You are on page 1of 8

ARALIN 1: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA

Kahulugan ng Pabasa

Ang pagbasa ay isang uri sa mga kategorya ng pakikipagtalastasan ng awtor sa


kanyang mga mambabasa. Tatlong mahahalagang sangkap ang sangkot dito:
ang aklat o anumang babasahin na nagsisilbing tsanel o midyum ng tao, ang awtor na
sumulat ng akdang babasahin, at ang indibidwal na babasa ng kanyang mga isinulat.
Maituturing ang pagbasa na isang proseso at isa ring uri ng kasanayan. Proseso ito ng
pagtuklas ng nais ipakahulugan ng awtor sa kanyang mga akda, at isa ring kasanayan
sa pag-unawa sa pamamagitan ng pagsasalita o wikang ginagamit dito

Ayon sa UP Diksyonaryong Pilipino (2012), ang kalidad o kalagayan ng pagiging


marunong at may kakayahang bumasa at sumulat ang palatandaan ng literasi. Mula
naman sa artikulo ni Juan Miguel Luz (2007), kanyang ipinahayag na “ang Pilipinas ay
hindi bansa ng mga mambabasa kundi bansa ng mga mananalaysay.”

Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa at Pagbabasa

Ang masining, maayos at tamang pagbabasa ay nagiging kapaki-pakinabang sa


mga bumabasa at mga nakikinig. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman at
nagpapalalim ng pang-unawa at pag-unawa. Ang pagbabasa ay isang paraan din
ng paglalakbay ng diwa, kaisipan at maging ng imahinasyon ng tao. Ayon nga sa
isang kasabihan sa Ingles “Reading makes a man,” ang pagbabasa ay nagpapaunlad
sa personalidad ng tao. Sa pamamagitan nito ay nabubuo ang kanyang pagkatao.
Kailangang pag-ukulan ng maraming panahon ang pagbabasa sapagkat mahalaga
ito sa pagtatamo ng karunugan.

Narito ang katuturan ng pagbasa ayon sa ilang mga eksperto rito:

Leo James English. Isang awtor ng English-Tagalog Dictionary, ang


pagbasa/pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag
na mga salita.

Kenneth Goodman. Ang pagbasa ay isang saykolingguwistik na panghuhula kung saan


ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binasa. Isang prosesong paulit-ulit buhat sa teksto, sariling panghuhula, pagpapatunay,
pagtataya, pagrerebisa, pagbibigay pa ng ibang pagpapakahulugan o prediksyon.

James Dee Valentine. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming
pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang
mahilig magbasa.

James Coady. Ang kaisipang ibinibigay ni Goodman na nagwikang ang dating


kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang
konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto.
Pagbasa at Pag-unawa

Mayroong dalawang paraan ng pagbabasa ang isang tao:

1. Ang pagbasa nang mag-isa at tahimik ay madalas na nangangailangan ng


komprehensyon o pag-unawa.

2. Ang pagbasa naman nang malakas ay maaaring isagawa nang may pag-unawa o
wala. Maaari kasing mabigkas nang tama ang mga salita kahit hindi ito nauunawaan

Ipinahayag nga ni Rubin (1993) na ang pagbasa ay isang komplikado at


dinamikong proseso kaugnay ng pagpapadala at pagkuha ng kahulugan mula sa
isang nakalimbag na materyal. Inilahad naman nina Anderson (1985) na ang pagbasa
ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

Sina Gray at Robinson mula pa rin kina Lapp at Flood (1992) ay naglalahad naman ng
mas higit na komprehensibong kahulugan ng pagbasa sa pamamagitan ng pag-iisa-
isa sa mga pangunahing komponent ng pagbasa.

 Persepsyon – ito ay pagbasa sa akda o pagkilala sa mga salitang ginamit sa


akda. Ito ay maaari sa tahimik o malakas na paraan ng pagbabasa.

