelyido ng editor ng bolyum. Bantasan katulad ng sa awtor o mga


awtor ng isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang editor, gumamit ng
ampersand sa pagitan ng dalawang editor o bago ang huling editor kung tatlo o
higit pa.

2. Isunod ang Ed. (nag-iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) n anakapaloob sa
parenthesis. Tuldukan.

3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3, a.4

Almario, Virgilio S. (Ed.) 1996. Poetikang Tagalog: Mga Unang


pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP
Diliman.

Darling, C. W., Shields J. & Villa, V. B. (Eds.).1998. Chronological


looping in political novels. Hardford: Capitol Press.

Halos ganito rin ang mga tuntunin sa mga isinalin at kinumpayl na


akda. Palitan lamang ang Ed. o Eds. ng Tran. o Trans. para sa translator/s at Comp. o
Comps. Para sa compiler/s. Kung consultant o mga consultant naman ang given,
gamitin ang Con o Cons. sa halip.

d. Mga hanguang walang awtor o editor

1. Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan.

2. Sundin ang tuntunin a.2 at a.4

Webster’s new collegiate dictionary. 1961. Springfield, MA: G and G.

The personal promise pocketbook.1987. Makati: Alliance Publishers,


Inc.

e. Multi-bolyum,

Inedit na akda
1. Sundin

ang tuntunin c.1 at

c.2

2. Sundin ang tuntunin a.3.

3. Isunod ang bilang ng bolyum na nakapaloob sa parenthesis. Tuldukan.

4. Sundin ang tuntunin a.4.

Nadeau, B.M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery (Vol. 4).
Lincoln: University of
Nebraska Press.

Kung ang multi-bolyum na akda ay hindi inedit, sa halip ay sinulat ng


isang awtor, sundin lang ang tuntunin a.1, a.2, a.3, e.4 at a.4. Kung dalawa o higit pa
ang awtor, sundin ang tuntunin b.1, b.2, a.2, a.3,e.4 at a.4.

f. Di-nalathalang disertasyon, tisis, pamanahong papel

1.Sundin ang tuntunin a.1a at a. 2.

2. Sundin ang tuntunin a.3 at salungguhitan.

3. Isunod ang salitang di-nalathalang disertasyon/tisis/pamanahong papel (o ano


mang anyo ng papel-pampananaliksik o akademikong papel, sundan ng kuwit.
ng pangalan ng kolehiyo o unibersidad at tuldukan.

De Jesus, Armado F. 2000. Institutional research capability and performance


at the University of Santo Tomas: Proposed model for managing
research in private HEIs. Dinalathalang disertasyon, UST.

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamamaraang ginamit ni


Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-
nalathalang tisis, UP Diliman.

g. Mga artikulo mula sa Journal, magasin, dyaryo, newsletter

1. Sundin ang tuntunin a.1 kung nag-iisa ang awtor, b.1 at b.2 kung dalawa o higit
pa.
2. Isunod ang taon, buwan (kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito) na
pinaghihiwalay ng kuwit. Tuldukan matapos.

3. Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa a.2. Tuldukan.

4. Isunod ang pangalan ng journal, magasin, dyaryo o newsletter, sundan ng


kuwit, ng bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.) at tuldukan.

Dauz, Florentino. 2003, Agosto 10. Ang bayan ng Gapan. Kabayan 4.

Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net


Guide Magazine, 88-98.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang lingguwistika sa pagsasalin


sa wikang pambansa. Lagda,12-20.

h. Pelikula, kaset,cd,vcd

1. Sundin ang tuntunin a.1. Palitan lamang ang awtor ng director kung
pelikula at artist/speaker/lecturer kung kaset, vcd o cd.

2. Sundin ang tuntunin a.2.

3. Kung di given ang mga pangalan sa h.1 magsimula na agad sa h.4,


tuldukan, isunod ang taon ng unang distribusyon at tuldok muli.

4. Sundin ang tuntunin a.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang salitang
Pelikula, Kaset, VCD o CD sa loob ng braket.

5. Isunod ang lugar kung saan prinodyus (kung given), sundan ng


tutuldok, isunod ang prodyuser at tuldukan. Kung di given ang
lugar, isunod agad ang prodyuser at tuldukan.

Leonardo: The inventor [VCD].1994. Future Vision Multimedia


Inc.

Redford, R. 1980. Ordinary People [Pelikula].Paramount.

Sound effects [CD].1999. Network Music Inc.

Villaluz, E. & Reyes, L.1990. Sing! sing! sing!: A vocal course for
pop singers [kaset]. Ivory Records.
i.mga dokumento mula sa tanggapan ng gobyerno

1. Simulan sa pangalan ng ahensyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan.

2. Isunod ang taon ng publikasyon at tuldukan.

3. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang bilang ng publikasyon (kung


mayroon) sa loob ng parenthesis at tuldukan.

4. Isunod ang lugar ng publikasyo, ttuldok at publisher.

National Institute of Mental Health. 1982. Television and


behaviour: Ten years of scientific progress (DHHS
Publication No. A82-1195). Washington, DC:US Government
Printing Office.

j. Mga hanguang elektroniko

1. Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o contributor, taon at


pamagat, sundin ang tuntunin a.1, a.2 at 1.3 at isunod ang sinalungguhitang
website o path. Tapusin sa tuldok.

2. Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at isunod


ang website o path na sinalungguhitan.

3. Kung hindi abeylabol ang datos sa j.1 at j.2, ilagay na lang ang
sinalungguhitang website.

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.


http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content 2.

Comments and criticism on Gabriel Grcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.
http://Gabrielgarcia marquez.edu.ph.

http://latin-americanliterature.edu.ph.

Iba pang Halimbawa sa APA

• May-akda (Taon ng pagkalimbag). Pamagat ng aklat.


Lugar na pinaglimbagan: Naglimbag
Stuckey, S. (1994). Going through the storm: The influence of
African art in history. New York: Oxford University Press.
• Kung higit sa isa ang may-akda… Bell, C., & Cohn A.
(1968).
Kernis, M. H., Cornell, D. P., Sun, C. R.,Berry, A., Harlow, T., &
Bach, J. S.(1993).

• Kung hindi iisang tao ang may-akda…


American Psychiatric
Association. (2005). Oxford
essential world atlas. (2001).

• Ensayklopidya/Diksyunaryo
Posner, R. (1987). Romance Languages.In The encyclopedia
Britannica:macropedia (15th ed.).

• Magasin
Poniewozik, J. (2000, November). TV makes a too‐close call.
Time, 20, 70‐71.

• Pahayagan
Krugman, A. (2007, May 21). Fear of eating. New York Times, pp.
A1

• Editoryal
Of mines and men (2003, Oct 24). [Editorial] The Wall Street
Journal east,p. A14

• Online Resources

Author. (Year [use n.d. if not given]).Article or page title. Larger


PublicationTitle, volume or issue number.Retrieved from
http://url address

United States Environmental Protection Agency. (2004, July).


Drinking water standards. Retrieved from US EPA website
http://water.epa.gov/drink

Ano ang Plagiarism?


Ito ay ang pagkopya ng gawa, ideya, o salita ng walang permiso,
pahintulot o
pagkilala sa orihinal na awtor.

MGA URI NG PLAGIARISM


1. MOSAIC/ACCIDENTAL PLAGIARISM-ito ang paghiram ng
salita sa orihinal na may gawa ng walang gamit na “Quatation marks” o
di kaya sadyang pagpa-paraphrase ng mga kahulugan ng salita ng
walang pagbabago sa istruktura ng pangungusap..
Halimbawa:
Naakusahan si Tito Sotto ng “plagiarism” dahil sa pagsasalin
nito ng pananalita ni Kennedy sa South Africa noong 1966 sa wikang
Filipino.

2. DIRECT PLAGIARISM-ay ang salita-por-salitang pagkopya ng


materyal mula sa ilang mga manunulat at ibinabago ang materyal na
walang pagtatangkang kilalanin ang mga orihinal na mga
napagkuhanan.
Halimbawa:
Humiram ng mga salita si Manny Pangilinan sa mga pananalita
nina J.K. Rowling, Oprah Winfrey, and Conan O ‘Brien sa kanyang
“Commencement address” sa mga nagtapos sa Ateneo de Manila
University noong 2010.

3. ART/TRACING PLAGIARIM-ay tumutukoy sa pagkopya ng


komposisyon, imahe at istraktura ng isang trabaho na may layunin na
angkinin ang produkto bilang iyong sariling gawa. Halimbawa:
Nagnakaw ng litrato/imahe si Solis kay Gregory John Smith at
ipinasok sa isang kumpetisyon ng may balak angkinin ang litrato kung
saan siya ang nagwagi.

MGA MADALAS NA ITANONG TUNGKOL SA KARAPATANG


ARI (COPYRIGHT)
1. Ano ang Copyright?

Isa itong karapatan na kinikilala ng batas na nagbibigay ng


kaukulang pagkilala bilang awtor (moral rights) at kaakibat na
pinansiyal na karapatan (economic rights) sa mga indibidwal na
lumikha ng mga akda o gawa na saklaw ng copyright (works covered
by copyright).

Sa ganitong paraan, mayroong pagpapahalagang iginagawad sa mga


lumikha at binibigyan sila ng insentibo (social incentive) na
magpatuloy sa kanilang paglikha dahil napapaunlad nito ang lipunan.

2. Ano ang mga gawa o akda na saklaw ng karapatang-ari?


Ilang halimbawa ng gawa o akda na saklaw ng karapatang-ari ay ang
mga sumusunod:

a. Literary works (novel, short story, poem, etc.)


b. Dramatic works (choreography, film script, etc.)
c. Musical works (film musical score, pop song, jingle, etc.)
d. Visual artworks (painting, drawing, engraving, sculpture,
etc.)
e. Architectural design

3. Sino ang may-ari ng karapatang-ari?

Sapagkat ang karapatang-ari ay iginagawad dahil sa haraya (creativity),


ito ay karaniwang pag-aari ng indibidwal (tao) na may-akda (writer,
scriptwriter, composer, visual artist, architect).

Maliban na lamang sa ilang sitwasyon na ang may karapatang-ari ay


isang korporasyon o organisasyon, sapagkat ang may likha ay nasa
empleo ng korporasyon at ang ipinagawang akda ay kasama sa trabaho
ng empleyadong may-akda.

4. Paano nagkakaroon ng karapatang-ari?

Kinikilala ng batas na umiiral ang karapatang-ari dahil sa bisa ng


paglikha ng akda (moment of creation).

Hindi kailangan ng rehistro ng gobyerno o ng sertipikasyon ng


organisasyon para magawaran ng karapatang-ari ang may-ari ng akda.
Pag-aari na ito ng awtor nang nilikha niya ang akda o gawa.

Nakatutulong lamang ang pagrehistro sa National Library of the


Philippines (NLP) bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng alitan sa
pagmamay-ari (conflicting claims) ng akda o gawa.

5. Paano nagkakaroon ng pinansiyal na halaga ang karapatang-


ari (economic gains from copyright)?

Karaniwang indibidwal ang may-ari ng karapatang-ari (copyright).


Malimit, wala siyang kakayahang ilathala (publish) o komersiyal na
ipakalat (commercially distribute) ang akda. Dahil dito,
nakikipagkontrata siya sa isang kompanya na may kaalaman at
kasanayan dito. Kung writer, may contract sa publisher.

Kung singer-songwriter, may contract sa record company. Kung visual


artist, may contract sa museum owner.
6. Ano ang laman ng contract?

Tulad sa ibang bagay (goods) na maaaring object ng komersiyo, maaari


ding ibenta o pagkakitaan ang karapatang-ari.

Tandaan na may listahan ang karapatang-ari at hiwa-hiwalay ito


(bundle of rights) kaya maaaring sa iba’t-ibang tao o kompanya ibenta
(assignment or license) ang karapatang-ari. hal. Karapatan na ilathala o
i-publish Karapatan na i-perform Karapatan na isalin

Ang pangunahing kontrol ay hawak ng may karapatang-ari (copyright


holder) at pasiya niya at strategy niya ang paghawak nito (reservation
of his or her copyright) o pagbenta nito (assign or license).

Maaaring ibalangkas sa apat ang laman ng contract

a. Parties to the contract

Nakasaad sa contract ang may-ari ng akda na may karapatang-ari


(copyright holder) at ang kompanya (company) na bebentahan ng
akda.

Tandaan: ang pakay ng pagbenta o paglisensiya ay para maikalat ang


akda. Dapat tugma ang karapatang-ari na ibinibenta at ang kakayahan
ng kompaniya (hal. Bakit ibebenta ang performance rights ng kanta sa
book publisher o ang translation rights ng nobela sa record company?)

b. Scope of the agreement

Ano ang usapan: assignment o license

Kapag ang usapan ay assignment, mapupunta ang pagmamay-ari ng


akda sa binentahan. Karapatan ng awtor na kilalanin bilang awtor
(moral rights) ngunit ang LAHAT ng ibang pinansiyal na pakinabang
(economic rights) ay kaniyang ibebenta.

Kapag nagkasundo sa ganitong usapan, makukuha lamang uli ng


orihinal na awtor ang karapatang-ari kung bibilhin niya ito uli sa
kompanya.

Kapag ang usapan ay licensing, pinahihintulutan ng may karapatang-ari


(copyright holder) na gamitin ng kompanya ang ilan o lahat sa
kaniyang karapatang-ari)

Tandaan na ang lisensiya ay pansamantala kaya maaaring may


limitasyon sa
– panahon (hal. tatlong taon)
– lugar (hal. sa Pilipinas lamang)
– volume (hal. tatlong print run na may 1,000 kopya kada print
run)

at iba pang uri ng limitasyon, depende sa uri ng karapatang-aring


nakasaad sa contract

Tandaan: Kapag walang limitasyon sa panahon, lugar, volume, etc.,


maaaring ito ay isang ASSIGNMENT at hindi LICENSING contract.

c. Remuneration

Isa sa mithiin ng may karapatang-ari ay ang karampatang kabayaran sa


kaniyang iginugol na pagod at panahon. Kaya pangunahing usapin ang
BAYAD (remuneration) sa ganitong contract.

Kapag ASSIGNMENT: Babayaran na ng kompanya ang lahat ng


economic rights na mapupunta sa kompanya.

Kapag LICENSE: Babayaran ng kompanya ang karapatang gawin ang


mga hakbang na dapat sana ay gagawin lamang ng may karapatang-ari
(copyright holder). (Tingnan: listahan ng mga karapatang-ari bilang
BUNDLE OF RIGHTS1)

Kasama sa mga usapin ng bayad ang mga sumusunod na tanong:


1 Republic Act No. 8293, otherwise known as the “Intellectual Property
Code of the Philippines,”

Sec. 177. Copy or Economic Rights. – Subject to the provisions of


Chapter VIII, copyright or economic rights shall consist of the
exclusive right to carry out, authorize or prevent the following
acts:

177.1. Reproduction of the work or substantial portion of the


work;
177.2 Dramatization, translation, adaptation, abridgment,
arrangement or other transformation of the work;
177.3. The first public distribution of the original and each copy of
the work by sale or other forms of transfer of ownership;
177.4. Rental of the original or a copy of an audiovisual or
cinematographic work, a work embodied in a sound recording, a
computer program, a compilation of data and other materials or a
musical work in graphic form, irrespective of the ownership of the
original or the copy which is the subject of the rental; (n) 177.5.
Public display of the original or a copy of the work;
177.6. Public performance of the work; and
177.7. Other communication to the public of the work
– magkano
– paano babayaran (lump sum o royalty scheme) – kung royalty
scheme,

ano ang rate (o porsiyento)


ano ang basehan (basis): % ng GROSS PROFIT o NET PROFIT
ano ang paraan ng company sa pagbilang ng mga nabentang unit
(libro man o CD) tuwing kailan ang
pag-account o pagbabayad (annual, per quarter, atbp.)

d. Iba pang probisyon sa contract

a. Exit Clause

Paano kung ayaw na ng isang partido sa usapan, ano ang dapat gawin
para mapawalangbisa ang ibang probisyon o ang kabuuang contract?

b. Remedies

Paano kung hindi tinupad ng isang partido ang usapan (hindi


naglathala o hindi nagbayad ng royalty), ano ang gagawin ng partidong
nadehado (hal. babayaran ng danyos, ipapatupad ang exit clause,
atbp.)?
MgaSanggunian
: Mga Aklat
• Mortera, Melvin O. (2019). Pantulong sa
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mandaluyong
City: Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. & Sioson Imelda D. (2017).Tulay sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O. (2017). Tulay sa Pagbasa At
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tektso Tungo sa Pananaliksik.
Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
• Bernales, Rolando A. et. al. 2016. Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik.Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.

Kinuha mula sa internet


• http://booksphilippines.gov.ph/mga-madalas-na-itanong-
tungkol-sa-karapatangari-copyright/
• https://www.scribd.com/doc/311302162/Ano-Ang-
Plagiarism

Module 5b

Pananaliksik
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa.
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
3. Nakasusulat ng 3 hanggang 5 talataan sa napiling
paksa gamit ang alinman sa iba’t ibang uri ng teksto.

Pag-aaral Tekstwal
Pagpapatuloy
Ang modyul na ito ay pagpapatuloy ng pagtalakay sa mga uri ng teksto batay sa
layunin. Nabanggit na ang mahusay na paglalahad ay nagdudulot ng mahusay na pag
unawa at pagtatagpo ng intensyon at interpretasyon. Sa ganitong kaganapan, maiiwasan
ang di pagkakaunawaan, maiibsan ang away, gulo at sakitan. Ang wastong pagpapahayag
ng layunin ay mas produktibong resulta ang ibubunga.

Paano na lamang kung sa bawat naratibong teksto, ay naiiba iba ang pagkakasunod ng
pangyayari? Paano na lamang kung sa bawat deskriptibong teksto ay di mailarawan ang
paksa o tema ng pagsulat? At paano na lamang kaya kung hindi mapangatwiranan nang
tama ang isang argumento?

May dalawang pangunahing dahilan sa pagsulat; una ay upang maipahayag ang


niloloob at nadarama at ang ikalawa ay upang makipagtalastasan sa ibang tao. Alinman
ang dahilan sa dalawa, mahalaga na mahusay at wasto ang pagkakalahad ng mensahe sa
tekstong isusulat.

Halina at talakayin natin ang iba pang pag-aaral na tekstwal.

Deskriptibo/Paglalarawan

Teksto na ang paraan ng pagpapahayag ay nagpapakita ng katangian ng isang


bagay, lugar, pangyayari, tao o maging ng isang ideya. Ito'y isang anyo ng pagpapahayag
na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o
nakikinig sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan.

Ito ay pagpapahayag na may pagbuo ng larawan o pigura. Ito ay sa


pamamagitan ng pgbibigay katangian ng isang tao, pook, damdamin o pangyayari.

Masining ang paglalarawan kung gagamit ng matatalinhagang pahayag.

“ Ito ang lumikha ng sugat sa aking puso. Hinayaan nito akong mag-isa sa
malulungkot na gabi. Ito ay malupit tulad ng mga mababangis na hayop kung sumalakay.
Ako ay talunang nilalang. Higit pa ito sa mga nagging talo ko sa loterya. Tinalo ako ng
mapaglarong pag-ibig. Matulis ang dalang punyal niyong itinarak sa akin.”

Pangkaraniwan naman ang pagppaahayag kung karaniwang salita ang ginagamit.

“ Ito ang nagbigay –lungkot sa akin. Hinayaan nito akong mag-isa. Malupit ito sa
akin. Tinalo ako nito. Panalo at makapangyarihan lagi ang pag-ibig. Sinaktan lamang nito
ako.”
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN

1. May tiyak at kawili-wiling paksa


2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.

Halimbawang Teksto

Modernisasyon sa Paglinang ng Wikang Pambansa

Isang mahalagang proseso ng modernisayon sa pagpaplanong


pangwika ang pag-Filipino, pagsasalin o ekspansyon (Fishman
sa Villafueete et al., 2009). Kung hindi matutuhang ganap ang
target o tunguhing wika (Filipino mula sa banyagang wika), may
kakulangan sa pagpaplano. Kailangang masigasig sa
pagpapamalas ng interes sa wika at bukas sa pagbabago ang
nagsasagawa nito. Dagdag pa ang pagsasaalang-alang sa
pagtanggap at kasapatan ng ginagamit na wika (Mendillo,
Villafuerte et al., 2009). Inamin ni Gonzales sa Villafuerte et al.
(2009) na hindi wasto ang pagtuturo ng wika dahil sa paggamit
ng Ingles bilang midyum. Ayon pa sa kanya, hindi lamang pinag-
aaralan ang wika, ito ay ginagamit.

Ang modernisayon ay patuloy na pag-aangkop ng wika sa


mga pagbabago at sa mga kahingian ng panahon (Vivencio R.
Jose sa Ang Proseso at mga Aral sa Modernisasyon ng Wika,
2008). Kilangan din itong makamit upang magamit bilang
wikang panturo sa kolehiyo at unibersidad 9Cubar, 1985). Sa
kasaysayan ng wikang pambansa, ang hakbang sa
modernisasyon sa wika ay naunang naganap sa panahon ng mga
mananakop na Espanyol at Amerikano sa bansa. Sinundan ito ng
pagpapalit-baybay ng pagtawag sa wikang pambansa mulang
Pilipino tungong Filipino).

Bahagi rin ng modernisasyon ng wikang Filipino ang ebolusyon


na alpabeto sa bansa. Ang pagbabago niyon noong 1976 ay
bunsod ng kaisipang ang sinundang alpabeto ay
nakapagpapabagal sa kakakyahan ng pambansang wika na
maabot ang tugatog ng pag-unlad at pagpapalaganap ( Gabay sa
Ispeling ng UP, 2008).
Ang mga sitwasyong inilahad sa itaas ay patunay na matagal
nang nagaganap ang pakikiangkop ng wika sa nagbabagong
kahingian ng panahon at konteksto. At patuloy itong nagaganap.

