You are on page 1of 172

WIKA

• Mga Konseptong • Barayti at Baryasyon


• Kahulugan ng Barayti
Pangwika
• Iba't Ibang Rehistro at
• Kahulugan at ng Wika Larangang Pangwika
• Kahalagahan ng Wika • Kahulugan ng Rehistro ng Wika
• Mga Larangang Pangwika
• Kapangyarihan • Pahapyaw na Kasaysayan ng
• Tungkulin Wikang Pambansa
• Katangian • Kalikasan at Estruktura ng Wika
• Ponolohiya
• Teorya sa Pagkatuto ng • Morpolohiya
wika • Pagbabagong Morpoponemiko
• Antas ng Wika • Sintaksis
• Ang baybayin ay binubuo
ng 17 titik:

• 3 patinig
• 14 na katinig.
• alibata
• Kapag ang isang katinig ay
may tuldok sa ibabaw,
binibigkas iyon nang may
kasamang tunog na E o I.
• Kapag nasa ilalim
naman ang tuldok, ang
kasamang patinig ay O
o U.
• A few netizens reacted quickly to the photos
of the signs, which circulated online as soon as
news of Lagusnilad Underpass reopening
came out. Some pointed out a mistake in the
usage of Baybayin to spell out Intramuros and
Manila, lacking the requisite dots on top of
some characters, making it read as
“Intpamuros” and “Manala.” 
https://globalnation.inquirer.net/125278/list-40-filipino-coined-
words-added-in-oxford-dictionary#ixzz74jJ6f993
 
Kahulugan ng Wika
• Ang wika ay ang kalipunan ng mga salita na
ginagamit ng isang lipunan.
• Bawat lipunan sa daigdig ay may wikang
ginagamit na tanging pekyular sa isa't isa
maging ito ay nasa anyong pasulat at pasalita.
• Ito rin ang nagsisilbing sandata niya tungo sa
mabisang interaksyon sa kanyang kapwa.
ang wika ay maraming bagay –
• isang sistema ng komunikasyon,
• isang kasangkapan ng kaisipan,
• isang pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili,
• isang panlipunang institusyon,
• hanguan ng pagpapahalagang katutubo at
kontrobersiyang politikal
KAHULUGAN

 “Ang wika ay sumusunod lamang sa lakad


ng mga bagay. Kapag nagbago ang bagay,
nag-iiba rin ang wika”—P.L. STRAWSON
KAHULUGAN

**Kailangan ang iba’t ibang gamit ng wika
para sa iba’t ibang uri ng tagapakinig o sa
bawat magkaibang pagkakataon

 **Ang wikang ginagamit sa pagpapahayag


ay dapat na iniaangkop sa uri ng tagapakinig
o mambabasa
KAHULUGAN
 Dagdag naman nina Mangahis et al (2005)
na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan.

Ito ang midyum na ginagamit sa maayos


na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.
KAHULUGAN

• WIKA --ay isang masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang
sa isang kultura.—Henry Gleason

 
• Ayon sa mga sosyolinggwist, malaki ang
ugnayan ng wika at lipunan, at kultura.
Kahalagahan ng Wika
1. Sa Pansarili.
Gamit ang wika upang makapagpahayag ng saloobin. Nagagawa ng tao na
mapaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga
kaalaman sa kanyang paligid. Dahil dito, nagagawa niyang matamo ang
kanyang mga ninanais at minimithi tungo sa pampersonal na kasiyahan.
2. Sa Kapwa.
Sa kadahilanang ang tao ay may wika, nagagawa nating makihalubilo upang
mapatatag ang ating relasyong-sosyal. Nagagawa rin nitong mas
mapalawak pa ang ating mga karanasan sa buhay.
3. Sa Lipunan.
Nagiging mahalaga sa isang lipunan ang wika sa pamamagitan ng mga
kolektibong karanasan ng mga tao. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila
ng isang tiyak na lipunang tunay na pekyular at natatangi kaysa iba.
Kapangyarihan ng Wika
• masasabi nating ang taong mahusay gumamit
ng wika ay mas may malaking pagkakataon na
makaimpluwensya ng kanyang kapwa.
• Ang wika ang pangunahing instrumento upang
maipamalas ang kapangyarihan; wika ang
ginagamit upang magpahayag ng mga
kautusan na siya namang sinusunod ng iba.
1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
• Ano mang pahayag na sasabihin ng isang tagapagsalita ay
maaaring makapagdulot ng marami at iba't ibang kahulugan o
interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
• Ibon sa tagalog- bird sa Ingles -langgam sa mga Cebuano

• Para maiwasan ito, kinakailangan na maging sensitibo ang


mga kalahok sa akto ng komunikasyon at hangga't maaari,
kung may pag-aalinlangan, magtanong! Ito ay lubos na
makatutulong tungo sa mabisang pagkaunawa sa kabuuan ng
konteksto ng usapan.
• 2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin.
• nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga
negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi
makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa.
• Nagagawa niyang maging pino sa paggamit ng mga
salita na siyang repleksyon ng kanyang pagkatao.
• Samakatuwid, masasabing ang ating mga paniniwala at
pag- uugali ay may papel na ginagampanan sa ating
paggamit ng wika. Sa pamamagitan nito, nahuhubog
din ng wika ang mga tamang pag-uugali ng isang tao.
• 3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon. Ito ay ang
pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.
• mabuti at masama, mataas at mababa, pangit at
maganda
• Nakapagdudulot ng hindi pagkakaunawaan ang
polarisasyon dahil hindi ito nagiging makatotohanan
kung minsan dahil na rin sa malalimang pagtanaw sa
gamit ng salita na nagdudulot ng malaking epekto sa
kausap. Dahil dito, malaki ang nagagawa nitong impak
o epekto sa tumanggap ng mensahe.
• 4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring
kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.
Kailan man ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang
kultura.
Ano mang salitang mayroon sa isang lipunan ay produkto
ng kanilang mayamang karanasan mula sa kanilang
interaksyon sa isa't isa.
Sa pananaw na ito, hindi nararapat tingnan ang isang wika
bilang mataas (superior) o mababang (inferior) antas dahil
lagi itong nakabatay at sumailalim sa kanilang kultura.
Tungkulin ng Wika
1. Instrumental
Ito ay ang paggamit ng wika upang magpahayag ng ating mga
pangangailangan, tulad ng paglalahad ng mungkahi; panghihikayat;
pagbibigay-utos; at pagpapangalan.
2. Regulatori
Ito ay ang paggamit ng wika upang kontrolin ang ikikilos o gagawin ng iba.
(panuto o pagbibigay direksyon)
3. Representasyonal
Ito ay ang paggamit ng wika upang magpahayag ng mga impormasyon at mga
katotohanan.( pag uulat)
4. Interaksyonal Ito ay ang paggamit ng wika upang lumikha at magpatatag
ng mga ugnayang- panlipunan. (pangangamusta o liham pangkaibigan)
Tungkulin ng Wika

