Professional Documents
Culture Documents
KOMUNIKASYON:
- ito ang instrumento ng isang tao upang maihatid ang kanyang kaisipan.
- Maaaring ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng bibig (pasalita) o mga simbolong
nakatala sa papel (pasulat).
- Maaari din ito ay sa pamamagitan ng galaw (body language) at sign language.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
- Pagkakaunawaan
- Kaalaman at karunungan
- Pakikipagpalitan ng kaisipan
KOMUNIKASYONG BERBAL
- Paggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan at pagpapahayag ng
ating iniisip at saloobin.
- Maaari itong pasulat o pasalita
- Madalas itong gamitin sa pakikipagsalamuha o interaksyong pantao.
- Halimbawa: pakikipagkuwentuhan, pakikipagtalo o debate, mga nakatalang akda
tulad ng kuwento o dula, nobela at iba pa.
DENOTASYON
- Ito ang literal na kahulugan na salita batay sa konseptong taglay nito.
- Madalas ito ay hango sa kahulugan na nagmumula sa diksyunaryo.
KONOTASYON
- Ito ang pagbibigay ng kahulugan sa salita batay sa pang-unawa, damdamin at
ideyang nauunawaan na maaaring position o negatibo ang pagpapakahulugan ng
taong tumatanggap ng mensahe.
KONOTASYON VS DENOTASYON
• Ahas
- DENOTASYON: isang uri ng reptilga na maaaring makamandag o hindi
makamandag.
- KONOTASYON: isang taong traydor o mang-aagaw ng kasintahan.
• Itim
- DENOTASYON: isang uri ng kulay.
- KONOTASYON: kulay na sumisimbolo sa kamatayan.
• KOMUNIKASYONG PANGMADLA
- Mass media sa Ingles
- Kasangkapan ng ganitong uri ang mga makinarya na siyang daan sa paghahatid ng
impormasyon at kaalaman.
- Halimbawa: radyo, telebisyon, at pahayagan,
• KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL
- Gawaing kinasasangkutan ng pakikipag-usap sa sarili, kilala rin sa katawagang “self-
talk”.
• KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL
- Ito ang pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng mensahe sa paraang
berbal o di-berbal.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON
• Ayon kay Dell Hynes (Bernales, et al, 2002):
- Limang Kategorya: Pagtanggap, Pagtugon, Pagpapahalaga, Pag-oorganisa, at
Karakterisasyon
- Ginamit nya ang akronim sa SPEAKING