You are on page 1of 19

Bumasa para Matuto at sa Pagbabasa Matututo

Pagbasa: Isang proseso na nalilinang sa loob ng mahabang panahon sa pamamgitan


ng masaklaw na pagbasa.

Ano ang Pagbasa?


Isa sa mga tugon sa pagbasa ay isang pasibong gawain
(passive) at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-
aaral at teksto, o sa guro at kapawa magaaral. Gayundin, nakatuon
lamang ang pansin sap ag-alam kung may natatandaan ang mga mag-
aaral sa mga detalyeng tinalakay sa
akda. Sa mga mag-aaral nama’y maaring
mabuo sa kanilang isipan na ang pagbasa
ay pagsasaulo ng mga tauhan, tagpuan,
banghay at iba pang elemento ng akda.
Kaya nga, kung ang pagkaklase ay
nakapokus sa pagbabasa nang malakas,
mananaig sa isipan ng ilang mag-aaral
na ang pagbasa ay pasalita. Ang paraan
ng pagtuturo ng guro, ay malamang
makaapekto sa magiging pakahulugan ng
mga mag-aaral sa pagbasa. Dahil dito,
apektado rin ang istratehiya o teknik na gagamitin nila sa
pagpoposeso ng mga nakalimbag na teksto.
Sa ganitong paraan, masasabi natin na napakahalaga na
maituro natin ang tamang estratehiya o teknik upang makalinang
ng isang produktibo at epektibong mag-aaral na hindi siya lamang
nagbabasa bagkus may pag-unawa ng malaliman sa kanyang binabasa.
Ngunit dapat ding isipin na ang paraan ng pagtuturo ay isang
repleksyon at depinisyon sa pagbasa na pinananaligan ng guro.
Ayon kay Good man (1973), na ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan hango sa tekstong
binabasa. Ayon pa rin sa kayan, ang gawaing ito ng pagbibigay
kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa
teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay,
pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa ganitong
pagpapakahulugan, hindi na kailangan pang basahin lahat ang
teksto upang maunawaan ito, lalo na kung higit na magaling ang
tagabasa sa paghula o pagbigay ng haka.kaya nga, ang isang
tagabasa na magaling sa tamang pagbibigay ng pediksyon, ay
nakababasa nang higit na mabilis kaysa iba dahil hindi niya
kailangang basahin nang isa-isa ang bawat salita sa teksto.
Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-unawa sa isang teksto,
kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa
kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan
sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Kakayahang Pangkaisipan Dating Kaalaman