5. Personal Ito ay ang paggamit ng wika upang ipahayag ang


damdamin, opinyon at sariling aydentidad. Sakop nito ang mga
bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at
tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito.
6. Heuristik Ito ay ang paggamit ng wika upang maging daan sa
pangangalap ng impormasyon tungkol sa paligid. (survey at
pagtatanong)
7. Imahinatibo Ito ay ang paggamit ng wika upang pukawin
ang malikhaing kaisipan ng tao sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga kuwento, biro at iba pa.
Katangian ng Wika
• 1. Internal na ugnayan.
• Isa sa mga katangian ng ano mang wika sa daigdig ay ang
kakayahan nitong makabuo ng pangungusap sa loob ng
isang pangungusap. Ang prosesong ito ay tinatawag na
relatibisasyon.
• Halimbawa:
• Si Jose ang estudyante na nakakuha ng pinakamataas na
grado sa akin noong nakaraang semester na pamangkin
ang aking kaibigan na si Nidalyn na ngayon ay nasa Canada
na bilang nars at patuloy pa ring sumusulat sa akin.
• 2. Ang wika ay arbitraryo. Ang arbitraryo ay
nangangahulugan na ang bawat wika ay may kani-kaniyang
mga katawagang ginagamit na itinatakda ng isang lipunan o
uniqueness ng isang salita bagaman magkasingkahulugan.
Dahil arbitraryo ang wika, nangangahulugan na ang lahat
ng posibleng tunog na ating nalilikha ay maaaririg
magkaroon din ng ganoon karaming pakahulugan
• Halimbawa:
– aso (Filipino), dog (English), perro (Spanish), anjing (Bahasa
Malaysia)
– bigas (Tagalog), begas (Tiruray ), bagas (flokano ), bugas (Bisaya)
• 3. Ang wika ay produktibo at likas na mapanlikha. Ito ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na gamitin ang
kanyang katutubong wika sa pagpapahayag na walang
kahalintulad. Nabibigyan siya nito ng kalayaan na maging
mapaglaro sa mga salita tungo sa mas mabisang paraan ng
pagpapahayag.
• 4. Ang wika ay isang penomenong-sosyal.
Nangangahulugan lamang ito ng pagkakaroon ng
komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng
tao. Sa madaling salita, mas nagiging mabilis ang pagkatuto
sa wika dahil sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa.
5. Ang wika ay kakambal ng kultura. Kailan man ay hindi
mapaghihiwalay ang wika at kultura. Bawat wika sa daigdig
ay produkto ng mayamang karanasan ng isang lipunan. Mula
sa karanasan, nadedebelop ang wikang sinasalita ng isang
tiyak na lipunan.
Halimbawa, naging kultura na ng mga taga-Katagalugan na
sabihing, Sasama ka ha sa libing sa halip na makikipaglibing
ka ha?
Bagaman kung kultura ang pag-uusapan, hindi natin
maaaring sabihin na mali ang nabanggit na praktis ng mga
taga-Katagalugan.
• 6. Ang wika ay tunog.
• May dalawang konsepto ang wika kung tunog angpag uusapan.
• A. May mga wika sa daigdig na tinatawag na tonal-language gaya ng
wikang Hapones, Intsik, at Koreano. Ibig sabihin, mayroon silang mga
salitang magkakapareho ang ispeling subalit nagiging magkaiba ang
kahulugan kapag nag-iba ang tono ng pagbigkas nito.
• B. Ang pangalawa ay tumutukoy sa paniniwala na bawat wika ay sa
tunog nagmula. Halimbawa, sa Pilipinas, tinatawag nating tiktilaok ang
tunog ng manok. Samantala, sa Ingles, tinatawag nila itong cock-a-
doodle-doo. 0 kaya naman, ang tahol ng aso sa atin, aw-aw-aw.
Samantala, sa Ingles, whoorff-whoorff-whoorff ang paraan ng tunog nito.
• Sa madaling salita, bawat wika ay may malaking kaibhan sa tunog batay
sa kung papaano nila binigyan ito ng sariling interpretasyon.
Katangian ng wika
7. Ang wika ay buhay o dinamiko.
Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng
wika.
Halimbawa:          BOMBA
                Kahulugan
a.  Pampasabog
b.  Igiban ng tubig mula sa lupa
c.  Kagamitan sa paglalagay ng hangin
d.  Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e.   Sikreto o baho ng mga kilalang tao
Katangian ng wika
8. Ang wika ay may kakanyahan.
Lahat ng wika ay may sariling set ng
palatunugan, leksikon at istrukturang
panggramatika. May katangian ang isang wika
na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.
Katangian ng wika
9. Lahat ng wika ay nanghihiram.
Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula
sa ibang wika kaya’t ito ay patuloy na umuunlad.

Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng


paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon]
na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang
[educaćion].
Upang higit na maunawaan ang Teorya
sa Pagkatuto ng Wika, panoorin ang
mga links na nasa ibaba

• https://www.youtube.com/watch?v=
_kfbPMGYa4w

• https://www.youtube.com/watch?v=
_kfbPMGYa4w
•Naitanong mo na ba
sa iyong sarili kung
paano ka natutong
magsalita?
Teorya sa Pagkatuto ng Wika

