You are on page 1of 18

Modyul 2

Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon


Aralin 1:Kahulugan ng Komunikasyon,
Pagpili ng Batis (Sources) ng impormasyon at
Pagbasa at Pananaliksik ng Impormasyon
Aralin 2: Pagbubuod at Pag-uugnay -ugnay ng Impormasyon,
Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon at
Mga Mungkahing Babasahin

Inihanda ang modyul na ito upang higit na mauunawaan ang proseso ng impormasyon para sa
komunikasyon na maaaring mailapat ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay may dalawang aralin. Aralin 1 ay tungkol sa kahulugan ng komunikasyon at paano natin
nakukuha ang impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Sa aralin 2 ay nagtatalakay naman sa
pagbubuod at pag-uugnay-ugnay ng impormasyon na makukuha natin sa pamamagitan ng pagsusuri batay
sa impormasyon.

Sa modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na maipamalas ang mga sumusunod:


1. naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. nakakapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas
na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang
pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

TALAS
Pangalan: ___________________________________________________ Baitang & Kurso: _______________
Guro: ________________________________________________________ Marka: __________________________

Panuto: Tugunan mo ang tanong sa ibaba.

A. Ano ang komunikasyon? (10pts)


ARALIN 1
Kahulugan ng Komunikasyon, Pagpili ng Batis (Sources) ng impormasyon

Tutok

Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Ano ang komunikasyon?

Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis” na ibig sabihin ay saklaw


lahat na binubuo ng lipunan. Ito rin ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Sangkot
sa komunikasyon ang mga sumusunod na makrong kasanayan: Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa,
Pagsulat at Panonood.

Uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Halimbawa


ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga nakalimbag na
teksto sa mga mambabasa.
2. Komunikasyong Di-Berbal. Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika bagkus
kilos o galaw ng katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad ng
pagtango, pagkindat at pagkaway na halimbawa ng senyas.
Anyo ng Komunikasyon

1. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao ang


kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
2. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa
mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
3. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe sa
kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference at
miting de avance)
4. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon

Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito ang tipikal na ilustrasyong makikita sa


ibaba na tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe, tsanel at balik-tugon.
 Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid na
mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pag-iisip sa bawat detalye na
partikular na paksa. Tinatawag din siya bilang communicator o source.
 Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay sa
paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
 Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang maipahayag at maihatid ang naturang
mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pakiramdam; at Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag- usap, sulat at
kagamitang elektroniko.
 Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng
tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang
tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
 Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa bawat
mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang magiging
batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

PRIMARYANG BATIS

Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng nang
impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon
kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang pagkatapos nito.

Halimbawa:

Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng
pangyayari).

SEKONDARYANG BATIS

Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang gumagamit ng


pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang
malawak na madla at isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may
kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pagaaral o
mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa.

Halimbawa:

Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa.


PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo pang
maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998).
Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa
teksto at pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala
ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong
maintindihan ang bawat bagay.

MGA LAYUNIN SA PAGBASA:


1) Nagbabasa upang maaliw.

2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.

3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.

5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang
kinagisnan. Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang
kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at Assimilasyon at
Integrasyon.

Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:

1) Bottom-up
Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa
pagbasa.
2) Top-down
Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayang
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo
sa teksto.
3) Interaktib
Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent
nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan
pa lamang.
4) Iskema.
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Pagpapaunlad ng Pagbasa
Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong
umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay
kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod.

Iskiming
Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay
isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon.
 Overviewing Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.  Survey Ang
mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.
Iskaning
Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga
impormasyon na kanyang gusting malaman.
Previewing
Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.
Kaswal
Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang
bawat salita na ibinibigay.
Pagtatala
Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya maintindihan o
napakahirap na salita.
Re-reading o Muling Pagbasa
Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa upang sa ganoo’y
ito ay mas lalong maintindihan.

Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik.


Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napagalaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas
mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.
Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:
 Sistematiko
 Empirical
 Mapanuri
 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
 Akyureyt na imbestigasyon
 Matiyaga at hindi minamadali
 Nangangailan ng tapang
 Maingat napagtata at pag-uulat
Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang bawat tao ay
magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito upang matukoy at malaman
ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.

A. PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Tinutukoy ng pagporposeso ng impormasyon ang aktibidad ng utak mula sa mga gawaing


kinakasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibiwal. Mahalaga ang prosesong
ito sa konteksto ng komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng stimuli na may kaugnayan sa
komunikasyon—nasa parehong pamamagitan (mediated) at interpersonal na komunikasyon—ay
kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung saan ang isang indibiwal ay nakikipagsapalaran sa
pagpproproseso ng impormasyon (Bolls, 2017).

Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpoproseso ng imporamsyon ay isang mahalagang dulog ng


pananaliksik na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa sikolohiya, na angbunga ng pagbabago ng paradigm
kung paano sinubukan ng mananaliksik sa larangan ng sikolohiya ang pag-unawa sa isip ng tao.
Imuningkahi ng iskolar na ito na ang matibay na paliwanag na teoretikal para sa kalikasan at ugali ng tao
ay maunawaan lamang sa pamamagitan ng pananaliksik na direkta at sistematikong pinag-aaralan ng isip
at utak ng indibidwal na sangkot sa pagpoproseso ng makabuluhang impormasyon buhat sa kanilang
kapaligiran.

B. Mga Mungkahi sa Pagkuha ng Impormasyon Buhat sa mga Sanggunian


Nangangailangan ng tamang pagtugon sa mga pamantayang pangakademiko ang isang mag-aaral sa
pagkuha bg mga impormasyon at datos para sa kanyang isinasagawang pananaliksik. Kaalinsabay nito ay
ang tungkulin na mabigyan ng rekognisyon ang may- akda ng sanggunian na ginamit ng mananaliksik o
mag-aaral upang ang kanyang pagtalakay sa kasalukuyang pag-aaral ay magkaroon ng malalim na
perspektiba.
Kung ang mananaliksik ay sumasangguni sa mga aklat at dyornal, mahalaga na bigyan ng pansin ang
pahina bilang ng sanggunian kung ang mahahalagang kaisipan ay sisipiin, aayusin bilang talata, o bibigyan
ng buod.
Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan mo kinuha ang impormasyon sa isang website kung
gagamitin na sanggunian ang internet.
Ang tamang rekognisyon sa may-akda ay nararapat lamang na kabayaran para sa kanyang
karunungang hindi ipagdamot kailanman. Ang hindi pagtupad sa tungkuling ito ay katumbas ng
paglapastangan sa kanyang kabutihang mamamahagi ng kaalaman ng iba. Sa kabilang dako, kung walang
inisyatibo ang isang mag-aaral na bigyan ng rekognisyon ang may-akda ay para na rin niyang ninakaw ang
karunungan ng ibang tao.

C. Sistemang Pansilid-aklatan

Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit na
mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na kailangan sa
pag-aaral. Madalas na gumagamit ng kompyuter sa sistemang ito bagamat mayroon pa ring mga silid-
aklatan na higit na pinanaligan ang makalumang sistema. Ang retrieval system ay nakatutulong nang
malaki para sa higit na sistematikong database ng mga sanggunian na kinasasangkutan ng mga
sumusunod: pangalan ng may-akda (author), pamagat ng aklat o publikasyon at iba pa.

D. Internet bilang Sanggunian

Malaking hamon na maituturing sa kasalukuyang panahon ang matukoy ng mga mag- aaral o
mananaliksik ang mga sangguniang mapagkukuhanan nila ng tama at may kredibilidad na mga datos at
impormasyon sa mundo na kanilang kinagisnan, ang mundo ng internet. Maraming impormasyon ang
naibabahagi ng Internet sa iba’t iba nitong plataporma katulad ng web-pages, blogs, forums, katologo at iba
pa nang walang sapat na regulasyon ng paglalagay (posting) dahilan kung bakit iminumungkahi sa mga
mag-aaral ang ibayong pag-iingat sa pananalig sa mga platapormang ito bilang sanggunian ng kanilang
pag-aaral o pananaliksik.
Bawat institusyong pang-akademiko ay mayroong regulasyon o pamantayang sinusunod sa
paggamit ng internet bilang sanggunian ng pag-aaral. Mahalaga na matutunan ang mga regulasyong ito
upang maiwasan ang sakit ng ulo bunga ng pagnanakaw ng karunungan (plagiarism) at paninira ng
impormasyon nais ng may-akda (misattribution).