Mga Estratehiya sa Pagpoproseso ng Impormasyon

Ayon kay Coady, ang kakayahang pangkaisipan ay ang


panalahat ng kakayahang intelektwal ng isang tagabasa. Ang mga
estratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon ay iyong may
kinalaman sa paggising ng mga impormasyong nasa isipan ng
tagabasa gaya ng kaalamang semantika; impormasyong tungkol sa
daigdig, hal. Mga konsepto, ideya karansan at iba pa), kaalamang
sintaktika (impormasyon tungkol sa wika, halimbawa, ang pagbuo
ng pangungusap at batayang hulwaran) at kaalaman sa ugnayan ng
dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong
nasa isipan ng tagabasa na maaring gamitin bilang pantulong kung
sakaling may kahinaan ang tagabasa sa kaalamang sintaktik.
Ilang Kabatiran sa mga Layunin at Proseso sa Pagbasa
Ang ilalahad sa ibaba ay ilang kabatirang dapat taglayin
pagkatapos talakayin ang ilang isyu sa pagbasa na inilahad sa
panimula ng kabanatang ito.
1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na
kalakaran/kombensyon sa pagsulat.
a. Ang hagod ng mata sa pagbasa ay magkakaiba sa iba’t
ibang wika.
Halimbawa:
Ang mga tekstong Filipino ay binabasa mula kaliwa-
pakanan, samantalang ang tekstong Intsik ay binabasa
mula itaas-pababa mula gawing kanan pakaliwa. Ang
tekstong Arabic naman ay binabasa mula kanan-pakaliwa.
b. Nagkakaiba-iba rin ang paraan ng paglalahad ng ideya
o kaisipan sa iba’t ibang wika. Ang Filipino at Ingles
ay may alpabeto kung saan ang bawat letra at
kumbinasyon ng mga letra ay may tunog at ang salita
ay maaring buuin sa pagsasama ng mga letra na nasa
pagbasa ay nakabubuo ng tunog ng salita.
c. Kahit may mga wikang gumagamit ng parehong Alpabeto,
ang letra-tunog na korespondensya hindi palaging
magkatulad. Halimbawa, ang karaniwang tunog na /a/ sa
Ingles /æ/ gaya ng Apple. Sa Filipino, ang tunog na
/a/ ay /a:/ gaya ng ama.
2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na
nakapaloob sa isang teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita
ay isang bahagi lamang ng proseso sa pagbasa.
3. Bahagi ng pag-unawa sa teksto ang pag-unawa sa wika kung
saan ito nasusulat.
4. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol
sa daigdig, sa kultura, sa paksang tinatalakay, mga
kalakaran, at iba pa)
5. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.
6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.
7. Ang pagbasa ay isang sistema sa pagtaguyod ng ating buhay.
8. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan (multiple
skill) at iniaangkop natin ang mga ito sa iba’t ibang uri
ng teksto upang matugunan ang mga layunin sa pagbabasa.
9. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagabasa sa isang
particular na teksto para sa tamang pag-unawa nito sa isang
tiyak na pagkakataon.
10. Kailangang makuro ng isang tao na ang pagbasa ay
makabuluhan at kawili-wili. Kung hindi, walang mangyayaring
pagbasa sa llabas ng silid-aralan.
Iba’t ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa
Napakahalaga para sa mga guro ng pagbasa na magkaroon ng
isang matibay nap ag-unawa sa proseso ng pagbasa. Ang mga
paniniwala o panaanw tungkol sa proseso ng pagbasa ay
mapapangkat sa Apat: Ang Teoryang Bottom-up, ang Teoryang Top-
Down, at ang Teoryang Inter-aktib at ang Teoryang Iskema.
Bibigyang pansin sa paraanng pagtalakay na ito ang mga pananaw
na mayroong pagkakaiba-iba hinggil sa kalikasan kung paano
nagaganap ang komprehensyon.
1. Ang Teoryang Bottom-up
Ang Teoryang bottom-up ang tradisyunall na pananaw sa
pagbasa na bunga ng impluwensya ng teoryang behayviorist
na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang
ng pag-unawa sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo
(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon
o response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto
sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto- tugotng pagkilala ng
mga titik tungo sa salita, parirala, pangungusap ng buong
teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto.
Ang isang tao na umaayon sa pananay ng bottom-up ay
naniniwala na ang pagbasa ay ang “pagkilala ng mga salita”-
at ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa. Kung
ilalapat ang mga ito sa mga ginagawa sa loob ng klasrum,
makikita ito sa paggamit ng mga phonics drill at
pagsusuring instrukturaal bilang mga tampok na istratehiya
sa” pagtukoy ng mga salita at paggamit ng mga flash cards
sa pagsasanay para sa “pagkilalla ng salita o parirala.
Mapapansin din sa teoryang ito na ang pagpapakahulugan
sa binasa ay nasa huling yugto. Ang tagabasa ay itinuturing
na isang pasibong partisipantsa proseso ng pagbasa at ang
tanging tungkulin ay maulit ang lahat ng mga detalyeng
nakapaloob sa tekstong binasa. Ang teksto ang pokus para
maunawaan ang babasahin. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa
tagabasa (up).
Para kay Smith (1983), dapat na tawagin itong outside-
in o data driven sapagkat ang pagkaunawa sa mga informasyon
ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.
Nakalulungkot banggit na bagama’t mayroon nang mga bagong
teorya sa pagbasa, ang gawi ng pagtuturo sa kasalukuyan ay
nanatili pa ring napag-iiwanan o iyon pa ring nakagawian.

2. Ang Teoryang Top-Down


Ang mga proseo sa pagbasa na binaggit sa itaas ay
nagsilbing daan para itanong ng mga pantas sa sikolohiya
at pagbasa ang kanilang agam-agam tungkol sa teoryang
bottom-up. Napatunayan nila na ang bottom-up ay taliwas sa
tunay na prosesong nagaganap sa pagbasa. Sa halip daw na
ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto, ito raw ay
nagsisimula sa sa isip ng tagabasa (top) tungo sa teksto
(down); kaya nga ang katawangang top-down. Ang pananaw na
ito ay impluwensya ng sikolohistang Gestalt na naniniwalang
ang pagbasa ay isang prosesong holistic.
Ayo sa mga proponet ng teoryang ito, ang tagabasa ay
isang pinakaaktibong participant sa proseso ng pagbasa; na
siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na
nakaimbak sa kanyang isipan at may kakayahan sa wika
(language proficiency) na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Mapapansin din na ang teoryang ito tulad ng bottom-up ay
may isa ring direksyon sap ag-unawa ng teksto; makataliwas
nga lamang.
Binibigyang diin ng teoryang top-down na ang pagbasa
ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating
kaalaman niya ang magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto
at kung wala ito, hindi niya mabibigyang kahulugan ang
anumang babasahin.
Tagalay ng isang tagabasa ang mga
impormasyongvsemantika, sintaktika at grapho-phonic bilang
bahagi ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge). Sa
pagbasa, ang hudyat na ito na makikita sa teksto ang
gumigising sa mga semantic, sintaktik at grapho-phonic na
impormasyon sa isipan ng tagabasa. At sa intekaksyon sa
pagitan ng nakalimbas na teksto (impormasyong biswal) at
ng dating kaalaman (non-biswal na impormasyon) na taglay
ng tagabasa, nabubuo ang pagpapakahulugan.
Sa kabuuan ang teoryang top-down ay tinatawag ding
inside-out o conceptually driven sa dahilang ang kahulugan
o impormasyong nagsisimula sa mababasa patungo sa teksto.
Ito ay nagaganap kung ang mambabasa ay gumagamirt ng
kanyang dating kaalaman at mga konsepto na nabuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananw sa
paligid.

