You are on page 1of 9

Depinisyon ng pagbasa Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa

babasahing kanyang isinulat.


3 kahalagahan ng pagbasa
Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwan ng takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong
kaalaman ang natutuklasan sa pamamagitan ng kaalamang panteknolohiya.
Mainam itong pampalipas oras dahil bukod sa maituturing itong solusyon sa pagkabagot ay may mga aral pang
makukuha sa mga akdang pampanitikan na maaaring maging gabay sa pananaw sa buhay.
Sa pamamagitan nito, maaaring makatuklas karunungan sa ibat ibang larangan tulad ng pilosopiya, agham,
humanidades, medisina at marami pang iba.

4 proseso ng pagbasa
Ang pagbasa sa akda- gumagamit ng persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
Ang pag-unawa sa binasa- ito ay ang pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga simbolong nakalimbag
Ang reaksyon sa binasa- reaksyon at paghatol sa kawastuhan ng mga detalye, kahusayan ng pagkakasulat at halaga
ng teksto
Pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalamang mula sa binasa at sa dating kaalaman- pag-uugnay ng
binasa teksto sa mga karanasan ng mambabasa

4 teorya ng pagbasa
a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay
pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang
teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap
bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang
pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang
tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng
pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag
itong bottom up.
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming
dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay
impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang
mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang
nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan
sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven dahil
ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang
mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa
kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na
kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa
lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon
ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon
ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa
pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.
d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito
ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag
sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang
ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang
mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring
sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

Hindi ako masyadong sure dun sa kahalagahan tsaka sa proseso kasi feeling ko lang yun yon, galing naman siya sa
book eh. hehe.

PAGBASA
Lesson (3)
Panimula
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga
titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika, kasama
nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.
Ang pagbabasay makatutulong sa pagtuklas ng karunungan sa ibat ibang larangan. Naghahasa ito ng
kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng pananaw, nagbibigay ng kasiyahan, at
nakapagdadala sa isang tao sa ibat ibang lugar. Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa ibat ibang
disiplina katulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Humanidades, mga Likas na Agham, Agham Panlipunan,
Kasaysayan, Matematika, Panitikan at iba pa.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasanayan sa pagbasa.
2. Naibibigay ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbasa
3. Naisa-isa ang mga yugto ng pagbasa
4. Natutukoy at natatalakay ang ibat ibang uri ng pagbasa.
5. Nagagawa ang mga inaasahang makrong kasanayan sa pagbasa.
Gawain
Basahin ang kwentong Tanging Pamana ni Hilario Coronel at sagutin ang mga sumusunod.
Mga Sanhi kung
Mga epekto ng bakit nagtatagumpay
pagiging mahigpit ng sa pag-aaral ang anak
ama
Para sa iyo, alin ang higit na epektibong paraan ng pagdidisiplina sa anak, sa pamamagitan ba ng pamalo
o sa pamamagitan ng pangaral o diplomasya? Bakit?
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagbasa at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ano ang pagbasa? Ang pagbasa ay pagpapakahulugan o pagsasabi sa diwa o sinasabi ng mga
nakalimbag na sagisag ng kaisipan.
Pagbasa- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Ayon kay William
S. Gray Ama ng Pagbasa ito ay nagaganap sa apat na yugto.
1. Ang pagbasa ng akda
2. Ang pag-unawa sa binabasa.
3. Ang reaksyon sa binasa.
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at ng dating
karanasan.
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa layunin at paraan. Sa layunin, masasabing ang mga ito ay masusi at
masaklaw samantala sa paraan, maaring ito ay tahimik na pagbasa (silent reading), pasalitang pagbasa
(oral reading), mabagal na pagbasa at mabilis na pagbasa. Narito ang mga aytem na dapat isaalang-
alang sa bawat uri ng pagbasa.
1. Masusing pagbasa- mapanuri at kritikal na pagbasa, ang emphasis nito ay nakatuon sa pag-aaral sa
mga nilalaman at istruktura ng texto.
2. Masaklaw na pagbasa- nakatuon ang pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng binabasa at hindi sa
mga tiyak o ispisifikong detalye ng akda.
3. Pasalitang pagbasa- pagbasa ito sa isang texto na inangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at
sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
4. Tahimik na pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagana sa uri ng pagbasang ito. Walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog na salita ang nalilikha ng bumabasa ng texto.
5. Mabagal na pagbasa- hindi ito undertime-pressure na pagbasa. Ipinahihiwatig dito na mahalagang-
mahalaga na pag-ukulan ng interes ang mga salita sa akda. Ang mabagal n apagbasa ay ang unang bilis
sa pagbasa na tinatawag na study speed.
6. Mabilis na pagbasa- ito ay tinutukoy sa Ingles sa scanning at skimming na ginagamit na paraan sa
pagkuha at pagpili ng pangunahin at pagtingin sa kabuuan ng aklat bago tuluyang basahin. Ito ay
pagriribyu sa aklat ng mga kinakailanganing imformasyong kaugnay ng paksang sasaliksikin.
Mga ibat ibang kasanayan sa Pagbasa
a. pagtukoy sa pangunahing kaisipan
b. pagkuha sa mga mahalagang detalye
c. pagtukoy sa sanhi at at bunga
d. paghahambing at pag-uuri-uri ng mga kaisipan
e. pagtukoy sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
f. paghihinuha
g. pagbibigay ng mga opinion at reaksyon
h. pag-unawa sa mga idyoma at tayutay.
Gawain
a. Magbigay ng mga halimbawang seleksyon sa nabibilang sa dalawang uri ng pagbasa ang masusi at
masaklaw.
b. Basahin ang kwentong Walang Panginoon ni Deogracias Del Rosario
ibigay ang buod nito at magbigay ng reaskyon at komento.



