You are on page 1of 27

KONTEKSTWALISADON

G KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO
1. TSISMISAN

• - batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na


tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang
tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi.
• - Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw
niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin.
Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong
gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na
bahagi ng buhay ng tao.
2. UMPUKAN

• - isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng


dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay
nagbabahaginan ng impormasyon.
• - nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino
ukol sa mga buhay-buhay magmula sa usapin ng kani-
kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa
barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano
ng mga bagay-bagay.
Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay
ang SALAMYAAN sa Lungsod ng Marikina
• -Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010),
ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng salamyaan bilang
bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa
nito bilang talastasang bayan.
• -Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang salamyaan ay isang
silungan kung saan ang mga Marikenyo , partikular na ang
mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan,
nagsasalo-salo at namamahinga.
3. TALAKAYAN

• - tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga


kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o
higit pang katao.
• - kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na
layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga
patakarang nais ipatupad.
Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan

• a. PANEL DISCUSSION
• - isang pormat na ginagamit sa isang pulong , o
kumbersasyon.
• - maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol
sa isang paksang pinagkasunduan
• b. SIMPOSYUM
• - isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon
kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto
sa kani-kanilang larangan.
• c. LECTURE-FORUM
• - isang anyo ng forum na isinasagawa upang
magbigay ng lecture sa isang
espisipikong paksa.
4. PAGBABAHAY-BAHAY

• - Kalimitan itong ginagawa sa mga


sitwasyong nangangailangan ng
impormasyon ang isang indibidwal o
organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon
ng komunidad gamit ang pagtatanong-
tanong bilang metodo.
5. PULONG-BAYAN

• - isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan


• - SA KULTURANG Pilipino, ang pulong-bayan ay
isang pangkomunikasyong Pilipino na
isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga
kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan
ng komunidad.
• - ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga
mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-
usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung
maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan,
programa at iba pang usaping pangpamayan na
madalas isinasagawa kapag may mga programang
nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San
Juan, et al., 2019)
6. MGA EKSPRESYONG LOKAL
• Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al.
(2018)
• - ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o
pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa
bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o
galak. May mga ekspresyon din ng pagbati,
pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t ibang lugar
ng Pilipinas.
• Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na
naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng
pilosopiya.
• Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga
tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na
ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat
salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi
bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan
sa ibang wika.
• Mga halimbawa:
• Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka!
• Ina ko po! Bahala na. Hay naku!
a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay
sa kontekstong Pilipino (San Juan, et al., 2019)

• “Susmaryosep!” – (pinaikling Hesus, Maria at Hosep)


• Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga
nakatatanda (lola, nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit
kapag sila ay nagulat o nag-aalala.
Sa kasaysayan, may kaugnayan ito saKatolisismong dala ng mga
Espanyol sa Pilipinas
Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga
Pilipino ay humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa
Kanyang mga magulang (Maria at Hosep)
• “Bahala na ( mula sa Bathala na)
• -Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng nagsasalita
• May pagka-negatibo ngunti mararamdaman ang
positibong kung susuriin ang lalim nito dahil hindi ito
sasabihin ng isang Pilipino kung wala itong paano o
kahandaan
• -Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na ipinapaubaya
sa Diyos kung anuman ang magiging resulta ng pangyayari
• -Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa
limitasyon ng tao sa bawat bagay at
binubuksan ang ideyang sa buhay ang Diyos
lang ang tunay nakakaalam
b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa
Pilipinas (San Juan, et al. ,2018)
• Timog Katagalugan
• “Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na
sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring
makapanakit)
• “Tanga!” ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-
uyam o pagbibiro)
• Kabikulan
• “Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang
magbabalik sa iyong kabutihang loob)
• “Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya)
• “Alla!” (pagkagulat, pagkamangha)
• Bisaya
• “Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo)
• “Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao)
• “Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay)
• Batanes (pagbati ng mga Ivatan)
• “Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos)
• “ Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo)
• “Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!)
• Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga
Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan,
nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang
mga ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain
ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at
Juice ko Lord na mula sa D’yos ko po! ay ilan sa
mga patunay nito.
• Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga
kabataan lalo na sa mga milenyal ang mga ekpresyong
gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di
wow!; Ikaw na!; na kung saan bawat isa ay may
sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at
konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan,
et al., 2019).
c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local
expression) sa Pag-unlad ng mga Pilipino sa Larangan
ng Pakikipagkomunikasyon

• 1) Naging dinamiko ang wikang Filipino.


• - ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng
wikang buhay. At sa patuloy na pagdagdag ng mga
salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay
lalong lumalago ang wikang Filipino.
• 2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino.
• - ang mga nabubuong ekspresyon ay
nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga
tao sa salitang nais nilang magamit sa
pakikipagpahayagan.
• 3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang
Filipino.
• - sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng
wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na
mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal
o kabataang Pilipino.

You might also like