 Komprehensyon – Ito ay pag-unawa sa mga salita ayon sa kontekstong


kahulugan ng mga ito. Ito ay maaaring literal o di-literal na pagpapakahulugan.

 Reaksyon – Ito ay pagbibigay-puna sa binabasa mula sa nilalaman hanggang


sa pagkakabuo ng teksto. Ito ay maaaring sa paraang intelektwal kung saan
ang bumabasa ay nagpapasya sa kawastuhan at lohika ng binabasa, at sa
paraang emosyonal kung saan ang bumabasa ay humahanga sa estilo at
nilalaman ng nabasang akda.

 Asimilasyon – Ito ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula


sa binasa at sa mga dating kaalaman. Ito rin ang integrasyon ng personal na
karanasan sa binabasa.

 Akselerasyon - Ito ay kabilisan na tumutukoy sa magkakaibang tulin sa pagbasa


na nakabatay sa dami ng mga bagong salita, haba ng paksa, at ang bigat ng
konsepto ng tekstong binabasa.

Layunin ng Pagbasa

Narito ang ilang mga layunin ng pagbasa:

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.

2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman na maiimbak sa ating


isipan.

3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.


4. Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap natin na
marating.

TANDAAN:
Anuman ang nais malaman ng isang tao ay natutuklasan niya sa pamamagitan
ng pagbabasa kaya hindi mapasusubalian ang kahalagahan nito. Napag-aaralan
natin ang kultura ng ibang lahi upang mabatid ang pagkakatulad at ang pagkakaiba
nito sa kulturang ating kinagisnan.

ARALIN 2: TEORYA, URI AT PROSESO NG PAGBASA

Mga Teorya ng Pagbasa

Bilang isang mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang, dapat mong mabatid ang


mga teorya ng pagbasa. Layunin nitong mabigyan ang mga mag-aaral na tulad
mo ng mga gabay sa pagbabasa upang maunawaan mong lalo ang mga
binabasa at mapalawak ang iyong pananaw sa pag-aaral sa mga naturang
teksto.

Narito ang apat na teorya ng pagbasa:

1. Teoryang Baba-Pataas (Bottom-Up) – Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng


mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
Naimpluwesyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Behaviorist kung saan ang
pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa
salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan dito. Tinatawag ito ni Smith (1983) na outside-in o data driven.

2. Teoryang Taas-Pababa (Top-Down) – Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula


sa isip ng mambabasa (top) patungo sa teksto (down). Naimpluwensyahan ang
teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsabing ang pagbabasa ay isang
prosesong holistiko (holistic process). Hinihikayat ng teoryang ito na gamitin ng
mambabasa ang kanyang context clue upang maunawaan ang mga salita at
konsepto. Tinatawag din ito na inside-out o conceptually driven.

3. Teoryang Interaktibo – Ang teoryang ito ay binuo ni David E. Rumelhart.


Binibigyang-diin ng teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang
isang produkto. Sa prosesong ito mangyari ang kombinasyon ng dalawang
naunang teorya: Teoryang Baba-Pataas at Teoryang Taas-Pababa kung saan
makikita ang interaktibong proseso dahil ang mambabasa ay hindi lamang
nakabatay sa kung anong mayroon ang teksto ngunit ginagamit din nya ang
kanyang dating kaalaman at karanasan pati na ang kakayahang pangwika para
matamo ang komprehensyon ng pagbasa. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay
parang interaksyon ng dalawang naunang teorya, ang manunulat ay parang
kaharap ng mga mambabasa na may patuloy na tanong-sagot bilang interaksyon.

4. Teoryang Iskema/Iskemata - Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay


nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang
alam na o hindi alam ng mambabasa.

Mga Uri ng Pagbasa

1. Iskaning – Ito ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang


partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang
bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-
uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Halimbawa nito ay paghahanap ng
numero ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng isang katuturan ng salita sa
diksyunaryo, paghahanap ng isang tiyak na sagot mula sa tanong ng isang teksto at
iba pa.