3. Ang Teoryang Interaktib


Isang malaking kontribusyon ng teoryang interaktib sa
pagtuutro ng pagbasa ay ang pagbibigay diin nito sa pag-
unawa bilang isang proseso at hindi isang produkto. Sa loob
ng mahabang panahon, tinatanaw natin ang komprehensyon
bilang isang produkto. Higit nating binibigyang pansin kung
ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sap ag-unawa
(comprehension questions) ay tama o mali. Sa kasalukuyan,
dahil sa pag-unawa ay tinatanaw bilang isang proseso, ang
tuon sa pagsusuri ng mga sagot sa pag-unawa ang proseso.
Kailangang alamin ng guro kung paano nabuo ng mga mag-aaral
ang kanilang mga kasagutansa mga tanong, tama man ito o
mali? Sa pamamgitan ng interaktibong prosesong ito,
malalaman ng guro kung paano niya matutulungan nang
mambabasa upang lubos niyang malaman at maunawaan ang
teksto. Dito pumapasok ang larangan ng metakognisyon.
Ang pagkatuto ay itinuturing na isang pangyayaring
kognitib, subalit ito rin ay isang kaganapang metakognitib.
Ang kognisyon ay ang paggamit ng taglay na kaalaman
samantalang ang metakognisyon ay ang kamalayan at kabatiran
sa taglay na kaalaman. “Ang kognisyon ay tumutukoy sa
pagkakaroon natin ng mga kasanayan; sa kabilang dako ang
metakognisyon ay ang kamalayan sa angking kasanayan at
angpagkontrol sa mga kasanayang ito (Stewart at Tei, 1983)
Halimbawa, kung pagbubutihin ni Lily ang kanyang pag-
unawa sa binasa, ipinakita niya ang kasanayang kognitib.
Nang mabatid niya na habang nagbabsaa kailangan niyang
matandaan kung ano ang kanyang binabasa, ipinakita niya na
mayroon siyang kakayahang metakognitib. Ang prosesong
metakognisyon kung gayon ay tumutukoy sa ating kamlayan sa
mga prosesosa pag-iisip habang gumagawa tayo ng
pagpapakahulugan (Brown, 1985)

4. Ang Teoryang Iskema


Ang ginagampanan ng dating kaalaman sap ag-unawa ang
pangunahing batayan ng teoryang iskema. Isa sa mga
pangunahing simulain ng teoryang ito ay ang paniniwala na
ang teksto, pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang
taglay sa kanyang sarili. Ayon sa teoryang iskema, ang
teksto ay nagbibigay lamang ng direkstyon sa nakikinig o
mambabasa kung paano nila gagamitin o paano bubuo ng
pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman. Ang
datring kaalaman ay tinatawag na sanligan ng dating
kaalaman ng mambabasa (background knowledge) at ang
kayariang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na
iskemata (pangmaramihang iskema)
Ang teoryang iskema ya paglilinaw sa organisasyon at
pag-iimbak ng ating dating kaalaman at mga karanasan. Ayon
sa teoryang ito, ang lahat ng ating natututuhan at
nararanasan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad
ayon sa kategorya. Ang mga iskemang ito ay patuloy na
nadaragdagan, nalilinang, napapaunlad, nababago at
ginagamit natin sap ag-uugnay ng anumang bagong karanasan.
Mga Yugto sa Pagbasa
Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa
Ang yugtong ito sa pagbasa ay nararanasan ng mga bata
sa iba’t ibang edad. May mga bata na maagang nalilinang
ang kahandaan sa pagbasa (mga 4 na taon hanggang 6 ½ na
taon; may mga batang huli ang pagkalinang nito). Ang
kahandaan sa pagbasa ay depende rin sa kapaligirang
nilakihan ng bata, sa pagkakalantad niya sa iba-ibang
babasahin at sa mayamang karanasan niya sa araw-araw.
Ang kahandaan sa pagbasa ay isang yugto sa debelopment
ng bata. Ito’y pagbabagong-kalagayan na maaring rtumagal
nang marmaing buwan. Sa yugtong ito, kakikitaan nang
unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi pa marunong
bumasa hanggang sa makakilalal at makabasa na siya ng
mga nakalimbag na teksto.

Yugot ng Panimulang Pagbasa


Ito ang yugto kung saan nagsisimula ang bata sa pormal
na pagbasa na kadalasa’y sa mga aklat na pre-primer o
primer. Dito nagsisimula ang proseso sa pagkatuto ng
pagkilalal sa mga salita at mga simbolo, pag-alam sa
kahulugan ng salita, o sa kahulugan ng parirala at
pangungusap. Ang yugtong ito ng panimulang pagbsa ay
nagaganap sa unang baitang o sa edad na 6 ½ -7 taon.

Yugto ng Developmental
Ito ang yugot sa programa ng pagbasa na nagpapatibay
at nagpapalawak ng mga kanais-nais na mga kasanayan sa
pagbasa at mga pagpapahalagang natamo ng mga nagdaang
taon at pagdedebelop pa ng mga bagong kasanayan at
pagpapahalaga na kakailanganin sa pag-unawa at
pagkalugod sa mga kompleks na nakasulat/nakalimbag na
teksto. Ito ang yugto na nalilinang ang kasanayan sa
mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa.