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan na. Dagdagan pa.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Paglalarawan

Modernisasyon ng wika Ang modernisayon ay patuloy na Ang paglalarawan sa pagangkop


pag-aangkop ng wika sa mga ng wika sa panahon.
pagbabago

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong deskriptibo/paglalarawan. Ibatay ito sa mga naisulat.

Naratibo/Pagsasalaysay

Layunin ng tekstong ito ay magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga


pangyayari. Maaaring maging materyal ang bawat pagkilos at pagsasalita ng tao, bawat
pagbabago sa kanyang kalagayan, at bawat pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Ito ay pagpapahayag o pag-iisa-isa ng mga magkakasunod na pangyayari o


sitwasyon. Ito ay may layuning magkuwento. Pinakapalasak ito sa mga paraan ng
diskurso. Bahagi na kasi ng kultura at panitikan ang paglilipat ng mga kuwento, pasulat
man o pasalindila.

Samantala, namalasak din ang mga anyo ng teksto katulad ng tinatawag na


maikling-maikling kuwento, kuwentong paspasan at/o short fiction na kasalukuyang
bahagi ng tinatawag na panitikang popular.

Narito ang ilang paglalarawan batay sa bilang ng salita at mga tiyak na pagtawag.

Bilang ng Salita Pagtawag


500-2,000 Maikling-maikling kuwento (2-8 pahina)
Hanggang 10,000 Karaniwang maikling kuwento (40-45 pahina)
12,000-15,000 Mhabang maikling kuwento
55 55 fiction/drabble
69 69er

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay

1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapanapanabik at napapanahon.


2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 4. Kaakit-akit
na simula at may kasiyasiyang wakas

Mga Halimbawang Teksto

Early Bird

Nagmamadali akong bumangon kaninang umaga. Alas -7 na.


Tatlumpong minute na lamang magsisimula na naming pumutak
ang bibig ng paborito kong (paborito niya ako) guro sa kolehiyo.
Isang sermon sa aking pagkahuli muli ang hain niyang almusal.

Tinungo ko na ang banyo upang umupo sa trono. Pagkatapos


niyon, nagsimula ko nang ibuhos ang napakalamig na tubig sa
aking katawan. Mabilis. Tinalo ko pa ang rumaragasang dyip ng
kaskaserong tsuper na aking madalas sakyan. Kinuha ko na ang
aking polo at pantaloon. Pinatuyo ko sandal ang aking buhok
bago ayusin. Hinagilap ang mga pampagwapo. Hindi puwedeng
kalimutan ang pampabango. Presto! Lipas na ang nalalabing
tatlumpong minute.

Pinuntahan ko ang nanay. Inilahad ko ang aking palad at pa-


kyut na humingi ng baon. Wala siyang dinukot sa bulsa. Sa halip,
siya ang nagbukas ng unang sermon sa umaga. Unang bersyon
siya ni Propesor __________. Pinakinggan ko iyo. Oo nga naman!
Linggo ngayon. Maaga ako para bukas.

Puzzle
Namatay ang kanyang ina sa aksidente. Pinilit niyang unawain
ang mga nangyari sa murang edad. Nagpatuloy ang buhay.
Naglaro. Pinilit niyang buoin ang puzzle. Hindi na niya iyon
mabuo. Hindi na kailanman.

Wedding Ring

Matagal niya nang pangarap ito sa kanyang mahal. “Maaari mo


nang isuot ang singsing,” utos ng pari. “Maaari mo nang halikan
ang bride,” utos ng pari. Hindi nya kayang gawin iyon. Siya ay
hamak na abay lamang sa kasal na iyon ng kanyang mahal.

Sa Iba Sumanniv.

Puno iyon ng sorpresa. Sampung taon na sila nang araw na


iyon. Nagtapat ang dalaga. Ibang binata na ang nagpapaligaya sa
kanya. Natigilan ang binata sa nais ding ipagtapat. Ibinulsa ang
maliit na kahong sana ay iaaabot. Puno ng sorpresa ang
anibersaryong iyon.

Books-latan

Ordinaryo lamang sa kanya ang araw na iyon…sana. Pagpasok ng


Powerbooks sa Mega, nakasalubong ang ex na may kasama nang
iba. Kunwari’y hindi nakita. Itinuloy ang pagpasok sa store,
pipilit na humanap ng libro (kung ayroon man) tungkol sa
paraan ng pagbuo ng durog na puso. Uupo. Magbabasa. Tatakpan
ng libro ang mukha. Magpupunas ng paisa-isang luha na kanina
pa nagbabantang tumulo…

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan na.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Pagsasalaysay
Pangyayari sa tipikal na Pagkatapos niyon, May gawain na pang-araw araw
buhaymag-aaral nang ginagawa at nakasanayan.

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong naratibo/pagsasalaysay. Ibatay ito sa mga naisulat.

Argumentatibo/ Pangangatwiran

Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang


ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapanipaniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o
paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.

Ito ay pagpapahayag ng pagbibigay-katwiran sa isang paniniwala at pagpapatibay


niyon gamit ang mga patunay o ebidensya. Ito ay may layunin ding makapanghikayat at
mapakilos ang mambabasa o tagapakinig.

Ang isang tagapagpahayag na nangangatwiran ay kailangang mahinahon, malawak


ang talasalitaan, may kakayahang mag-isip nang kritikal, may sapat na kaalaman na
pinangangatwiranan at may maayos na paghahatid at paglalatag ng mga patunay.

Ang pangangatwirang induktibo o pabuod ay nagsisimula sa espisipiko o mga


halimbawa tungo sa pangkalahatang puna o impresyon. Maihahatid din ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga halimbawang sarbey at pagsisimula ng sanhi patungo
sa bunga.

“Pinatalsik si Ferdinand Marcos ng unang people power. Napilitan


ding bumaba sa puwesto si Joseph Estrada dahil sa lakas-
sambayanan. Babae apa ang parehong pumalit sa kanila sa
pagkapangulo ng bansa. Kung sa bahaging iyan titingnan, tunay
ngang magkatulad ng kapalarang political sina Apo at Erap.”

Deduktibo o pasaklaw naman ang pangangatwiran kung nagsisimula sa


pangkalahatang puna tungo sa partikular na mga halimbawa o patunay.
“ Habang tumatagal nagiging lalong mas kumplikado ang buhay ni
Juan dela Cruz. Pahirap nang pahirap. Wala man daw krisis sa
bigas at iba pang pagkain ay nakikipagpatayan naman ang
marami para sa NFA rice. Marami raw trabaho pero malaki ang
bilang ng wala nito. Maganda umano ang estado ng ekonomiya at
nababawasan ang korapsyon sa gobyerno. Kaya pala, taontaon
nagbabadya ang pangil ng coup at tigas ng mg aexpose ng mga
katiwalian sa loob mismo ng Palasyo.”

Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran

1. Wasto at mabilis na pag-iisip

2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan

3. Maayos at mabisang pagsasalita

4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-


unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

Halimbawang Teksto

Kita Kitam! Ibang Kita sa Kita Kita

Kabayan! Sana ay nakita mo rin ito.

Nakita ko kasi sa pelikula ang ilang apila sa ating pagka-Pilipino.


Lunan ng danas nina Lea at Tonyo ang bansang Hapon. Kapuwa nila
hinarap ang kapalaran sa bansang kinilala ang kanilang mga
pagkatao at pagpapakatao.

Tunay. Pinakikita ng pelikula ang danas ng maraming


Kabayan/kababayang nakakita ng liwanag ng kapalaran sa ibayong
dagat. Malabis man, masisipat ang matagal nang pagkabulag sa
pangakong kaginhawaan sa ibang bayan. Kapuwa ang dalawa ay
nakahanap ng kagaanan ng kalooban sa isa’t isa sapagkat lutang na
lutang ang damdaming Pilipino at pagalala sa mga naiwan mula sa
sariling bayan. Kinapitan nila sa lunang hindi duyan ng kanilang
sariling lahi. Bulag sila kapuwa sa karanasang may pangako ang
bansang Hapon para sa kanila pero hayg na pinadidilat samga mata
ng mga manonood ang tatak-Pilipinong nagbuklod sa dalawa-
pinaglalapit ang lahing ito ng pusong hindi nakakalimot-
nakakakita.

Nakakakita ang pusong Pilipino. Piringan mo ito. Makababalik ka


sa gunita ng alaala ng lahing higit ang pagpapahalaga sa mga danas
ng maraming sana.

Kabayan! Sana ay nakita mo rin ito.

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan na.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Pangangatwiran

Ang mga Pilipino sa ibayong Nakakakita ang pusong Pilipino. Ang mentalidad ng mga Pilipino
dagat Piringan mo ito. ukol sa pangingibang bayan.

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong argumentatibo/pangangatwiran. Ibatay ito sa mga naisulat.

Paglalahad / Expository

Tunguhin na ipaliwanag ang mga pangyayari, opinyon, at mga kaisipan. Ito ay


naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang
lubos na maunawaan ng bumabasa. Halimbawa ay mga sanaysay, balita, ulat, panayam at
suring sining.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

• Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang


ginagamit.
• Katiyakan - Nakapokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin
ng pagpapaliwanag. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
• Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
• Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

Halimbawang Teksto

PANGUNAHING REPORMA KO ANG PAGTATAGUYOD NG FILIPINO: PANAYAM


KAY DR. JOSE V. ABUEVA
ni Jayson D. Petras

Jayson Petras: isa po sa mga bagay na kilala sa administrasyon ninyo ay ang


inyong pagsusulong ng wikang Filipino sa larangan ng pagtuturo at
pananaliksik. bakit ito ang naging isa sa mga priyoridad ninyo?

Jose V. Abueva: Sapagkat naniniwala akong magkaroon tayo ng malakas na


wikang pambansang talagang matutuhan ng nakararaming Filipino. Masama at
masakit sa atin na karamihan ng mga edukadong Filipino ay nagsasalita sa
Ingles lamang. Hindi naman natin katutubong wika iyon. Kolonyal na wika natin
iyon. Napansin kong kahit ako, ang aking pagsasalita at pagsusulat sa Ingles ay
mas mabuti kaysa Filipino. Parang pagsisisi ko rin iyon sa sarili ko, na bakit ito
nangyari sa akin, bakit mas magaling pa ako sa Ingles at ito ang naging tunay
kong wika kaysa Bisaya na aking katutubong wika at saka sa Tagalog lalo na
noong naging presidente ako. Sa loob ng maraming taon, nasa Tokyo ako.
Pagbalik ko dito, nahirapan ako sa Filipino. Nasa isip ko, ito ang nakalagay sa
ating Saligang Batas pero hindi ko alam. Sa tagal ko nang nanirahan sa Metro
Manila, hindi ko alam. Parang projection ito sa aking inadequacy. Parang sense
of guilt. Bakit nangyari ito sa akin? Hindi ko naman sinabi iyon sa ibang tao. At
saka, ang Filipino, tila inferior sa Ingles sa Unibersidad. Sabi ko dapat iangat
naman natin ang Filipino kapantay sa Ingles sa undergraduate. Kahit sa
undergraduate lang. Isa pang punto na na-encourage ako na may ilang
departamento sa UP katulad ng Psychology, Kasaysayan at Antropolohiya na
nangunguna sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo. Dapat mabigyan natin ng
suporta ito. Sila talaga ang nangunguna at sila ang nagbibigay ng lakas sa
pagsusulong sa wikang Filipino. Iyon ang inisip ko. At saka, at least 10 years ako
sa Japan, dalawang taon ako sa Nepal, isang taon ako sa Thailand at sa
pagbiyahe ko dito sa Asya, sa lahat ng bansa, mayroong sariling wika at itong
wika ay ginagamit ng lahat ng mamamayan at lahat ng mga lider. Official
language sa gobyerno nila. Official language sa legislature nila. Pagbalik ko dito,
masyadong kolonyal pa rin tayo. Sabagay, hindi naman ako nagsisisi na
natutuhan ang Ingles kasi naging global lingua franca ito, advantage din natin
iyon. Gayumpaman, hindi tama itong nangyari sa larangan ng wika. Baguhin
natin.
Mga Sanggunian:

• Mortera, Melvin o.,(2017). Tulay sa Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books
Atbp. Publishing Corp.

• Mortera, Melvin O.,(2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong


Komunikasyon sa Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing
Corp.

• San Juan, Gloria P. et al.( 2013). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik.Grandwater Publishing.

Module 5a

Pananaliksik
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa.
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
3. Nakasusulat ng 3 hanggang 5 talataan sa napiling
paksa gamit ang alinman sa iba’t ibang uri ng teksto.

Pag-aaral Tekstwal
Panimula

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal,


ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa
kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng
pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na
paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais
niyang ipaabot.
At isa sa mga kasanayang pangwika na dapat taglayin ay ang pagtukoy sa uri ng
texsto ayon sa intensyon o layunin. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa layunin ng teksto,
masisimulan mo na ang motibasyon sa pakikinig o pagbabasa. Maihahanda na ang mga
iskema sa pag uugnay ng mga bagong impormasyon o ideya na mababatid mula sa mga
tekstong ito.
Ang teksto ay maaaring magbigay ng kaalaman, magturo, manghikayat at iba pa.
Ang pagbuo ng sulatin batay sa layunin ng manunulat kakikitaan ng iba ibang paraan at
istilo. Ito ang aalamin natin sa modyul na ito.

TULAY SA ISKEMA

Itulay natin

Ang kakayahang magbasa ng bawat isa ng bawat isa ay nagbubukas ng


malaking pagkakataon upang makasulat. Kaya lamang, ang kasanayang ito ay may
batayang pangangailangan ng pagkilala sa wikang ginagamit sa teksto.

Pag-amin ni Rene Villanueva sa aklat na (im) personal Gabay sa Panulat at


Pagmamanunulat (2006).

Nagbasa ako nang nagbasa para lumawig ang kaalaman ko hindi lamang tungkol sa
ibaibang paksa. Mas mahalaga, pinasidhi ng pagbabasa ang pagmamahal ko at tiwala sa
kapangyarihan ng salita.

Samantala, sa punto ng mga nagsusulat, mahalagang kilalanin ang gampanin at


kalikasan ng mga mambabasa.

Paalala ni Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, na inilahad nina


Evasco et al. (2008).

Paano ka magsusulat para sa mambabasang hindi mo kilala, hindi mo alam kung


ilan, hindi man lamang napupulsuhan? Sa aking palagay, nakasusulat ka lamang ng
akdang makabuluhan kung ang inuugnayan mo ay espesipikong tao, grupo, institusyon o
pamayanan. Sa ganoong paraan, matutugunan mo ang problema, panlasa, kagustuhan, o
adhikain kaya ng mambabasa, at malalaman mo kung may bisa o talab ang iyong isinulat.

Pag-usapan ang mga magkaugnay na konseptong nabanggit kaugnay ng iyong mga


karanasan sa pag-unawa ng mga teksto.
BASAHIN AT SURIIN

Ang mga reaksyong papel na iyong sinulat/sinisulat/susulatin at maaaring


ginawang/ginagawang/gagawing batayan sa kursong ito ay inaasahang nagbibigay-tuon
sa mga sumusunod na mga uri ng teksto:

Ekspositori/Paglalahad-Informative, Persuasive at Procedural

Ang ekspositori/paglalahad ay paraan ng pagpapahayag na may layuning


magpaliwanag. Obhetibo ang pagtalakay sa ganitong uri ng teksto. Maibibilang sa mga uri
nito ang paglalahad ng mga sumusunod: tekstong nagpapabatid o informative, tekstong
nanghihikayat/persuasive at tekstong naglalahad ng proseso ng pagbuo o paggawa o
procedural.

Tekstong Informative

Ipinaliliwanag sa espisipikong uring ito ang mahahalagang konseptong angkop na


ipabatid para sa pagpapaunlad ng tiyak ding larang (hal. Agham, Matematika, akademya
atbp.)

‘Di Daya ang Kulay ng Diyamante

Pinakamatigas na mineral ang diyamante. Higit ang


pangakit nito sa kulay na malinaw. May kaunting kulay
na dilaw. Karaniwan ay makatatagpo ng berde, asul at
higit na pula.

Mula sa purong carbon. Unang natuklasan, dalawang


libong taon na ang nakakaraan. Higit na makikita ito sa
mga bansang may pagputok ng bulkan, siyamnapung
milya sa ilalim ng lupa.

Sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Golcondia Corp.,


ipinakilala ang tinatawag na cultured diamonds. Ito ay
puti, may dilaw at kulay-rosas din.
Asin-todo
Sampung beses ang higit ng antas ng asin sa Dead Sea
kaysa karaniwang tubig ng dagat. Nangangahulugan,
ang mga bagay ay medaling lumutang. Ngunit, ilang
organism ang maaaring mabuhay rito.

Samantala, bentahe ang produksyon ng asin sa


Pilipinas dulot ng malaking bahagi ng anyong tubig
dito. Katunayan, kinilala ng dating pangulo ng
Amerika, Pang. Barack Obama ang galling ng Pinoy sa
katauhan ni Engr. Aisa Jimeno, bumuo ng tinatawag na
SALt (Sustainable Alternative Lighting) lamp. Ito ay
mula sa malikhaing ideya ng mga sangkap na isang
basong tubig at dalawang kutsarang asin
(makapagpapailaw ng walong oras). Maaaring
magamit din ang tubig-dagat.

BULKAngalan

Ang ngalang bulkan (volcano) ay nagmula sa ngalang


Vulcan, ang Diyos ng apoy ng mga Romano.
Pinaniniwalang siya ang nnagdudulot sa mga bulkan
upang sumabog.

Galunggung (hindi ang isda)> Teka, ito ay ngalan ng


bulkan sa Indonesia na pumutok noong 1882 at
nagdulot ng kamatayan ng 4,011 na tao. Dagdag pa,
may tinatawag pang Bulkan Kelut (sa Indonesia pa rin)
na nakapatay naman ng 5,110 na tao sa pagsabog
noong 1882 din. Samantala, malaking pinsala (9,350
tao) ang idinulot ng pagputok ng Bulkang Laki sa
Iceland noong 1783.

Sa Pilipinas, may ngalan ding Bulkang Labo na


matatagpuan sa Timog Kanlurang bahagi ng Daet at
Hilagang-Kanluran ng Bicol.

Samantala, hindi aktiboang bulkang may ngalang


Bangcay sa Nueva Ecija. Gayundin, tahimik din ang
nakakatakam na ngalan ng bulkang Bulalao sa Laguna.

Lindol Alert
Mahalagang pinaghahandaan ang paggalaw ng lupa.
Kaya nagkaroon ng pambansang paghahanda sa
pamamagitan ng simulation-drill sa pangunguna ng
National Disaster Risk Reduction Management
Council (NDRRMC).

Bukod pa rito, kailangan din ang paghahanda sa


pagtatayo ng mga gusali. Matuto sa karanasan ng mga
Buddhist sa estruktura ng kanilang mga pagoda sa
Japan na nananatiling nakatayo matapos ang
isanlibong taon kahit dumaan pa ang lindol. Sa
kasalukuyan, isinasaalang-alang na ang sumusunod na
pagtatayo ng mga gusali: slider na inilalagay sa
pundasyon, pagtiyak sa protektadong tunnel na
kinalalagyan ng mga linya ng elektrisidad, gas, tubig at
telepono at paglalagay ng matatag na poste at
pundasyon. Idagdag pa ang paglalagay ng
counterweight at pundasyong nakapagdudulot sa pag-
bounce ng gusali sa panahong tamaan ng lindol.

Dagdag pa, kung may lindol sa lupa, may tinatawag


ding lindol sa buwan o moonquakes na pinatunayan ng
mga astronaut ng Apollo na naglagay ng seismograph
upang itala ang paggalaw. Bihira ito kaysa nararanasan
natin dito sa mundo.

Transporta(konsumi)syon?

Kilala sa London ang mga pulang bus na gumagamit


ng hydrogen-powered electric engine. Sa Tokyo, Japan,
milyon sa mga mananakay nito ang laging gumagamit
ng malilinis nilang tren.

Sa Pilipinas, ang usapin ng mabagal na daloy ng


trapiko ang sinosolusyunan ng ticketing system
(MRT/LRT Expansion Program Common Ticketing
System Project) at planong pagdaragdag ng bagon ng
tren para sa amass transport system sa MRT at LRT.
Ipinakilala rin ang walang patlang na biyahe na
pagtungo sa tiyak na destinasyon lamang ng bus
(express bus scheme) sa kahabaan ng EDSA ng Metro
Manila Development Authority (MMDA). Ito ay
nangangako ng paglalakbay na hasslefree.
Samantala, ang balita sa pahayagan o binabasang ulat ng mga
mamamahayag ay may layon ding magpabatid.

Saliksik ng Piling Guro ng sa LHS, pasok sa International Journal

Nagpapatuloy ang pagpapaigting ng kultura ng


pananaliksik upang magamit sa pagtuturo. Nitampok
sa International Research Journal of Human Resources
and Social Sciences (Disyembre, 2015) ang saliksik ni
Prof. Lota Cabasag, Prof. Marc Garvida at Prof. Renante
Zipagan na The Use of Students’ Self-Assessment in
Learning Mathematics.

Gayundin, kasama si G. Garvida sa hanay ng mga guro


ng Philippine Normal University na nakapagsumite rin
sa nasabing journal ng saliksik na Diagnosing
Conceptual Knowledge and Procedural Skills in Selected
Elementary Mathematics Teachers in the Philippines.

Hinihikayat na basahin sa mga pahina ng mga website


ng mga research journal ang mga nauna nang
nailimbag na saliksik sa International Journals in
Multidisciplinary Research Academy (IJMRA)
espisipiko sa International Research Journal in
Mathematics, Engineering and Information
Technology ni G. Garvida na The Level of Interest and
Its Relationship to the Mathematics Performance of the
Senior High School Students of the Laboratory High
School, School Year 2013-2014, may ISSN na 2349-
0322.

Dagdag pa ang mga nailimbag na International Journal


of Engineering and Scintific Research (IJERS) na
saliksik ni G. Garvida kasama sina G. Hansmert Winter
at G. Jerico Lacquesta na The Relationship Between the
Academic Performance and the National Achievement
Test Performance of the Sophomore High School
Students of RTU, may ISSN na 2347-6532.