E. Sanggunian buhat sa Bibliyograpiya


Ang bibliyograpiya ay mainam ding gamitin sa sanggunian ng mga impormasyon at datos ng
isang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pangsangguni sa ibang iskolar at sa mga bibliyograpiya sa
kanilang ginamit ay maaaring makatutuklas ng mga kaugnay na publikasyon na makatutulong nang
malaki sa pagpapaunlad ng isinasagawang proyekto o pag-aaral. Ang ibang mga may-akda ay
nagbibigay rin ng mga mungkahing babasahin na sa kanilang paglagay ay makatutulong nang malaki
sa iyo sapagkat napakinabangan nila ito nang husto nang sila ay sumangguni rito.

F. Bakit Kailangan ng Siping Panloob at Paglalagay ng Sanggunian?

(Plagiarism)
Mayroong nagaganap na plagiarism o
pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa
iyong pagsusulat ay makikita ang alinman sa
mga sumusunod na pangyayari.

(1) Mayroong paglalahad ng mga ideya na


mistulang ikaw ang orihinal na may-
akda, bagama’t ang katotohanan, ito ay
hinalaw o kinuha lamang sa iba. Dalawa ang anyo ng ganitong uri ng plagiarismo o
plagiarism: direkta at hindi direkta. Direkta ang plagiarismo kung ang pagkopya ng
mananaliksik sa akda ng iba ay buong buo, kasama ang tama at maling mga baybay ng salita
at wala itong pagkilala sa totoong may-akda ng sulatin.
(2) Sa kabilang dako, ang di-direktang plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya ng
mahahalagang impormasyon sa iba bagama’t may kaunting modipikasyon sa orihinal ay
hindi pa rin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may-akda.
(3) Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng mga teksto at imahe na hindi binibigyan ng
rekognisyon kung saan ang mga ito ay nanggaling.
(4) Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi;
(5) Pagbubuod ng impormasyon na hindi man lamang ipinapakita kung ano ang orihinal na
pinanggalingan nito;
(6) Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi man lamang binibigyan
ng pagkilala ang orihinal na may-akda.

