Professional Documents
Culture Documents
KAHALAGAHAN NG WIKA
Wika: Kasangkapan sa
Pagpapahayag
Ayon kay Whitehead, isang edukador at
Pilosopong Ingles: “Ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.”
Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay
salamin ng lahi.
Ang wika ay mga simbolong salita ng
mga kaisipan at saloobin.
Ito ay isang behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring
pasalita o pasulat.
Ayon naman kay Henry Gleason, ang
wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura.
Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip
ng isang bayan, kumakatawan sa isang
malayang pagsasama-sama at sa
pagkakaisa ng layunin at damdamin.
Ito ay paghahatid ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng mga
salitang binibigkas.
Ang wika ay isang penomenong
pumapaloob at umiiral sa loob ng
lipunan at may angking kakayahang
makaimpluwensya, magdikta, magturo,
tumulong, kumontrol, manakot,
pumatay, magpaligaya at lumikha ng
isang realidad sa kanyang ispesipikong
kakayahan.
Ang wika ay maaaring humubog ng
ating pananaw pandaigdig (world view).
Kung titingnan ang wika bilang isang
ideolohiya, maaaring magkaroon ng
iba’t ibang pagpapakahulugan,
pagtingin, pag-unawa at karanasan
dahil may kani-kaniyang posisyon at
papel ang indibidwal sa lipunang
kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
Isang disiplinang maituturing ang pag-
aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y
kabilang sa mga bagay na dapat
pagtuunan ng pansin at pananaliksik,
upang mas malinaw nating mailarawan
ang mga kalagayan o katayuan nito
para sa ating ikagagaling bilang
praktisyoner ng wika.
Wika Bilang Totalidad sa
Pag-iral
Isang katangian ng wika bilang
penomenong panlipunan ay ang
totalidad ng pag-iral at patuloy na
pagbabago ng wika kasama ang
maraming gamit at antas ng istruktura
nito na malinaw na sumasailalim sa
mga karanasan.
Ang wikang ginagamit ng isang lipunan
ay maaaring sumailalim sa mga
paniniwala nito at mga karanasan.
Maaari tayong hubugin ng ating wika
matapos natin itong mabigyan ng
kahulugan.
Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang
okasyon at sa salitang dapat gamitin,
pinag-uukulan natin ng pansin ang
kaangkupan ng ginagamit na wika.
Ang mga pormal o impormal na pulong,
pagtatalumpati, kasal, binyag,
pagdarasal, pagtuturo, talakayang
pang-akademiya at iba pang mga
okasyon ay maaaring makabuo ng iba’t
ibang diskurso depende sa kasapatan
at kaangkupan ng mga salitang
gagamitin para sa isang partikular na
okasyon.
Totalidad ng pag-iral ang wika dahil dito
umiikot ang ating kabuuang pag-iral sa
gitna ng lipunan.
Sinasalamin ng wika ang lipunang ating
binubuo at kinabibilangan.
Ito ang ginagamit sa pagpapahayag ng
saloobing may pagpapakahulugang
mula sa pag-unawa ng tao sa wika at
mga konseptong kinakatawan nito.
Mga Batayang Kaalaman sa
Pagbasa
“Be more, read more.”
“ The man who reads, is the man who
leads.”
hakbang sa pagbasa:
1. Persepsyon – hakbang sa pagkilala
sa mga nakalimbag na simbolo at
maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbolong nababasa.
2. Komprehensyon – pagpoproseso ito
ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbolong nakalimbag
na binasa. Ito ay nagaganap sa isipan.
3. Reaksyon – hinahatulan o
pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
4. Asimilasyon – isinasama at
iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.
Mga Teorya o Pananaw sa
Pagbasa
Mahalaga para sa sinumang mag-aaral
ang magkaroon ng sapat na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa na inilalarawan
ng mga sumusunod na teorya:
1. Teoryang bottom-up – ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay
ang katumbas nitong tugon.
Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito ay nagsisimula sa
teksto(bottom) patungo sa
mambabasa(up) kaya tinawag itong
bottom-up.
2. Teoryang Top-down – napatunayan ng
maraming dalubhasa na ang pag-
unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa (top) tungo sa
teksto (down).
Ayon sa mga proponent nito, ang
mambabasa ay isang napakaaktib na
kalahok sa proseso ng pagbasa, na siya
ay may dating kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kanyang
isipan at may sariling kakayahan sa
wika.
3. Teoryang Interaktib – ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito.
- ang isang mambabasa ay gumagamit
ng kanyang kaalaman sa wika at mga
sariling konsepto o kaisipan.
- dito nagaganap ang interaksyong
awtor-mambabasa at mambabasa-
awtor.
4. Teoryang Iskima – mahalaga ang
tungkuling ginagampanan sa pagbasa
ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito
ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima.
- bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima.
Teoryang Metakognisyon sa
Pagbasa
Metakognisyon – nangangahulugang
pagkakaroon ng kaalaman at
maunawaan , makontrol at magamit
nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei
at Stewart, 1985).
Ang paggamit ng sinasabing mga
kaalaman ay makakatulong para
magkaroon ng mabisang pagbabasa.
Apat na Salik sa Prosesong
Metakognisyon
1. Teksto – nakapaloob ang pagtukoy sa
istruktura, uri o anyo ng babasahin.
2. Gawain sa pagbasa – kaugnay rito
ang mga gawain bago bumasa, habang
bumabasa at pagkatapos bumasa.
3. Istratehiya – nakasalalay sa
mambabasa.Ito ay batay sa kanyang
edad, karanasan sa pagbabasa at
lawak ng kaalaman sa paksa.
4. Katangian ng mambabasa – mahalaga
sapagkat kaugnay rito ang kanyang
interes, motibasyong
matuto, kakayahang mental at pisikal at
oryentasyon sa pagbasa at pagkatuto.