Yugto ng Malawakang Pagbasa


Ang yugto ng malawakang pagbasa ay ang panahon ng
pagpapapino at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa.
Ang pagbasa na isang kasanayang angkin na ng mag-aaral
ay isang kasanayan para sa pagtuklas ng lalong marami
at malawak na impormasyon, mga kaisipan,
pagpapakahulugano interpretasyon.
Sa yugtong iyo ay patuloy na nalilinang ang iba-ibang
kasanayan gaya ng kmprehensyon, organisasyon,
bokabularyo, interpretasyon at iba pa.

Kahandaan sa Pagbasa
Ang kahandaan sa pagbsa ay isang mahalagang katangian
na daapt taglay ng isang bata sa Kindergarten o sa unang
baitang ng paaralang elementarya. Sa yugtong ito ng pag-
aaral ng pagbsa, maaring magpakita ang isang bata ng
kahinaan sa gawaingpagbsa dahil sa pagiging handa ay
nababatay sa kalikasan ng mag-aaral.
Ang mga naturang salik ay ang mga sumusunod:
1. Kagulangang Pisikal (Physical Maturity)
-Ang kagustuhan ng isip at pangkalahatang kalusugan ng
bata ay mahalaga. Malinaw niyang nakikita ang anyo at
hugis; naririnig nang wasto at maliwanang ang bigkas ng
salita at nauulit at naririnig na salita kung wala siyang
depekto sa paningin, pandinig at pagsasalita.

2. Kagulangan Mental (Mental Maturity)


-Ang salik sa pangkaisipan o mental ay mahalaga sa
pagkilala ng salita at mga simbolo at pagpapakahulugan
sa mga simbolo; at sa kakayahang makita ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng mga simbolo at salita. Kailangan din
ang talas ng pananda at memori.

3. Kagulang Sosyal at Emosyunal (Social and Emotional


Maturity)
-Magkakaiba-iba ang lawak at saklaw ng panlipunang
pinagmulan ng mga bata. Iyong mga likas na matatalino ay
malamang galling sa masayang tahanan at maaring nakadama
ng katiwasayan at kasiyahang lumahok sa mga gawaing
pangklase at pagsasagawa ng mga payak na gawain. sa isang
kapaligiran na hindi nagkaroon ng suliranin (gaya ng
pagkatakot, pagkapahiya, pangamba at iba pa) ay higit na
mabilis ang kahandaan sa pagbasa.

4. Pesonalidad at Karanasan (Personality and Experience


Maturity)
-Ang unang karanasa sa tahanan at sa kapaligiran ay
nakakaapekto sa personalidad ng mag-aaral at
nakakaapekto rin naman sa kakayahan sa pagbasa at maging
sa ibax pang gawain sa pagkatuto. May mga batang lumaki
sa tahan o sa kapaligirang marahas, malupit at may lumaki
sa isang kaiga-igayang kapaligiran. May mga batang
pagkapanganak pa lamang ay nakalantad na sa iba-ibang
aklat at mga babasahin. Ito ay mga salik na may malaking
kaugnayan sa maagang pagkakaroon ng kahandaan sa
pagbasa.

5. Wika (Language Factor)


-Pagtuntong ng isang bata sa paaralan, tinatayang
mayroon na siyang ganap na pagkontrol sa palatunugan,
morpolohiya at sintaks ng wikang una niyang natutuhan.
Mayroon narin siyang sapat na talasalitaan na magagamit
niya sa pakikipag-ugnayan niya sab ago niyang
kapaligiran. Ang ganitong mga kakayahan ay nakatutulong
nang Malaki sa mabilis na pagkalinang ng kahandaan sa
pagbasa.
Palatandaan ng Kahandaan sa Pagbasa
Kailangang tiyakin muna ng guro kung may kahandaan sa
pagbasa ang mag-aaral bago ito turuan ng pormal sa pagbsa.
Mahirap matuto sa pagbasa ang isang bata na wala pang kahandaan
sa pagbasa. Narito ang ilang palatandaan ng batang may kahandaan
sa pagbasa.
 Nakikita ang pagkakaiba ng anyo, hugis at laki.
 Nakikita nang wasto at maayos ang isang aklat.
 Nakikita at napapansin nang mabilis ang pagkukulang ng
bahagi ng isang bagay o larawan.
 Napapangkat-pangkat ang magkatulad. Naibubukod ang naiiba
sa pangkat.
 Nauulit ang buong pangungusap o pahayag na narinig.
 Naihahagod ang paningin ng may wastong galaw o hagod ng
mata sa mga larawan o limbag.
 Naisasaayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang tatlo
hanggang apat na larawan.
 Nakapagsasalaysay ng payak na kuwento o payak na
pangyayari.
 Nakapag-uugnay ng larawan na bahagi ng kabuuan o ng isang
bagay sa pinaggagamitan.
Ang Pag-unawa/Komprehensyon
Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap
ang interaksyon sa teksto. Sa katunayan, ang pag-
unawa/komprehensyon ay isang masalimuot na peosesong
pangkaisipan.
Apat na Antas ng Pag-unawa ayon kay Smith (1969)
1. Pag-unawang Literal
 Ang pag-unawang literal ay nakapukos sa mga ideya
at impormasyong nakalahad sa teksto. Ang mga
kasagutan sa mga tanong literal ay ang simpleng
pag-alaala sa mga impormasyon at detalyeng
nakapaloob sa babasahin. Bagama’t nangangailangan
lamang ito ng mababang antas ng pag-iisip. Kaya
nga, kung ang guro ay nasa literal lamng ang kanyang
mga tanong, malayong marating ng mga bata ang mas
mataas na antas ng pag-iisip.