Isama pa ang saliksik mula sa Filipino tungong


Ingles nina G. Melvin Mortera, Gng. Imelda Sioson at
Gng. Editha Macalinao na Evaluation of a Language
Book in RTU: a Philippines Experience Towards
Development of Learning Material, may ISSN 2249-2496
na nailimbag din sa IJMRA.

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Informative
Suliranin sa transportasyon sinosolusyunan ng ticketing system Iba-ibang paraan ng
pagpapabilis ng transportasyon
sa Pilipinas

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong informative. Ibatay ito sa mga naisulat.
Tekstong Persuasive

Layon nitong ipaliwanag ang mga tiyak na pananaw o sitwasyon upang ipatanggap
sa bumabasa at makapanghikayat ng tiwala o bagong pagtanaw.

BUKLATAN: Misyon ng Dating Sundalong Patpat

Naalala ko ang akdang binasa at tinalakay naming sa Filipino


noong nasa ikapitong baytang pa lamang tungkol sa
pakikipagsapalaraan ng Sundalong Patpat na sakay ng
kanyang kabayong payat na isinulat ni Virgilio S. Almario,
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

Maraming taon na ang matuling dumaan. Noon, ang dating pa


sa akin ng akda ay pangkaraniwan lamang. Animated ang
mga karakter na rumehistro sa aking isipan. Noon iyon.

Ngayon, ako pala ang sundalong patpat. Ang bawat mag-aaral


ay sundalong patpat na naglalakbay at humaharap sa mga
hamon ng pagkatuto.

Tunay nga, mula sa payak na salaysay na iyon, natuklasan ko


ang halaga ng malawak na karanasan sa pagbabasa. Ang pag-
aaral ay punong-puno ng pagbabasa na sa katotohanan ay
kinababagutan naming noong gawin. Wari napakalaking
kalaban naming mga sundalo ng karunungan ang mga aklat.

Dito ko naisip ang kawalan ng kakayahan ng ibang sundalo


ng karunungan ng pagkukunan ng maipambibili. Naisip ko,
swerte pa rin ako.

Sa kaswertehan kong ito sa mga aklat, nararapat na


maibahagi ito sa iba pang nagsisimulang maging sundalo at
nagsisimulang patpatin sa pagkatuto.

Sa pagkakataong ito, angkop na kilalanin ang programang


Buklatan ng Kagawaran ng Filipino ng Kolehiyo ng
Edukasyon. Ito ay may layuning magbahagi ng mga aklat-
babasahin sa mga batang non-reader sa iba’t ibang
komunidad at piling pampublikong paaralan na may sariling
reading program, lalo sa elementary at sekondarya.

Sa pamamagitan ng Buklatan, nadadala ng mga mag-aaral sa


iba’t ibang paaralan o bahagi ng komunidad ang kasiyahan at
kapakinabanagan mula sa pagbabasa.
Ang pahayag na panghikayat ng nasabing programa ay
buksan ang aklat nang makasulat. Tunay nga, ang pagbabasa
ay nagbubukas ng maraming karanasan at iba pang
kasanayan sa pagkatuto.

Pangarap ng Buklatan na ang mga sundalo ng karunungan na


dati’y patuloy na hanapin at makamit ang gusi ng ginto, ang
talino at ang mundo.

Sa pagbabasa, malayo at marami pa ang mararating ng dating


Sundalong Patpat. Ang karanasan at karunungan ay
makakamit kung sisimulang makibahagi sa gawaing
Buklatan.

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan. Dagdagan pa.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Persuasive
Programa sa pagbabasa Tunay nga Ang kahalagahan ng pagbabasa
sa pagpapaunlad ng karanasan
at karunungan.

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong persuasive. Ibatay ito sa mga naisulat.

Tekstong Procedural

Ang tekstong ito ay nakikilala sa layong ilahad ang tiyak na pagkakasunod-sunod


ng mga hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain o pagkilos.

Angkop na Pakikipag-usap Gamit ng Telepono

Sa pakikipag-usap gamit ng telepono, isaalang-


alang ang mga sumusunod na pamamaraan at tips buhat sa
aklat na Private and Public Speaking (2003) nina Rustica C.
Carpio at Anacleta M. Encarnacion.

1. Hayaang mag-ring ang kabilang linya hanggang


anim na ulit.
2 Sumagot agad upang bumati
3. Iwasana ng pagkontak ng iba o maling numero.
4. Humingi na paumanhin sa nakausap kung ibang
numero ang natawagan.
5. Ang sasagot sa kabilang linya ay dapat na banggitin
ang pangalan at kagawaran o kumpanyang kinabibilangan
o pinagtatrabahuan.
6. Matapos ang pagbati ng tumatawag ay maaari nang
sabihin ang taong nais na kausapin.
7. Kung abala sa maraming gawain at hindi muna
makatatanggap ng tawag ang tinatawagan o di kaya ay
may ibang kausap sa telepono, ang nakasagot ay humingi
ng paumanhin at pag-unawa saka ilahad ang tulong na
magagawa para maibigay ang mensaheng nais ipabatid.
8. Kung ang tinatawag ay may hinihinging
impormasyon, tanungin siya kung mahihintay ang tugon.
Kapag pumayag, pasalamatan.
9. Wakasan ang pakikipag-usap gamit ang telepono
sa mapitagan at magalang na paraan.

Makipanayam sa Ganitong Paraan

Sa pakikipanayam para sa saliksik o pagsulat: (1) piliin ang


angkop na personalidad na kakapanayamin; (2) kasunod,
planuhin ang paraan ng interbyu, (3) matapos iyon, maghanda
ng mga angkop na katanungan; (4) kung harapan, makipag-
ayos ng appointment; (5) tiyaking dumating ng mas maaga sa
itinakdang oras sa pook na pagdarausan ng panayam; (6)
samantala, maging magalang at sensitibo sa mga di-berbal na
nuri ng komunikasyong gamit ng kinakapanayam; (7) tiyakin
ding nauuunawaan ng kausap ang mga hinandang tanong; (8)
maaaring magbitiw ang tagapanayam ng mga kaugnay o
follow-up na tanong; at (9) higit sa lahat, matapos na
makakalap ng mga kailangang impormasyon ay huwag
kalilimutang magpasalamat.

Unawain ang Proseso ng Pakikinig


Ang pakikinig (listening) ay ang aktibong proseso ng pag-
unawa sa kahugan ng mga tunog samantala ang naunang
pagtanggap ng tunog ay tinatawag na pagdinig(hearing).
Masasabing bahagi ng kabuuang proseso ng pakikinig ang
pagdinig. Patunay nito ang mga hakbang ng pakikinig ayon kay
Kline (2006) na inilahad sa Sining ng Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (20070 nina Arrogante et al.

Nagsisimula ang proseso sa pagdinig (hearing) o pagtanggap


ng tunog mula sa pinanggalingan. Tinatanggap ito ng tainga.
Susundan ito ng bahaging atensyon (selective attention) sa
pagkilala, pagsusuri at paguugnay sa narinig na mga tunog.
Ang kaninang mga tunog ay ipinoproseso upang piliin at
pagkatapos ay kilalanin bilang ganap na mga wika, suriin ang
katotohanan at iugnay sa iba pang tunog na naririnig. Ang
huling hakbang ay pag-unawa (comprehension). Sa bahaging
ito, ang mga kinilalang tunog ay binibigyan ng kahulugan,
isinasaayos ayon sa kahalagahan at pinahahalagahan.

Ang proseso ng pakikinig ay dumaraan sa mga hakbang na pagdinig,


atensyon at pag-unawa.

Tsart ng PPK: Punan ang talahanayang ito kaugnay ng katatapos na binasang mga teksto.
Ang unang hanay ay nakalaan na.
Panandang Salita o Katangian Kaisipang Namayani sa Bawat
Paksa ng Bawat Teksto ng mga Salitang Hudyat ng Teksto
Pagiging Procedural

Proseso ng pakikinig Nagsisimula ang proseso Ang proseso ng wastong


pakikinig bilang kasanayan

Matapos punan, magkaroon ng pagtatangkang magkaroon ng paglalahat hinggil sa katangian ng


tekstong procedural. Ibatay ito sa mga naisulat.
Mga Sanggunian:

• Mortera, Melvin o.,(2017). Tulay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.

• Mortera, Melvin O.,(2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon


sa Filipino.Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.

• San Juan, Gloria P. et al.( 2013). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik.Grandwater Publishing.

Module 4.2
Pananaliksik at
Pagsulat a.
Ugnayan
b. Gamit sa Akademikong Filipino
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1. Natutukoy ang gamit sa akademikong Filipino ng
pananaliksik at pagsulat.
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik at pagsulat
bilang gamit sa akademikong Filipino.
3. Nakasusulat nang isang napapanahong pananaliksik.

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Pananaliksik-ay isang payak at mapamaraang paghahanap ng isang makabuluhan at


mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin sa pamamagitan ng
paggamit ng mga makaagham na kagamitan. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natitipon
ang mga pangunahing kaalaman na nasaliksik.
Ayon kay Kerlinger(1973)-Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
imperikal at kritikal na imbestigasyonn ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa
isang inakalang relasyon ng mga natural na pangyayari.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay mahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pananaliksik
ang uri ng buhay ng tao ay nababago-mula sa makaluma tungo sa makabago. Mahalaga ang
pananaliksik sapagkat:
1. Binabago nito ang uri ng pamumuhay-Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natutunan ng
tao ng tamang daan sa pagbabago ng kaniyang buhay. Nangayayari ito sapagkat ang tao ay
mapangarapin, ambisyoso at higit sa lahat ay masikap na makamit ang kanyang mga
panaginip/pangarap.
2.Pinabubuti ng pananaliksik ang uri ng pagtuturo-Sinasabing ang pananaliksik ay isang
walang katapusang Gawain. Ang mga umugit ng batas at mga edukador ay patuloy na
nagsasagawa ng pananaliksik upang mapagbuti ang pagtuturo. Isinasagawa at patuloy na
pag-aaral hinggil sa mga makabagong dulog at estratehiya a iba’t ibang larangan at mga
aralin.
3. Isinasaayos ng pananaliksik ang mga Gawain o ginagawa ng mga mag-aaral.
Nauunawaan ng mga guro ang pag-uugali o asal ng mga mag-aaral gayundin ang kanilang
suliranin at mga pangangailangan sa buhay.
4. Nagbibigay-kasiyahan ang pananaliksik sa pangangailangan ng tao. Halimbawa
noong mga unaunang panahon ay walang elektrisidad, walang sasakyan, mga panoorin at
makabagong paraan ng komunikasyon. Ang lahat ng ito aynabago sa pamamagitan ng
pananaliksik.
5. Pinagagaan ng pananaliksik ang bigat ng gawain. Ang pagkakatuklas ng mga
makabagong kagamitan ay nakatutulong nang malaki sa mga tao.
6. Ang pananaliksik ay may malalim na aspetong sikolohikal. Sa pamamagitan ng
pananaliksik ay nabubuhay at nadadalisay ang diwa ng pananagutan ng tao. Ito ang naging
daan tungo sa lalong magandangkinabukasan na nagbubunga ng kasiyahan at kagalingang
pansarili.
7. Nakatutulong sa masaganang ani at pagluluwas sa ibayong dagat. Marami nang
natuklasana ng mga paham sa pananaliksik hinggil sa pagpapabuti ng aning palay, gulay at
mga isda.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANANALIKSIK


1. maka-Diyos- religious
2. mapanlikha-creative
3. nakikilahok-active
4.matipid-economical
5. matapat- honest
6. mapamaraan-resourceful
7. makaagham-scientific
8. may kakayahan-efficient
9 mabisa-effective
10.mapanuri/mapagsiyasat-research-oriented

URI NG PANANALIKSIK

1. TAGANAS O LANTAY NA PANANALIKSIK (PURE RESEARCH)


Ito ay tinatawag ding batayan o saligang pananaliksik at layuning tumuklas ng
mga taganas o basikong prinsipyo o katotohanan Ang ilang halimbawa nito ay:
a. Newton’s Law of Motion
b. Boyle’s Law
c. Charle’s Law
d. Hooke’s Law
e. Archimedes’ Law of Bouyancy

2. GAMITING PANANALIKSIK (APPLIED RESEARCH)


Ang uring ito ng pananaliksik ay kinapapalooban ng pagsisiyasat o paghahanap ng
mga makabagong kaalamang makaagham para sa kalutasan ng isang suliranin na
nangangailangan ng solusyon. Halimbawa ang suliranin sa patuloy na paglobo o paglaki ng
populasyon. Ang mga ahensya namay kinalaman ditto ay maghahanap at maghahain ng
mga panukalang solusyon.

3. AKSYON RISERTS (ACTION RESEARCH)


Ito ay may kinalaman sa pananaliksik na nangangailangan ng kagyat na pagpapasya
o desisyon at ito ay ginagamitan ng makaagham na pamamaraan bilang pagtugon sa
dagliang pagbabago sa kasalukuyang kalagayan.

MGA KATANGIAN NG AKSYON RISERTS


1. People-oriented-ito ay nilalahukan ng mga tao sapagkat sila ang higit na
nakadarama at nakaaalam ng problema/suliranin.
2. Community involvement-kalahok ang pamayanan
3. Group-research –Binubuo ito ng grupo ng mananaliksik at mga kalahok upang
lutasin ag suliraning panlipunan mula sa pagpaplano hanggang sa lebel nang
pagpapatupad.
4. Big Crowd –Nilalahukan ng malalaking grupo ng mananaliksik at mga kalahok.
5. Political Involvement – ang mga pinunong bayan ng isang pamayanan ay nararapat
na makilahok para sa medaling paglutas ng suliranin.

MGA HAKBANGIN SA AKSYON RISERTS


1. Pagtitiyak sa suliranin at pamayanan
2. Paglalahad ng layunin
3. Pagtukoy sa mga kalahok
4. Pag-oorganisa ng grupo ng mananaliksik
5. Pagtatakda ng haba o panahon ng pag-aaral.
6. Pagsasagawa ng pananaliksik 7. pagsusuri sa kinalabasan ng pag-aaral
8. Pagpapahalaga sa mga natuklasan.
9. Rekomendasyon
10. Implementasyon/Pagpapatupad

DAYAGRAM NA HAKBANGIN NG AKSYON RISERTS

Pagtitiyak sa Suliranin at Pamayanan

Paglalahad ng Layunin

Pagtukoy sa mga kalahok

Pag-oorganisa sa Grupo ng Mananaliksik

Pagtatakda ng Haba o panahon ng pag-aaral

Pagsasagawa ng Pananaliksik
Pagsusuri sa kinalabasan ng Pag-aaral

Pagpapahalaga sa mga Natuklasan

Rekomendasyon

Implementasyon/Pagpapatupad
PARAAN/DULOG SA PANANALIKSIK

1. Palarawang Paraan
Sa maikling paliwanag ito ay nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan (fact-
finding) na may sapat na pagpapakahulugan na ang tunay na kahulugan o
interpretasyon. Nangangahulugan na ang tunay na kahulugan ng mga datus na nakalap
ay iniuulat ayon sa layunin at pagpapalagay.Ang paraan o dulog na ito ay nahahati sa:
a. Sarbey (survey research)
b. Pamasid na Pag-aaral (observation studies)
c. Debelopmental na pag-aaral (Developmental design)
d. Pag-uugnay sa pag-aaral (correlational fesearch)

2. Historikal/Pakasaysayang Paraan
Sa paraang ito ang mananaliksik ay nangangalap at nagtatala ng mga kaalamang
makatutulong sa isasagawang pananaliksik. Ang pagsusuyod sa mga nakalipas na
pangyayari ay nagbibigay daan sa katotohanan ng isang nakaraan. Sa paraang ito kung
may pagdududa sa isang tao, pook, bagay o pangyayari ay maaarinng isagawa ang
pananaliksik.

3. Paraang Eksperimental
Ang pamamaraang ito ng pananaliksik ay gumagamit ng makaagham na pamaraan
kung saan ay inilalarawan kung ano ang hinahanap. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga
likas na agham tulad ng Botany, Ecology, Biology, Psychology, Chemistry at Physics.
Subalit ito ay may limitasyon kapag ginagamit sa larangan ng Edukasyon, Sosyolohiya at
Sikolohiya. Bagaman ito ay isinasagawa sa loob ng silid-aralan o laboratory ay inaasahan
pa ring ang matutuklasan ay sanhi at bunga.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA PANG EKSPERIMENTAL:

1.Dapat ibukod/ihiwalay nang maingat upang maiwasan ang kalituhan


2. Ang salik ay dapat na tiyak at tukoy
3. Piliin ang pinakamahusay na teknik na maaaring gamitin.
4. Magkaroon ng sapat at tamang control sa lahat ng salik.
5. Mamili o bumuo ng isang epektibo o may saligang pagsubok sa isang maingat,
planado at pinalatuntunang pagtaya.
6. Tungkulin ng nagsasagawa ng pagsubok ang gumawa ng pag-uulat ng mga
naisagawa mula simula hanggang wakas.

KAHULUGAN NG PAGSULAT

Nakilala natin ang ating pinagmulan at nabasa natin ang ating sinaunang panitikan
dahil sa mga tala o kasaysayan. Ngunit di makapangyayari ang pagtatala ng kasaysayan
kung wala ang pagsulat. Isa na marahil sa pinakamagandang imbensyon ng tao ang
pagsulat. Ang paggawa o pagbuo ng mga titik, simbolo at mga salita ay tinatawag nating
pagsulat. Isa sa pinakagamiting paraan ng pakikipag-ugnayan ang pagsulat. Ginagamit din
natin ang pagsulat upang balikan ang mga bagay na din a kayang tandaan ng isip.

May sining ang pagsulat. Ito ay tumutukoy sa maayos, malinaw at wastong


pagpapahayag ng kaisipang may pakinabang. Winika ni Gabriel L. Rico, may-akda ng
“Writing the Natural Way,” ang masining na pagsulat ay hindi lamang lumilibang kundi
nagpapayaman din ng kaalaman ng mambabasa.

IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT


Ang samu’t saring layunin sa pagsulat at magkakaibang uri ng mambabasa ang siyang
dahilan kung bakit may iba’t ibang uri ng pagsulat. Ito ay maaaring malikhain, Teknikal,
Jornalistik at Akademik.

1. Akademikong Pagsulat
Ito ay isang prosesong linyar na nakatali sa iisang tema o paksa kung saan
nakaangkla ang lahat ng bahagi ng teksto. Ang lahat ng parte ng isang tekstong akademiko
ay dapat na sumusuporta sa iisang “thesis statement’’ lamang at pangunahing layunin nito
ang maghatid ng impormasyon sa halip na mang-aliw. Ang halimbawa nito ay mga aklat
pangkolehiyo, iskolarling sanaysay, tesis at desertasyon. Kabilang sa mga fityur ng
ganitong uri ng pagsulat ang pagiging komplikado, pormal, obhektibo, malinaw o tiyak,
maingat at responsible.

a. Pagiging komplikado
Hindi katulad ng oral o pasalitang komunikasyon, mas komplikado ang
akademikong sulatin sa puntong panggramatika dahil nagtataglay ito ng higit na
maraming salita, sugnay o mga noun based na parirala, pang-uri at pasibong aspekto ng
pandiwa. Nagkakaisa sa ganitong pananaw ang mga dalubwikang sina Holliday(1989),
Cook (19970, Johansson, Leech, Conrad at Finegan (19990.

b. Pagiging pormal
Walang dudang gumagamit tayo ng kolokyal na lenggwahe sa ating oral o
pasalitang pagpapahayag. Subalit dapat itong iwasan sa akademikong pagsulat sapagkat
mahalaga ang pormalidad at dignidad ng teksto para sa mga academic audience. Sa
puntong ito mahalaga ang euphemism o paglulumanay sa paggamit ng lenggwahe upang
hind imaging offensive ang dating ng mensahe sa mambabasa. Pansinin ang sumusunod na
hanay ng mga salita.

Kolokyal na mga Salita at Parirala Akademikong Katumbas

1 Basurero Nangangalakal o Sanitary Engineer

2 Mid-wife sa Health Center Health Worker

3 Kubeta/Inidoro Palikuran o Restroom

4 Morge Funeral Parlor

5 Pagiging iresponsable sap unto ng Psycholoogical Incapacity


paghihiwalay ng mag-asawa.

6 Pagtanggap ng suhol ng mga pulitiko o Narco-politics


pinuno ng pamahalaan ng protection
money mula sa mga sindikato ng droga.

7 Bobo o mahina ang ulo Academically Challenge

c. Pagiging Obhektibo
Sa bahaging ito ay sadyang iniiwasan ang pagiging personal at pinalulutang ang
pagiging patas sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga salitang tumutukoy sa personal
nap unto de bista ng manunulat. Impormasyon ang binigyang diin sa akademikong
pagsulat at hindi opinion dahil interesado ang akademikong mambabasa hindi sa kung ano
ang opinion ng awtor kundi sa mga patunay na kalakip ng kaniyang mga asersyon.
Iminumungkahi dito ang pagiging generic sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita o
pantukoy tulad ng kami, tayo, natin at atin sa halip na ako, akin, amin, at iba pa.
d. Pagiging Malinaw o Tiyak
Sa akademikong pagsulat ay dapat na talakayin ang bawat ideya o paksa ng direkta
sa punto. Iwasan ang pagiging maligoy dahil hindi dapat na maiwang naguguluhan o
nanghuhula ang mga mambabasa. Mahalaga sa puntong ito na matugunan ng manunulat
ang tinatawag na ABC’s of Writing tulad ng 1.) Kaisahan ng Paksa (unity), 2.)
Pagbibigay diin sa iisang sentral na ideya
(emphasis) at 3.) Kaugnayan o pagiging konektado ng bawat bahagi ng teksto sa
isa’t isa (coherence) na mabisang naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paggamit
ng mga hudyat na salita o signal words. “It is explicit in its signposting of the organization
of ideas in the text” ayon pa kina Biber, Johansson, Leech, Conrad at Finegan(19990.
Nangangahulugan ito na kailangang gawing malinaw sa mga mambabasa ang mga
sumusunod:
-Pagbabago o pagpapalit ng linya ng argument o pangangatwiran
-Pagkakaroon ng dalawang magkatulad na ideya sa loob ng teksto.
-Paghahain ng karagdagang impormasyon.
-Pagbibigay ng mga kaugnay na halimbawa.

