You are on page 1of 17

INTRODUKSYON

Layunin :

– Malaman kung ano ang kahulugan ng Wikang Pambansa.


– Maintindihan kung ano- ano ang mga Isyung Pangwika.
– Malaman ang mga Varyasyon ng Wika.
– Ano ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga
Wika sa Bansa.
– Malaman ang kahulugan ng Rehistro at mga Varayti ng Wika.
Malaman kung ano ang kahulugan ng
Wikang Pambansa.
– Ang Wikang Pambansa
Ang Pilipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng
mga mamamayanan na may iba’t ibang nasyonalidad at iba’t ibang katutubong wika.
Itinuturing na mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaaan. Ang pagkakaroon ng
isang wikang pamabansa, sa gayon ay para sa pagkakaunawaan. Sa wikang ito sumisibol
ang damdamin ng pagkakaisa sa mga mamamayang may iba’t ibang wikang katutubo.
Katulong ito ng pambansang watawat, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng
isang pambansang pamahalaan.( Almario, 2014).
Maintindihan kung ano- ano ang mga Isyung
Pangwika.
– Mga Isyung Pangwika
Una- Ang nagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal na pumili ng isang
katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista t
Kontra-Kolonyalista.
Ikalawa- Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa wikang Filipino. Noong nasa posisyon
pa lamang siya bilang pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg.210 na
may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second Language
in education System”. Nilayon ng naturang Executive Order na palakasin ang Ingles sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit nito bilang wikang panturo,
bagay na kwinestyon ng Korte Suprema noong Abril 27, 2007.
Maintindihan kung ano- ano ang mga Isyung
Pangwika.

Ikatlo- Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher


Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine
Government and Constitution bilang mga asignatura sa
kolehiyo.
Malaman ang mga Varyasyon ng Wika.

Varyasyon ng Wika.
– Ayon sa Bibliya, noong pasimula ay may iisa lamang na wika ang mga tao. Sa paglipas ng panahon,
nagkaroon ng halos, hindi na mabilang na wika ang mga tao. Sa kasalukuyan, ayon sa Ethnologue:
Languages of the World, 15th ed(2005) at CIA World Fact Book, ang mga bansang Papua New Guinea,
Indonesia at Nigeria ang tatlong nangungunang bansa na may pinakamaraming lengguwahe na
sinasalita;
– Sa parehong tala sinasabing, ang Pilipinas ay may 180 na lengguwahe na ginagamit nating mga Pilipino.
At Filipino nga ang ating Pambansang Wika at Ingles naman ang ikalawang opisyan na wikang ginagamit
sa ating bansa.
Malaman ang mga Varyasyon ng Wika.

Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa


Bansa
Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga
pag-aaral at pananaliksik ang tungo sa pagkakaiba ng wika o barayti
at barasyon ng wika. Kaugnay ng mga pagpplaplanong pangwika na
isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga
isyung panglingguwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng Barayti ng
wika.
Malaman ang kahulugan ng Rehistro at mga
Varayti ng Wika.
Ang barayti ng wika ay pagkakaroon ng natatanging katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo- sitwasyonal na
makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na Barasyon o Barayti ng
wika.
Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
bansa. Maaaring ang pagkakaiba-iba ay nasa bigkas, tono,uri at anyo ng
wika. Ang dalawang barayti ng wika ayon kay Cafford(1965).
Malaman ang kahulugan ng Rehistro at mga
Varayti ng Wika.
Ang register ay ang barayting kaugnay ng panlipunang papel na
ginagampanan ng tagpagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Ang estilo naman ay barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa
kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intermeyt o
personal.
Ang mode ay ang barayti na kaugnay sa midyum na ginagamit sa
pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
Sosyolek laban sa Idyolek
Sosyolek Idyolek

• Barayti sa paggamit ng • Ang ikinatatangi sa


wika na nag-iiba -iba paraan ng
depende sa katayuan sa pagsasalita.
lipunan.
• Barayti nabubuo batay sa
• Tumutukoy rin ito sa
dimensyong sosyal, ibig
dalas ng paggamit /
sabihin nakabatay sa mga pagbanggit ng salita.
 
pangkat ng mga -
panlipunan
Pidgin
Pidgin laban sa Creole
Creole

• Barayti ng wika na nabuo • Dati ay pidgin na napaunlad o


dahil sa pangangailangan at nalinang sapgkat inangkin ng
praktikalidad isang lehitimong grupo o
pangkat.
• Nangyayari ito sa • Mas marami itong katutubong
pakikipagkalakalan sa hindi ispiker kaya pidgin.
alam ang wika ng iba. • Hindi lamang ito wika ng “ hilaw
• Wala itong katutubong na pakikipagklakalan” kundi’y
ispiker naging wika ng isang
pamayanang panlipunan.
• Kongretong halimbawa nito ang
Chavacano
 
Punto laban sa Rehistro

Punto Rehistro

• Tinatawag ding accent • Nakabatay sa kung ano ang


• Lahat ng tagapagsalita ay may iyong ginagawa
punto, mas halata nga lamang sa • Sinasabi ring
iba intelektwalisasyon ng wika
• Tumutukoy sa kung paano ng
isang Bikolano, sa isang • Nakabatay sa trabaho:
Batangeno, sa isang Bisaya, sa abogado, pari, sport at guro
isang Ilokano ay bumibigkas ng • Nakabatay sa gamit at hindi sa
salita. gumagamit
 
ALAMIN NATIN!

– Pagproseso ng Impormasyon
– Ang pagproseso ng impormasyon ay tumutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, pag-intindi at
pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay isang paraan ng paglikha ng bagong kaalaman mula sa mga
narinig, nakita, nabasa at napanood na napalalawak dahil sa karanasan. Karaniwan, ang impormasyon ay
tumutukoy sa mga katotohanan at opinyon na ibinibigay at natatanggap.sa pang- araw-araw na buhay.
Ang impormasyon na nakukuha nang direkta mula sa pakikisalamuha sa kapwa tao at sa mga bagay-
bagay sa paligid. Sa kasalukuyang ang impormasyon ay maaaring tumukoy sa mga kaalamang hatid ng
mass media o kaya’y ng mga electronic data banks tulad ng internet. Maaari ring ang impormasyon ay
mga pangyayari o mga phenomena sa ating kapaligiran.
ALAMIN NATIN!

– Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon


– Pandinig (Auditory )
– Sa pamamagitan ng pandinigay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa mga indibidwal
na nakakapagproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong may hilig sa
pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig.
– Pampaningin ( Visual )
– Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa mga
pinakamahusay na kagamitan para sa indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga impormasyon ay
kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay
na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat, at gaan, ayos at ang pagkakabuo ng mga bagay ay ang
basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman.
ALAMIN NATIN!

– Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon


– Pagkilos (Kinesthetic)
– Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na ngangahulugang pagkilos. Sa
pagprosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na
pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon,
eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang mga pelikula at vidyo ay nakahanay sa
estilong kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic ang lahat ng kanilang mga pandama
( panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral.
1)Paano ang tiyak na paggamit ng Filipino at
Ingles bilang midyum ng pakikipag-ugnayan
ng mga Pilipino?
2)Paano palalakasin sa larangan ng Edukasyon
ang Wikang Pambasa?
3)Ang aking pagninilay tungkol sa aralin
ay…….

You might also like