G. Pangangalap ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pagbabasa


Ang pagbabasa ay ang pangunahing gawain ng isang mananaliksik o mag-aaral upang
maisagawa ang tungkuling makapangalap ng mahahalagang impormasyon para sa isinasagawang
pag-aaral. Ang mga panuntunan sa pagbabasa ay inisa-isa batay sa pinaglalaanan nito: (1) para sa
asignatura; (2) para sa iba’t ibang layunin; (3) para sa pag-unawa.
Pagbabasa para sa asignatura. Katulad na ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay, ang
mga impormasyon na kinailangan upang mapatatag ang paninindigan ng isang pag-aaral o
pananaliksik ay madaling kalapin dahil na rin sa mga naglipanang sanggunian sa silid-aklat at
maging sa internet. Mabuti kung ang makakalap na impormasyon ay manggagaling sa isang lehitimo
at may kredibilidad na sanggunian, subalit isang kamalasan kung ang sanggunian na makukuha ay
naglalaman ng maling mga impormasyon para sa isang pag-aaral.
Pagbabasa para sa Iba`t Ibang Layunin. Ang layunin ang siyang nagbibigay ng direksyon
sa lahat ng bagay na ginagawa ng tao. Bago isagawa ang pagbabasa, mahalaga na mailatag muna ng
mga mag-aaral o mananaliksik kung ano ba ang kanilang nais na mangyari matapos ang
isasagawang pag-aaral o pananaliksik. Kung wala ang layunin, mahihirapan ang mga mag-aaral na
alamin kung ano ang landas na tatahakin ng kanilang iskolarling pagsulat.
Ang mga sumusunod na istilo sa pagbabasa ay magagamit sa mga akademikong sulatin
batay sa layunin ng pagbabasa:
(1) Pagbabasa ng palaktaw-laktaw (Browsing)
(2) Pagsisiyasat o checking
(3) Pagtutuon ng pansin o focusing in
(4) Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding
(5) Referencing o sanligan
Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw o browsing ay ang kaswal na pagtingin sa mga pahina
ng teksto upang matantya ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito sa kabuuan at pahapyaw
na malaman kung anu-ano ang mga nilalaman nito na maaaring makatulong sa isinasagawang pag-
aaral.
Pagsisiyasat o checking ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o indek upang
malaman kung ang aklat ay naglalaman ng mga espisipikong impormasyon na nais mong malaman
o mga impormasyong malaki ang maitutulong sa iyo.
Tinutukoy ng pagtutuon ng pansin sa o focusing in sa masinsinang pagbabasa sa isang
mahalagang punto na may malaking maitutulong sa pananaliksik. Kung ang impormasyon ay hindi
naglalaman ng mahalagang punto, ang pagtutuon ng pansin sa o focusing in ay maaaring ibalik sa
palaktaw-laktaw na pagbabasa. Samakatwid, ang palaktaw-laktaw na pagbabasa ay ang
preliminaryong bahagi ng pagpapaubaya sa iyong sarili na magbasa nang masinsinan kung may
nakita kang isang punto na sa iyong palagay ay makatutulong nang malaki sa pananaliksik.
Ang paghahanap ng mga kaganapan o fact finding ay isang istilo ng pagbabasa na kung
saan ang layunin ay maghanap ng mga tiyak na kaganapan o detalye na bumubuo sa isang
pangyayari. Imbestigasyon ang pinakapuso ng ganitong uri ng pagbabasa
Sanligan o referencing ay isang uri ng ekstensibong pagbasa ng teksto. Sa ganitong istilo,
ang mag-aaral o mananaliksik ay nangangailangan ng karagdagang teksto upang makita ang
kabuuan ng isang larawan.
Pagbabasa para Pag-unawa. Sa ganitong uri ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag-
aaral ay naglalayong maunawan nang buong buo ang teksto at mga impormasyong nakapaloob dito.
Hindi ito paligsahan ng bilis ng pagbabasa o paramihan ng pahinang binasa upang masabi lamang
na iyong nagampanan ang tungkuling pagbabasa. Ang ganitong uri ng pagbabasa ay
nangangailangan ng komprehensyon. Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong upang
magkaroon ng mataas na komprehensyon sa binasang teksto:
(1) Pagkaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o pananaliksik;
(2) Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa binsasang teksto. Ang pagbabahagi ng iyong natutunan
sa binasang teksto ay simula ng pagtanggap sa perspektiba ng iba na mainam upang higit na
maging malalim ang iyong komprehensyon sa binasang teksto.

I. Mga Estratehiya sa Pananaliksik


Ang mga sumusunod na estratehiya ay maaring makatulong sa mga mag-aaral para sa
kanilang maayos na pagsasakatuparan sa mga gawaing may kaugnayan sa pananaliksik.
1. Paggamit ng impormasyon
2. Pagpili ng makabuluhang impormasyon
3. Paggamit ng dyurnal
4. Pagsasaayos ng impormasyon

J. Mga Estratehiya upang matandaan ang Impormasyon

1. Maaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumamit ng mga patterns upang maging gabay sa
paggtanda sa mghahalagang impormasyon ng pag-aaral.
2. Ang paggamit ng highlightener o pangkulay sa mga mahahalagang imormasyon sa teksto ay
makatutulong din upang matandaan ang mga mahahalagang impormasyon sa teksto.

Ang aktibong Gawain katulad ng paglalakad-lakad ay maari ring makatulong.