KATANGIAN NG PAGSULAT
1. Nakapagpapatalas ng isipan;
2. Lumilinang ng talasalitaan
3. Nakapagpapalawak ng karanasan
4. Daan sa pagpapahayag ng damdamin o opinion tungkol sa isang mahalagang paksa.

HAKBANG SA MABISANG PAGSULAT


1. Pagpili ng paksa
Pumili ng paksang napapanahon at may malaking pakinabang sa mga mambabasa.
Isaalangalang ang sumusunod:
a. Ang mambabasa
Nararapat lamang na iugnay natin ang paksa batay sa edad, kasarian at
maging sa estado sa buhay ng mambabasa.
b. Napapanahon
Higit na tatangkilikin ng mambabasa ang mga impormasyong bago dahil ito
ay kaalamang wala pa sa kanila.
c. Makabuluhan
Ang isa sa mga layunin ng mambabasa ay isipin ang dahilan kung bakit
isinulat ng manunulat ang partikular na paksa. Ang mambabasa ay naghahanap ng bagong
kaalamang nais ibahagi ng manunulat.
2. Pangangalap ng Impormasyon
Dahil sa ang layunin ng manunulat ay magbahagi ng kaalaman, magiging ganap ang
layuning ito kung sapat at hitik sa impormasyon ang lalamanin ng isang paksang susulatin.
3. Pagpapahalaga sa mga impormasyon
Sinusuri ng manunulat kung alin sa mga datos o tala ng impormasyon ang
mahalaga at gagamitin sa pagsulat.
4. Pagsulat ayon sa balangkas
Para sa higit na pag-unawa ng mambababsa, isinasaalang-alang ng manunulat ang
kawastuan at pagiging maayos ng sulatin.

LAYUNIN NG PAGSULAT

1. Para sa kaalaman
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang isang tao ay nagsusulat-para
maibahagi ang kanyang kaalaman sa nakararami.
2. Makapagpahayag ng damdamin
Dalawa ang paraan ng pagpapahayag: ang pasulat at pagsasalita. May pagkakataon
na ang isang tao ay hindi makapagpahayag ng kanyang damdamin dahil sa kapansanan o
pagiging mahiyaain. Sa ganitong mga pagkakataon, ginagamit ang pagsulat upang
ipahayag ang damdamin o saloobin ng isang tao.
3. Para matandaan
Hindi lahat ng impormasyon at pangyayari sa buhay ng tao ay kayang itala sa
isipan. Sa pamamagitan ng pagsulat, naitatala ang mahalagang impormasyon upang ito ay
maaaring balikan.
4. Para magpakilos
Nagagawang pakilusin ng manunulat ang kanyang mambabasa batay sa
impormasyong kanyang isinulat. Naging daan sa paglaya ng Pilipinas ang mga akda ni
Rizal dahil iminulat nito ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga
mananakop. Patuloy pa ring ginagamit ng mga propagandista ng makabagong panahon
ang pagsulat dahil sa angking kabisaan nitong magpakilos ng tao.

Sanggunian :
• Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp.
Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.Mandaluyong City: Books
Atbp. Publishing Corp.
• San Juan, Gloria P., et al.(2015).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.
Malabon City :Grandwater Publishing.
Module 4.1
Pananaliksik at Pagsulat
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1. Natutukoy ang kaalaman sa ugnayan sa akademikong
Filipino ng pananaliksik at pagsulat.
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik at pagsulat
bilang ugnayan sa akademikong Filipino.
3. Nakabubuo ng konsepto ng pag-aral para sa isang
pananaliksik o konseptong papel.

Ugnayan ng Pananaliksik at Pagsulat


Panimula

Ang pagsulat ay proseso ng pagsasatitik ng mga ideya, karanasan, opinyon,


argumento, pamamaraan at lahat ng naiisip o nararamdaman. Ito ay isang mahalagang
kasanayan sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa lipunan. Bahagi ng pang-araw- araw na
buhay ng tao ang pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng pakikipag-usap gamit ang berbal
na komunikasyon sa anyong pasulat. At malaki ring bahagi ng mga tuklas na dunong at
kaalaman ang pagsulat.

Ang pananaliksik ay instrumento upang ang mga bagong tuklas na karunungan


gayundin ang mga pang-akademikong pagpapahayag ay mailathala o mabuo. Ang mga
sulating ito ay itinuturing na intelektwal dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paaralan. Dahil sa layunin nito na maipakita
ang resulta ng isang pagsisiyasat o pag-iimbestiga, isa sa pinakamahalagang maisulat rito
ay ang mga talang sumusuporta sa mga ideyang nangangatwiran gaya ng sa isang
eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.

Sa modyul na ito, sasagutin natin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang papel ng pagsulat at pananaliksik sa akademikong Filipino?
2. Ano ang napapanahong konsepto o isyung panlipunan ang maaring gamiting
lunsaran para sa isang akademikong pagsulat?

Pagpapalakas ng Gawaing Pananaliksik


Bakit nga ba isa sa mga kahingian sa halos lahat ng kurso sa kolehiyo ay ang
pagsusumite ng pamanahong papel mula sa isang pag-aaral o pananaliksik? Kundi man
gamit an gang wikang Ingles, ito ay kahingiang maisulat sa Filipino. May taglay na
obhektibong pananaw at kasanayan sa paggamit ng mga wastong salita, bantas, at mga
tuntuning pangwika.

Ang pagkilala sa Filipino bilang isang disiplina ay hindi lamang usapin ng paggamit
nito bilang medium ng pagtuturo. Nangangahulugan ito ang pagturing sa Filipino na
mahalagang batis ng talino. Kaya, ang layong intelektwalisasyon ay gawaing institusyunal
at hindi lamang sa instraksyon kundi aabot pa sa gawaing pananaliksik.

.
Binanggit ni Almario (2016), na sa Kontekstong Filipino ang saliksik ay katutubo at
sinaunang salita mula sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar. Nangangahulugan ito na
hanapin sa lahat ng sulok.

Mahalaga ang maingat na pagproseso ng impormasyon kapag isinasagawa ang


paghahanap sa lahat ng sulok ng batis ng talino. Ang paghahanap na ito ay
maisasakatuparan lamang tangi ng mga Pilipino gamit ang kanilang sariling wika.
Mahalaga ang gampanin ng paaralan dito. Magsisimula ang pagpapakalat ng kultura ng
pananaliksik mula sa kapaligiran tungong paaralan hanggang sa muling pagbalik sa
kapaligiran.

Ang pananaliksik sa akademya ay kayamanang bubuuin, nahulma at dadalhin hindi


lamang ng mga mag-aaral kundi ng buong nasyon. Mula sa masikap na paggalugad, nahasa
rin ang pagtuklas sa intelektuwalisadong gamit ng wika na magiging kasangkapan sa pag-
ungkat ng dunong pangakademya.
NAGSASALIKSIK

ELEMENTARYA NAGSASALIKSIK

SEKONDARYA NAGSASALIKSIK
( JHS at SHS )
TERSARYA

Kailangang patuloy na linangin ang edukasyon sa Filipino sa pamamagitan ng


pananaliksik tungkol sa Pantayong Pananaw.

Ang konsepto ng Pantayong Pananaw ay mula sa panghalip na tayo at perspektiba


na magpakilala ng mula sa Pilipino at para sa Pilipino o maka-Filipino at maka-Pilipinong
pamumuhay (kinuha noong 2012, Pebrero ,15 sa
http://kyotoreview.cseas.kyotou.ac.jp/issue/issue2/article_247.html ).

Ang Pantayong Pananaw ay di lamang limitado sa pagtuklas gamit ang wikang


Filipino bagkus ay maging sa paggalugad ng mga tagong yamang kultural, tradisyon at
talinong maka-Filipino. Ang mga kasanayang natatangi sa mga Pilipino, mga karunungang
tinuklas ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, gayundin sa mga mahahalagang
kontribusyon ng mga Pilipino sa sibilisasyon. Ang mga umiiral na karunungang Pilipino ay
nag-ugat sa mas malalim ngunit maliliit nay unit ng karunungang nadukal at tinipon upang
makabuo ng isang bagong konsepto at paglalahat ng pagpapatunay, sa pamamagitan ng
pagsulat, ito ay naipaalam, naipahayag at nailathala.

PANTAYONG PANANAW=TAYO
(MAKA-PILIPINO AT MAKA-FILIPINO)
Edukasyon sa Filipino

Pananaliksik sa Filipino

Pantayong Pananaw bilang lente

Sa paliwanag ni Salazar (1968), makikita ang Pantayong Pananaw batay sa pahayag sa


ibaba.

“…kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa asarili at sa isa’t isa,
iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat.
Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung
tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan,
pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan ng mga ito sa
isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code”-ibig sabihin, may isang
pangkabuuang pag-uugany at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.
Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”

Sa pagsuri ng malapit na ugnayan ng mga tao sa perspektibong Pantayo, ang gamit


na koda, sa pagkakataong ito ay nais tukuying wika sa loob ng institusyon.

Dala-dala rin ng konseptong Pantayo ni Salazar ang dapat taglaying nasyonalismo


sa pangkat ng mga tao o komunidad na magtataglay niyon. Sa saliksik na ito, ilalapat ang
Filipinisasyon sa domeyn ng edukasyon na tiyak na kikilala sa nasyonalismo at
makabayang uri ng sistema.
Katulad ng isinasaad sa artikulo XIV, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1987, ang mga
akademikong Institusyon ay naglalayong:

…ikintal ang patriotism at nasyonalismo, itaguyod ang pagmamahal sa


sangkatauhan, ang paggalang sa karapatang pantao, ang pagpapahalaga sa papel ng mga
pambansang bayani sa makasaysayang pag-unlad ng bansa, ituro angmga karapatan at
pananagutan ng mamamayan, patatagin ang etikal at espiritwal na nga pagpapahalaga,
hubugin ang katangiang moral at personal na disiplina, hikayatin ang kritikal at
malikhaing pag-iisip, palawakin ang siyentipiko at teknikal na kaalaman, at isulong ang
bokasyonal na kahusayan.
Sinabi ni Diokno sa Sepeda (2012), ang reyalidad ng sistema ng edukasyon sa
kasalukuyan na bunga ng misedukasyon o maledukasyon ng maraming henerasyon ng
mga Pilipino ay tila hindi tumutugon sa pagsasakatuparan ng layunin ng nakasaad sa
saligang batas. Hindi ito ang uri ng edukasyon na tutulong para sanayin ang pangarap ng
isang dakilang bayan para sa mga anak sapagkat hindi ito isang edukasyon ng at para sa
mga Pilipino kundi isang uri ng kolonyal na edukasyon na maglilingkod sa mga banyaga.
Samakatwid, dapat lumaya ang sistema ng edukasyon mula sa tanikala ng kolonyalismo
para umunlad ang sambayanan.

Iminungkahi ni Sepeda (2012) sa papel na Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa


Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya ang ilang katangiang dapat taglayin ang
isang makabayang uri ng sistema ng edukasyon.Sinabi niyang dapat may pagkiling sa
paggamitng sariling wika bilang pangunahing wika sa talakayan at pagkatuto. Ang
paggamit ng wikang Filipino sa akademya at pananaliksik ay isang pagpapatuloy ng mga
pagsisikap ng ilang mga Pilipinong dalubhasa na palayain ang sariling wika sa kolonyal ng
nakaraan at kasalukuyan.

Dagdag pa ni De Mesa sa nabanggit na papel (2012), na sa pamamagitan ng sariling


wika, nakagagamit ng isang paraan ng pagkakaintindihan na kinalakihan at kinalalahukan
ng lahat. At sa paraang ito naiiiwasan ang maraming pagkalayo ng mga pananaw at
damdamin sa mga kapwa Pilipinong pinaglilingkuran sa larang ng pag-unawa at
pananampalataya kaya ang wika ay maaaring ituring na tahanan ng pagkatao.

Dagdag pa rito, isa sa katunayan ng pagpapalakas ng pananaliksik gamit ang Filpino


ay sa Unibersidad ng Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni Dr. José V. Abueva bilang
Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (1987-1993). Isinulong niya ang paggamit sa Filipino
sa pananaliksik at pagtuturo upang lumakas ang diwang makabayan sa unibersidad. Sa
kaniyang termino, nabuo at ipinatupad ang Patakarang Pangwika, itinatag ang Sentro ng
Wikang Filipino, at nakapaglunsad ng maraming programa sa pagtataguyod ng wikang
pambansa.

Sa sumusunod na mga pahina ay mababasa angilang bahagi ng panayam kay


Dr. Abueva bilang pagkilala sa kaniyang mahalagang ambag sa pagpapalaganap,
pagtataguyod, at pagpapayaman sa Filipino bilang wika ng saliksik at pagtuturo sa
Unibersidad ng Pilipinas. Ang panayam ay isinagawa ni Jayson Patras sa panahon ng
paggawad ng Natatnging Mohon ng Wikang Filipino sa Gawad SWF.

PANGUNAHING REPORMA KO ANG PAGTATAGUYOD NG FILIPINO: PANAYAM KAY


DR. JOSE V.
ABUEVA
ni Jayson D. Petras
Jayson Petras: isa po sa mga bagay na kilala sa administrasyon ninyo ay ang inyong
pagsusulong ng wikang Filipino sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik. bakit ito ang
naging isa sa mga priyoridad ninyo?

Jose V. Abueva: Sapagkat naniniwala akong magkaroon tayo ng malakas na wikang


pambansang talagang matutuhan ng nakararaming Filipino. Masama at masakit sa atin na
karamihan ng mga edukadong Filipino ay nagsasalita sa Ingles lamang. Hindi naman natin
katutubong wika iyon. Kolonyal na wika natin iyon. Napansin kong kahit ako, ang aking
pagsasalita at pagsusulat sa Ingles ay mas mabuti kaysa Filipino. Parang pagsisisi ko rin
iyon sa sarili ko, na bakit ito nangyari sa akin, bakit mas magaling pa ako sa Ingles at ito
ang naging tunay kong wika kaysa Bisaya na aking katutubong wika at saka sa Tagalog lalo
na noong naging presidente ako. Sa loob ng maraming taon, nasa Tokyo ako. Pagbalik ko
dito, nahirapan ako sa Filipino. Nasa isip ko, ito ang nakalagay sa ating Saligang Batas pero
hindi ko alam. Sa tagal ko nang nanirahan sa Metro Manila, hindi ko alam. Parang
projection ito sa aking inadequacy. Parang sense of guilt. Bakit nangyari ito sa akin? Hindi
ko naman sinabi iyon sa ibang tao. At saka, ang Filipino, tila inferior sa Ingles sa
Unibersidad. Sabi ko dapat iangat naman natin ang Filipino kapantay sa Ingles sa
undergraduate. Kahit sa undergraduate lang. Isa pang punto na na-encourage ako na may
ilang departamento sa UP katulad ng Psychology, Kasaysayan at Antropolohiya na
nangunguna sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo. Dapat mabigyan natin ng suporta ito.
Sila talaga ang nangunguna at sila ang nagbibigay ng lakas sa pagsusulong sa wikang
Filipino. Iyon ang inisip ko. At saka, at least 10 years ako sa Japan, dalawang taon ako sa
Nepal, isang taon ako sa Thailand at sa pagbiyahe ko dito sa Asya, sa lahat ng bansa,
mayroong sariling wika at itong wika ay ginagamit ng lahat ng mamamayan at lahat ng
mga lider. Official language sa gobyerno nila. Official language sa legislature nila. Pagbalik
ko dito, masyadong kolonyal pa rin tayo. Sabagay, hindi naman ako nagsisisi na natutuhan
ang Ingles kasi naging global lingua franca ito, advantage din natin iyon. Gayumpaman,
hindi tama itong nangyari sa larangan ng wika. Baguhin natin.

JP: may mga natanggap po ba kayong puna mula sa academic community tungkol sa
pagsusulong ninyo ng wikang Filipino sa panahong iyon?

JVA: Binanggit ko iyan noong aking investiture at doon ang pinakamalakas na palakpakan
na natanggap ko. Maraming mga bisita, hindi taga-UP at pati sila pumalakpak. So, I felt
confirmed na tama itong ginagawa ko. Hindi lang ako ha? At saka nagagalak at nai-impress
ako na ang mga estudyante natin ang gagaling nilang magsalita sa Filipino. Napansin ko
lang sa anti-Marcos movement, isinusulong nila ang Filipino. Ang mga komunista at
rebelde, ginagamit nila ang wikang pambansa at napansin ko na mabisa ang resistance at
rebellion nila dahil ginagamit nila ang wika ng karamihan. So, ito ang mga dahilan. I drew
inspiration sa mga nakikita kong nangunguna sa paggamit ng wikang Filipino. In a way,
hindi ako leader, I’m just a follower. Alam ko naman, dahil sa posisyon ko bilang president,
kahit hindi ako nakakapagsalita nang mabuti, malakas din ang posisyon ko, symbolically.
Kaya sinabi ko, kung may dalawa o tatlong reporma lang akong gagawin dito, ito ang isa sa
kanila. I was learning all around me and from my travels. Biro mo sa lehislatura ng
Malaysia, Indonesia, Bahasa ang ginagamit. At sa Japan, hindi sila nagsasalita ng Ingles. Sa
Tsina, of course not.
Lahat ng bayang napuntahan ko. At saka dahil sa prestige ng UP education, sabi ko,
gamitin natin ito.
Pero marami akong naging kalaban, lalo na sa Congress: ang mga Bisaya na legislators,
congressmen. Mayroong nagpunta sa akin sa UP, sinabi na puntahan mo iyong mga
congressmen doon, galit sa iyo dahil sa ginawa mong pagsulong sa Filipino. I had to go to
the Congress. Inisa-isa ko sila. Sabi ko, huwag tayong magagalit. Ito ay aksidente ng
kasaysayan. Kung ang Cebu ang naging kapital ng ating bansa, Sebwano din ang magiging
wikang pambansa. Kung dito nagsimula ang rebolusyon kontra sa mga Kastila, Bisaya din
ang wika. Historical accident ito. Naniniwala talaga ako na kailangan nating isulong ang
ating wikang pambansa. Ang ating palisi sa wika ay may dalawang bahagi. Ang una, ang
pagsusulong sa Filipino bilang wikang pambansa. Ang ikalawa, ang promotion sa regional
languages. Pero hindi magagawa iyan ng UP Diliman. Ang regional campuses lang. May
binuo na Kadugong Bisaya. Kami rin nangunguna doon sa pagsulong ng Sebwano/Bisaya
sa Visayas at Mindanao. Ginawa ko na rin ang ikalawang bahagi ng aking kampanya
tungkol sa paggamit ng sariling wika. Sa Cebu, sa Iloilo. Sa Baguio, Ilokano naman. Noong
naging member ako ng President’s Task Force on Education sa panahon ni Gloria, doon ko
isinulong ang paggamit ng mother-tongue language sa elementarya. Naaprobahan ito ng
task force at ngayon mayroon nang mother language education so itinuloy ko rin ang
aking kampanya sa pagsulong ng ating mga wika.

JP: sa pagtataguyod po ninyo ng wikang Filipino at maging ng mga rehiyonal na wika, saan
naman natin ilulugar ang wikang ingles?

JVA: Kailangang-kailangan natin ang Ingles kahit sa araw-araw nating buhay, sa gobyerno,
sa unibersidad, sa international meetings/exchanges, sa publications. Nakalamang na nga
tayo dahil alam na natin ang Ingles. So, huwag nating itapon ito. Malaking bentahe sa atin.

JP: may mga kurso naman sa UP ngayon na sabi ng mga estudyante ko, ang mga guro ay
nagtuturo sa Filipino. Pero iyong publications ay hindi naisusulong sa wikang Filipino. Ano
pong masasabi ninyo sa nangyayari na nagtuturo naman po sila sa Filipino pero sa
research, kulang pa rin doon sa discipline na iba katulad po sa sciences, sa engineering?

JVA: Siguro ang pagtuturo sa iba’t ibang disiplina, bilingual din. At least English at Filipino.
Kasi iyong mga architect at inhenyero, may mga trabahador sila na di naman marunong
mag-Ingles so mabuti din na magagamit nila ang equivalent sa Tagalog. Mas mabisa ang
supervision/direction nila. At saka kapag multilingual ka mas mabuti talaga. Kapag nag-
Ingles ka lang palagi, mayroong mga taong hindi ka tanggap. Akala nila nagmamalaki ka.
Isang konsepto na dapat tanggapin din natin ang demokrasya at equality. Ang equality,
democracy at effective communication, ito ay na-promote dahil sa paggamit ng iba’t ibang
wika. Kasi karamihan naman, hindi naman talaga nag-iIngles. Multicultural society tayo.
Multilingual society. Isipin natin palagi iyan saan man tayo nagtatrabaho.

JP: sa paglaganap ng teknolohiya, saan po natin mailulugar ang wikang Filipino at ang
regional languages sa Pilipinas? mayroon pa bang space sa sarili nating wika, o talagang
pag sinabi mo na internet at globalization ay english na lang?

JVA: Talagang kapag naniniwala ka na dapat gamitin ang social media sa pagpapalaganap
ng regional languages, gamitin mo. Ginagamit na natin sa musika. Madalas akong
magaccess ng Visayan songs sa Internet. Ang dami-dami. Naroon lahat ng popular singers.
At saka makikita mong umawit sina Pilita Corales. Naroon lahat sa internet.
JP: saan ninyo po nakikita patungo ang ating wika? May mga nakikita pa ba kayong hamon
para sa wikang Filipino na dapat gawin para mapalaganap?