• Debelopmental linggwistiks ang tawag sa


aspekto ng linggwistiks kung saan pinag-
aaralan kung sa papaanong pamamaraan
natuto ng wika ang isang nilalang mula nang
siya ay isinilang hanggang sa kanyang paglaki
• Echoic stage ng pagkatuto sa wika ang tawag
pag inuulit mo lang ang iyong napakinggan
kahit di-lubos ang pag- unawa
• Subalit, ang hindi mo alam, sa yugtong iyon ng
buhay mo ay unti-unti ka nang natututo sa
gamit ng wika. Ang pagkatuto kasi ng wika ay
isang yugto- yugtong proseso kung saan pinag-
aaralan ang wika sa isang paraang organisado
at sistematiko.
Narito ang ilan sa mga paniniwala ng mga
dalubwika:
• Paniniwala ng mga Behaviorist., ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa
pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan
ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran. Dahil sa mga kakayahan sa pagkatuto,
otomatiko mo na ngayong natutunan ang wikang sinasalita ng mga magulang mo at
mga kapatid mo.
• Paniniwalang Nativist. ang mga bata ay nagtataglay ng isang likas na salik upang
matamo ang pagkatuto sa wika. At habang siya ay lumalaki, patuloy niya itong
nililinang mula sa pakikipag-interak niya sa kanyang kapwa.
• Paniniwala ng mga Cognitivist. nakapaloob ang dinamikong proseso ng pagkatuto sa
wika kung saan ang tao ay walang humpay sa kanyang pag-iisip sa pagtanggap ng mga
impormasyon mula sa kanyang paligid. Mula rito, nagagawa niyang paunlarin ang
pagkatuto niya sa wika.
• Paniniwalang Makatao. Ang paniniwalang ito ay nakapokus sa damdamin at emosyon
ng isang tao. Dagdag pa rito, mas mabilis na natutunan ng tao ang wika kung wala
siyang pag- aalinlangang gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin.
Antas ng Wika
Pambansa
• Ito ang wikang nauunawan ng mga mamamayan ng isang
buong bansa. Para sa isang bansang multilingual,
napakahalaga ng pagkakaroon ng pambansang lingua franca
o wikang pambansa upang mayroong magsisilbing tulay ng
pagkakaunawaan ng mga mamamayan. Ito rin ang antas ng
wika na karaniwang ginagamit sa mga palabas sa telebisyon,
programa sa radyo, at maging sa pahayagan.
• Halimbawa:
• Maganda pamahalaan anak tahanan
• Edukasyon kaibigan paaralan
Pampanitikan
• Ito ang pinakamayamang antas ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng
mga idyoma at tayutay. Ito ay kilala rin bilang wikang pang-akademya at
siyang ginagamit na wika sa usaping pang-akademya, sa pananaliksik, at
sa mga pormal na talakayan. Kinakailangan ng mas malalimang kaalaman
sa wika upang maunawaan ang paggamit ng wika sa antas na ito dahil
may mga salitang may ibang pakahulugan kung ginamit nang patalinhaga
o bilang mga idyoma.
• Halimbawa:
• mabulaklak ang dila (bolero)
• kaututang dila (kadaldalan)
• ahas na tulog (mabagal mga gawain)
• bagong-ahon (bagong dating)
Lalawiganin
• Ito ang tawag sa mga wikaing ginagamit sa bawat
lalawigan. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo
na napapangkat sa iba't ibang lalawigan.

• Halimbawa:
• Tagalog - aalis Ilokano - pumanaw
• Tagalog - kaibigan Bikolano - amiga
• Tagalog – itlog Kapampangan - ebon
• Tagalog - sinulid Cebuano - hilo
Kolokyal
• Ito ay tumutukoy sa pang-araw-araw na gamit ng
salitang hinalaw sa pormal na mga salita. Madalas, ito
ang ginagamit sa anyong pasalita at nagkakaroon ng mga
bahagyang pagbabago sa pagbigkas upang maging
madali.
• Halimbawa:
• lika (halika) naron (naroon)
• meron (mayroon) antay (hintay)
• don (doon) ika (winika)
Kolokyal
• Ay Hesus! - aysus!
• Pinsan - insan
• Mayroon - meron
• Kapisan - pisan

• Dalawa - dalwa
Ayaw ko - ayoko
• Saan ba? - san ba? • Diyan - dyan
• Piyesta - pista • Kwarta - pera
• Ay, hintay! - antay! • Nasaan - nasan
• Inilaban - nilaban • Paano - pano
• Ipinangako - pinangako • Sa Akin - sakin
• Isinalba - sinalba • Kailan - kelan
• Ipinahiya - pinahiya • Kamusta - musta
Kolokyal
• Ikinukubli - kinukubli • At saka - tsaka
• • Kuwarto - kwarto
Probinsyano - promdi
• Pahinge - penge
• Tatay - erpat • Naroon - naron
• Kabarikada - barkada • Inalisan - inalsan
• Halika - lika • Kaunti - konti
• Doon - dun • Beinte - bente
• Kani-kaniya - kanya-kanya• Dalawampu - dalwampu
• Puwitan - pwetan
• Pulis – Parak • Walang pakialam - lampaki o
• Eh 'di - edi lampake
• Kinain - nakain • Pakialam - paki
Balbal (slang)
• pinakamababang antas ng wika, at kinabibilangan ng mga salitang
nabuo o nalikha sa impormal na paraan tulad ng pagsasama-
sama ng mga salitang maaaring mahaba o maikli lamang o di kaya
ay pagbabaliktad ng mga pantig ng isang salita
• Isa sa karaniwang pinagmumulan ng mga salitang balbal ay mula
sa mga grupo ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa pakikipag-
usap ngunit hindi ekslusibong wika ng mga bakla ang wikang
balbal. Isa lamang sila sa pinagmumulan ng mga salitang balbal.
Ang mga salitang balbal ay karaniwang hindi nagtatagal, agad na
napapalitan kung kaya't ito ay itinuring na isang mahalagang
manipestasyon na ang wika ay buhay.
Balbal (slang)
• Isang halimbawa ay ang mga daglat na lubhang nauuso sa
kasalukuyan bunga na rin ng pagpapaikli ng estilo ng
pakikipagtalastasan gamit ang teknolohiya tulad ng cellphone at
mga kompyuter.
crayola - umiyak thunder cats - matanda
jonta – punta parak - pulis
istokwa – naglayas lowbat – lupaypay
Carmi Martin – karma
kyota- bata jubis – obese
baboo – paalam jowa-asawa
Kahulugan ng Barayti ng Wika
• Ang salitang barayti sa simpleng
pagpapakahulugan ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba.
• Bawat isa rito ay nagkakaroon ng pagkakaiba
depende sa estilo, tono, punto, at iba pang
salik pangwika na ginagamit ng isang lipunan.
• Lahat ng buhay na wika ay patuloy na
nagbabago dulot ng iba't ibang salik tulad ng
heograpiya, etnisidad, antas panlipunan,
kasarian, oryentasyong pangkasarian, at iba
pang mga hangganang panlipunan
• Isa itong dahilan kung bakit nagkakaroon ng
barayti ang mga wika sa buong daigdig. Kung
kaya, nararapat lamang tingnan na ang barayti
ng wika ay isang positibong penomenong
pangwika dahil pinauunlad at pinayayaman
nito hindi lamang ang wika ng isang lipunan
kundi pati na rin ang kultura nito.
Kahalagahan ng Barayti ng Wika

• Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika


sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
salitang gagamitin ng isang lipunan.
Kahalagahan ng Barayti ng Wika
• Bunga ng interaksyon ng isang wika sa iba't
ibang barayti nito, nadaragdagan ang mga
katawagan para sa iisang konsepto na
nagpapaunlad naman ng mga barayti.
• Sa puntong ito, magagawang makapamili ng
mga gumagamit ng wika ng angkop na salitang
gagamitin upang maipahayag ang kanilang
saloobin.
Upang higit na maunawaan ang Mga
Barayti ng wika, panoorin/basahin
ang mga links na nasa ibaba

• https://www.youtube.com/watch?v=YrMpchej8
zc

• https://www.youtube.com/watch?v=m-
JYuWcuy2w
• https://samahangwalangkatulad.wordpress.co
m/barayti-ng-wika-2
/
Mga Barayti ng wika
• 1. Idyolek
• Ito ay ang anyo ng wika na ginagamit ng isang
partikular na indibidwal.
• Ang pagkakagamit na ito ng wika ng isang
indibidwal ay sumasalamin sa gramatika ng
ispiker
• Halimbawa: So, Ok, Ano, Actually, Grabe at iba
pa
• 1. Idyolek
• Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang
indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa
pamamahayag at pananalita.
• Halimbawa:
• “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
• “Hoy Gising” – Ted Failon
• “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
• “Di umano’y -” – Jessica Soho
• 2. Dayalek
• Ito ay mga wikang rehiyonal, isang tiyak na anyo o
barayti ng isang wika na ginagamit sa isang partikular
na lugar
• Sa pagkakataong mayroong sistematikong kaibhan ang
iba't ibang grupo sa paggamit ng isang partikular na
wika, masasabing ang mga grupong iyon ay gumagamit
ng mga dayalek ng isang partikular na wika.
• Halimbawa: Tagalog-Cavite,Tagalog-Batangas,Tagalog-
Bulacan,Tagalog-Davao
• 2. Dayalek
• Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan.
Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa
partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan.
• Halimbawa:
• Tagalog – “Mahal kita”
• Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
• Bikolano – “Namumutan ta ka”
• Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
• Cebuano – “Dili ko sabot”
• 3. Sosyolek
• nadedebelop sa pamamagitan ng sosyalisasyon at
nananatili lamang sa isang tiyak na panahon. Ito ay isang
dayalek na sinasalita ng isang pangkat na nakikilala sa
kanilang kinabibilangang socioeconomic class, lahi, pook
na pinagmulan, maging kasarian at napapanatili ang
barayti na ito ng mismong gumagamit nito
• Halimbawa: Wikang Cybernatics (Wika sa Teknolohiya),
Wika ng Yuppies (Young Urban Professionals), Wika ng
mga Bading
• 3. Sosyolek / Sosyalek
• Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit
sa isang partikular na grupo.
• Halimbawa:
• Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
• Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang
init naman dito!)
• Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
• 4. Etnolek
• Ito ay barayti ng wika na sinasalita rin ng isang
partikular na pangkat etniko o kultural.
• Halimbawa: Wika ng mga Badjao, Wika ng mga
Mangyan, Wika ng T'boli at iba pa.
• 4. Etnolek
• Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa
maraming mga pangkat na etniko.
• Halimbawa:
• Palangga – Sinisinta, Minamahal
• Kalipay – saya, tuwa, kasiya
• Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
• 5. Ekolek
• karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.
Karaniwan itong nabubuo kung matagal na
nagkakasama ang isang pangkat sa iisang tirahan,
nakukuha nila ang estilo at pamamaraan ng
pagsasalita ng kanilang mga kasama gayon din ang
mga patern ng pagbuo ng pahayag. Taglay nito ang
impormal na paggamit ng wika subalit nauunawaan
ng mga gumagamit nito.
• Halimbawa: Mamita, Lolagets, Papsy
• 5. Ekolek
• Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan.
Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng
bata at matanda.
• Halimbawa:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Papa – ama/tatay
• Mama – nanay/ina
• 6. Pidgin
• mga wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa
pangangailangan ng mga tagapagsalita. Karaniwang ito ay nabuo
upang magkaroon , ng midyum ng komunikasyon sa pagitan ng mga
taong magkaiba ang unang wika at madalas ang mga salita at ang
estruktura ay nagmumula sa mas nangingibabaw na wika o ang
tinatawag na lexifier language. Ito ay isang contact language, kung
saan madalas na ginagamit lamang para sa pakikipagkalakalan at mga
gawaing kaugnay ng trabaho. Para sa iba pang gawaing
pangkomunikasyon, ginagamit ng mga ispiker ang kanilang unang
wika (Fromkin et al., 2011).
• Halimbawa: Mga salitang ginagamit ng mga Intsik sa Binondo: Akin
tinda bago, ikaw bili.
• 6. Pidgin
• Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding
“lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa
mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
• Halimbawa:
• Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
• Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling
kumanta.
• Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
• 7. Creole
• Ang wikang itinuturing na creole ay dumaan na sa proseso
ng creolization, kung saan, mula sa isang pidgin, nagkaroon
ng pagpapalawak sa leksikon at gramatika at higit na
pinalawak ang kontekstong pinaggagamitan nito. Ito ay
dating isang contact language na kalauna'y naging isang
katutubong wika na dahil mayroon na itong tiyak na
katutubong ispiker na higit na pinaunlad ang gramatika ng
wika hanggang sa ito ay naging isang kompleks na wika
(Fromkin et al., 2011).
• Halimbawa: Chavacano na isang Spanish-based creole
• 7. Creole
• Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging
personal na wika.
• Halimbawa:
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
• I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami
akong uri ng mga hayop sa gubatan.
• 8. Rehistro
• Ito ay mga espesyalisadong wika na ginagamit sa isang
partikular na larangan.
• Halimbawa: Ang salitang cut ay kadalasang ginagamit ng
mga direktor upang ihinto ang isang eksena. Ngunit sa mga
mananahi, ito aysa tabas ng damit o sa estilo ng damit.
• Ang eksibit ay karaniwang salita sa loob ng korte na
kasingkahulugan ng ebidensya. Ngunit para naman sa mga
pintor at iba pang alagad ng sining, ito ay nangangahulugan
ng pagtatanghal ng kanilang mga obra.
• 8. Register
• Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na
pangkat o domain. May tatlong uri nito:
• Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito
• Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
• Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
• Halimbawa:
• Jejemon
• Binaliktad
• Pinaikli sa teks
 Homogenous
• ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti.
Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat
kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang
pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng wika
Heterogenous
• katangian ng wikang nagpapakitang ito'y hindi maaaring
maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng
iba't ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang
nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito
• Kung susuriin, sadyang napakabilis ng pag-unlad ng
wika. Ang pangyayaring ito ang siyang nagiging
dahilan kung bakit mabilis ding nagkaroon ng mga
bagong salita sa kasalukuyang panahon. Gaya na
lamang ng salitang homosekswal, nariyan ang
napakaraming barayti nito tulad ng: bading, bakla,
syoke, jokla, third sex, ikatlong kasarian at marami
pang iba. Nagkakaroon ng baryasyon ang mga salita
dahil pinauunlad ng tao ang kanilang wika na siya
ring produkto ng pagiging malikhain ng mga ito.
lba't lbang Rehistro at Larangang Pangwika