2. Iskiming - Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng


buong teksto. Maaaring ang binabasa lamang ay ang una o huling pangungusap ng
bawat talata sapagkat dito karaniwang matatagpuan ang pangunahing ideya ng
talata. Sa ganitong uri ng pagbabasa, mahalagang matukoy ang pangunahing ideya
ng bawat talata at pagkatapos ay pagsama- samahin ang mga ito sa pamamagitan
ng paglalahat.

3. Analitikal – Ito ay tinatawag na masinsinang pagbasa. Ang isang mahusay na


mambabasa ay hindi lamang kayang unawain ang kanyang binabasa kundi kaya ring
himayin ang teksto at namnamin ang importansyang hatid nito sa kanyang sarili, sa
ibang tao at sa buong lipunan mismo.

4. Kritikal – Ito ay tinatawag na mapanuring pagbasa. Tinitingnan at sinusuring mabuti


ng nagbabasa ang katotohanan at kawastuhan gayundin ang kahinaan at kalakasan
ng tekstong binabasa.

Mayroong pitong (7) pamamaraan ang kritikal o mapanuring pagbasa at ito ay


ang mga sumusunod:

 Pagbasa nang pahapyaw – Ito ay mahalaga upang magkaroon ng


pangkalahatang pananaw sa nilalaman at kayarian ng teksto.

 Pagkokonteksto ng teksto – Dapat maikonteksto ng nagbabasa ang teksto sa


kanyang sarili, kultura at maging sa kasaysayan.

 Pagtatanong upang matandaan at maunawaan – Tumutukoy ito sa pagbuo ng


mga katanungan kaugnay ng nilalaman.
 Paghahambing ng mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa sa
nilalaman ng teksto - Sa pagbabasa ay maaring lagyan ng tanda o marka ng
nagbabasa ang taliwas o iba sa kanyang paniniwala at muling babalikan
upang makabuo ng argumento.

 Pagbabalangkas at paglalagom – Pagkilala sa pangunahing ideya at muling


pagpapahayag ng mambabasa.

 Pagtitimbang sa isang argumento – Ang mambabasa ay kailangang


magkaroon ng bukas na isipan at handang magtimbang ng mga argumento at
magpasya kung ano ang kanilang paninindigan

 Pagtutulad at pag-iiba sa mga kaugnay na babasahin - Pagsisiyasat ito sa


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga teksto upang higit itong maunawaang
mabuti.

TANDAAN:

Ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran


at karunungan ng isang tao.

ARALIN 3: TEKSTONG IMPORMATIBO

Tekstong Impormatibo

 Ang tekstong ito ay kilala rin bilang tekstong ekspositori. Layunin nitong
magpaliwanag tungkol sa isang particular na paksa upang magsilbing dagdag
kaalaman sa mga makakabasa nito.

 Ito ay isang uri ng teksto na nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan at


impormasyon na sakop ng kaalaman ng tao na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at
dagdag na kaalaman ng ibang tao.

Kahalagahan at Layunin

 Mahalaga ang tekstong ekspositori dahil ito ay nagiging daan sa pagkakaroon


nga bago at/ o karagdagang kaalaman kaugnay ng mga bagay-bagay na
nagaganap sa paligid.

 Likas sa mga tao ang palaging may katanungan na ninanais na matugunan


kung kaya’t madalas naghahanang ng paraan upang mabigyan ng sagot ang
mga ito sa tulong ng tekstong ekspositori.

 Pangunahing layunin nito ang magbigay ng impormasyon at maragdagan ang


kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kapaligiran.

Mga Katangian ng Mabuting Tekstong Ekspositori


Itinala nina pagkalinawan, et. Al (2004) sa aklat ng pagbasa at pagsusuri ng
iba’t ibang teksto ang katangian ng mahusay at epektibong eksposisyon.

1. Malinaw. Maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay kaagad na


nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig at kanyang maikakapit ang
kaalaman sa anumang bagay na ito ay magiging kapaki-pakinabang.
Mahalagang gumamit ng mga tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe at
isaayos sa paraan madaling masusundan ng mambabasa o tagapakinig.