JVA: Para sa akin, kulang pa ang Filipino sa pagtanggap ng mga konsepto na nanggagaling
sa iba’t ibang wika. Sinasabi ko palagi, ang Ingles naging napakabisang lingua franca dahil
open sila. Tanggap lang nang tanggap. Dapat matuto tayo kung paanong ang Ingles naging
popular sa buong mundo. So, dapat ganoon din ang Filipino, bukas at tumatanggap.
Kusang gagawin iyan. Dapat deliberate ang paggamit at paghiram sa iba’t ibang wikang
Filipino.

JP: Ang isang organisasyon po, Filipinas institute of translation ay mayroong ginagawang
annual na seminar para sa layuning magdagdag ng word na mga komun at inadap na ng
mga tao, idinadagdag sa corpus ng Filipino.

JVA: Oo. Ganyan ang direksiyon na gusto kong makita. Ang wika naman talaga, mayroong
wikang pansalita, wikang pansulat, pampublikasyon/pang-professional journal. Pero ang
ordinaryong wika na ginagamit sa pagsasalita, dapat conscious ang borrowing at
adaptation sa ibang wika. Igalang din natin ang iba’t ibang wika. Makikita nila na nariyan
at tanggap na sa Filipino ang iba’t ibang wika. Mas lalo nilang tatanggapin ang Filipino.
Sasabihin nila na marami na ring Bisaya sa Filipino. So English ang pinakamodel ko para
sa pagpalaganap at sa Filipino—borrowing and adaptation.

JP: Paano po natin gagawin itong borrowing at adaptation?

JVA: Importante ang leaders natin at media. Importante ang leader for example si PNoy
mahilig siya mag-Filipino, at kusa niyang ginagamit ang wika. Iyan ang projection niyan.
Iyon ang gusto kong mangyari sa pagpapalaganap ng Filipino—borrowing/adaptation at
simplification. At kahit words na foreign. Sa Bisaya, mahilig tayo mag-Espanyol. Example,
ang siyudad, city. Hindi lang iba’t ibang wikang Filipino, pati foreign din. Sa pagbibilang,
uno, dos, tres. Gamitin na natin iyon sa Filipino. Huwag na tayong maging purist sa
Filipino. Maging bukas tayo. Total, we can differentiate between literary Filipino at
spoken Filipino. Puwede tayong maging purist sa pagsulat pero kahit doon dapat
maipasok na rin natin ang mga iyon. Ang Ingles, every year nagdadagdag; ganoon dapat.
Kung ang wika sa sentro may gawing ganoon at magbilang din sila ng mga word na
tanggap na at ginagamit na, magiging katanggap-tanggap ang Filipino. Dapat deliberate.
Pati English words, sa spoken Filipino maidagdag din.
Konklusyon
Mula sa panayam sa itaas, napatunayan na hindi imposible ang pagdukal ng
karunungan gamit ang sariling wika. Ang pagsulong sa intelektuwalisasyon ng Filipino ay
higit na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ang paraan upang gaya ng iba pang bansa lalo na
sa Asya ang pagpapaunlad gamit ang sariling wika. Ang mentalidad na maka-Kanluranin
lalo na sa paggamit ng wika ay masusugpo kung mula sa mga mababang edukasyon pa
lamang ay maikikintal na ang paggamit ng wika sa mga gawaing pang akademya gaya ng
pagsulat.

Sa pormal na pagsulat, gaya ng mga pananaliksik naiiwasan ang mga kolokyal na


salita at mga ekspresyon, nahahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa
poagpili ng mga salita. Ang sariling istilo sa pagsulat ay nakikilala at natutuklasan rin. Ang
pananagutan, paninindigan at pagpapaliwanag na may kaakibat na mga ebidensya ay
mahalagang taglayin sa buhay, at ang mga ito ay di hamak na hasang hasa sa pagsulat.

Lubos ring nakapagpapahayag nang mas malinaw at buong husay kung ang gamit
ay sariling wika. Ang pag-unawa sa mga pag-aaral sa sariling wika ay magdudulot rin ng
natatanging kahulugan at awtentikong pagpapakahulugan bunga ng pag-unawang maka-
Pilipino.

Ang pagsulat at pananaliksik sa akademya ay daan sa pag-aambag ng higit na


malayang karunungan. Ang kontribusyon nito sa edukasyon at sa pagdadagdag ng
serbisyong makakapagpagaan ng buhay ng mga tao, higit sa mga Pilipino, ay inanak ng
matimyas na paggamit ng sariling wika sa mga pag-aaral na sinimulan sa mga paaralan at
iaalay para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.

Tandaan na hindi limitado sa Tagalog ang wikang gamit sa pananaliksik. Alinman


sa mga wikang umiiral sa Pilipinas ay maaring maging kasangkapan sa pagbuo ng pag-
aaral. May kanyakanyang taglay na bias ang mga wika sa pagpaparating ng resulta ng
pagsisiyasat. Ang mga ideya kung malinaw na naisulat, ang intensyon nito ay agad
makukuha.

Sagutin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, subuking bigyan ng sariling kasagutan ang


sumusunod:

1. Ano ang papel ng pagsulat at pananaliksik sa akademikong Filipino?

Ang pagsulat at pananaliksik ay instrumento sa pagpapaunlad sa akademya sa


larangan ng paggamit ng wikang Filipino, kulturang Pilipino, edukasyong maka-
Pilipino. Sa pagsasanib ng pagsulat at pananaliksik gamit ang Filipino, nagbunga ito
sa proseso ng intelektuwalisasyon ng wika.

2. Ano ang napapanahong konsepto o isyung panlipunan ang maaring gamiting


lunsaran para sa isang akademikong pagsulat?

Sa akademikong pag sulat na maaring sa anyo ng kritikal na sanaysay, lab report,


eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o
disertasyon, unahing buuin ang layunin nito. Sa kabuuan, ang pangunahing layunin
ay makatuklas ng konseptong pakapagpapagaan sa buhay ng tao o magbibigay
solusyon sa isang suliranin. Sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan, maraming
maaaring gamiting ugat ng pag-aaral, gaya ng isyu sa kaligtasan, sa kabataan, sa
teknolohiya at iba pa.

Sanggunian :
• Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
• Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino.Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
• San Juan, Gloria P., et al.(2015).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Malabon City :Grandwater Publishing.
• Panayam kay Dr. Abueva, nailathala sa Daluyan.

Module 3
Pagbasa at Pagsusuri ng mga Kritikal na
Pagaaral sa Displinang Filipino
(Ikalawang Bahagi)
Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang
1. Naiisa-isa ang paraan nang mahusay na pagbasa at
pagsusuri ng mga kritikal na pag-aaral sa disiplinang
Filipino.
2. Nabibigyang-halaga ang mga kritikal na pag-aaral sa
displinang Filipino sa tulong ng pagbabasa at pagsusuri.
3. Nakasusulat ng pagsusuring kritikal at analitikal mula
sa tekstong napili na nakaayon sa wastong balarila.

PAGSULAT NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON


Ang mga ito ay isinusulat at inilalahad din ng pasalita para sa
layunin ng pagpapakalat (dissemination). Sa antas-tersarya, malaki ang
pangangailangan ng knowledge production kaya hinihikayat na
maisakatuparan ang pananaliksik saka pagbuo ng akademikong papel. May
mabuting ambag ito sa pagpapabuti ng estado ng Unibersidad o anumang
institusyong bukas at sumasabay sa pagbabago at handa sa integrasyon
at/o multidisiplinaryong pagtataguyod ng pagkatuto.

Itinala nina Calderon (1993) ang ilan sa mga layunin ng pananaliksik:


Makatuklas ng mga bagong kaalaman mula sa mga nauna nang tuklas o
kaalaman; Upang matugunan ang mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na pamamaraan at mga impormasyon;
Mapahusay ang mga umiiral na teknik at malinang ang mga bagong
instrument o produkto; Matuklasan ang mga hindi pa nakikilalang
substansiya at mga element; Makagawa ng mga batayan sa pagpapasya sa
daigdig ng kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang sektor
ng lipunan; Matugunan ang kuryosidad o pag-aagam-agam sa panig ng
mananaliksik; at Mapalawak at matiyak ang mga umiiral nang kaalaman.

PAPEL SA PAGSUSURI

Sabi ni Cruz (2003), ang pagkikritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid


sa kalye sa Maynila.

Pinatutunayan nito ang gawaing panunuri sa bansa ay pagtitiyak


ng interpretasyon batay sa sariling karanasan at kaalaman. Napakaraming
sikolohiya ang maaaring ilapat katulad ng maraming sasakyang maaaring
sampahan at kabanggain ng manunuri habang tumatawid sa daan.

Sa layong maitampok ang anumang anyo ng teksto (panitikan,


isyu, kalakaran at mismong tao, isinasagawa ang pagsusuri- pag-alam,
pagtantya, pagkilatis, pagtimbang, pagbusisi, pagsipat, pagpuna at kritika.
Maaaring ito ay political at pampanitikan kung nakaugnay sa larang-
akademiko.

Maaring gawing sanggunian ang mga sumusunod na tanong sa


panunuri.

• Ano ang sinasabi ng teksto?


• Paano ito sinabi/ sinasabi?
• Kailan ito nabuo?
• Sino ang bumuo?
• Para kanino ito?

Binabasa ang teksto batay sa paraang tekstuwal, kontekstuwal


at
pagbasa sa subteksto at intertekstuwal.

Ang pagsusuri ay tekstuwal kung ang tuon ay nilalaman at


elementong
bumubuo rito. Walang puwang ang intensyon ng awtor at ang paghahari ng
damdamin sa teksto.

Kontekstuwal ang pagsusuri kung ang binibigyang diin ay ang


kondisyong (lipunan at kasaysayan) namamayani sa teksto. Samantala,
binabasa ang sub-text kapag nakatuon sa mga detalyeng hindi hayagang
sinasabi ng teksto.

Ang pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto ay


tinatawag na
pagsusuring intertekstuwal.

Hindi lahat ng impormasyon ay maaaring maging batis sa pananaliksik.


Napakahalagang suriin muna kung ano-ano ang mga kakailanganing
impormasyon upang mapunta s atamang batis. Sa pagkakataong nakabuo o
nakapagpasya na ng isasagawang pananaliksik, tiyaking ang hahanaping
batis ay totoong magiging kagamit-gamit. Makatutulong na laging tunghayan
ang iyong paksa (suliranin) at mga tiyak na suliranin na ninanais tugunin sa
gagawing pananaliksik.
Sa sandaling matiyak ang mga ninanais na mahanap, gamitin ang
sumusunod sa pamamaraan upang maging kapaki-pakinabang sa
pagsasagawa ng saliksik-papel.

Magtala. Kinakailangang magtala ng mga impormasyon lalo’t ito’y may


malaking kaugnayan sa iyong sinasaliksik. Ang kasanayang ito ay
kinakailangan upang hindi madaling makalimot at may agarang mabubuklat
na makatutulong sa pagpapabilis ng paghanap ng impormasyon. Kalakip sa
mga itatala ang mga impormasyong maaaring batay sa obserbasyon sa
paligid, narinig o nabasa na makatutulong upang masagot ang mga
katanungang hinahangad na matugunan. Mula sa simpleng pagsusulat ng
mga tala, habang tumatagal ay may nahahasa ang kasanayan upang maging
organisado at mas makabuluhan ang mga impormasyong mailalahad sa
gagawing saliksik-papel.

Wastong gamit ng Internet. Nagiging madali ang pananaliksik kapag tama at


wasto ang paggamit ng internet. Hindi lamang basta maggu-google ang isang
tunay na mananaliksik. Tinitiyak nito na ang kaniyang nakuhang
impormasyon ay lehitimo at makatotohanan. Nagkalat na ang mga
fakenews sa kasalukuyan na maaaring magpasira sa isang saliksik-papel
kung ito ang mailalagay na mga impormasyon . Kinakailangang maging
masinop at mapagsuri upang matiyak na ang mga nakukuhang
impormasyon ay tama. Makatutulong nang malaki kung titiyakin na ang
nakuhang impormasyon ay firsthand ay may pagpapatotoo ang sumulat.
Alamin ang orihinal na source upang matiyak ang kawastuhan nito. Suriin
din ang katauhan ng sumulat at kung maaari ay ipagtanong-tanong sa ilang
mga eksperto sa paksang iyong itinala at kompirmahin angmga datos na
iyong nakuha.

Magdebrief. Sa mga natagpuang batis ng impormasyon, kinakailangang


magkaroon ng diskusyon ang mga mananaliksik sang-ayon sa tindi ng
pangangailangan ng mga nakuhang datos. Maaaring lagyan ng bilang o
isaayos sa pagkakasunod-sunod batay sa nakikitang magiging silbi ng mga
ito, samantalang ang mga nakalap na hindi masyadong kakailanganin ay
maaari munang pagsamantalang itago upang hindi makagulo sa
pagpoproseso ng pananaliksik.

Kumonek. Sa pagpili ng batis ng impormasyon, napakahalagang ito ay


may koneksiyon. Kung ito ay walang koneksiyon sa isinasagawang
pananaliksik, maaari nang isantabi nang tuluyan upang hindi na makagulo
pa, ngunit huwag itong itatapon dahil maaaring magamit ito sa hinaharap
lalo’t kung nakahiligan na ang pananaliksik.

Pagrebyu ng mga batis ng impormasyon. Dapat lagyan ng marka kung


ang impormasyong nakalap ay primary o sekondaryang impormasyon.
Gayondin, dapat na maging maingat sa mga impormasyong hango sa
elektroniko.
Isaalang-alang ang sumusunod na katanungan upang mabatid na ito ay
primaryang impormasyon. Siya o sila ba ang orihinal na nagsabi ay may
awtoridad sa larang na iyon; ito ba ay grupo o asosasyon, union, fraternity,
grupo ng minorya, sambahan, simbahan o gobyerno; ito ba ay kinagawiang
tradisyon ng relihiyon, sistemang legal o ekonomik; o kaya nama’y mga
pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan
treaty o kontrata, katitikan sa korte, sulat, journal o kaya nama’y dayari.

Kinokonsedera namang sekondaryang batis ng impormasyon ang


sumusunod: aklat, diksyunaryo, ensayklopidya, taunang ulat o yearbook,
almanac at atlas, gayondin ang mga nalathalang artikulo sa journal,
magazine, pahayagan at newsletter, kasama rin dito ang mga tisis,
disertasyon, at ang pag-aaral ng fisibiliti, nalathala man ang mga ito o hindi;
panghuli ay ang mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pang
kauri nito.

Pinakamalawak na batis ng impormasyon ang internet. Kinakailangang


maging maingat sa mga datos-elektroniko kung kaya’t dapat na: suriin kung
anong uri ng website ang tinitingnan; sino ang may-akda; ano ang layunin ng
paglalathala; paano nila inilahad ang impormasyon; subukin ang pagiging
makatotohanan ng teksto; at tingnan kung napapanahon ba ang
impormasyong ibinigay.

Narito ang ilang bahagi ng mga halimbawang panunuri na


naglakip ng
mga nabanggit na paraan ng pagsusuri. Tunghayan ang Kakambalan ng
Dalawang Nobela (Bosque, 2010).

Sa Biyolohiya, penomenang maaaring maganap sa isang babae


tuwing
siya ay nagbubuntis. Mula sa isang itlog na napasukan ng semilya ay
maghahati-hati ito sa ilang bahagi upang maging isang ganap na organism,
ngunit may mga pagkakataon na ang isang embriyo ay nahahati sa dalawa
at nakabubuo pa ng isa pang organism- hanggang sa mabuo ang kambal.
May kinikilalangdalawang uri ng kambal: identical at fraternal.
Ang
identical na kambal ay magkamukha sa pisyolihikal na aspekto. Sa kabilang
banda, ang fraternal na kambal ay maaaring babae-lalaking kambal, o
kapuwa ng kasarian ngunit magkaiba ng hitsura.

Mula sa mga pag-aaral hinggil sa mga paksang tumatalakay sa


pagbasa
ng Noli Me Tanngere at El Fibibusterismo, sikapin nating alamin kung ang
dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal ay kambal.
Kapuwa isinilang ang dalawang nobela noong panahon ng
pananakop
ng mga Kastila at pagbalikwas ng mga Pilipino (1886 at 1891) sa mga
mananakop.

Kung tatanungin ang pagpapangalan ng kambal, may pagbasa


ring
ganito. Maaaring maiugnay ang Noli Me Tangere sa kuwadrong ipininta ni
Lavinia Fontana (1581). Hindi maitatangging maaaring nagging sandigan
ito ni Rizal sa pagbuo niya ng nobela dahil (1)malawak si Rizal sa
Humaniidades ng daigdig at (2) malaki ang impluwesya ni Balagtas, na
humalaw sa isang kuwadro sa pagbuo ng Florante at Laura.

May mga tagapagsalin na nagkakaroon ng bangggaan hinggil


sa wastong
salin ng El Filibusterismo sa Filipino, may mga nagsasabing ito ay dapat
isalin bilang Ang Pilibusterismo, may ilan naming nagsasabi na ito ay
marapat na isalin bilang Ang Subersibo.

Kambal man, may naunang iniluwal . Sino ang panganay?


Superyor ang Noli Me Tangere kung pagbabatayan ang historikal na
aspekto, at ang El
Filibusterismo naman batay sa pagkakasulat nito pagkat higit na
pumapaimbabaw ang pag-ibig sa bayan at kalayaan. Ngunit may isa pang
uri ng kambal, magkadikit.

Magkadikit ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, hindi makatatayo


ang isa nang wala ang isa.
PAGSUSURI SA LIMANG AKDA NI MICHAEL JUHA BATAY
SA TEORYANG QUEER AT ANTAS NG PAGTANGGAP NG
RTU-LHS TAONG PANURUAN 2015-2016 SA NABANGGIT
NA TEORYA

nina

Aliban, Jhoanna Marie D.


Eustaquio, Romilie J.
Monforte, Jarmark A.
Oracion, Elson C.
Tagay, Noel-lyn P.

Bahagi ng ika-21 siglong edukasyon ang pagkilala sa


magkakaibang
kultura ng mga mag-aaral. Ang guro bilang tagapagdaloy ng karunungan ay
inaasahang maging sensitibo sa dibersidad ng mga mag-aaral.

Layon ng pag-aaral na ito na masuri ang limang akda ni Michael


Juha sa
pamantayang Queer. Ang mga binasang pagsusuri at nakaraang mga pag-
aaral ay karamihang buhat sa ibang bayan na pinagpanganakan ng teoryang
Queer. Gayunman, isinakonteksto ang pag-aaral sa lipunang Filipino upang
maging angkop sa pangangailangang edukasyong maka-Filipino.
Ang pag-aaral ay umikot sa dalawang dimension (kuwalitatibo
at
kuwantitatibo). Sinipat ng mga mananaliksik ang mga katangian at
pakasang tinatalakay ng Queer sa mga akdang sumailalaim sa pag-aaral at
tinaya ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa RTU-LHS na
matutuhan ang mga paksang Queer. Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, apat
sa dalawampung paksa at katangian ng teoryang Queer ang hindi
tinatalakay sa alinmang akda ni Michael Juha. Ito ay ang sumusunod; cross
dressing, gender corrective surgery at sex change, isyung panlipunan gaya
ng sexual trafficking/ abuse at exploitation at pagtanggap sa wika ng
LGBTQ.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon na naunang


inilahad,
nabuo ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon.
Huwag munang talakayin ang mga paksang may kaugnayan sa cross gender
corrective surgery at sex change, isyung panlipunan gaya ng sexual
trafficking/ abuse at exploitation at pagtanggap sa wika ng LGBTQ sa loob
ng silid. Suriin ang mga panitikang tatalakayin sa silid, maging sensitibo sa
mga paksang ilallahad sa mga mag-aaral.

Inaasahang makapag-ambag ang saliksik na ito para sa


pagsusulong ng Edukasyong Multikultural na agenda ng Unesco na
kumikilala at gumagalang nagiibang kultura batay sa sekswalidad at
preperensya.

PAGSIPAT-SOSYOLOHIKAL SA MGA EPISODE NG PROGRAMANG


WORD OF THE LOURD NI LOURD ERNEST HANOPOL DE VEYRA SA
TAONG 2015

nina

Besana, Nova
Cerillano,
Rachel Ann
Menor, Mary
Grace Ombid,
Jhony
Relucio, Bena
Claire

Ang lipunan bilang sentro ng lahat ay may malaking


impluwensiya sa paraan ng pagkilos, pag-uugali at pakikisalamuha ng tao
sa kaniyang kapuwa. Sa tulong ng mass media, partikular ang telibisyon na
nagsisilbing tulay sa tao at lipunan ay naihahatid ang mga pangyayaring
nagaganap sa ginagalawan nito. Kaugnay nito, ang pag-aaral na ito ay
mahalaga dahil ang programang WOTL ni LEHDV ay isa sa mga naghahatid
ng mga isyung namamayani sa lipunan na binigyang puna ng programa
gamit ang makabagong paraan o Critique of Modern Society na
kinasangkapan ng satire.
Sinikap na sagutin/aralin ang mga sumusunod: ano-ano ang mga
suliraning panlipunan ang matutukoy sa mga episode ng programang WOTL
ni LEHDV sa taong 2015? Paano ipinakita sa mga episode ng programang
WOTL ni LEHDV ang iba’t ibang suliraning panlipunan sa taong 2015?
Paano binigyang puna ng programang WOTL ang iba’t ibang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan?

Batay sa resulta ng saliksik, ang WOTL ni LEHDV sa taong 2015


ay tunay na tumatalakay at sumasalamin sa mga suliraning panlipunan,
kasaysayan at kulturang mayroon ang bansang Pilipinas. At dahil ditto, ito
ay iminumungkahi sa mga sumusunod: Sa mga Guro, maaaring gamitin sa
pagtuturo ng panitikan sa tulong ng inilunsad na lunsarang awtput ng
pananaliksik. Sa Pamahalaan, upang maging aktibo sa pagtugon sa isyung
namamayani sa lipunan. Sa mga Magaaral/mamamayang Pilipino, upang
mapalawak pa ang pagtalakay sa mga suliraning panlipunan at maging
gabay sa isasagawang saliksik.