• Ang rehistro ng wika ay tumutukoy sa mga


espesyalisadong mga salita na ginagamit ng
isang partikular na larangan o gawain. Ang
mga tao sa mass media ay mayroong mga
salitang kadalasan ay sila-sila lamang ang
nagkakaunawaan, gayon din naman ang mga
akademisyan, abogado, doktor, negosyante at
iba pang kabilang sa matataas na larangan
Mga Larangang Pangwika
• Tumutukoy ang larangang pangwika na ito sa
ano mang disiplina, gawain, grupo o samahan
na nagkakaroon ng pagkakabuklod-buklod
tungo sa isang partikular na mithiin. Ito ay may
tatlong klasipikasyon (Sibayan, 1999):
Larangang pangwika na nagkokontrol
(Controlling domains of language).

• Ang wika at barayti ng wikang ginagamit dito


ay kapwa pasulat at pasalita.
Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong
gamit ng mga salita.
Larangang pangwika na nagkokontrol
(Controlling domains of language).

• Madalas itong · ginagamit sa matataas na antas ng


karunungan gaya ng: simbahan, batas, midya,
paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo,
komersiyo, at iba pa. Dahil nga nagiging diktador
kung ano ang wikang gagamitin, nadedebelop ang
isang wika tungo sa tinatawag na estandardisado
at intelektwalisado. Nagkokontrol ito dahil may
tiyak na mga salitang kailangang gamitin upang
mas maging malinaw ang akto ng pag-uusap.
Larangang pangwika na bahagyang nagkokontrol
(Semi-controlling domains of language).

• Ang wika at ang mga barayting ginagamit


naman dito ay pasulat subalit tanging
tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito.
Di-tulad ng nauna, hindi kasing higpit ang
paggamit dito ng wika. Ipinahihintulot din nito
ang pakikibahagi ng tao sa iba't ibang gawain
subalit hindi kinakailangan na maging
dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika.
Larangang pangwika na bahagyang nagkokontrol
(Semi-controlling domains of language).

• Halimbawa nito ay sa relihiyon at


entertainment. Dito, tanging bahagya lamang
ang paraan ng pagdidikta sa paggamit ng wika
na kadalasan na mapakikinggan sa mga
panayam sa radyo at telebisyon. Gamit ang
mga ito, ang isang nagsasalita ay hindi
nalilimitahan at bahagya siyang may kalayaang
gamitin ang isang wika na hindi kasing istrikto
tulad ng nauna.
Di-nagkokontrol na mga larangang pangwika(Non-
controlling domains of language).

• Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na


kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng
isang bansa. Kaiba sa dalawang nauna, dito, may
kalayaan ang isang ispiker kaugnay sa gamit ng wika.
• Sigurado akong naglalaro na ngayon sa isip mo kung
ano,naman ang kinalaman ng tatlong nabanggit na
larangan sa pag-aaral ng wika. Simple lang, maaarlng
madebelop at mamodernisa ang isang wika,
halimbawa ang wikang Filipino, kung sasailalim o
ikokonsider ang mga nabanggit na larangan.
Di-nagkokontrol na mga larangang pangwika(Non-
controlling domains of language).

• Sa pamamagitan nito, maaaring maging


diktador o di gaanong diktador ang gamit ng
isang wika. At bilang isang estudyante, alam mo
kung ano ang mga posibleng epektong idudulot
sa iyo kapag pinuwersa kang salitain ang isang
wika na hindi ka naman bihasa. Sa kabilang
banda, kung wala munang pwersahang
naganap, mulat ka rin na may kabagalan nang
kaunti ang pagkatuto ng isang wika para sa iyo.
• Kunin na lamang nating halimbawa ang kaso
ng mga eskwelahan sa Pilipinas na istriktong
ipinatutupad ang paggamit ng Ingles sa mga
estudyante.
• ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring maiuri sa tatlo:
• intellectualized language of wider communication tumutukoy sa
popular na mga internasyunal na wika gaya ng Ingles, Pranses, Aleman at
Espanyol. Ang·mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na
larangan sa paggawa (work) at iba pa.
• confined, independent and intellectualized national languages ay
tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang
bansang pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang
magamit sa lahat ng larangan ng isang bansa: Halimbawa ng mga
bansang ito ay ang Korea at Japan
• developing national languages ay tumutukoy sa mga bansang nasa
proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia,
Malaysia at Pilipinas.
Mga GRAPEMA

• Ito ang tawag sa pasulat na


simbolo ng mga letra
• (Alpabeto naman ang tawag
sa serye ng mga letra)
Ang grapema ay binubuo ng

• 1. LETRA na bumubuo sa 28
alpabetong Filipino.
Tilde ang tawag sa kilay na nasa
itaas ng letrang enye
Ang grapema ay binubuo ng

2. DI-LETRA na maaring buuin ng

a. Gitling (-) at paiwa (\) na sumisimbolo sa impit


na tunog (?)
b. Tuldok (.) na sumisimbulo sa diin o haba
c. Bantas pananong(?) padamdam (!) tutuldok
(:) kudlit (‘) kuwit (,) tuldok kuwit (;)
Kalikasan ng leksikal na korpus sa Filipino

AYTEM LEKSIKAL -maaring dalawa o tatlong


magkakaibang salita, maaring may ibat-
ibang anyo at maari ring hiwalay na
dalawang aytem.