2. Interpretasyon
 Ang kategoryang ito sap ag-unawa ay nangangailangan
ng mas mataas na antas ng pag-iisip. Ang mga sagot
sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang
nakalahad sa tteksto ngunit nakapahiwatig lamang.
Upang masagutan ang mga nasa antas ng
interpretasyon, kailangang taglay ng tagabasa ang
kakayahan nsa paglutas ng mga suliranin at marunong
siya sa paghalaw ng mga kaisipan.
o Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig.
o Pagkuha ng pangunahing ideya
o Paghiihinuha
o Pagbibigay konklusyon
o Pagbibigay paglalahat
o Pagkilala sa sanhi at bunga
o Pagkilalal ng pagkakatulad/pagkakaiba

3. Mapanuring pagbasa
 Ang kritikal o mapanuring pagbasa ay mas mataas ang
antas kaysa sa dalawang naunang category. Ilan sa
mga kasanayan sa kategoryang ito ay ang mga
sumusunod:
o Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan, at
pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad
sa teksto.
o Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa
kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging
kasiya-sia ng akda.
o Naihahambing ang kaisapang ipinapahayg sa
teksto sa tulong na pamantayang pansarili,
pamantayang galling sa guro, sa ibang tao, at
sa ibang babasahin.

4. Malikhaing pagbasa
 Sa kategoryang ito, gumagamit ang tagabasa ng
kakaibang kasanayan sap ag-iisip na lagpas sa natas
ng pag-unawang literal, interpretasyon at
mapanuring pagbasa. Sa pag-unawang ito, sinisikap
ng tagabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon
sa inihain ng awtor.
Ang Paglinang ng Komprehensyon
Ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay
ang debelopment ng mga kakayahan sap ag-unawa sa pagbasa.
Inaasahan na ang gawaing ito ay makatulong sa mga mag-aaral na
makabuo, makapagpaliwanag, makapaglapat, makapagpakahulugan
nang mabisa sa mga tekstong pasalaysay at ekspositori na
kanilang maririnig at mababasa.
Pangunahin sa tugnuhing ito ay ang paglinang ng mataas na
lebel ng proseso ng pag-iisip at hindi lamang iyong simplen
paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.
Upang maisakatuparan ang tunguhing ito, kailangang lubos na
maunawaan ng guro ang mga tampok na katangian ng proseso ng
komprehensyon.
Mga Tampok na Katangian ng Komprehensyon
1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga layuning
malinaw na inilahad.
2. Paggising ng mga dating kaalaman na may kaugnayan sa
nilalaman/paksa ng kuwento.
3. Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng mga
dating kaalaman angkop sa layuning itinaskda sa pagbasa.
4. Pagpapakilos/ pag-antig sa mga saloobin at mga
pagpapahalaga na may kaugnayan sa nilalaman ng teksto.
5. Paggising ng istratehiya sa pagmomonitor na siyang
magkokontrol sa pagbuo ng pagpapakahulugan.
6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binanggit upang
makamit ang layuning inilahad sa pagbasa.
Apat na Lebel /Antas ng Pag-iisip
Bago mo basahin ang talakay sa apat na lebel/ antsa ng pag-
iisip, basahin at unawaing mabuti ang tanong sa ibaba at subuking
alamin kung saang lebel ng pag-iisip angkop ang bawat isa.
a. Ano ang nakasulat sa pader?
b. Bakit nakaramdam ng pagkabagot ang imbestigador?
c. Ano ang magiging reaksyon mo kung ikaw ay ang unang
makakita ng nakasulat sa pader?
d. Ano kaya ang iniisip ng pangunahing tauhan habang
pinagmamasdan niya ang ginagawa ng imbestigador?

1. Ang Paktwal na Lebel- ay ipinakita sa unang tanong at may


kinalaman sa memori o simpleng paggunita ng mga
impormasyon, tuwirang inilahad sa teksto. Hindi kailangan
dito ang mataas na antas ng pag-iisip. Ang kasanyan sap ag-
unawa sa ilalim sa paktwal na lebel ay pagtukoy sa detalye.
2. Ang interpretative na lebel o pagpapakahulugan ay ipinakita
sa ikalawang tanong. Kailangan ang kasanayan sa paghihinuha
at ang pag-uugnay ng mga impormasyon sa teksto sa pagsagot
ng ganitong tanong. Ang mga impormasyon ay di-tuwirang
nakalahad sa teksto. Kailangan ang kasanayan sa pagbsa na
reading between the lines. Ang kasanayan sap ag-unawa sa
ilalim ng lebel na ito ay sanhi at bunga.
3. Ang aplikatib na lebel o paglalapat ay ipinakita sa
iaktlong tanong. Sa lebel na ito, kailangan ang pag-ugnay
ng mga impormasyong galing sa teksto, at ng mga personal
na iskemata ng bumabasa. Sa ganitong pag-uugnay, kailangan
ang kasanayan sa pagbasa na reading beyond the lines. Ang
kasanayan sa pag-unawa sa lebel na ito ay paghula sa maaring
maganap.
4. Ang transaktib na lebel ay ipinakita sa ikaapat na tanong.
Sa lebel na ito, kailangan ang kaalaman na hango sa teksto,
personal na iskemata, at sariling pagpapahalaga.
Ipinalalagay rito ng tagabasa na siya ay isa sa mga tauhan
at hinahayaang makapasok ang sarili sa kuwento. Ito ay
maituturing na reading with the character. Ang mga mga
tanong sa lebel na ito ay may kinalaman sa sariling
pagpapahalaga.