Sinasabing isinilang ang gawaing pananaliksik nang magsimulang


magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa mga bagay-bagay at nang
magsimulang maghanap ng mga kasagutan ang tao sa mga katanungang
gumugulo sa kanilang kaisipan. Halimbawa na lamang nang paniniwalang
ang mundo ay lapad at sa dulo ay isang napakalaking bangin na maaaring
mahulog ang tao. Nang dahil sa kuryosidad na ito ay sinikap ng tao na
magsagawa ng ekspedisyon at natuklasan nila na ang mundo ay bilog.
Sinasabi ring nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa
pananaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.

PAGSUSURI SA ANTAS NG PAGBASA NG MGA BATANG LANSANGAN SA


BRGY.
HULO LUNGSOD NG MANDALUYONG

nina

Caigoy, Pamela
Feye L.
Ching, Trixie S.
Martinez,
Eduardo L. Jr.
Singh,
Marinella S.
Villagera, Ma.
Shaira S.

Sa pag-aaral na ito, masusing pinili ng mga mananaliksik ang mga


nakalap na daytos para sa pag-aaral upang mapatunayan na ang antas ng
pagbasa ng mga batang lansangan ay maaaring bumilis kung gagamitan ng
modyul ng pag-aaral na ito.

Pinili ng mga mananaliksik na gawan ng pag-aaral ang antas ng


pagbasa ng mga batang lansangan sa pagkatuto ay umaangkop sa isyung
panlipunan at ang pangangailangan sa kalidad ng edukasyon espisipiko sa
kasanayang pagbasa. Kasabay rin nito ang pag-aaral sa antas ng pag-unawa
upang matugunan ang pangangailangan ng mga batang lansangan sa
pagharap sa edukasyon at buhay.

Inilahad ng mga mananaliksik ng kinalabasan ng isinagawang


pagsusuri sa pamamamgitan ng pagtugon sa tatlong suliranin. Una, ang
antas ng pag-unawa at bilis ng pagbasa ng mga batang lansangan bago at
matapos ang isinagawang pagtuturo. Ikalawa, ang antas ng pagbasa ng mga
batang lansangan bago at matapos ang isinagawang pagtuturo. Panghuli,
ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagbasa ng mga batang
lansangan bago at matapos ang isinagawang pagtuturo.

Bago ang isinagawang pagtuturo, hindi sapat ang kakayahan at


kasanayan ng mga batang lansangan sa pagbabasa. Napauunlad ang antas
ng pagbasa ng mga batang lansangan sa pagbabasa. Napauunlad ang antas
ng pagbasa ng mga batang lansangan sa pamamagitan ng pagtuturo gamit
ang naaayong mga material at malaki ang iuunlad sa antas ng pagbasa ng
mga batang lansangan kung mabibigyan sila ng tamang gabay sa pag-aaral.

Hinihikayat ang local na pamahalaan, DSWD at Kagawaran ng


Edukasyon na magsagawa ng profiling ng mga batang lansangan upang
matukoy ang dami ng kanilang bilang at antas ng pagbasa. Gayundin,
iminumungkahing gamitin ng mga guro/ social worker ang ginawang
modyul ng mga mananaliksik bilang material panturo sa mga batang
lansangan. Ang pamahalaang lokal ng Mandaluyong ay angkop na
maglungsad ng programang makapagbibigay ng pag-aaral sa mga batang
lansangan tulad ng alternative learning program na tutuon sa pagbasa ng
mga batang lansangan.
Likas sa tao ang pagiging mapanuri at humanap ng paraan upang
maging komportable sa kinalalagyang pamumuhay. Maging sa kasaysayan
ng Bibliya ay makikita ang kauna-unahang pagtuklas ng tao sa paghahabi ng
kasuotan (Genesis 3:7). Nang Makita nina Adan at Eba na sila’y hubad at
agad silang gumawa ng kasuotan mula sa dahon ng igos, pinagtatahi-tahi
nila ang mga tao at ginawang panakip sa katawan. Sa ngayon, malayung-
malayo na sa unang kasuotan ang pananamit ng tao. Nakagawa na ng iba’t
ibang klase ng damit depende sa pangangailangan ng tao, sa klima,
kalagayan ng lugar at maging sa kulturang kinabibilangan.

SOSYOLINGGWISTIKONG PAGSIPAT SA ALAMAT NG ROCK AND ROLL


TO THE WORLD NI RYAN REMS SARITA

nina

Caro, Jolyn F.
Gayoso, Rhea
Mae M. Tan,
Danica D.

Nakatuon ang pag-aaral na it okay Ryan Rems Sarita at sa


kaniyang dalawampu’t limang (25) pahayag na sinuri batay sa teoryang
sosyolingggwistik. Ang sosyolinggwistik ay ugnayan ng wikang ginagamit
ng tao sa lipunan. Binigyang pansin din ang pagsuri sa mga kalagayang
panlipunang lumutang sa dalawampu’t limang pahayag batay sa Millenium
Development Goals (MDGs) 2015.

Sinikap na sagutin/suriin ang mga sumusunod: ang mga


kalagayang panlipunan na matutukoy sa Alamat ng Rock and Roll to the
World ni RRS; mga paraan ng paggamit ng wika upang mapalutang ang mga
kalagayang panlipunan na nakapaloob sa kanyang mga pahayag; at mga
panlipunang salik na nakaapekto sa paggamit ng wika at pagbuo ng
pahayag ni RRS?

Batay sa pag-aaral, natuklasan na lumutang ang na kalagayang


panlipunan: kahirapan, krimen, edukasyon, kasarian at kalusugan. Sa
paglutang nito, gumamit si RRS ng mga salitang karaniwang ginagamit sa
lipunan o katutubong wika, sa pamamagitan ng pansariling karanasan,
panonood at pakikinig sa telebisyon at radio, pagbibigay kahulugan sa mga
salita ayon sa gamit nito at kaugnayan sa lipunan. Sa paggamit ng wika ni
RRS natuklasan ang mga panlipunang salik na nakaapekto sa pagbuo ng
mga pahayag, tulad ng konteksto sa paggamit ng wika, ekonomiya, kultura o
tradisyon at politika.

Mula sa resulta ng saliksik, iminumungkahing maging lunsarang


teksto ang mga pahayag ni RRS sa pagpapalutang ng mga kalagayang
panlipunan; gamitin ang mga pahayag sa pagtuturo ng wika; at gamitin ang
mga pahayag upang maipakilala ang mga kultura, tradisyon at lipunang
Pilipino.

Ayon kina Good at Scates (1972), ang layunin ng pananaliksik ay


makapaglingkod sa tao at ang tunguhin nito ay ang mabuting pamumuhay.
Batay ditto ay mapapansin na hindi tumitigil ang tao sa pananaliksik dahil
sa hangaring mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay at matugunan ang
lahat ng pangangailangan.

Sanggunian:
Mortera, Melvin O. , 2017. Tulay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City: Books Atbp Publishing Corp.

Mortera, Melvin O.,2019.Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa


Filipino.
Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
Module 002: Pagbasa at Pagsusuri ng mga
Kritikal na Pag-aaral sa Displinang Filipino
(Unang Bahagi)

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Naiisa-isa ang paraan sa pagbasa at pagsusuri ng mga
kritikal na pag-aaral sa disiplinang Filipino.
2. Nabibigyang-halaga ang mga kritikal na pag-aaral sa
displinang Filipino sa tulong ng pagbabasa at pagsusuri.
3. Nakakapagbabasa at nakapagsusuri ng isang maikling
kuwento gamit ang pinakamalalim na proseso sa
pagbabasa at pagsusuri.

PROSESO NG PAGBABASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO


Sinasabing bahagi ang pagtatanong saka pagtataka ang paghahanap ng tao
ng karunungan. Mahalagang bahagi ito ng pag-iisip.
Hamon ni Florentino Timbreza, Tagapagtaguyod ng Pilosopiyang Filipino.
Hindi kusang uunlad ang anumang pag-iisip sa sarili nito mismo. Uunlad
lamang ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng taong nag-iisip. Ang pag-unlad
ng pag-iisip ay isang prosesong intelektwal na nagaganap habang ang tao ay
nag-iisip. Kaya maggkakkaroon lamang ng pagiisip kung mayroong taong
nag-iisip; at sa pamamagitan ng taong nag-iisip ay uunlad ang pagiisipna
kanyang pinag-iisipan. Totoo rin ito sa anumang pilosopiya. Habang ang tao
ay namimilosopiya, uunlad at uunlad ang pananaw o simulain na kanyang
pinagwari-wari at pinipilosopiya.

BALIK-TANAW SA PROSESO NG PAGBABASA


Inilahad sa aklat na Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina nina
Austero et al.(2003) na ayon kay Goodman, ang pagbasa ay
saykolinggwistiks na panghuhula ng kahulugan, mensahe o kaisipan ng
tekstong binasa.
Ayon naman kina Arrogante et al. (2007), ang pagbasa ay hindi
awtomatikong nagagawa ng tao sapagkat kinakailangan ang mahusay na
pagkilala, pagkuha at pang-unawa sa mga ideya at kaisipanmula sa mga
simbolong nakalimbag, saka ito bibigyan ng interpretasyon.
Inilahad din nina Alcaraz et. al. (2005) sa kanilang aklat sa Filipino I-
Komunikasyon sa Akademikong Filipino na ang pagbasa ay pangunahing
kasangkapan sa pansariling lakbayin tungo sa paaghanap ng kaalaman at
katotohanan. Ito rin ay gamit sa paghanap ng kahulugan at kabuluhan ng
mga bagay-bagay sa paligid o maging sa paglinang ng mapanuri at
malikhaing kaisipan.
Sa aklat na Teaching Reading (2004) ni Erlinda G. Tejero, ang pagbasa ay
pagbibigay ng kahulugan sa halip na pagkuha ng kahulugan sa nasusulat na
teksto. Ito ay proseso na ang mga impormasyon mula sa teksto at ang
kaalamang taglay ng mambabasa ay nagtatagpo upang makabuo ng
kahulugan. Mula sa mga nabanggit na mga bahagi ng pagpapakahulugan ng
iba’t ibang palaaral at awtor, narito ang mabubuong sintesis.
Ang pagbasa ay aktibong proseso ng pagbibigay-kahulugan sa mga
nasusulat na simbolo/titik o teksto sa tulong ng kabatirang taglay ng
mambabasa.
Posible ang mga imposible sa pagbabasa. Tanging sa pagbabasa ang tao ay
nakakukuha ng milyong kalaamang magagamit niya sa kanyang
pamumuhay. Ang aklat kasi ay maituturing na bangko na nagpapalabas ng
milyong halaga ng impormasyon. Hindi nagsizero balance
Sa kasanayang ito, libre rin siyang (ang tao) nakapaglalakbay sa iba’t ibang
bahagi ng mundo nang hindi umaalis sa kinalalagyan. Nakikilala rin niya ang
sinumang (pumanaw na o sikat na personalidad) sa buong buhay ay hindi
pa nakakaharap. Sa pagbabasa rin naililipat sa iba’t ibang kaisipan ang mga
klasikal at walang kamatayang akdang pampanitikan.
May iba’t ibang paniniwala o teorya sa proseso ng pagbasa na inilahad sa
aklat na Teaching Reading (2004).
Sa teorya ni Gough na bottom-up, mahalagang elemento ang tekstong
binabasa. Binibigyang diin sa prosesong ito ang yugto-yugtong pag-unawa
sa titik patungong salita, salita patungong pangungusap at hanggang sa
matunton ng mambabasa ang ganap na pagunawa sa kahulugan ng buong
teksto. Kaya tinawag na bottom-up mula sa tekstong nakalahad ang pag-
unawa.
Nagsisimula naman sa nauna/nakaimbak na kaalaman ng mambabasa ang
teoryang top-down ni Goodman. Nangangahulugan ito na may dating
kabatiran na ang mambabasa bago pormal na lumusong sa pagbasa ng hindi
payugto-yugto kundi sa kabuuan ng mga nasusulat na pahayag. Ang ganap
na kaalaman sa teksto ay makakamit matapos buoin at iugnay sa pansariling
iskema ang mensaheng nais na ihatid ng manunulat.
Ang teorya ni Rumelhart na interactive/transactive ay kombinasyon ng
unang dalawang nabanggit na modelo. May bahagi ng babasahing hindi
pamilyar sa mambabasa kaya’t nagaganap ang modelong bottom-up. May
bahagi rin na pamilyar sa kanya kaya’t nabibigyang daan ang top-down.
Nagkakaroon ng ugnayan ang dalawa.
Sa bawat yugto ng paglaki at pag-unlad ng indibidwal ay may inaasahang
kaugnay ring yugto ng pagbasa.
Ang yugto ng kahandaan sa pagbasa ay makikita sa isang batang
nakatakdang ipasok sa preschool. Ang yugto ng panimulang pagbabasa ay
inaasahan sa mga mag-aaral na nasa una at ikalawang baitang sa
elementary. Sa bahaging ito, ang mga bata ay nakakikila na ng mga simbolo,
salita, parirala at pangungusap. Sa mga nasa ikatlo hanggang ikaanim na
baiting ay nakatakda naman ang yugto ng mabilis na paglaki na ang
pagbabasa ay sinasangkapan na ng pinaunlad na talasalitaan at pagkilala sa
kontekstwal na kahulugan. Ang yugto ng malawak na pagbasa ay sa mga
mag-aaral sa sekondarya at tersarya. Inaasahan na ang mga mag-aaral sa
bahaging ito ay bihasa na sa pagpapakahulugan at kritikal na pagbasa
(Tejero, 2004)

Ang pagbasa bilang estratehiya sa pagtuturo at pag-aaral ay kinabibilangan


ng mga yugtong bago magbasa, habang nagbabasa at matapos magbasa.
Bago magbasa ay inihahanda muna ang bawat mag-aaral sa pamamagitan
ng mga pangganyak na gawain at mga nakabiting katanungan bilang gabay.
Ang mga pangganyak na gawain ay malaking tulong upang maihanda at
magkaroon ng kapanabikan sa gawain ang mag-aaral. Sa ilang pagkakataon,
binibigyan ang mga mambabasa ng mga dagdag na impormasyon tungkol sa
awtor.
Habang bumabasa ay maaaring isagawa ang pagtatala at pagsagot sa isip sa
mga katanungang ibinigay sa simula.
Matapos ang pagbasa ay handa ng ibahagi ng mambabasa ang kanyang mga
nalalaman sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan o di kaya pagsusulat ng
kaugnay na teksto.
Ang pagbabasa ay maaaring uriin ayon sa layunin ng nagsasagawa nito.
Kapag ang layon ng mambabasa ay kumuha ng pangkalahatang impresyon
sa teksto gayundin ang lawak at sakop na ideya niyon, ang pagbasa ay nasa
uring pahapyaw o skimming. Ito rin ang ginagawa sa pagsasaliksik sa
internet gamit ang kompyuter. Gayundin ang senaryo sa silid-aklatan kung
ang mag-aaral ay naghahanap ng dagling kasagutan sa anumang paksa.
Malaking tulong sa pahapyaw na pagbasa sa silid-aklatan ang paggamit ng
kard catalog.
Samantala, kapag ang layon ng mambabasa ay kumalap ng
komprehensibong detalye sa sinasaliksik, ang pagbasa ay nasa uring masusi
o scanning.
Kung ang layunin naman ng mambabasa ay makapagbahagi ng
impormasyon o di kaya ay makapagbigay-aliw sa harap ng tagapakinig, ito
ay tinatawag na malakas na pagbasa. Samantala, kung ang pakay ay
maunawaang ganap ang teksto para sa pansariling kapakinabangan sa
pamamagitan ng higit na konsentrasyon, ito ay tahimik na pagbasa.

METACOGNITIVE AT COGNITIVE NA ESTRATEHIYA TUNGO


SA KRITIKAL NA PAGBASA
Ang pag-unawa sa binasa ay gawaing pangkaisipan/cognitive.
Naisasakatuparan ang kasanayang ito hindi lamang sa pagganap ng mata, at
bibig (kung malakas na pagbasa) kundi ng isip. Pangkaisipan sapagkat ang
pangunahing layunin ay makabuo ng pagpapakahulugan sa mga nasusulat
sa teksto.
Ayon kay Ehri sa akalat na Teaching Reading, upang mabigyang kahulugan
ang nasusulat na teksto, ang mambabasa ay kailangang magtaglay ng
kaalamang metacognitive. Ito, ayon sa kanya ay nagbibigay ng
pagkakataon sa mismong mambabasa na malaman ang antas ng kanyang
pang-unawa. Sa pagkakataong malaman iyon, natutulungan niya ang sarili
na malutas ang mga suliranin sa nabanggit na kasanayan.
Sa aklat na Principles of Teaching I nina Corpuz at Salandanan (2007),
binigyan ng pagpapaliwanag ang metacognitive bilang estratehiya sa
pagtuturo at pagkatuto. Ang unalaping meta- na ikinabit sa salitang ugat ay
nangangahulugang higit. Kung gayon, ang metacognitive na estratehiya ay
higit pa sa kasanayang pampag-iisip. Ito ay nagbibigaydaan sa bawat
indibidwal na alamin, tingnan at pag-aaralan ang sariling proseso ng pag-
iisip.

Halimbawa, matapos na ipabasa ng guro ang isang teksto, hinihikayat niya


ang mga mag-aaral na ihayag ang kanilang damdamin at iniisip habang
binabasa iyon. Sila ba ay nagkakaroon ng pagdududa, pagtatanong at
kapanabikan habang isinasagawa iyon? Isa pang popular na tanong ng guro
ay ganito: Ano ang masasabi ninyo sa inyong binasa? Ano-ano ang mga
naglalaro sa inyong isipan habang nagbabasa? Susundan pa ng ganito: Paano
at bakit mo nasabi ang ganoon?
Mabisang estratehiya ang pagtatanong sa o ng mambabasa sakanyang sarili
upang masubok ang metacognition at ganap niyang maisagawa ang kritikal
na pagbabasa.
Ang kritikal na pagbasa ay kinabibilangan ng mas matataas na antas ng
pag-iisip (Higher Order Thinking-pagsusuri, pagmamarka/pagbibigay puna
at pagbuo).
Pinagbababatayan dito ang binanggit ni Anderson na mga antas
sapangkaisipang domeyn. Ayon sa pagkaksunod, ito ay kinapapalooban ng
pag-aalala, pag-unawa, paglalapat, pagsusuri, pagmamarka/pagbibigay –
puna at pagbuo).
Ang unang nabanggit na tatlo ay nasa mababang antas ng pag-iisip.
Karaniwan, ang mga ito ay pagtugon sa mga tanong na sino, ano, kalian at
saan. Gayundin ang mga gawaing pagbibigay-kahulugan ng mga salita,
paglalarawan, pagbubuod at pagsasabuhay/aplikasyon ng mga nilalaman.

Narito ang mga pagpapaliwanag sa mas mataas na antas ng pag-iisip.

Antas-pagsusuri. Tinutukoy sa o ng mambabasa ang sanhi at bunga ng mga


pangyayari, motibo ng mga pagkilos, konklusyon at paglalahat at mga
patunay/ebidensya para pagtibayin ang mga pangyayari o sitwasyon.
Halimbawa: paghahambing ng mga ideya (iskema ng mambabbasa at
pananaw ng manunulat), pagtukoy sa sanhi at bunga,
pagpapaliwanag sa motibo ng mga aksyon.

Antas-pagmamarka/pagbibigay-puna. Sa natas na ito, hinihikayat ang


mambabasa na magbigay ng pangkalahatang puna at reaksyon sa mga
mahahalagang detalye sa teksto.
Halimbawa: pagbibigay-puna sa pagkakabuo at pagkakalahad ng mga
detalye, sa mga tauhang gumanap at sa mga pangyayari.
Antas-pagbuo. Isinasagawa ng mambabasa ang pagbuo ng bagong sariling
kaisipan o ideya mula sa binasa. Dagdag pa, ang paglikha ng awtentikong
patunay ng pagkaunawa sa teksto.
Halimbawa: pagbuo ng salaysay, pagbibigay ng mungkahing
solusyon, paglalahad ng suhestyon sa pag-unlad ng nilalamang paksa.

ANG TEKSTO AT ANG KONTEKSTO NG WIKANG GAMIT SA


BABASAHIN
Nararapat na alamin ng mga kasangkot sa diskurso ang tinatawag na teksto
at konteksto para sa pag-unawa ng wikang gamit sa babasahin.
Ang teksto ay ang wika o ideyang itinatawid o pinagpapalitan sa diskurso
samantalang ang kahulugang (berbal o di- berbal) kargado ng mga iyon ay
ang tinatawag na konteksto.
Inilahad nina Paz et al. (2003), isaalang-alang din ang lugar, mga bagay sa
paligid, kultura at konseptong pansarili ng mga taong kasangkot (pisikal na
konteksto), ang mga salitang ginamit sa pangungusap (linggwistik na
monteksto) at ang ugnayan ng nagsulat at nagbasa (sosyal na konteksto).
Halimbawa:
Sa diskurso ng mga magkakaibigan…

Panatiko 1: Mas mahusay ang kandidatong iboboto ko sa eleksyon.


Panatiko 2: Paano masasabing mahusay ang kandidato mo
samantalang hindi naman makaabante sa mga survey? Mabuti pa ang
ihahalal kong kandidato, sikat na sikat!
Panatiko 1: Sikat nga at hawak nga ang mga unang puwesto sa survey
pero wala naming napatunayan sa paglilingkod sa mga
pampublikong tanggapan.
Tagapamagitan: O teka, mga p’re, tama na iyan, umiinit na ang
usapan gayong malamig pa ang yelo sa ating iniinom.

