You are on page 1of 14

Senior High School

11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
ikalawang Kwarter – Modyul 2
Mga Konseptong Pangwika

- -

1
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat
aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto
ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil
lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na
lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa araling ito, ang iyong kaalaman at
pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na rin ang
karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.

sagutin ito. Kaya mo to! Hand ka na ba ? Simulan mo na.

MODYUL 2

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong

Markahan: Unang Linggo: Pangalawang

Araw: Apat (4 ) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng


komunikasyon. Ang mga kasanayang matutunan dito ay makatutulong nang malaki upang
ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa

2
mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at
lipunan

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang
komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the
Nation, Mareng Winnie,Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Ib – 86;
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan F11PS – Ib – 86.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng


yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay
sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatutong dapat malinang. Matutunghayan
naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin
ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa
aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa
bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito
ang ilang gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang
maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pagaaral kung
susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat sa iyong dating


kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag
kang mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksang nakapaloob
dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnayang
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang panghuling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung
paano mo inunawa ang bawat aralin ?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang hindi masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at

Multilingguwalismo
“Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika
maaari siyang ituring na isang poliglot”

3
-

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang
titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa
matanda
4
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang Filipino sa
usaping ito, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi
c. Pareho lang d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng
dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. Kaalaman b. kahusayan
c. Kasipagan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

7. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?


a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?


a. taluba b. kangkong
c. talaba d. taho

5
ARALIN 2

Monolingguwalismo, Bi lingguwalismo, at
Multilingguwalismo

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa unang wika, pangalawang wika at iba pa.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa unang wika.

A. TUKLASIN

6
Gawain 1

Panuto: Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang
reaksyon o sasabihin mo sa larawang nakita. Isulat ang iyong ideya hinggil sa
konsepto sa ibaba:

1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:


• Unang wika ________________________
• Ikalawang wika ____________________
• Ikatlong wika ______________________

2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?


_____________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bilang 2 sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa


ibaba:

Masasabi kong ako ay __________________________ dahil


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________

B. SURIIN

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang


katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain
ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga
hayop. Ang unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro
sa isang tao. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa
kanyang paligid na maaring magmula sa telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa kanya.
Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng panahon, lalong lumalawak
ang mundo ng bata. Dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar
na kanyang nararating. Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na
kalaunay natutuhan niya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang
paligid. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika.

7
Gawain 2

A. Sa pamamagitan ng linguistic profile sagutin ang hinihingi ng salitang nakasulat sa loob


ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Linguistic Profile

Pangalawang
wikang sinasalita

Unang wikang Ibang wikang


sinasalita AKO sinasalita

B. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo sa iba pang wika maliban sa
iyong unang wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C. PAGYAMANIN

Monolingguwalismo, Bilinguwalismo at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang


bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral
bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan
sa pang araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo

8
Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong pagkakahulugan ang
maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) – isang Amerikanong
lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na
tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika. Pahayag naman ni John Macnamara
(1967) – isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa
isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”. Tulad kay Uriel
Weinreich (1953) – isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit ng
dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng
mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para


sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal
na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.

Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay
nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o
wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng
Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa
kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika
ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977),
napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-
aaral. Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng
paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Walong
(8) Wikang Panturo sa unang taon ng MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense,
Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug,
Maguindanaoan, Meranao at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE pagkalipas ng isang taon may
labing siyam na ang wikang ginagamit ng MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon
,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon. Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo
sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni
Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual as a country. Learn English well
and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect
and connect to your heritage.”
- -

9
Panuto: Basahin ang pahayag at sagutin ang sumusunod na mga tanong
batay sa
bawat ilustrasyon sa sagutang papel o notbuk.

10
Gawain 3

D. ISAGAWA

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-saili -

Gawain 4

Panuto: Punan ang patlang ng mga salita o parirala na bubuo sa mga


sumusunod na pangungusap. (Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86)

1. Sa Pilipinas ang opisyal na wikang ginagamit ay


________________________.

2. Mahalaga ang Ingles sa OFW dahil ___________________________.

3. Mahalaga na marami kang wikang alam dahil _________________.

4. Ang Filipino, Ingles at ang mga lokal na dayalekto ay _________.

5. Ang mga natutuhan ko sa modyul na ito ay ang mga sumusunod:


5.1.
5.2
5.3
5.4
11
5.5

Ang pagiging dalubhasa sa maraming wika ng isang tao ay may malaking

tulong upang mas lalong magkakaintindihan. Ang kakayahan ng isang taong

makapagsalita ng maraming wika ay malaking ambag upang maisu long


ang higit na pagkakaunawaan. Nakatutulong ang isang taong multilingual sa
pamamagitan ng mga sumusunod: Una, kapag hindi naiintindihan ng ibang

taong kakilala niya ang lingguwahe ng kanyang kausap ay maaari niyang

ipaliwanag ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag -aaral
(English, Filipino) at nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang sarili at
maaaring maging daan u pang makatulong siya sa pag-unlad ng bansa. Ikatlo,

nagkakaroon ng higit na malawak na oportunidad ang isang multilingguwal sa


maraming larangan kabilang na ang pagtatrabaho.Ikaapat, maaaring marating o
makilala ng isang multilingguwal ang kultura at kinag isnang lugar/ bansa ng
natututunang pangalawa o pangatlong wika. 

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang
titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa
matanda
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?


a. Oo b. Hindi
c. Pareho lang d. Tama

12
3. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng
dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman b. katatasan
c. kahusayan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

7. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang
lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?


a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog ng "oyster"?


a. taluba b. kangkong
c.talaba d. taho

13
SANGGUNIAN

A. AKLAT

Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng


pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela City:
Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc.
2006.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253


Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A. Sining ng
pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
2000.

Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961.

The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987.

De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs. Di-
nalathalang disertasyon, UST. 2000.

Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng
mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman. 1999

Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98. 1997

Nolasco, Ma. Ricardo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa.


Lagda, 12-20. 1998.

14

You might also like