1. Maari rin naming iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
2. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga ilustrasyon at
iba pang marka habang nagbabasa.
3. Ang aktibong Gawain katulad ng paglalakad-lakad ay maari ring makatulong.
4. Maari rin naming iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
5. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga
ilustrasyon at iba pang marka habang nagbabasa.
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Iguhit ang ilustrasyon sa proseso ng komunikasyon at ipaliwanag ang bawat proseso nito. (10pts)

2. Isulat sa Vienn Diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba sa mga sumusunod: (30pts)


ARALIN 2
Pagbubuod at Pag-uugnay -ugnay ng Impormasyon ,
Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon at
Mga Mungkahing Babasahin
Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Konsepto ng Pagbubuod

Sa website na https://www.cws.illinois.edu/workshop/writers/tips/summary ay binigyan


ng depinisyon ang pagbubuod bilang pamamamaraan ng pag-uulit ng salita ng iba sa kanilang mga
akda gamit ang sariling pananalita ng nagsasagawa ng pagbubuod.
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa gawaing pagbubuod:

1. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan ng maaring idulot sa kapwa, kamag-aaral at iba pa.


2. Ang buod ay higit na maiksi kaysa sa orihinal nanteksto.
3. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang manghikayat sa mga mananaliksik
at magbabasa ng mahigit na mainam na basahin ang pinaiksing bersyon kaysa
napakahabang orihinal. Nararapat na mapagtagumpayan ng nagbubuod na mabigyan ng
kagyat na ideya sa orihinal na bersyon ang mga sasangguni nito.
4. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan ng mataas na antas ng pag-unawa sa
binasang teksto.

Ang Paggamit ng Sipi at ang Pagbubuod

Napakahalaga ng sipi sa buong proseso ng pagbubuod sa mga pagkakataon na ang kanilang


orihinal na teksto ay mahirap tumbasan sapagkat maaring magdulot ng maling rekognisyon
(misattribution) sa konteksto ng may-akda na labag sa etika sa pagsulat. Sa kabilang dako,
nararapat ang pagbubuod kung ang teksto ay maaring bigyan ng paliwanag sa paraang hindi
nasasagasaan ang orihinal na konteksto ng may-akda. Higit na mainam ang pagbubuod kaysa sa
paggamit ng sipi sapagkat binibigyan nito ng control ang mag-aaral o mananaliksik sa argumento ng
orihinal na may-akda.

Pagbubuod ng Impormasyon

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin. Ito
ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi
sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o
palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto.
Kailangang panatilihin ang mga binanggit nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-
akda (The Silent Learner, 2017). Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung
maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang
pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at
katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad (The Silent Learner, 2017).

Pagbubuod at Synthesis
Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa synthesis bagamat ang dalawang konsepto ay parehong
nararapat na isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon oara sa isang iskolarling pagsusulat. Ayon kay
Fries-Gaither (2010) ang pagbubuod ay ang pagtukoy sa mahahalagang element ng teksto at ang pagpapaiksi
ng mahahalagang impormasyon gamit ang sariling lenggwahe o salita habang at pagkatapos na
isinasagawang pagbabasa para sa isang buong kahulugan.
Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas
nitong antas. Sa halip na ulitin ang mahahalagang puntos ng teksto na ginagawa sa pagbubuod,
kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling pananaw ng mag-aaral ang ideya na ibinibigay ng
orihinal na may-akada ng teksto na ginagawang synthesis. Sa madaling salita, nakapagbibigay ng
sariling argumento ang mag-aaral sa synthesis na hindi maaring ibigay sa pagbubuod ng teksto.

IBA’T-IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD


Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.
 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
“parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag."
 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD


 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng
talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

KATANGIAN NG PAGBUBUOD
 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.
 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita.
 Ito ay pinaikling teksto.
Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas maintindihan ang
tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maari tayong
magsadula dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na ikinakalap.

Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-
uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang-ugnay naito ay
kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
Halimbawa: mapagmahal na hari mabuting kapatid
2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Halimbawa:
ayon sa/kay, alinsunod sa/kay, ng hinggil sa/kay, para sa/kay, kay/kina, ukol, laban sa/kay, tungkol
sa/kay
3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
4) Pagbibigay Sanhi at Bunga
Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa kanyang pagpupursiging mag-aral.
5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: Ngunit, Subalit, sapagkat

PAGBUO NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON

IBA’T-IBANG URI NG OBSERBASYON


 Natural na Obserbasyon - kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na paguugali ng
obserbasyon sa isang normal na sitwayon.
 Personal na Obserbasyon - may kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid batay sa
sariling danas kaugnay ng isinasagawang saliksik.
 Direktang Partisipasyon - nakikita ng taong inoobserbahan ang tagamasid.
 May Estruktura at Walang Estruktura - May sistematikong patnubay – Eksploratoryo
URI NG PANAYAM
 Impormal na panayam - walang nakahandang katanungan - tila nagkukwentuhn lamang
 Panayam na may Gabay - gumagamit ng mga gabay ng tanong - mas may pukos kaysa sa
impormal ngunit magaan pa rin ang daloy ng panayam.
 Bukas o matayang panayam - malaya ang daloy ng panayam - malayang nasasagot Panayam
batay sa mga inihandang tanong at sagot na pinagpipilian - pare- pareho ang mga tanong at
hinahayaang pumili ng sagot ang kinakapanayam mula sa mga nakalatag na sagot.

Halimbawa sa Buod ng Epikong “Rama at Sita”


Sina Rama, Sita at Lakshamanan ay itinapon ng kaharian ng Ayodha at nakatira na sa isang gubat.
Isang araw, ay binisita sila ng isang babae na hindi nila nilalamang ang tunay niyang anyo ay si Surpanaka,
ang kapatid ng hari ng mga higante at demonyong si Ravana. Nais niya itong mapakasal kay Rama subalit
tumanggi si Rama sapagkat kasal na siya kay Sita.
Sa selos at galit ay naging malaking higante si Surpanaka at nilundag si Sita para patayin. Subalit,
naligtas si Sita ni Rama at pareho silang lumayo kay Surpanaka. Iniutos ni Rama si Lakshamanan na patayin
si Surpanaka, kaya nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. Nang nakita ni Ravana ang itsura ng
kanyang kapatid, nagsinungaling si Surpanaka para gantihin si Rama at bihagin ni Ravanna si Sita.
Tinawag ni Ravanna si Maritsa, isang nagbabagong-anyo, para utusang gantihin si Rama. Nang
nalaman ni Marits ay tumanggi sapagkat nalaman niyang kakampi ng mga Diyos si Rama at Lakshamanan
kaya gumawa sila ng plano. Isang araw nakita ni Sita ng isang gintong usa at inutusan niya si Rama at
Lakshamanan na hulihin ang usa.
Inutusan ni Rama si Lakshamanan nga bantayin si Sita habang hinuhuli niya ang usa. Agad na
tumakbo ang usa nang marinig ang sinabi ni Rama kaya hinabol ni Rama ang usa. Nang makalipas na hindi
bumalik si Rama ay inutusan ni Sita si Lakshamanan na hanapin si Rama. Hindi nila nalaman na naghihintay
si Ravana sa labas at nagpanggap na isang matandang Brahmin.
Sa hindi pagpigil na bihagin si Sita ay nagsabi siya na “bibigyang kitang limang libong alipin at
gagawin kitang reynang Lanka”. Agad natakot si Sita at itinulak si Ravana. Naging higante si Ravana at
kinuha si Sita at binihag. Nagdagdag ng bulaklak si Sita upang makita ni Rama at Lakshamanan. Sa itaas ng
bundok ay narinig ng agila ang sigaw ni Sita. Nagtangkang iligtas ng agila si Sita pero tinagak siya ni
Ravana. Nang makita ni Rama ang agila, sinabi niya na nabihag ni Ravana si Sita.
Sa tulong ng mga unggoy ay lumusob si Rama sa kaharing Lanka. Lumaban si Rama at Ravana at
nagwagi si Rama sa huli. Nagyakap si Rama sa kanyang asawa.