Maisasaalang-alang ang pisikal na konteksto ng nag-uusap sa konseptong


pansarili. May pagkakahati ng paniniwala ngunit tiniyak na binigyan ng
pagkakataong magbahagi ang bawat isa.
Sa mga salitang sikat na sikat, pinagtitibay lamang ni Panatiko 2 na mas
mahusay ang ganoong kandidato kaysa sa payak na salitang mahusay
lamang.
Sa pahayag na mismo ni Panatiko 1, nagmula na hawak na ng pulitikong
tinutukoy ang mga unang puwesto sa sarbey na nagpatibay naman sa
kasikatang ibinabandera ng ikalawang panatiko. Ganoon man, naroon ang
lakas ng punto ni Panatiko 1 sa pagpapatibay na subok na ang kanyang
kandidato at hindi sarbey ang sukatan. Sa pagbasang ito sa mga pahayag,
magiging malinaw ang linggwistik na konteksto.
Mahihinuha na magkakaibigan ang nag-uusap kaya sa sosyal na konteksto,
may malalim nang ugnayan sa pagitan nila. Inaasahan na walang
mangyayaring pag-aaway sapagkat mabilis na pinawi ng tagapamagitan ang
papataas na tension.

ANTAS NG PAGSUSURI NG TEKSTO


Katulad ng nabanggit na, ang ganap na pagbasa ay may pag-unawa. Batay
kay Salazar sa aklat ni Tejero (2004), ang gawaing pag-unawa sa binasa ay
bumubuo sa lahat ng kasanayan sa pagbasa, simula sa pagkilala sa salita
hanggang sa pag-alam at pagpapaliwanag ng kahulugan niyon.
Hinati ni Frank May sa apat na kategoya ang mga kasanayan sa pag-unawa
ng binasa (Tejero, 2004).

1. Ang literal na pag-unawa ay kinabibilaangan ng pag-alala sa


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at mga mahahalagang detalye.
2. Ang kategoryang paghihinuha ay pagbuo ng prediksyon at pagkilala
sa pangunahing ideya ng akda.
3. Ang kritikal na pag-iisip ay pagkilala sa opinion at katotohanan, sa
pananaw at panig ng sumulat at pagtataya sa kabuoan ng teksto batay sa
binuong rubrics o panukatan. 4. Ang malikhaing pag-iisip ay pagbuo ng
bago at masining na ideya mula sa nabasa.

Narito ang mga antas ng pagsusuri ng teksto na mahalagang paglapatan ng


mga kasanayan sa pag-iisip.

Unang antas-pagbasa sa salita/reading the lines. Naalala ng mambabasa


ang pangunahing ideyang nais ihatid ng may-akda – ang mga detalye,
element at bahagi ng material na nabasa.
Ikalawang antas-pagbasa sa pagitan ng mga salita/reading between
the lines. Nabibigyang kahulugan at iniuugnay ng mambabasa ang mga
bahagi ng teksto sa isa’t isa upang makapaglahad ng hinuha at
interpretasyon.
Ikatlong antas-pagbasa higit sa mga salita/reading beyond the lines.
Iniuugnay ng mambabasa ang pansariling iskema sa nabasa at
napaghahambing ang sinabi ng awtor sa sariling paniniwala. Hinihikayat din
sa antas na ito na bumuo ang mababasa ng sariling pananaw ngunit batay pa
rin sa nabasa, pagsalungat man o pagsang-ayon.
Ikaapat na antas-pagbasa sa karakter at pagpapahalaga/reading with
the character/transactive. Inilalagay ng mambabasa ang sarili sa
nilalaman ng teksto. Pinapasok niya ang sarili sa binabasa. Nalilinang at
nasusubok ditto ang bias at sariling pagpapahalaga ng mambabasa at
tinitiyak ang kaugnayan ng teksto sa sarili, pamilya at komunidad, bansa at
daigdig.

Bukod sa kasanayan sa pagpili ng impormasyon, kinakailangan din


ng isang mananaliksik ang mgakaroon ng ganap na kasanayan sa pagbabasa
at pagbubuo ng impormasyon. Hindi mapagkakasya sa isang libro o aklat
ang lahat ng impormasyong makakalap, ito ang dahilan kung kaya’t
kinakailangan maibuod ito nang hindi mawawala o maisasakripisyo ang
mga kakailanganing datos. May iba’t ibang pamamaraan sa pagbabasa at
pagbubuod ng impormasyon, narito ang sumusunod:

Kasanayang Pagbasa gamit ang SQ3R. Iminungkahi ni Robinson (1970),


ang SQ3R dahil sa kagamit-gamit ito sa pagkuha ng mga impormasyon sa
loob ng teksto. Nakatutulong ito na makalikha ng balangkas sa kaisipan ng
mambabasa na siyang magagamit upang maisalansan nang wasto ang mga
impormasyon. Makatutulong dinito nang malaki sa pagtatalaga ng layunin
sa pagbasa sang-ayon sa hinihingi ng pananaliksik.

S-Survey. Isa-isahin ang bawat bahagi o nilalaman ng dokumento. Iiskan


ang panimula, mga lagom ng bawat kabanata upang makuha ang
paimbabaw na kabuuang nilalaman ng teksto. Magdesisyon kung ang
tekstong babasahin ay makatutulong sa pagaaral, at kung hindi naman,
huwag nang ituloy ang pagbasa at humanap na lamang ng ibang aklat na
makatutulong sa iyo. Kung ito ay makatutulong, tumuloy sa kasunod na
hakbang.

Q-Question. Tanungin ang sarili kung patungkol saan ang mga tekstong
babasahin. Ano-anong katanungan ang sinasagot nito na magiging
kapakinabangan na isinasagawang pananaliksik. Maaaring iiskan muli ang
dokumento upang makatiyak sa mga katanungang ninanais na masagot.
Maituturing rin na tunguhin ng pag-aaral ang mga katanungang ibinigay at
ang pag-unawa sa mga katugunan nito ay makatutulong nang malaki sa
pagbuo ng balangkas ng mga kaisipan.

R-Read. Matapos ang pagtatanong ay basahin na ang teksto. Basahin ang


mga bahaging magiging kagamit-gamit sa pananaliksik at maging maingat sa
pag-unawa sa bawat mahahalagang puntos ng teksto.

R-Recall.Matapos ang matimtimang pagbasa, pag-isipan nang makailang


ulit ang bawat seksyong binasa. Magmuni-muni at tipunin ang mga
impormasyong kakailanganin sa paglalakip ng mga kaisipang binubuo ng
teksto.

R-Review.Matapos na dumaan sa proseso ng Recall, balik-aralan ang teksto


sa pamamagitan ng muling pagbasa, pagpapalawak ng mga isinulat na tala, o
kaya’y pakikipagtalakayan sa taong nakabasa na rin ng teksto.

Kasanayan ng Pagpapakahulugan
Kinakailangang maging tiyak sa pagpapakahulugan ng mga salita. Dapat
tandaan na sa sulating pananaliksik ay kinakailangan ang pagiging wasto ng
mga katagang ilalagay sapagkat dapat na ito ay maging siyentipiko.
Karaniwang ginagamit sa ganito ang pagpapakahulugang denotatibo. Ito ang
paraan ng pagpapakahulugan kapag tumutukoy sa literal na konsepto ng
bagay, tao, lugar o pangyayari. Karaniwang makikita sa diksyonaryo ang
ganitong uri ng kahulugan. Halimbawa nito ang salitang Kompyuter na
nangangahulugang isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga
kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng
terminong numerical o lohikal (Wikipedia). Samantala, Konotatibo naman
ang paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay nagtataglay ng mga
emosyonal o pansaloobing pahiwatig. Subhektibo ang ganitong paraan ng
pagpapakahulugan. Halimbawa, ang salitang babae, ito ay salitang
pangkasariang ginagamit para sa tao at mga hayop. Ngunit kapag ito ay
ginamit ng isang ginang sa pangungusap na: “May babae ka kasi kaya hindi
ka makapagbigay ng pera sa amin ng pamilya mo.” Ang salitang babae
ngayon ay nangangahulugan nang kalaguyo at si mister ay hindi nagtataksil
sa kanyang asawa.

Kasanayan sa Pagbasa ng Grap


May mga impormasyong nakatala sa pamamagitan ng grap. Kinakailangan
ng maayos na pag-aanalisa upang maunawaang mabuti at makuha ang
impormasyong ipinababatid nito. Narito ang ilang patnubay: Una, suriin ang
pamagat ang grap. Sa pamagat pa lamang ay mabibigyang-linaw na sa
mambabasa kung ano ang binibigyang diin ng binabasang grap; Malaking
tulong ito sa pagkuha at pagbibigay ng wastong impormasyon; ikatlo, pag-
aralan ang iskalang ginamit. Makikita ito sa linyang vertical at horizontal.
Makikita rito ang sukat o bilang na kinakatawan ng bawat bar, linya o
larawan na siyang kinapapalooban ng impormasyong nakapaloob sa grap.
Suriin ang mga bilang at kahulugan nito. Magsagawa ng paghahambing at
obserbahang maigi ang mga kaugnayan at kaibahan ng bawat bahagi; at
panghuli, magbigay ng konklusyon. Analisahing maigi ang mga nakalap na
impormasyon at gumawa ng sariling konklusyon hinggil dito.
Kasanayan sa Pagbasa ng Talahanayan
Katulad ng grap ay karaniwan ding makikita ang mga talahanayan sa
sulating pananaliksik. Binubuo ito ng mga kolum na siyang kinapapalooban
ng mga impormasyon. Karaniwang pamilang ang inilalagay na datos sa
talahanayan.Narito ang paraan sa pagbasa ng talahanayan. Una, basahina t
suriing maigi ang pamagat ng talahanayan. Ito ang nagbibigay- linaw kung
patungkol saan ang binasang talahanayan; ikalawa, basahin ang tala o
legend. Pagkaminsan ay may mga katumbas na deskripsyon ang bawat
bilang na naitala; ikatlo pagaralan ang mga katumbas na bilang o kaya’y ;
bahagdan at kung ano ang kahulugang ipinaaabot nito; at panghuli,
magbigay ng koklusyon.

Kasanayan sa Pagbasa ng Flow Chart


Nakapaloob sa flow chart ang pagkasunud-sunod na daloy o patunguhan ng
mga isinasaad na impormasyon. Sa unang bahagi ng pananaliksik ay mga
paradigm o paradaym na siyang kinakikitaan ng batayang konseptwal.
Malaki ang maitutulong ng flow chart upang maunawaan nang lubos ang
pagkakasunud-sunod na daloy ng impormasyon. Bawat hakbang o bahagi ay
kinakailang suriin upang matiyak ang kaugnayan nito sa iba pang bahagi.

Kasanayang Pagbasa ng Sulating Pananaliksik


Kapag napdpad ka sa silid-aklatan, nakahambalang ang mga napakakapal na
mga tisis at disertasyon na nakabukbaynd. Sa pagtingin pa lang ay
kakabahan ka na dahil sa iisipin mong ganito rin kaya ang gagawin namin?
Sa pag-iisip pa lamang ay matatakot kanang basahin ito dahil baka nga hindi
mo matapos at mauubos ang oras mo sa pagbasa ng isang tisis pa lamang.
Kinakailangan sa isang mambabasa ng sulating pananaliksik ang laging
nagtatala o kaya’y gumagamit ng haylayter para sa mga importanteng mga
detalye at ideya. Si Dr. Johanna Rubba ng California Polytechnic State
University ay gumawa ng patnubay sa pagbasa ng sulating pananaliksik
ayon sa pagkakasunod-sunod:
Una, basahin ang bahagi ng konklusyon na nasa hulihan ng artikulo. Sa isang
ordinaryong kwantitatibong pananaliksik, makikita ito sa ikalimang
kabanata. Ang mga nabuong konklusyon ay nakabatay sa mga hinuha o
hipotesis ng isinagawang pag-aaral o pananaliksik. Maaaring hindi madaling
mauunawaan mo agad ang mga sinasabi sa bahaging ito ngunit laging
tandaan na dito isinusulat ng mananaliksik ang lagom ng buong pag-aaral.
Nagsisilbing tagapagpahayag ang konklusyon kung gaano katatag o kahina
ang mga nakalapa na datos sa pagtugon sa mga hipotesis ng pag-aaral kung
maaaring kakitaan din ito ng mga pinatotohanan at/o pinasubaliang mg
ateorya na pinagbatayan ng pananaliksik.
Ikalawa, Bumalik sa unahang bahagi ng pananaliksik at basahin ang unang
kabanta na kinaroroonan ng: Panimula, Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral,
Paglalahad ng Suliranin, Hipotesis at iba pa.

Kaligirang Kasaysayan. Karaniwang makikita sa panimulang bahagi ng


pag-aaral ang mga kadahilanan ng paggawa ng pananaliksik. Una na rito ang
Kaligirang Kasaysayan o bakgrawnd ng pag-aaral. Nakapaloob sa bahaging
ito ang mga dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik/pag-aaral.
Kadalasang ang isang sulating pananaliksik ay nakabatay sa konteksto ng
mga naisagawa na o napatotohanan nang pananaliksik, maaaring ito ay
nagpapatotoo, nagpapalawak, sumusuporta, tumutuligsa, o kaya naman ay
nagpapabulaan sa mga kontrobersiya o sa mga resulta ng mga
kasalukuyang tanggap na kaalaman sa larang ng pananaliksik na
pinagbatayan. Sa seksyong ito, matutunghayan ang ilang mga mahahalagang
publikasyong naisagawa na, na siyang pinagbatayan ng kasalukuyang
isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.

Mga Suliranin at Hipotesis. Kinakailangang maipahayag na ng


mananaliksik sa unang bahagi pa lamang ng kaniyang sulatin ang mga
dahilan sa paggawa ng pananaliksik. Naisasagawa ang isang pananaliksik
dahil may mga karanasan o kaya’y mga datos na nakapagganyak sa
kuryusidad ng isang mananaliksik na nais niyang masagot. Ang suliranin ng
[pag-aaral o pananaliksik ay hindi tumitiyak o pumapanig sa maaaring
kahinatnan ng isinasagawang pag-aaral, hindi rin ito kakikitaan ng
pagtaliwas o kaya’y paghahatol bagkus ay kakikitaan ito ng mga katanungan
sa pagkuha ng mga impormasyon na maaaring maghatid sa pagsusuri at
pagbubuo ng hinuha. Samantala ang Hipotesis naman ay hayagang
humahatol sa maaaring kahinatnan ng mga makakalap na datos.
Naghahayag ng paghula sa positibo o kaya’y negatibong maaaring maging
resulta ng mga suliranin.
Sa pamamgitan ng pagbasa ng mga suliranin at hipotesis ay magkakaroon na
nang malawakang ideya kung ano nga ba ang inaasahan na lalamanin at
hahalukayin sa binabasang tisis o pananaliksik. Hindi magkakaroon ng mga
makabuluhang pagtuklas ang isang pananaliksik nang hindi nakalahad sa
mga suliranin ng pag-aaral at sa inaasahang magiging kahihinatnan nito na
nakalagay naman sa hipotesis.

Ikatlo, Basahin ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral at magsagawa ng


iskim ng pagbasa sa mga natuklasan. Karaniwang makikita sa ikatlong
kabanata ng ordinaryong tisis ang mga Pamamaraan o Metodolohiyang
ginamit sa pag-aaral. Napakahalagang maintindihan at masuri kung paano
isinagawa ang binasang pag-aaral upang maintindihan ang naging resulta o
mga natuklasan nito.
Ikaapat, Matapos masuri ang pamamaraang ginamit at maiskim ang mga
natuklasan, dadako na sa pinakamabigat na bahagi ng pananaliksik, ito ang
paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga ng mga datos (Kabanata 4).
Naglalaman ito ng mga impormasyon na maaaring nasa iba’t ibang anyo,
tulad ng talahanayan, grapikong representasyon, at iba pang pantulong
biswal upangg mailahad ng maayos ng mananaliksik ang mga impormasyon.
Kinakailangan ang imahinasyon at talim ng pag-iisip sa bawat detalyeng
makikita sa mga datos na inilahad sa bahaging ito. May mahalagang may
basikong kaalaman sa pagkompyut lalo na sa istadistika sapagkat ito’y
nagiging batayan ng mga isinasagawang pagsusuri at paglikha ng
interpretasyon ng mga datos na nailhad sa pananaliksik.

Panghuli, Siyasating maigi ang Pagsusuri at Interpretasyon ng mga datos.


Ang bahaging ito ang pinakamahalagang bahagi sapagkat sinusuri ito sa
pamamagitan ng pagbablik-tanaw sa mga teoryang may kaugnayan sa
sinasagawang pag-aaral o kaya’y iniuugnay ito sa mga makabuluhang
prinsipyong umiiral sa daigdig ng sinasaliksik o sa mga nauna nang
pananliksik na may kaugnayan rito. Ang diskusyon o pagsusuring ito ang
naging batayan tungo sa pagsasagawa ng interpretasyon ng mananaliksik
hinggil sa mga impormasyong nakalap at nasuri. Kinakailangan sa pagbasa
ng bahaging ito ang maging mapagsuri sapagkat anumang kahinatnan ng
pagsusuri’t interpretasyon ay siyang nagiging batayan ng konklusyon at
rekomendasyon ng isang tisis at pananaliksik.
Kung magkakaroon lamang ng wastong pagbasa ng sulating pananaliksik ay
makakukuha ng malalimang impormasyon at makatutulong ito nang malaki
sa mambabasa upang hindi magkaroon ng pagkabagot o pagkainip sa
pagbasa ng ganitong uri ng sulatin.

Kasanayan sa Pagsasalin
Dahil sa karamihan ng mga dokumento at siyentipikong pag-aaral ay
nanggaling sa mga maunlad na bansa, isa sa mga nagiging kahingian ay ang
pagsasalin ng mga ito sa Filipino nang sa gayon ay maging bahagi ito ng
pagpapalawak ng saliksik sa bansang Pilipinas. Makatutulong ng malaki
kung ang mga tuklas sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay maipababatid sa
mga mamamayan ng Pilipinas, isa sa mga instrumentong maaaring magamit
ay ang pagsasalin nito sa wikang alam ng mga Pilipino.

Nilagom ni Karen San Diego (2014), sa kanyang isinagawang pag-aaral


hinggil sa pagsasaling wika ay naglagom hinggil sa labing walong (18)
paraan ng pagsasalin ni Peter Newmark (1988) mula sa aklat naA Textbook
of Translation. Ito ang mga sumusunod:
(1) Adapsyon (Transference) na ang ibig sabihin ay ang paglilipat o
panghihiram ng mga cultural na salita mula sa Pinagmulang Wika
(PW) patungo sa Target na Wika (TW) nang walang pagbabago sa
ispeling o baybay; (2) Isahang Pagtutumbas (Oneto-One Translation)
o literal na pagsasalin sa isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa
salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap sa
pangungusap;

(3) Saling Hiram (Through Translation) Katumbas nito ang


ginagamit sa pagsasalin ng mga karaniwang kolokasyon;

(4) Naturalisasyon (Naturalization), may pagkakahawig sa


transference o adapsyon ngunit dito ay nakikiayon muna ang normal
na pagbigkas at pagkatapis ang normal na morpolohya sa target na
wika na iniayon sa ortograpiya ng Tunguhing Wika;

(5)Leksikal na Sinonim (Lexecal Synonymy), paraan ng pagsasalin na


nagbibigay nang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan
sa target na wika ng pinagmulang wika;

(6)Transposisyon (Transposition), tinatawag ding shift na ang ibig


sabihin ay pagkakaroon ng pagbabago sa gramatika ng pinagmulang
wika kapag isinalin sa target na wika;

(7) Modulasyon (Modulation), pagsasalin na may pag-iiba sap


unto de bista o pananaw sa pagbibigay-kahulugan sa mga dahilan sa
iba’t ibang teksto;

(8) Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent), ito ang malapit o


halos walang salin (approximate translation), na ang isang kultural
na salita sa TW ay isinasalin sa katumbas ding kultural na salita sa
TW;

(9)Gamiting Katumbas (Functional Equivalent), paraan ng pagsasalin


na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o
kahulugan. Tinatawag din itong pagdede-kulturalisa ng wika
(deculturalizing the language);

(10) Deskriptibong Panumbasan (Descriptive Equivalent)


Pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng
depinasyong naglalarawan, gaya ng paggamit ng pariralang
pangngalan o sugnay na pang-uri;
(11) Kinikilalang Salin (Recognized Translation), ang paraan sa
pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng nakararami na salin ng
anumang terminong pang-institusyon;

(12) Pagdaragdag/ Pagpapalawak (Additional/ Expansion),


pagdaragdag ng salita sasitrukturang gramatikal upang maging
malinaw ang kahulugan;

(13) Pagpapaikli/Pagpapaliit (Reduction/ Contruction), paraan sa


pagsasalin na pinaiikli o pinaliliit ang mga salita ng kabuuang
gramatikal na hindi nababago o nagiiba ang kahulugan mula sa
orihinal;
(14) Pagsusuri sa mga Bahagi (Componential Analysis), paraan sa
pagsasalin na naghahati-hati batay sa leksikal na yunit sa mga
makabuluhang sangkap o hanay;

(15) Hawig (Paraphrase), paraan sa pagsasalin na nagpapaliwanag


sa kahulugan ng isang hanay, pangungusap o talata;

(16) Kompensasyon (Compensation), pagsasalin na ginagamit


kapag ang pagkawala ng kahulugan ng isang bahagi ng parirala,
pangungusap o talata ay natutumbasan o napupunan sa ibang
bahagi;

(17) Pagpapabuti (Improvements), pagwawasto sa mga gramatikal


o tipograpikal na kamalian sa OT, kaya’t walang mali sa ST;

(18) Kuplets (Couplets), paraan sa pagsasalin na pinagsasama ang


paggamit ng dalawa, tatlo, o higit pa sa mga pamamaraang nabanggit.

Kasanayan sa Paglalagom at Pagpaparapreys


Paglalagom ang tawag kapag inilahad nang payak ang orihinal na materyales
na nabasa. Ito ay ang paghango ng mga mahahalagang impormasyon at
isinusulat ito sa anyo na madaling maunawaan. Hindi gaanong maraming
pananalita ang ginagamit at mabilis lamang na naisasagawa sa paraang
hindi nakokopya ang orihinal na pahayag ngunit hindi nawawala ang
pinakaesensiya ng orihinal na isinulat.
Sa paglalagom, alalahaning huwag muling isulat ang orihinal na akda.
Kailangang mapanatiling maigsi ito at gumamit lamang ng sariling
pananalita. Gayondin, huwag maglagay ng sariling opinyon sa paglalagom.
Kailangan lang maipakita ang pinakapusong ideya tuwing naglalagom.
Sa kabilang banda, ang pagpaparapreys ay muling pagpapahayag ng ideya
ng awtor na halos magkasindami ng bilang ng mga salita ng orihinal. Maaari
ding bigyang katuturan ang pagpaparapreys bilang muling pagpapahayag ng
teksto, pahayag o pagbibigay kahulugan sa teksto sa ibang anyo.