Mga Dulog at Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensyon

A. UTS (Ugnayang Tanong-Sagot)


 Ang Ugnayang Tanong-Sagot (UTS/QAR sa Ingles) ay binuo
ni Raphael (1982, 1986) upang mapataas ang antas ng
kakayahan ng mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa
pag-unawa sa pamamgitan ng isang sistematikong
pagsusuri sa mga tanong. Ito’y nabu dahil sa
obserbasyon ni Raphael na palaging may pinasasagutang
tanong ang mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi
man lamang nabibigyan ng kaunting patnubay ang mga
bata kung paano sasagutin ang mga tanong. Sa
istratehiyang ito inaasahang magagawa ng mga batang
tukuyin ang iba’t ibang uri ng tanong.
o Nasa teksto mismo- ito’y hudyat na ang sagot ay
tuwirang nakalahad sa teksto at nangangailangan
ito ng simpleng paggunita o pagtukoy ng mga
impormasyong galing sa binasa.
o Isipin at hanapin- ito’y hudyat na ang sagot ay
nasa teksto rin ngunit kailangang “pag-ungayin”
mula sa mga imormasyong nakapaloob sa teksto.
Ito’y nangangailangan ng pag-iisip na nasa lebel
na interpretatib.
o Ikaw at ang Awtor- ito’y hudyat na ang sagot ay
wala sa teksto ngunit kailangang mabuo sa
“sariling Isipan” mula sa imporamsyong inilahad
ng awtor at mula sa dating kaalaman. Ginagamit
dito ang pag-iisip sa lebel ns interpretatib at
transaktib.
o Sa aking sarili- ito’y hudyst na ang sagot ay
wala sa teksto at kailangang mabuo sa sariling
isipan” mula sa dating kaalaman at ginagmait din
ng pag-iisisp sa lebel na interpretatib at
transaktib.
Ang mga simulain Isinasaalang-alang sa paggamit ng
istratehiyang UTS ay ang mga sumusunod.
 Pagbibigay ng kagyat na pidback;
 Pagsisimula sa maikli patungo sa higit na mahabang
teksto o seleksyon;
 Paghikayat na maging independent ang mga mag-aaral
sa pamamagitang ng pagbibigay ng angkop na gawain;
at
 Paghahanda ang transisyon mula sa madaling gawain
na pagtukoy o pagkilala sa sagot patungo sa higt na
mahirap na kasanayan sa pagtuklas ng kasagutan
batay sa iba’t ibang impormasyon.

B. DR-TA (Directed Reading-Thinking Activity)


 Ang dulog (DR-TA) ay para sa paglinang ng
komprehensyon ng buong klase/pangkat. Sa dulog na ito,
ang mga bata ay aktibong nakikilahok sa talakayan sa
tulong ng mga tanong na nasa mataas na lebel nap ag-
iisip.
 Layunin ng DT-TA na matulungan ang mga bata sa
pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay
ng sariling hula o plagay na ginagamit ang dating
kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis
ng mga impormasyon, pagpapatunay at pagbabago ng mga
prediksyon at pagbuo ng isang konklusyon.
 Upang magamit nang mabisa ang DR-TA sa klasrum, dapat
luikha ang guro ng isang kaligirang gaganyak sa mga
batang makipagsapalaran at makapag-isip nang malalim.
Kailangang malinang ang pagtitiwala sa sarili na
magpapalakasa ng loob sa bawat mag-aaral upang makabuo
sila ng hula at hipotesis tungkol sa nilalaman ng
kuwentong babasahin. Sa dulog na ito, ang mga batang
kimi at mahiyain ay makikitang aktibong makakalahok
sa talakayan.

DR-TA: Unang bahagi.