Ano ang Pagbasa?
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga
pinakagamitin sa lahat.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa
mambabasa.
Dahil sa Knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa
sangkatauhan.
Ang mga sumusunod ay mga halaga ng pagbabasa:
1. Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.
2. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan ng
buhay.
3. Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay.
4. Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong
yumao na o hindi nakikita.
5. Naiimpluwensyan nito ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa ibat ibang
bagay at tao.
6. Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng kalidad ng
buhay ng tao.
Mga Uri ng Pagbasa:
Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay
maaaring skimming o scanning.
Skimming:
o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Scanning:
tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina.
Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.
Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog
ang pagbasa.
Mauuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin:
Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na
pagbasa at ginagamit ito sa mahihirap na seleksyon.
Hal. Pag-unawa sa Panuto/ dokumento
Matulin na pagbabasa: Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang
binabasa batay sa layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng
isang ganap na mambabasa.
1. Pag-unawang Literal
Pagpuna sa mga ditalye
Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pagsunod sa panuto
Pagbubuod o paglalagom sa binasa
Paggawa ng balangkas
Pagkuha ng pangunahing kaisipan
Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na.
Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon
Pagkilala sa mga tauhan
2. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga
karagdagang kahulugan
Pagdama sa katangian ng tauhan
Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita
Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon
Paghula sa kalalabasan
Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
Pagbibigay ng pamagat
3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad
Pagbibigay ng reaksyon
Pag-iisip ng masaklaw at malawak
Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
Pagdama sa pananaw ng may-akda
Pag-unawa sa mga impresyon o kakintilang nadarama
Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap
Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan
Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad
4. Pagsasanib ng mga kaisipan nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng
bagong pananaw at pagkaunawa
Pagbibigay ng opinyon at reaksyon
Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na
pangyayari sa buhay
Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
kaugnayan sa karanasan
Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.
5. Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa
binasang seleksyon.
Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
Pagbabago ng wakas ng kwento
Pagbabago ng pamagat ng kwento
Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan
Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa
Mga istratehiya sa interaktib na pagbasa
Limang uri ng istratehiya
Pagtatanong (Questioning)-
Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa
Paghuhula (Predicting)-
Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan
Paglilinaw (Clarifying)-
Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong
mga tanong
Pag-uugnay (Assimilating)-
Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.
Paghuhusaga (Evaluating)-
Husgahan/suriin ang mga element ng teksto.
Apat na Teorya ng Pagbasa
1. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng
teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng
komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng
serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon.
Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa
pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang
teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na
partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin
ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng
pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa
mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
2. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa
teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang
Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang
mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may
taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling
kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda
sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o
cenceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay
gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang
isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,
nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga
ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
3. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa
ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma
lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na
angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng
dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa
teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang
interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang
ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi
bilang produkto.
4. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating
kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat
bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may
taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha
o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring
sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi
teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan
ng mambabasa.

You might also like