MGA MUNGKAHING BABASAHIN


Ang mga iminumungkahing basahin ay isasaliksik sa internet, babasahin at unawain ito upang
magiging handa sa mga gawain.

 Ang Kwento ni Bb. Gina Lopez


 Ang Kwento ng Kauna-unahang Negrong Nahatulan ng Kamatayan sa Pamamagitan ng Silya
Elektrika
 Ang kwento ni George Stinney 1944/ The Current Story of George Stinney
 Ang Kwento ng Alegorya ng Kweba (Plato)
 Ang Kwento ni Abby Watabe
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________

Panuto: Sagutan ang sumusunod na gawain sa bawat bilang.

1. Mula sa mga iminumungkahing babasahin ay pumili lamang ng isa at susuriin mo ito upang
makabuo ng isang buod. Sundin ang pormat sa ibaba. (15pts)
Pamagat:
May Akda:
Sanggunian:
Buod:

2. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng primarying batis at sekondaryang batis, isulat ito
sa loob ng vienn diagram. (15pts)
TAYAHIN

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________


Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________
nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
nakakapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan
ng ibang bansa.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang.

A. Gumawa ng isang powerpoint presentation na kakikitaan ng mga iba’t ibang paraan ng di-
berbal na komunikasyon na gamit ang mga kumpas at galaw ng katawan. (Halimbawa: mga
kumpas ng kamay na naghahatid ng mensahe sa kausap). Ang mga larawan na ilalagay sa
slides presentation ay ang sarili mong larawan at deskripsiyon sa iyong larawan. Kailangang
may dalawampung (20) kumpas at galaw na katawan na maipapakita.
Narito ang pamantayan ng Powerpoint Presentation:
Kawastuan ng mga kumpas o galaw ng katawan 50
Organisasyon ng mga ideya 25
Pagkamalikhain ng presentasyon 15
Produksiyon 10

Kabuuan 100

B. Bumuo ng isang dayagram sa proseso ng komunikasyon, ipaliwanag mo ang iyong binuo


na dayagram gamit ang video (hindi lalagpas sa sampung minuto sa pagpapaliwanag).
Narito ang pamantayan ng Video Presentation:
Pamantayan 10-7 6-4 3 Marka
Orihinalidad Ang video na ginawa ay Mahusay dahil hindi Masyado ng gasgas at
naaayon sa makabago at masyadong karaniwan ang karaniwan ang
at natatanging ibinuong dayagram o konsepto.
pagkamalikhain sa madalas ang konsepto.
pagbuo ng dayagram,
hindi gasgas ang
konsepto.
Boses o Tinig Ang boses o tinig ng Ang tinig ng Hindi malinaw ang
tagapagsalaysay ay tagapagsalaysay ay hindi boses / tinig ng
maayos at malinaw para gaanong malinaw para sa tagapagsalaysay at
sa mga tagapakinig/ mga hindi gumagamit ng
tagapanood. Gumagamit tagapakinig/tagapanood. iba’t ibang himig sa
ng iba’t ibang himig sa Gumagamit lamang ng ilang pagbibigay-diin sa
pagpapahayag ng himig sa pagpapahayag ng pagpapahayag ng
damdamin. damdamin. damdamin.
Organisasyo Mahusay ang May lohikal ang Hind maayos ang
n organisasyon at organisasyon ngunit hindi organisasyon ng mga
pagkakasunod-sunod ng masyadong mabisa sa ediya/pangyayari,
pangyayari sa video. pagkakasunod-sunod ng walang angkop na
mga pangyayari. panimula at wakas.
Ekspresyon Makikita ang pagiging Hindi masyadong naipakita Ang mga damdaming
ng Mukha sinsero ng ang pagiging sinsero at nakalahad sa kuwento
tagapagkuwento sa mbabanaag sa mukha ang ay hindi nakitaan sa
bawat salitang kanyang pagiging kabado. ekspresyon ng mukha
binibitawan. ng tagapagsalaysay.
Kabuuan

You might also like