 Una-pagbibigay ng mga hula na ginagamit ang mga
impormasyong galing sa teksto at mga personal na
dating kaalaman.
 Ikalawa-pagbasa upan tiyakin o di kaya’y baguhin
ang mga hula batay sa tekstong binasa at personal
na kaalaman.
 Ikatlo-pagbibigay ng mga suporta at patunay na
ibinibigay na mga hula batay sa tekstong binasa
at personal na kaalaman.
DT-TA: Ikalawang bahagi
 Paano isasaga Ang…….
DR-TA
1. Pumili ng isang kuwento o tekstong ipapabasa
sa klase.
2. Tukuyin ang mga bahaging hihintuan (stop-
points)- apat haggang lima lamang kung maari.
Huinto pagkatapos ng pamagat, pagkatapos ng
una o ikalawang talata, at sa ilang kawili-
wili o kapana-panabik na bahagi. Huminto bago
ang pagtatapos ng kuwento.
3. Maghanda ng mga tanong sa bawat bahaging
hihintuan. Iwasan ang pagbibigay ng mga
paktwal o literal na tanong.
Halimbawa:
Pagkatapos ng Pamagat
Sa tulong ng pamagat, masasabi mo ba kung
tungkol saan ang kuwento? Bakit mo ito nasabi?
Pagkatapos ng bawat bahagi ng hihintuan
Ano ang naiisip mo ngaon? Bakit mo ito
nasabi? Alin sa mga hula ang iyong sinasang-
ayunan? Bakit mo ito nasabi?
Bago matapos ang kuwento
Sa iyong palagay, paano kaya magwawakas ang
kuwento? Bakit?
4. Kung kailangan, paghandain ang mga bata ng
pantakip sa tekstong susunod na babasahin.

C. DRA (Directed Reading Activity)


 Ang dulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay matagal,
nang ginagamit sa mga paaralan. Bagam’t may ilangm
odipikasyon na ipinapasok sa pagdaraan ng mga taon,
nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng
pinatnubayang pagbasa: maihanda nang husot ang bata
sa pagbsa, mabigyang-diin ang pagkilala sa salita at
ang paglinang ng mga kasanayan sap ag-unawa at
mapatnubayan ang mga bata sa pagbasa ng isang maikling
kuwento.
May Limang Hakbang ang DRA
 Una: Paghahanda sa pagbsa. Sa hakbang na ito’y
ginigising ang dating kaalaman ng mga bata na may
kaugnayan sa kuwento. Isinasagawa rin dito ang
paglalahad ng bagong bokabularyo at konsepto at
pinupukaw ang interes at kawilihan ng mga mag-aaral
para basahin ang kuwento.
 Ikalawa: Pinatnubayang tahimik na pagbsa. Sa
yugotng ito, magninigay ang guro ng mga tanong na
pangganyak na siyang magigng patnubay ng mga bata
sa pagbasa. Maaring ipabasa ang buong kuwento sa
tulong ng mga pamatnubay na tanong o di kaya’y baha-
bahaging pagbasa na may mga taong na pamatnubay sa
bahaging binasa.
 Ikatlo: Sa bahaging ito ay sasagutin ang mga taong
na pagganyak at susundan ito ng pagtalakay ng mga
kasagutan sa iba pang pamamtnubay na tanong upang
mapaunlad ang malalim na pagkaunawa sa banghay,
tauhan, paksa, at ibang elemento ng kuwento.
 Ikaapat: Makabuluhang Muling Pagbasa. Layunin ng
bahaging ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga
bata na basahin nang malakas ang kuwento pagkatapos
nang tahimik na pagbasa. Ito’y magkapanabay halos
na isinagawa kapag nagbibigay sila ng patunay sa
mga sagot sa mga pamatnubay na taong o di kaya’y
pagbasa ng naibigang bahagi ng kuwento.
 Ikalima: Panubaybay na mga gawain at pagpapaunlad
ng kasanayan. Maaring ilahad sa bahaging ito ang
mga gawaing may kaugnayan at talasalitaan,
komprehensyon o di kaya’y kasanayan sa pagsulat.

D. ReQuest (Reciprocal Questioning)


 Layunin ng istratehiyang ito na linangin ang aktibong
pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamgitan ng
pagbuo ng mga taong, pagbuo ng layuin sa pagbasa, at
pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din
sa istratehiyang ito ang pagmomonitor sa sarili
hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ngisang
teksto. Ang estratehiyang Request ni Manzo (1990) ay
gumagamit ng tugunang pagtatanong kung saan
naghahalinhinan ang guro at mga mag-aaral sa pagganap
ng tungkuling tagatanong.

7 hakbangin sa Pagsasagawa ng Estratehiyang Request

1. Panimula: SIsimulan ang pagkakalse sa pamamagitan


ng isang paglalahad.
2. Panimulang Pagbasa at pagtatanong ng mga mag-aaral.
Babasahin nang tahimik ng guro at ng mga mag-aaral
ang unang talata. Pagkatapos, isasara ng guro ang
kanyang aklat at hahayaang magtanong ang mga bata
tungkol sa taltang binasa.
3. Pagtatanong ng Guro at Pagmomodelo. Pagkatapos ng
bata, ang guro namn ang magtatnong. Pasasarahan din
ang aklat o di kaya’y patatakpan ang bahaging binasa
bago magtanong ang guro. Bagama’t ang mga tanong ng
guro ay inihanda na, maari niyang iagkop ang kanyang
vmga tanong sa itinanong ng bata.
4. Patuloy na Tugunang Pagtatanong. Basahin nang
tahimik ang sumusunod na talata o bahagi ng teksto
at sundin ang mga isinasagawa sa una at ikalawang
hakbang. Sa pagsisimula ng ikalawang pagapaplitang
tanong-sagot, kailangng ipaliwanag ng guro sa
kanyang pagtatanong kung paanong ang gma
impormasyon sa unang bahagi ng teksto ay iniuugnay
sa susunod na bahagi.
5. Pagtatakda ng Layunin sa Patuloy na Pagbasa.
Ipagpatuloy ang pagbasa hanggang sa magkaroon ang
mga mag-aaral nang sapat na kabatiran upang makuha
na nila ang ideya/ pangkaisipan ng kuwento para
makapagbigay na sila ng panghuhula sa kalalabasan
ng mga pangyayari.
6. Tahimik na Pagbasa. Ipabasa ang kabuuang ng teksto
at alamin kung tama ang kanilang mga hula.
7. Panubay na Talakayan. Pahkatapos basahin ang boung
kuwento, umpisahan ang talakayan sa pamamgitan ng
tanong na hango sa hulang isinagawa ng mga bata.
Mahalaga ito dahil nagpapakita ito na ang patnubay
na tanong ang unang dapat tugunin pagkatapos
basahin ang teksto.