ISTRUKTURANG LEKSIKAL - tumutukoy sa


homonym at antonym.
Aytem leksikal
1. Tatlo o dalawang magkakaibang gamit ng
isang salita

a. Sarado na ang isip - ayaw nang tumanggap


ng paliwanag
b. Sarado ang pinto – literal na hindi
nakabukas ang pinto
c. Sarado ang puso – ayaw nang magmahal
Mga halimbawa ng Tatlo o dalawang magkakaibang gamit ng isang salita

Agos ng ilog Agos ng buhay

Mababa ang puno Mababa ang presyo

Daan sa pag uwi ng Daan sa pag unlad


bahay
Aytem leksikal
2. May ibat-ibang anyo ang salita

a. Nangingisda - nagaganap pa
Nag-isda/nangisda - naganap na
Mangingisda - magaganap pa
Aytem leksikal

3. Dalawang hiwalay na aytem

Langisan ang makina – lagyan ng langis ang


makina (literal na kahulugan)

Maglangis sa amo – magpalakas sa amo


(konotatib na kahulugan)
Halimbawa ng dalawang hiwalay na
aytem
Matalas ang ulo Matalas ang itak
(Matalino)
Tabla ang mukha Gawa sa tabla ang
(makapal ang mukha) mesa
Kabiyak ng dibdib Kabiyak ng pakwan
(asawa)
Bilugin ang ulo Bilugin ang clay
(lokohin)
Istrukturang leksikal
1. Homonym - ang relasyon ng kahulugan ng
isang leksikal aytem na napapaloob sa
kahulugan ng iba
Homofon – parehong tunog, magkaibang
kahulugan at (ispeling)

Homograp - parehong ispeling, magkaiba ng


kahulugan
Uri ng homonym
Mahal (love) Mahal (expensive)

Higit (more) Higit (pull)

Kuha (get) Kuha (picture)


Istrukturang leksikal

2. Antonym – kasalungat na
relasyon ng mga leksikal na
aytem
Mga halimbawa ng salungatan
Nagluluto nagpapaluto kutsara tinidor

itaas ibaba Matanda bata,

nagbibili Bumibili gatas kape-

Mainit malamig kanin- Ulam

Matangkad Pandak Patay buhay


Kalikasan at Estruktura ng Wika
• Ponolohiya
• Ponema ang tawag sa mga makahulugang
tunog ng isang wika
• ponolohiya ang makaagham na pag-aaral
naman ng tunog
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri
ng tunog:
ponemang segmental suprasegmental
• Patinig • Diin
• katinig • intonasyon
• diptonggo • hinto
• pares minimal
• ponemang malayang
nagpapalitan
• kambal-katinig o klaster.
1. Ponemang patinig
Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap,
sentral, at likod na bahagi

Ang tinutukoy na patinig ay ang mga


/a, e, I, o, u/
2. Ponemang katinig
Inaayos ito sa dalawang artikulasyon – paraan at punto
ng artikulasyon
Paraan ng artikulasyon – naglalarawan kung paano
pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating
bibig.
Punto ng artikulasyon – nagsasabi kung saang bahagi
ng bibig ang ginagamit upang makalusot/lumabas
ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.
3. Diptonggo
Alinman sa ponemang patinig na /a, e, I, o, u/ na
sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa loob ng
isang pantig.

sabaw reyna
baliw bahay
Kahoy atay
Baduy
4. Klaster

Binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang


pantig.

INISYAL MIDYAL PINAL


Blusa Sombrero kard
Kwento Ekspresyon biks
Digrapo – tawag sa kumbinasyon ng dalawang
titik/letrang pinagsama para katawanin ang
isa/dalawang tunog.
/ng/
/ch/
/ll/
/rr/
5. Pares-Minimal

binubuo ng pares ng salitang


magkaiba ang kahulugan ngunit
waring magkatulad na
magkatulad sa bigkas.
Pares-Minimal

Ponemiko – uri ng tunog na


nagbabago ang kahulugan
Pares-Minimal
Misa Mesa Tila Tela

Uso Oso Pala Bala

Kain Hain Durog dulog


6. Ponemang Malayang Nagpapalitan

Binubuo ng pares ng salitang nagtataglay ng


magkaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran na di-nababago ang
kahulugan.
kahit na nagpapalitan ang ponemang ito, hindi
pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita kaya
tinawag itong malaya.
Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ponetiko ang tawag sa ganitong


uri ng tunog dahil walang
pagbabagong nagaganap sa
kahulugan.
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Marami madami Pareho pariho

Nuon Noon Gayon ganon

Tutuo Totoo Lalaki Lalake

Babae Babai Hindi Hinde


Ponemang Malayang Nagpapalitan
Batak Hatak Antay intay

Maestra Maistra Dine dini

Ganon Ganun Tindi Tinde

Maigi Maige Bakit Baket


Ponemang Suprasegmental
1. Diin
2. Tono
3. Intonasyon
4. Hinto/juncture
1. Diin
Pagbibigay pansin sa pagbigkas ng isang salita.
Ginagamit ang simbolong / . / upang ipahiwatig
na ang bahagi ng salita ay may diin
Diin
/bu.hay/ /buhay/ /ba.ba/ /baba/
life alive Chin low
/pi.to/ /pito/ /pu.no/ /puno/
whistle seven Tree full
/pu.tol/ /putol/ /ba.sa/ /basa/
bar cut Read wet
/sa.ya/ /saya/ /tu.boh/ /tuboh/
Pipe
Skirt Happy/ /tu.boh?/ sugarca
sprout ne
Diin
/habu.lin/ /Habulin/
/pa.sa/ /pasa/
/ka.sa/ /kasa/
/pa.ko/ /pako/
/su.ka/ /suka/
/ki.ta/ /kita/
2. Tono
• Ginagamit kapag tinutukoy ang tindi
ng damdamin sa pagsasalita.
• Malalaman dito ang kahulugan na
nais sabihin ng kausap
3. Intonasyon
• Tungkol ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita na maaring maghudyat sa
kahulugan ng isang pahayag.
• Ang punto ay tumutukoy sa rehiyunal na
tunog o accent
• Totoo ang sinabi niya.
(nagsasalaysay)

• Totoo ang sinabi niya?