2. Tiyak. Nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magagawang


mapanindigan ang kanyang pahayag. Kailangang ituon lamang niya ang
kanyang atensyon sa paksang kanyang tinatalakay.

3. May Kohirens. Sa anumang pagpapahayag, mahalaga ang maayos na daloy


ng kaisipan. Hindi magkakaroon ng halaga ang ang nilalaman ng akda kung ito
ay hindi naihanay sa maayos na paraan.

4. Empasis. Kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa.


Kailangang bigyang emphasis o diin ang pangunahing kaisipan na binibigyan
ng eksposisyon.

Mga Hulwaran ng Tekstong Ekspositori

1. Depinisyon. Ginagamit ang estilong depinisyon kapag ang ang isang di- pamilyar na
termino ay bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay at ano pa man, kalimitang
ginagamit ang estilong depinisyon o pagbibigay kahulugan. Maikakategorya sa
dalawa ang pagbibigay ng depinisyon:

 Pormal- gumagamit ng kumpletong pangungusap at nagpapaliwanag ng


pinagmulan ng salita o talakay.

 Di- Pormal – ipinakikita lamang ang kasingkahulugan ng salita.

2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon. Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa.


Ito ay ang simple at komplikadong pag-iisa-isa.

 Ang simpleng pag-iiisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at


pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.

 Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang patalata ng


pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.

Sa ikalawang uri, tinatalakay nang sunod-sunod o nang magkakahiwa-hiwalay at


magkakaugnay na talata ang mga bagay na inisa-isa.

3. Pagsusunod-sunod o Order. Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong


ekspositori ay ang paggamit ng paraang pagsusunod-sunod o order ng mga
pangyayari o ng isang proseso.

Dalawang batayang uri ng pagsusunod o order:


Sikwensyal- Kronolohikal. Ang sikwens, ayon sa diksyonaryo, ay mga serye o sunod-
sunod na mga bagay na konektado sa isa’t isa at ang kronolohiya naman ay ang
pagkakasunod-sunod ng mga bagay.

Samakatuwid, sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng


pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari na
siyang pinakapaksa ng teksto. Madalas, ang batayan ng order ng ganitong mga
teksto ay ang panahon o ang pagkakasunod-sunod na pagkakaganap ng mga
pangyayari. Karaniwang nakaayos ang ganitong teksto mula sa unang pangyayari
hanggang huli. Gamitin ang ganitong organisasyon sa mga akdang naratib tulad ng
kwento, talambuhay, balita, historical na teksto at iba pa.

Samantalang, kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga tao o kung
ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol
tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa.

Prosidyural - Serye ng mga gawaing upang matamo ang inaasahang


hangganan o resulta. Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin ay may tamang

 prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang pagkaing ihahanda.

4. Paghahambing at Pagkokontrast. Isang tekstong nagbibigay diin sa pagkakatulad at


pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng
pangyayari. Dalawang paraan ng hulwarang ito.

 Halinhinan (Alternating)

 Isahan (Block) na ang ibig sabihin ay magkakasunod na pagtataya sa


katangiang ng dalawang paksang pinaghahambing at kinokontrast.

Halinhinan Isahan

I. Pagkakatulad ng A at B I. Mga Katangian ng A

A. Pagkakatulad 1 A. Katrangian 1

B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2

C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3

II. Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng B

A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1

B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2

C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3

5. Problema at Solusyon. Pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan


ang pokus ng hulwarang ito. Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang
solusyon sa hulwarang ito bagama’t minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay
maaaring panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga
sulating teknikal at sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito.

6. Sanhi at Bunga. Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga kadahilanan ng


isang bagay o pangyayari at ang mga epekto nito. Makikilala ito sa paggamit ng mga
salitang dahil, kaya at iba pang salitang nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga.

You might also like