You are on page 1of 3

TAKDANG ARALIN 2

BARRIGA, JILLIAN FILIPINO 1 09/07/22

STEM C-11 BRILLIANCE MS. CHANDA GONZALES

I. Kahulugan ng Komunikasyon

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya na kadalasang


ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema o mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapadala at
pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maaring berbal o di-berbal .

Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang


pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan (Webster).

Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining


upangmaging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang
kapwa,anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).

Mula sa salitang Latin na communis na nangunguhulugang “panlahat” o “para sa lahat.”

II. Antas ng Komunikasyon

• Intrapersonal
Ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito’y
tumutukoy sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip, pakikinig sa
sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
• Interpersonal
Ito ay ang pakikipagusap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang
indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.
• Pampubliko
Ito ay ang pakikipagusap sa maraming tao. Halimbawa nito ay ang mga politiko na
nagkaroon ng talumpati sa madla.
• Pangmasa
Katulad lamang ito ng pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop.
Halimbawa nito ay ang SONA ng presidente.
• Pangorganisasyon
Ito’y komunikasyong nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat.
• Pangkultura
Dito natin makikita ang komunikasyon tungkol sa kultura
• Pangkaunlaran
Ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.

III. Ang Pangkaraniwang Modelo ng Komunikasyon


• Modelong Aristotelyan
• Modelong Harold Laswell

• Modelong Braddocks

• Modelong Shannon-Weaver

• Modelong David Berlo

• Modelong Schramm
• Modelong Frank Dance

IV. Tatlong Uri ng Komunikasyon

1. Berbal na komunikasyon

-Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o saloobin sa paraang salita.
Ito ay ang pinaka ginagamit na uri ng komunikasyon.

2. Di-berbal na komunikasyon

– Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon
ng mukha, simbolo at iba pa.

3. Komunikasyong Simboliko

-Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay na ginagamit na


nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao.

You might also like