You are on page 1of 13

Balik-Aral:

KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
Ano ang komunikasyon?
• Ang komunikasyon ay isang bagay na labis-labis na
kailangan ng tao upang maging ganap ang kanyang
buhay sa mundo.
• Ang komunikasyon ay ang pakikipag-usap,
paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan sa mga tao. Sa pamamagitan ng
komunikasyon makakamit ng tao ang kahalagahan ng
buhay at nailalabas niya ang kanyang saloobin tungkol
sa isang isyu.
W. Carl Jackson (1978)

“ Tunay na walang silbi o kahulugan



ang buhay kung wala ang kapwa.
Pero, ano nga ba ang kahulugan nito?
• Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang
Latin na communis na nangangahulugang
common o karaniwan.
• Malinaw na komunikasyon ay may layuning bumuo
ng isang ideya na mapagkakasunduan ng
bawat indibidwal.
Narito ang pakahulugan ng komunikasyon
mula sa iba’t ibang eksperto:
Keith Davis (1967)


Ang komunikasyon ay isang proseso
ng pagpapasa at pag-unawa sa
impormasyon mula sa isang tao

patungo sa kanyang kapwa.
Newman at Summer (1977)


Ang komunikasyon ay pagpapalitan

ng impormasyon, ideya, opinyon o
maging opinyon ng mga kalahok sa
proseso.
Birvenu (1987)


Ang komunikasyon ay isang proseso
ng pagpapasa ng nararamdaman, “
ugali, kaalaman, paniniwala at ideya
sa pagitan ng mga nabubuhay.
Keyton (2011)


Ang komunikasyon bilang
pagkakaunawaan sapagitan ng mga
kalahok sa prosesong ito.

Iba’t ibang dahilan kung bakit
nakikipagkomunikasyon ang isang tao ayon kina
Adler, et al. (2010):

1. Pangangailangan upang makilala ang sarili


Hindi sapat ang ating sarili para makilala natin
kung sino tayo. Ang pakikipagkomunikasyon ay
nakatulong din upang mahubog ang ating pagkatao.
2. Pangangailangan makisalamuha o
makihalubilo
Malinaw na walang relasyong mabubuo ang
dalawang indibidwal kung walang komunikasyong
nagaganap sa pagitan nila. Imposible din magkaroon
ng matagumpay na buhay ang isang indibidwal
na hindi man lang siya marunong makihalubilo sa
kanyang kapwa.
3.Pangangailangang praktikal

Maraming iba’t ibang praktikal na gawain


na posibleng hindi maisasakatuparan kung
walang komunikasyon.
Hindi mapasusubaliang mahalaga
ang komunikasyon sa buhay ng bawat
tao. Sangkap ito ng buhay na hindi
maaaring mawala upang ang pagkaka
sundo, kapayapaan at pag-unlad ay
matamo.
Salamat sa pakikinig!
Vicencio, Kailynn Czairah M.
Villamin, Rainniel
Yu, Rachelle

You might also like