(nagtatanong)
• Alam niya iyon. (nagsasalaysay)
• Alam niya iyon? (nagtatanong)
• Bababa ?

• Bababa.
4. Hinto/Juncture
• Saglit na pagtigil sa pagsasalita.
• Sa pangungusap, ito ang bahagi kung
kailan dapat huminto - kuwit (,) at
tuldok (.)
Hinto/Juncture

• ( / ) – samantalang paghinto
gaya ng kuwit

• ( // ) - matagal na paghinto
gaya ng tuldok
Hinto/Juncture
• Tito / Jose Alberto ang pinsan ko //.
(Ipinakikilala ang buong pangalan ng pinsan)

• Tito Jose / Alberto ang pinsan ko //.


( ipinakikilala sa kanyang Tito Jose si Alberto)

• Tito Jose Alberto / ang pinsan ko//.


(ipinakikilala ang pinsan kay Tito Jose Alberto)
Morpolohiya
Pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang
wika at pagsasama-sama nito upang makabuo
ng isang salita.

Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita na


nagtataglay ng kahulugan
Halimbawa ng morpema
MAGANDA – binubuo ng 2 morpema

MA – di-malayang morpema o panlapi


GANDA - malayang morpema o salitang-
ugat
Halimbawa ng morpema
Ang mga nasabing morpema ay may kahulugang
taglay.
MA - isang morpema dahil may taglay na
kahulugan ng pagkamayroon.
PA – nagsasaad ng paraan
paikot, patakbo, pakaliwa, pakanan

KA – nagpapakita ng pagiging isa o kasama


Kasapi, kasama, kaibigan, kakampi
Anyo ng Morpema
1. Morpemang ponema
2. Morpemang panlapi
3. Morpemang salitang-ugat
1. Morpemang ponema

• Ponemang marka ng gender sa mga salitang


hiram sa Kastila na tumatayong morpema
tulad ng mga sumusunod
• Abogado, abogada
• Senador, senadora
• Edukado, edukada
• Kapitan, kapitana
2. Morpemang panlapi

• Ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang


taglay at matatawag ding di-malayang
morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa.
• Aglutinativ – tawag sa pag-aaral ng paraan ng
paglalapi.

Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay


maaring makabuo ng salitang makangalan, makauri
o makadiwa

Mag + laro=maglaro (makadiwa)


Ma + sipag= masipag (makauri)
Mag + ama=mag-ama (makangalan)
• mag + aral=mag-aral
• Ma + ganda=maganda
• Ma + laki=malaki
• Mag + kapatid=magkapatid
• Mag + salita=magsalita
3. Morpemang salitang-ugat

• Maituturing na malayang morpema dahil


nakakatayong mag isa. Binubuo ito ng mga
morpemang may taglay na kahulugan kahit
walang panlaping nakakabit.
• Dagat, sulat, takbo, hiram
• Linis, bata, aral, sikap,
Uri ng morpema ayon sa kahulugan
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman
o leksikal
2. Morpemang may kahulugang pangkayarian
3. Derivasyunal
4. Infleksyunal
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal

• binubuo ng pangngalan at panghalip bilang


nominal, pandiwa at mga panuring na pang-abay
at pang-uri.

Aso=pangngalan Tumatakbo=pandiwa
Maganda=pang-uri Kahapon=pang-abay
Siya=panghalip
2. Morpemang may kahulugang
pangkayarian
• Walang kahulugang taglay hanggat
di-naisasama sa iba pang morpema
na magpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap.
2. Morpemang may kahulugang pangkayarian

• Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-


ugnay tulad ng:
• Pananda=si, sina, ng, mga, ang, ang mga, ay
• Pang-angkop=ukol sa/kay, alinsunod sa/kay,
ayon sa/kay, atbp.
• Pangatnig= at, subalit, datapwat, ngunit
3. Derivasyunal
• Morpemang may pinaghanguan o pinagmulan
• Nabubuo sa pagkakabit ng alinmang uri ng
morpema o salitang kinakabit sa ibang
morpema na nagpapabago sa uri ng gramatika
3. Derivasyunal
• May pagbabago sa kahulugan ng salita dahil
sa pagbabagong nabubuo ng salita.

Awit Mang-aawit Sulat manunulat

Tula Manunula Sayaw Mananayaw


4. Infleksyunal
• Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga
morpemang panlapi sa pandiwa sa ibat-ibang
aspekto.
• Walang pagbabagong nagaganap sa
kategoryang sintaktika ng mga salita kung saan
ito nakakabit.
Halimbawa ng infleksyunal

Sumulat Sumusulat susulat

Lumakad Lumalakad Lalakad

Kumuha Kumukuha Kukuha

Kumain Kumakain kakain


Alomorp ng morpema
• Tawag kapag ang isang panlapi ay
nagkakaroon ng tatlong anyo
dahil sa impluwensiya ng kaligiran
nito.
Halimbawa ng Alomorp ng morpema

• Pang = /k, g, h, m, n, ng, w, y/


• Pam = /p, b/
• Pan = / d, l, r, s, t/
Sintaksis
• Kapag ang mga salita ay pinagsama-sama upang
magkaroon ng kahulugan sa loob ng pangungusap
Saklaw nito ang :
• kayarian ng mga pangungusap,
• ang pag-aaral ng mga bahagi ng pananalita at ang
tuntunin sa paggamit nito sa loob ng pangungusap
• ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita para
makabuo ng isang buong pangungusap.
Pangungusap
• Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa
loob ng pangungusap habang ang panaguri
ang siyang nagsasabi tungkol sa paksa.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
• Si Alicia ay pumunta sa palengke.
• (paksa) (panaguri)
• Pumunta sa palengke si Alicia.
• (panaguri) (paksa)
Batay sa ayos
• karaniwang ayos-kapag nauuna ang panaguri
kaysa paksa
• di- karaniwang ayos-ang paksa naman ang
nauuna kaysa sa panaguri at may panandang ay
• Karaniwan: Nanalo sa lotto ang mag-asawang
Bryan at Anne.
• Di-karaniwan: Ang mag-asawang Bryan at Anne
ay nanalo sa lotto.
• Masisipag at mababait ang mga anak niya.
• Ang mga anak ni Vergie ay masisipag at
mababait.

