You are on page 1of 2

 Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon -www.slideshare.

net/
 Kahulugan ng Komunikasyon
 Komunikasyon -Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangunguhulugang “karaniwan” o
“panlahat” . -Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan
ng karaniwang simbolo. - Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng
cues na maaring berbal o di-berbal
 -Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang
nang walang lamangan.(Atienza et. Al. 1990) -Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng simbolo na maaaring verbal o di-verbal.(Bernales et. Al.) -Ayon sa isang Sikologo
na si S.S Stevens, ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organismo sa anumang bagay na
nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon.
 -Intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya,
damdamin, emosyon mula sa isang indbidwal tungo sa iba. -Greene at Petty (Debeloping Language
Skills) -Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan (Webster).
 -Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang
maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa,
anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).
 Kahalagahan ng Komunikasyon
 Kahalagahang Panlipunan Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng
kanyang pakikipag- unawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at binibigyang-halaga
ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba,
nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at
pulitika.
 Kahalagahang Pangkabuhayan Anumang propesyon upang maging matagumpay, ay nangangailangan ng
mabisang pakikipagtalastasan.
 Kahalagahang Pampulitika Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit
ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa kinauukulan.
Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag
ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman magiging posible kung hindi dahil sa komunikasyon.
 Sa madaling salita, ang komunikasyon ay ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para
tayo magkaintindihan. Natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay.
Napapataas at napapanatili ang pagkakakilanlan sa sarili Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan
at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.
 KOMUNIKASYON : DEPINISYON at HALAGA

 Ayon kay Webster ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan.Inilarawan naman nina Greene at Petty,sa aklat nilang Developing Language
Skills ang komunikasyon bilang isang intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo
upang makapagpadala ng katotohanan,ideya,damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa
iba.Samakatuwid,ang komunikasyon ay maaaring magamit para sa mabuti o masamang layon.Kapag
tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin o ihayag ang katotohanan,pagyamanin ang mga aspetong
nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao,ang komunikasyon ay mabuti.Ngunit kapag sinisira o
binabaluktot ang katotohanan sa komunikasyon,nililito o nililihis ang mga mamamayan sa kabutihan
ang komunikasyon ay masama.
 URI  NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON

 Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan- ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.ng pagkakabuklod-buklod tungo
sa isang partikular na mithiin.

KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL-ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.Sangkot dito


ang pag-iisip,pag-alala,at pagdama mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL-ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganp sa


pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao o maliit na pangkat.Ang uri ng komunikasyong ito
ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

 KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO -ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa


pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao

You might also like