You are on page 1of 14

KATANGIAN NG

HETEROGENOUS AT
HOMOGENOUS NA WIKA
DALAWANG URI O BARAYTI NG
HETEROGENOUS NA WIKA

BARAYTI NA PERMANENTE
• DAYALEKTO
ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular
na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
• IDYOLEK
Indibidwal na paraan/ istilo ng paggamit ng wika.
Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakayahan
ng bawat indibidwal na gumagamit ng wika. Bukod
sa panlipunang salik nakikilala rin ang pananalita ng
isang indibidwal batay sa kanyang bigkas, tono,
kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.
BARAYTI NA PANSAMANTALA
• REGISTER
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong
nakatatagpo ng mga salitang sa biglang malas ay iba
ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil
sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na
maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan
ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang
ang kahulugan nito kung malalaman ang iarangang
Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang
register.
• isang opisyal na listahan ng mga pangalan,
kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan
• isang listahan ng mga bisita sa isang hotel
(turismo)
• pagpapatala ng isang sulat sa post office
(komunikasyon)
• pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan
ito ginamit upang hindi ipagkamal i ang
kahulugan ng salita at maging madali ang pag-
unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA
na ang kahulugan sa medisina ay cancer,
calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa
Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong
Aeronautics, Chartered Accountant, Chief
• ESTILO
ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita
sa kausap. Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal,
o personal. Maibibilang dito ang antas o lebel ng
wika.
• MODE
ang barayting kaugnay sa gagamiting midyum sa
pagpapahayag kung ito’y pasalita o pasulat.
MGA HALIMBAWA NG HETEROGENOUS NA
WIKA
• DAYALEKTONG HEOGRAPIKAL
Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng
nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika.
Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati
ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng
mga puno at kabundukan, hindi maiwasang
makalikha ng sariling kultura o paraan ng
pamumuhay ang mga taong sama-samang
naninirahan sa isang partikular na pulo o lugar.
Ang ganitong pagkakaiba sa mga katawagan at
kahulugan ng salitang ginagamit sa ibang lugar ang
tinatawag nating heograpikal na varayti ng wika.
Pansinin ang tumbasan ng mga salitang ito:
iniihaw = binabange
tagilid = tabinge
langgam = hantik/guyam
saranggola = papagayo/bulado
iimik = naghiso
• DAYALEKTONG TEMPORAL
Isang kaganapan sa wika na maituturing na
panandalian lamang, o may panahon lamang na
kinabibilangan.
• DAYALEKTONG SOSYAL
Ito ay ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa
lipunan. Wika ng mga mag-aaral, ng matatanda, ng
mga bakla at ng iba pang mga pangkat.
• HALIMBAWA:
Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
Kosa, pupuga na tayo mamaya.
Girl, bukas na lang tayo maglayb. Mag-malling muna
tayo ngayon.
KATANGIAN NG HOMOGENOUS NA
WIKA
• ARBITRARYO
Ang wika ay arbitraryo: nangangahulugang ito na
ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para
sa layunin ng mga gumagamit nito. Isinaayos ang
mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng mga
pangkat ng taong gumagamit nito.
Dahil dito, nakakabuo ang mga tao ng iba’t ibang
salita na sila lamang ang nagkakaunawaan.
• DINAMIKO
Ang wika ay nagbabago, dahil dinamiko ang
wika. Hindi ito maaaring tumanggi sa pagbabago.
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga
bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain
ng mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga
bagong salita.
Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama’t ang pag-
aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita
• KAKANYAHAN NG WIKA
Ang wika ay sistematiko
Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon
Ang wika ay pantao
Ang wika ay simbolo

You might also like