• Matatalino silang magkakapatid.


• Silang magkakapatid ay matatalino.

• Mapitagang sumagot sa kanilang guro ang


mga mag-aaral.
• Ang mga mag-aaral ay mapitagang sumagot
sa kanilang guro.
Batay sa layon o tungkulin
• Pasalaysay:Magkikita-kita kami sa Luneta para
mamasyal.
• Patanong:Tuloy ba ang pagdating ng Santo
Papa sa Pilipinas?
• Pautos:Dalhin mo ang mga gamit na ito sa
kwarto ko.
• Padamdam: Sunog! Tulungan ninyo kami!
SUGNAY

• Ang sugnay ay lipon ng mga salitang may


simuno at panaguri ngunit bahagi lamang
ng pangungusap.
• Sugnay na makapag-iisa
• Ang kalinisan sa kapaligiran ay dapat na
panatilihin
• Sugnay na Di-makapag-iisa

Ang Sugnay na Di-makapag-iisa ay pangkat ng mga
salita na binubuo ng simuno at panaguri ngunit ito
ay hindi nagsasaad ng ganap na kaisipan at
samakatuwid, hindi nakakatayo nang mag-isa. Hindi
nagpapahayag ng buong diwa. Katulong o di-
malayang sugnay ito. Maari ding gamiting
pangngalan, pang-abay o pang-uri sa pangungusap. 

Sugnay na di-makapag-iisa
• nang maging malusog ang bayan natin
• Ang parirala ay lipon ng mga salitang
walang simuno at panaguri. Wala itong
buong diwa.
• Halimbawa:
• ang hangin
• ang mga pulis
• mahirap gawin
Batay sa anyo
• Payak ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng
isang kaisipan lamang.
• Kapag ang pangungusap naman ay binubuo ng dalawang
magkaugnay na kaisipan, ito ay tinatawag na tambalan.
• Ang hugnayang pangungusap naman ay nagpapahayag
ng isang punong kaisipan at isang pantulong na kaisipan.
• Habang ang langkapang pangungusap ay nagpapahayag
ng isang punong kaisipan at dalawa o higit pang
pantulong na kaisipan.
• Payak: Ang pamahalaan ay masigasig sa pagsugpo ng
kahirapan at kriminalidad sa ating bansa.
• Tambalan: Naglunsad ng proyekto ang pamahalaan at
agad itong sinuportahan ng mga mamamayang
Pilipino.
• Hugnayan: Gaganda ang iyong kinabukasan kung mag-
aaral kang mabuti.
• Langkapan: Pansamantala lamang ang buhay sa
mundo kaya dapat tayong magpakabuti upang
makamit ang kaligayahan sa kabilang mundo.
Mga Kayarian ng Pangungusap

• Payak
• nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay
lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Si Andres Bonifacio ay isang


matapang na bayani.
Mga Kayarian ng Pangungusap

• Tambalan o compound sentence


• Ito ay binubuo ng dalawa o higit
pang sugnay na makapag-iisa at
pinag-uugnay ng mga pangatnig
tulad ng ngunit, datapwat at subalit
o paggamit ng tuldukuwit (;).
• Maaring ang mga sugnay ay magkatulong at
magkapantay o maaring magkaiba.

• Si Eugene ay sumasayaw at si Jephoi ay


nanonood sa kanya.
• (magkapantay)

• Ang mga guro ay nasa paaralan pa, ngunit


ang mga bata ay nagbabakasyon na.
• (magkaiba)
Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi
gumagawa ng takdang-aralin;
ang karamihan ay gumagawa.
•     Nagbigay ng lecture si Mara; siya
ay nawala pagkatapos ng semester.
Mga Kayarian ng Pangungusap

• Hugnayan o complex sentence

• Ito ay binubuo ng isang sugnay na


makapag-iisa at isa o higit pang
sugnay na di-makapag-iisa.
Mga Kayarian ng Pangungusap

Ginagamitan ng mga pang-


ugnay na kaya, upang, dahil
sa, kung, sapagkat,
samantala, habang, nang,
pagkat at kapag.
Mga Kayarian ng Pangungusap

• Ang manggagawang
ginantimpalaan dahil sa
kanyang kasipagan sa
pagtatrabaho sa kompanya ay
nanay ni Randy.
Mga halimbawa ng Hugnayang pangungusap:

• 1. Pinagpapala ang mga magulang ko


dahil matulungin sila.

• 2. Matitibay daw ang yero kaya


nakakasiguro silang magtatagal.
Mga halimbawa ng Hugnayang pangungusap:

• 3. Magbabakasyon ako sa Hongkong


kung sasama ka.

• 4. Hindi pumasok ang anak ko dahil


walang baon.
Mga halimbawa ng Hugnayang pangungusap:

• 5. Nagkasakit ang matanda sapagkat


walang nag-aalaga.

• 6. Ang mga mahihirap ay nagugutom


habang ang mga mayayaman ay
nagpapakaligaya.
Mga halimbawa ng Hugnayang pangungusap:

» 7. Dahil sa tayo ang mamamayan ng


Pilipinas, kailangan nating
magtulungan upang tumatag ang
ekonomiya.

» 8. Nasira ang cellphone habang


pinipindot ng bata.
Mga halimbawa ng Hugnayang
pangungusap:

9. Kung mawawala ka sa piling ko sinta,


guguho ang mundo ko.

 10. Tayong mga magkakagrupo ay


kailangang magtulungan para mabilis
nating matapos ang ating gawain.
Mga Kayarian ng Pangungusap

• Langkapan
• Ito ay binubuo ng dalawa o
higit pang sugnay na
makapagiisa at isa o higit pang
sugnay na hindi makapagiisa.
• Tataas ang grado mo at magkakaroon
ka ng karangalan kung mag-aaral
kang mabuti.

• Nang pumunta kami sa Ifugao, si John


ay nasa palayan at si Billy ay nagluluto
ng pagkain para sa tanghalian.
Pag nag-utos si Cathy, sundin mo
agad, matutuwa siya sa iyo at siya ay
magbibigay ng regalo.

You might also like