You are on page 1of 3

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Kolehiyo ng Artes, Siyensiya, at Edukasyon


General Education Department

Kontekstwalisasyon ng Wikang Filipino (GED 152)

Lektyur Blg. 2

Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon

 Ang komunikasyon ay mula sa salitang latin na ‘communis’ na nangangahulugang


‘karaniwan’ o ‘panlahat’. Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon
na maaaring berbal o di berbal. Sa kasalukuyan ang kapangyarihan ng komunikasyon ay
nakikita at nadarama sa kahit anomang aspekto at larangan ng buhay, maging ito ay
karaniwang usapan, sa pamilya, sa propesyon, sa pamahalaan at sa lipunan.

Kahulugan ng Komunikasyon ayun sa iba’t ibang dalubhasa

1. Atienza et al. 1990 - tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita
at isang nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang lamangan.
2. S.S Stevens – ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organismo sa
anomng bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon.
3. Green at Petty (Developing Language Skills) – intensyonal o konsyus na paggamit
ng anomang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin,
emosyon, mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
4. Webster Dictionary, 1987 – ito ay ang pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay
ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan,
pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
5. Theodorson, 1969 – transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o
damdamin mula sa isang tao o pangkat ng mga tao tungo sa kanyang kapwa.
Karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo.

Kahalagahan ng komunikasyon

1. Kahalagahang Panlipunan – sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-usap at


pakikisalamuha sa iba, ang tao ay nakagagawa ng desisyon tungkol sa anomang bagay:
sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at politika. PAKIKIPAGTALASTASAN VS KAPWA.
2. Kahalagahang Pangkabuhayan – sa mabisang pakikipagtalastasan ng isang tao kahit
anoman ang kanyang propesyon ay magkakaroon ng katagumpayan ang kanyang
layunin sa maayos na paglalahad ng nais ipabatid. NAGTITINDA VS MAMIMILI.
3. Kahalagahang pampulitika - Pagdating sa usapin ng pulitika pinakamahalaga ang
komunikasyon sapagkat ito ang gamit ng tao upang maging mabisa ang paghahatid ng
impormasyon, matalakay ang mga bagay na may kinalaman sa bayan at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang bansa. POLITIKA VS MAMAMAYAN.

Sangkap ng Komunikasyon

1. Tapaghatid/ tagatanggap ng impormasyon – tumutukoy sa mga taong kasali sa


komunikasyon.
2. Mensahe – nilalaman ng mensahe ang kaisipan, damdamin, ideya, pag-uugali at
sentimiyento na gustong maipabatid o maibahagi ng pinagmulan ng impormasyon.
3. Tsanel/daluyan – may dalawang kategorya:
Sensori – ay ang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama.
institusyunal (soundwave) – ay ang paggamit ng mga kasangkapan tulad ng sulat,
telegram, e-mail, fax machine, cellphone atbp.
4. Fidbak/ tugon – tumutukoy sa naging sagot ng tagatanggap, maaaring berbal o di
berbal na pagsagot base sa impormasyon na natanggap mula sa tagapaghatid.
5. Pook / Tagpuan – tumutukoy sa sikolohikal, sosyal, kultural, at pisikal na kalagayan ng
pinaggaganapan ng komunikasyon.
6. Mga Potensiyal na sagabal sa kmomunikasyon - tinatawag na communication noise o
filter
4 na uri:
a. Semantikong sagabal – tumutukoy sa maaaring pagkakaiba ng interpretasyon sa
mensahe.
b. Pisikal na sagabal – maaaring mula sa ayos ng paligid, may distraksiyong biswal,
suliraning teknikal, maging sa kalagayan ng taong nag-uusap.
c. Pisyolohikal na sagabal – maaaring ito ay kapansanan sa kanyang kakayahang
makapagsalita, makarinig o makakita,
d. Sikolohikal na sagabal – tumutukoy ito sa kultura na kinalakihan ng tao na maaaring
maging sagabal sa interpretasyon ng mensahe.

Mga kategorya ng komunikasyon


1. Intrapersonal
2. Interpersonal
3. Komunikasyong pampubliko
4. Komunikasyon na pangmadla
5. Komunikasyong pang-organisasyon
6. Komunikasyong pangkultura
7. Komunikasyong pangkaunlaran

PAGPILI NG HANGUAN (SOURCES) NG IMPORMASYON

a. Pagtatala – kakayahang dapat taglayin ng mga mag-aaral sa kanyang pananaliksik ay


ang pagtatala ng mga makabuluhang impormasyon.
b. Paggamit ng internet - kailangan na magkaroon ng kaalaman tungkol sa tamang
pagtingin o ebalwasyon ng mga impormasyon na nakukuha mula sa internet upang
ang pagsasaliksik ay magkaroon ng kredebilidad.
c. Debrief – maaaring umpisahan na ang diskusyon hinggil sa mga impormasyon na
nakalap ng mag-aaral.
d. Mga koneksiyon – magiging malinaw ang pananaliksik ng mga mag-aaral kung
kanilang malalaman ang koneksiyon nito sa buhay.

Panoorin ang adisyunal na reperensiya ng pagkatuto, gamit ang link na nasa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=l7X_v6nrWDs

“Lumayo ka sa mga taong sinusubukang sirain ang iyong mga ambisyon. Ang mga maliliit na isip ay
palaging gagawin iyon,ngunit ang mahusay na pag-iisip ay magbibigay sa iyo ng isang pakiramdam na
ikaw ay magiging mahusay din”

“Stay away from those people who try to disparage your ambitions. Small minds will always do that,
but great mind will give you a feeling that you can become great too”

MARK TWAIN

You might also like