E. Story Grammar (Pagsusuri sa Kayarian ng Kuwento)


 Mahalaga para sap ag-unawa ang pagkakaroon ng kaalaman
sa kayarian ng kuwento (story sense). Ito'y
makatutulong upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung
paano inilalahad ng may-akda ang isang kuwento. Ang
kaalamang ito ang higt na nakapagpapaliwanag na ang
kuwento ay binubuo ng sunod-sunod at magkakaugnay na
pangyayari. Sa maingat na pamatnubay ng guro,
magagamit ang kaalaman sa “kayarian ng kuwento” sa
pagsusuri nito; gaya ng ginagawa natin sa pagsusuri
sa bahagi ng pangungusap.
 Ang kasanayan sa pagsusuri ng kuwento kaugnay ng
pagkakabuo ay mahalaga upang maihanada ang mag-aaral
kung sakaling nag-iba ang takbo ng mga pangyayari.

Upang magkaroon ng lubusang kaalaman sa kayarian


ng kuwento dapat malaman ng guro at ng mag-aral ang
sumusunod na katangian ng kuwento.
a. Ang kuwento ay binubuo ng isang tema at
banghay.
b. Ang banghay ay serye ng mga pangyayari o
episode;
c. Ang isang buong episode ay may tagpuan at
serye ng ma pangyayari.
d. Inilalarawan sa tagpuan ang panahon, lugar at
ang pangunahing tauhan.
e. Ang serye ng mga pangyayari ay binubuo ng
sumusunod;
i. Panimulang pangyayari na nagtatakda ng
layunin o suliranin.
ii. Pagtatangka upang matamo ang layunin o
malutas ang suliranin;
iii. Paglutas sa suliranin o pagtamo ng
layunin; at
iv. Reaksyon ng mga tauhan sa pangyayari.
F. GMA (Group Mapping Activity)
 Ang group mapping activity (GMA) ni Jane Davidson
(1892) ay isang estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa
paglinang ng pang-unawa o komprehensyon sa pamamagitan
ng integrasyon at sintesis ng mga ideya at konseptong
nakapaloob sa kuwento. Ito’y ginagawa pagkatapos
basahin sa agham o araling palipunan.
 Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay pabubuuin ng
isang grapikong representasyon na maglalarawan ng
kanilang personal na interpretasyon na kaugnay ng mga
tauhan sa mga pangyayaring naganap sa isang kuwento o
di kaya nama’y ang kanilang sariling interpretasyon
sa konseptong inilahad sa babasahing ekspositori.
 Ang representasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram
at nakabatay ito sa personal na nagkaunawa ng teksto.
Pagkabuo ng mapa o dayagram, ipalalahad ito at
ipaliliwanag sa kaklase. Ang pagnanahagi ng
isinasagawang mapa/dayagram ang “pangkatan” (group)
dimension ng istratehiyang ito. Sa yugtong ito ng
pagababhagi (sharing) mapapaigting o mapapalawak ang
pang-unawa ng mga bata sa kuwento.

G. KWWL (What I know, What I Want to Learn, Where I Can Learn


This, What I Learned)
 Ang KWWL (Jan Bryan, 1998) o AGSN sa isang elaborasyon
ng KWL nina Carr at Ogle (1987) . Ang A ay kumakatawan
sa Kung ano ang alam ng mga bata sa paksa; G ang
gustong malaman; S saan malalaman; at N ano ang
nalaman. Ang istratehiyang KWWL ay naglalayong
matulungan ang mga mag-aaral na gamitn ang dating
nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong
ekspositori. Tinutulungan nito na magamit ng mga bata
ang dating kaalaman sa pagbabasa ng baong paksa at
matulungan ang mga mag-aaral na suriin at saliksikin
ang mga impormasyon sa loob at labas ng teksto.
Halimbawa:
(A) Alam (G) Gusto (S) Saan ko to (N) Natutuhan
ko….. kong malalaman… ko….
malaman….
1. Maalat Bakit maalat  Ensayklopedia
ang ang dagat  Sa guro
dagat.  Magtanong sa
mga marine
biologist
2.umaalon Paano  Pumunta sa
ang dagat nagkakaalon laybrari
ang dagat  Magtanong sa
doktor

You might also like