Halimbawa
Orihinal na bersiyon:
Karaniwang ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay
nangangailangan ng ugnayan ng bawat isa upang maging
matagumpay –ang guro at mag-aaral. Gayonpaman, sinasang-ayonan
ng lahat na ang guro ang siyang higit na gumagawa ng
pinakamahirap na gawain sa proseso ng pagkatuto upang matamo
ang ninanais na bunga – na matamo ang kabuoang pag-unlad ng
mag-aaral. Magkagayonman, ang tagumpay ng proseso ng pagtuturo
at pagkatuto ay hindi kinakailang iasang ganap sa guro lamang.
Gaano man kahusay ang guro sa kaniyang mga estratehiya at
performans sa pagtuturo, mayroon at mayroong mga salik na
nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring isa sa mga ito
ay ang iba’t ibang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Parapreys:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay dalawang nilalang na mahalaga sa
proseso ng pagkatuto. Gayonpaman, sa maraming pagkakataon ang
tagumpay ng proseso ng pagkatuto ay ipinapasan lamang sa guro
dahil sila ang tagapagpadaloy upang mapaunlad ang holistikong
mag-aaral. Ngunit, kinakailangan din nating tanggapin na ang
performans ng guro at kalidad ng kaniyang pagtuturo ay hindi
batayan ng performans ng mag-aaral sapagkat may mga salik na
nakaaapekto sa proseso ng kaniyang pagkatuto – na ang madalas na
natuturong dahilan ay ang estilo sa pagkatuto ng mag-aaral maging
ang kaniyang mga preperensiya sa pagkatuto.

Lqgom:
Ang guro at mag-aaral ay parehong mahalaga sa proseso ng
pagkatuto. Ang gampanin ng guro ay mapaunlad ang holistikong
mag-aaral sa loob ng paaralan. Gayonpaman, ito ay hindi palagiang
nagaganap sapagkat may mga salik na nakaaapekto sa performans ng
mag-aaral. Ito ay maaaring ang kaniyang mga preperensiya at estilo
ng pagkatuto.
Kasanayan sa Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
Pinakamahirap na suliranin ng isang mananaliksik ang pagpili at paghanap
ng Paksa ng Pagaaral. Hindin madaling pumili ng paksa ng isasagawang
pananaliksik. Nagiging mahirap ang bahaging ito kung hindi palabasa o
hindi palaaral ang naitalagang mananaliksik o kaya naman ay napilitan
lamang magsaliksik dahil isa ito sa mga kahingian ng kursong kinukuha.
Napakaraming maaaring paghanguan ng suliranin para sa isasagawang
pananaliksik lalo na sa panahong elektroniko. Higit ring makatutulong kung
magbabasa muna ng mga tisis o kaya’y disertasyon na siyang
mapaghahanguan ng mga maaaring maging paksa ng nais na isagawang
pananaliksik.

Sanggunian:
Books and Journals
• Mortera, Melvin O. , 2017. Tulay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City: Books Atbp
Publishing Corp.
• Aguilar, Jennifor L. et. al. (2018). Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina.
Rizal: Jenher Publishing House.

Module 1
Mga Batayang Kaalaman sa Wika,
Pananaliksik, Pagsulat at Pagsasalita

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang
1. Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa wika,
pananaliksik , pagsulat at pagsasalita
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik sa pamamagitan
ng mga etika at responsibilidad ng mananaliksik
3. Nakakasulat ng isang mahalagang tala tungkol sa
pagbabago ng wikang Filipino sa lipunan

Kalikasan ng Wika
Ang wika ay bahagi ng ating kultura sapagkat ito ay kabuuan ng karanasan ng tao sa
tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa pamamagitan ng wika, nakikilala
ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan
sa kanyang kapwa. Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang
iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan.
Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t
ibang aspeto ng buhay.

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,


damdamin at mithiin. (Edward Sapir)

Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol naman nila. Ang kakayahan ng
mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop. (Lachica , 1993)

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabahagi at kasama sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan.

Kahalagahan ng Wika

1. instrumento sa pakikipagtalastasan o komunikasyon


2. paraan upang maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan
4. mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman

Katangian ng Wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga


makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay
makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks)
upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga
salita.
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit
nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa
Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug
samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang
salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng
kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa:
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita


lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa
Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa
Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng
dikompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa
karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit
nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa
sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging
sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.


Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon
ng wika.

Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
a. Pampasabog
b. Igiban ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula


sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na
ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas
manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa
Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming


salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa
ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat
hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang
katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga
Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin
matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa
iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon


ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang
kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang
tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa
tunog na “em”.

10. May antas ang wika.

Pagbabago sa Wika
Sa kasalukuyang panahon sa ating bansa ay lumitaw at kasalukuyan pang naglilitawan
ang iba-ibang uri ng lenggwahe. Ayon sa mga obserbasyon ang mga sumusunod ay
laganap na at patuloy na lumalaganap pa.
1. Lenggwahe sa Short Message Service (SMS) o Text Message Maaaring ito’y
pinagsamang titik o bilang, binagong baybay, pinaikli, pinagsamang Ingles at Tagalog
Halimbawa: Wait - W8 Time- Taym Dito - D2 Dito na me! Wer na u? Kamusta? –
Musta? Why?- Y?

2. Taglish/ Engalog o Code Switching- Ito ay pinagsamang dalawang wika o lenggwahe.


Maaaring nasa gitna, unahan o hulihan ng salita ang switching. Halimbawa: It’s so hot
naman here! Join kayo sa group naming. What time kayo dating? Our project is so
hirap. How about yours? Magiinterview tayo tomorrow. That;s our assignment. Do
you think tama ang answer natin?
3. Gay Language o lenggwahe ng mga bakla Halimbawa: Malaysia- Malay ko Pakistan-
Walang pakialam
4. Mga Pinagsamang Salita Halimbawa: Apartment at Hotel- Apartelle Television at
Serye- Teleserye Television at Nobela- Telenobela Tapa, Sinangag, Itlog- Tapsilog
Tagalog-English- Taglish Low battery- lowbat
5. Mga Pinausong Salita Halimbawa: Selfie- Self Picture Wacky- Kanya-kanyang pose sa
larawan Unlitext- Unlimited Text Unlimited Call- Unlicall Ang wika ay buhay. Patuloy
na umuunlad at yumayabong. Higit sa lahat, anupamang panahon ang wika ay
mananatiling kasangkapan sa kaunlaran ng lipunan. Mga Pangit- Chaka Walang pera-
Wapepoy

Pananaliksik: Kalikasan , Layunin at Etika

Kalikasan ng Pananaliksik

Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga


ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o
pasubalian.

• Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay


inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng mga
konklusyon.

• Paagssisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o haka-
haka ay hinahanapan ng katibayan para patunayan.

• Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay tinitimbang,
tinataya at sinusuri.

• Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng marami
pero mangangailangan ng dagdag na impormasyon at paliwanag.

• Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at


paniniwala.

• Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero inaakalang
may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.

Katangian ng Pananaliksik

• Obhektibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o


di-kinikilingang mga batis. Ang mga interpretasyon ay batay
sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na
ito.

• Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos.Lahat ng
posibleng pagkunan, maging ito’y nakasulat sa wikang
banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na
magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay
ng pinansya, distansya, at lenggwahe ay limitasyong dapat
harapin ng mananaliksik.

• May pamamaraan o angkop na metodolohiya a tutulong sa
ikahuhusay ng pananaliksik.

• Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa
pagtitimbang-timbang sa mga ideya.

• Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang
pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

Layunin ng Pananaliksik

1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.

Halimbawa : Natuwa tayo nang malaman nating ang nag-imbento ng


fluorescent lamp ay isang Pilipino.Baka may iba pa tayong
madidiskubre. Nagbibigay-sigla ang mga bagong impormasyon dahil sa
orihinalidad ng ideya at mga datos nito.

2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.


Halimbawa : Ang pag-uugnay ng mga ideya ni Rizal sa globalisasyon
ay isang pagbabagong-bihis sa paulit-ulit nang natatalakay na mga
ideya ngating bayani.Puwede rin nating tingnan ngayon ang mga
shopping malls hindi lang bilang tindahan kundi isang maliit na
komunidad o kaya’y isang “kultura”.

3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.

Halimbawa : Ang mga isyu ukol sa aborsyon, diborsyo, cloning, at


pakikisangkot ng simbahan sa mga gawain ng gobyerno, ay paulit-ulit
na napag-uusapan pero kailangan pa ring linawing mabuti. At
magagawa ito ng pananaliksik.

4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap


o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.

Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga


usapan, diskusyunan, hamunan, balitaktakan sa mga klasrum, simposyum,
radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik
ay nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya at
siyang interes nayon ng mga mananaliksik. Pwede mong hamunin ang
katotohanan ng palagay na ang Pilipinas ay isa ngang “third largest
Englishspeaking country.”Gawan mo ito ng pananaliksik.

5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya,


interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag.

Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o


mapapasubalian ng mga makatotohanang datos. Puwede mong
patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng pananaliksik ang
paniniwala mong hindi nabibigyan ng sapat na atenasyon at suporta
ang isports sa Pilipinas. Patunayan mo ring balido na mababa ang
kalidad ng edukasyon sa ngayon kumpara noong 20-30 taon ang
nakakaraan.

6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.


Hlimbawa, sa pagtalakay sa kahihinatnan ng kapaliguiran bunga ng
modernisasyon, kailangang saliksikin ang mga datos ng mga
pagsasayang, pang-aabuso, at pagsasambahala ng tao sa kalikasan
mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Etika ng Mananaliksik

1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.


2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang
permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung
negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.
5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.

BAHAGI NG PAPEL PANANALIKSIK MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT


MATTERS
a) Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang
nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong
papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang
asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon.
Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
c) Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa
pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng
mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at
nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat
talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng
pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g) Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng
pamanahong papel.
KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO a)
Ang Panimula o Introduksyon
>ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay
ng paksa ng pananaliksik.
b) B. Layunin ng Pag-aaral
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
c) Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pagaaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
d) Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
e) Definisyon ng mga Terminolohiya
>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isa’y binigyan ng kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik

-aaral at literaturang lokal at dayuhan.


KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang
kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi
ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng
mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa
ng pananaliksik.
b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
c. Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang paraang ginagamit ng
pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang
mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya
ginawa ang bawat hakbang.
d. Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang
ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang
pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na
istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos
mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
• Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.
b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon,
interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at
informasyong nakalap ng mananaliksik.
c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.
MGA PANGHULING PAHINA
• Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga
hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
• Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob
dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu,
sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping,
at kung anu-ano p

Pagsulat at Pagsasalita – sangkap, proseso at estilo


Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay
artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala
at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang
pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter).
Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto.Una na
rito ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa
isip lahat natin ang ating mga isusulat.
Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya,
paniniwala at iba pa sa dahilang masusing
dumaraan ito sa isipan ng tao-napag-isipan,
naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang
ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng
pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis
ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat ito sa papel.
Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong
pangkognitibo sa pagsulat na mismo.
Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa
dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat. Hindi
makapagsulat ang isang estudyante ng isang
sulating pananaliksik kung hindi muna niya
pinagiisipan nang mabuti ang ideya at gagawin.
Hindi niya marerebisa ang naisulat kung hindi niya
tuluytuloy na pinag-iisipan ang nabubuong hugis
at hulma ng naisulat na papel.Samakatuwid, mula
simula hanggang wakas magkasama ang dalawa,
halimbawa, sa pagsulat ng sanaysay at iba pang
akademikong papel.

May tatlong paraan at ayos ng pagsulat


tulad ng (1) pasulat o sulat-kamay na kasama rito
ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at
iba pa; (2) limbag tulad ng nababasa sa jornal,
magasin, aklat, ensayklopidya; at

(3) elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y


magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikula, balita, dokumento,
pananaliksik na ginagawa at iba pa.

30

Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng


pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng
paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging gingamit
dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga
halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay,
pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.

2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa,


magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang
nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa
nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kwento at iba pa.

3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at


akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga
kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo,
nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na
gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang
personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng
pormal at di-pormal na uri ng pagsulat.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

1. Paglalahad.Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa


pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na
mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
Paraan ng Pagluluto

Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng


dinurog.Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang
harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay
iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang
pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas
at kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang
sa maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at
pabayaang kumulo.Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong
bolabola at ihain ito nang mainit.

- Mula sa Masarap na Luto Natin


nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo

2. Pagsasalaysay.Nakapokus ito sa kronolohikal pagkakasunud-sunod na daloy ng


pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na
pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o nobela ang mahahalaga at
kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o istruktura ng
pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.

Halimbawa:

Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro.


Kaya ba ng llimang araw na pagsasanay na ibigay ang karampatang
kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para sa buong taunang na
karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura,
iba pa rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga
estudyanteng nakapaloob dito ay malamang na mabagal umintindi kaya
kailangang maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at makgaroon ng
maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda ng
pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.
Hal

Subalit ang kakulangan sa preparasyon ay isa lang sa maraming usapin.


Dapat ding suriin ang esensya ng Bridge Program na ito. Paano maipapaliwanag
ang sitwasyong nakapasa sa Grade VI ang isang estudyante pero hindi pa siya
handa para maintindihan ang kurikulum sa haiskul? Hindi ba’t ang pagtatapos sa
elementarya ay sapat nang dahilan para dumeretso sa susunod na antas? Kung
mayroon mang hindihanda sa haiskul, hindi ba’t bumagsak na sila’t nakatakdang
umulit ng Grade VI sa susunod na taunang pampaaralan?

Malinaw na ang mga estudyanteng mapapaloob sa Bridge Program


ay mapag-iiwanan ng mga dati nilang kaklase sa Grade VI na pinalad
makapasok sa haiskul. May epekto ito sa personal na disposisyon ng mga
estudyante, lalo na ang pagsusuri ng kanilang kakayahan.

Para sa mga magulang ng mga estudyanteng kukuha ng Bridge


Program, ito ay dagdag bayarin dahil sa halip na apat na taon lang nilang
pag-aaralin ang kanilang anak, magkakaroon ng dagdag na isa pang taon.
Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap para sa mga magulang na magpaaral
kahit sa pampublikong paaralan dahil hindi naman sagot ng estado ang baon
ng mga estudyante at ang iba pang pangangailangan sa eskwelahan.

Sa huling pagsusuri, hindi maiiwasang isiping ito ay paraan ng DepEd


para bawasan ang pumapasok sa mga pampublikong haiskul. Sa papaliit na
badyet sa edukasyon, nasa interes ng pamahalaang bawasan ang enrolment
sa mga pampublikong eskwelahan para mas makatipid.

- Halaw mula sa “High School Readiness Test:

Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at

Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.

4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon,


palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.

Halimbawa:

“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa


ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na
bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang
kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang
labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang
kanyang tangkad.Kung maglakad siya’s parang nakawalang bulog.
Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,”

Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto


ni Mes De Guzman

Proseso ng Pagsulat

Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana
ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging
epektibo at makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.Tingnan
natin ang anim na yugto sa proseso ng pagsulat:

1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa


isa o maraming tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais
makuha ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo
ng mga pangunahing bilihin.Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating
pananaliksik o tesis, kanariwang maraming tanong ang nag-uudyok para sulatin
ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang
pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para
makahanap ng sagot sa tanong.Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang
masinop na pananaliksik.

2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng


pananaliksik, sa isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat
sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay
sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat. Maaaring
sulatin niya sa kanyang

scrapbook o kwaderno ang mga posibleng ugat ng kahirapan, katiwalian,


pagkawasak ng moral na pundasyon ng pamilya, o ang kultura ng kapabayaan at
walang pakialaman. Iisa-isahin niya ang iba pang sanhi at bunga ng pangyayari
habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili. Balisa o
hindi mapalagay ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang naghahanap ng
sagot at maaaring patuloy ang pagsulpot ng iba pang mga tanong. Lumalawak ang
pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang pananaliksik sa aklatan, pagtatanong
sa ibang tao, pagbabasa, at pagmamasid. Kadalasan, ito ang pinakamahabang
bahagi sa proseso ng pagsulat. Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang incubation
period.
3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang
saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na
ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para
makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o anumang
dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang
manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang
tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga
taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin.

4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos


na ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin
na ang unang borador.Dito na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan,
kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel.

5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t


mulingbabasahin ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita,
gramatika at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob
sa komposisyon.

6. Pinal na papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng


papel, pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.

Organisasyon ng Teksto

Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.

1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng


sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring
tukuyin ng guro.

2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng


paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay
matatagpuan sa bahaging ito.

4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad


din sa bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

Pagsasalita
Ito ay pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan mensahe sa pamamagitan
ng verbal naparaan na ginagamit ang wika.
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y
nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Kailangan sa Epektibong Pagsasalita
• Kaalaman
• kasanayan
• Tiwala sa sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


• Tinig → Ito ay binubuo ng tunog na gawa ng isang tao na ginagamit ang mga tuping pantinig o
luping pamboses para sa pagsasalita o pakikipagusap, pagawit o pagkanta, pagtawa o paghalakhak,
pagiyak, pagsigaw o paghiyaw, at iba pa.
• Bigkas → Kilala rin bilang pagsasatinig, pagsasabi, pronunsasyon o pronunsiyasyon.
badya o pagbabadya, ay ang paraan ng kung paano binabanggit o sinasalita ang isang salita o wika,
o ang kaparaanan kung paano namumutawi ang isang salita mula sa isang tao. Kapag sinabing ang
isang tao ay may "tamang pagbigkas", sa gayon tumutukoy ito kapwa sa loob ng isang tiyak na
diyalekto.
• Tindig → Kinakailangang may tikas mula ulo hanggang paa.
• Kumpas → Ang kumpas ng kamay ay kailangan para maging angkop sa diwa ng salita o mga
salitang sinasambit .
• Kilos → Hindi sapat ang salita lamang upang maunawan ang sinasabi kundi lalo higit ng kilos at
ekspresyon ng mukha.

Katangian ng Mabuting Ispiker


• May ugnayan sa tagapakinig
• Kontrolado ang boses
• Pagsasalita ay angkon sa tagapakinig
• May ganap at malawak na kaalaman sa paksa
• Malinaw na pagbigkas sa mga salita
• May kasanayan sa wika
• May matatag na damdamin at malawak na kaisipan
• Bukas ang isipan
• May panahon na nagpapatawa kung kailangan
• Isinasalalang-alang ang tagapakinig
• Hindi mayabang
• Walang kilos nanakatawag –pansin
• Maingat sa pagsaalita
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
1. Pakikipag-usap → ang. pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita. Ito'y
masining na paraan ng pakikipagkomunikasyon
2. Pakikipanayam o Interbyu → pakikipag-usap na ang mga nag-uusap ay nagbibigay o kumukuha
ng impormasyon.
Mga Bagay na Dapat Bigyang Pansin sa Pakikipanayam. a.
Oras
b. Katayuan ng mga kasama sa panayam.
c. Mga Tanong
3. Pangkatang Talakayan → Nagpapalitan ng opinion o kuro- kuro tungkol sa
paksang pinaguusapan ang isang maliit na pangkat ng tao.
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan
a. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
b. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling
tahimik
c. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa
talakayan
d. Magkaroon ng bukas na isipan
e. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa
katuwiran ng higit na nakararami
f. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
4. Talumpati → isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao
tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko
o grupo ng mga tao. Uri ng Talumpati
a. Talumpating Pampalibang - Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento.
b. Talumpating Nagpapakilala - panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin
ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
c. Talumpating Pangkabatiran- Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong
pangsiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
d. Talumpating Nagbibigay-galang -Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang
panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
e. Talumpating Nagpaparangal -Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng
papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.
f. Talumpating Pampasigla -Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan
kalimitang binibigkas ito ng: Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro Isang Lider ng
samahan sa mga manggagawa o myembro Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan
a. Dagli - Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
b. Maluwag -May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang
kanyang pagsasalita.
c. Pinaghandaan -Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.

5.Pakikipagdebate → pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na magkakatwiran sa isang


proposisyong napagkasunduan nilang pagtalunan. Maaring nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay
binibigkas ito.
Uri ng Pagdedebate
• Impormal na Debate o Pagtatalo -Karaniwang isinagawa sa loob ng
klase kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong mga
tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig
na gusto nilang pangatwiraan.
• Formal na Debate -Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at
alintuntunin ang debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo
para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa
ilalahad na matitibay na katwiran at ebidensya. Isang lupon ng mga tagahatol
ang magpapasiya kung sino ang mananalo batay sa itinakdang set ng mga
kraytirya.

Sanggunian :
Bernales, Rolando A., et al. (2015). Akademikong Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik.
Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.

Yapan, Alvin B. (2017). Bagay Gabay Sa Pagsulat Sa Wikang Filipino. Blue Books

Matilla, Marilou S., et al. (2015). Pagbasa at pagsulat tungo sa epektibong pananaliksik
sa Filipino. Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, Corazon P. (2015). Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik : Filipino 2.


binagong ed. Pasig City : Grandstream Publishing Center.
Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina. Goodwill Trading Co., Inc.

Filipino sa Piling Larang – Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016 Pamela
Constantino at Galileo Zafra

Lachica, Veneranda S. Komunikasyon at Linggwistika, Binagong Edisyon MK Print, Sta. Cruz,


Manila, 1998
Panimulang Linggwistika, Quezon City: Rex Printing Co., Inc., 1979.

Sapir, Edward, Language: An introduction To the Study of Speech. New York Harcourt

You might also like