You are on page 1of 5

KAHULUGAN NG PAGBASA

1. Batay sa International Reading


Association,
ang
pagbasa
ay
pagkuha ng kahulugan mula sa
mga nakatalang titik o simbolo na
nangangailangan ng sumusunod:
a. Ang paglinag at pananatili ng
kawilihan sa pagbasa;
b. Ang paggamit ng istratehiya
upang
makuha
ang
kahulugan ng teksto;
c. Ang sapat na kaalaman o
piror
knowledge
at
bokabularyo na tutulong sa
pag-unawa sa teksto;
d. Ang kakayahan sa matatas
na pagbasa;
e. Ang istilong gagamitin upang
maunawaan ang salitang di
pamilyar;
f. Ang kakayahang umunawa
sa mga nakatalang salita
batay sa tunog o pagbigkas
nito.
2. Sang-ayon naman kay Frank Smith
sa kanyang isinulat na Reading
Without Non Sense (1997), ang
pagbasa
ay
pagtatanong
sa
nakatalang teksto at ang pagunawa sa teksto ay ang pagkuha
ng sagot sa iyong mga tanong.
3. Mula naman kay Kenneth Goodman
sa Journal of the Reading Specialist
(1967), ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game,
sapagkat ito ay ngadudulot ng
interaksyon sa pagitan ng wika at
pag-iisip:
ang
kakayahang
manghula, bumuo ng hinuha o
prediksyon kaugnay ng tekstong
binabasa.
4. Ayon naman kina Austero et al.,
ang pagbasa ay ang pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan
sa mga sagisag na nakalimbag
upang mabigkas nang pasalita. Ito
rin ay pag-unawa sa wika ng awtor
sa pamamagitan ng mga nakasulat
na simbolo.
5. Ayon kay William Morris, Editor-inChief ng The American Heritage at

awtor ng Your Heritage Dictionary


of Words, ang pagbasa ay ang
pagkilala sa kahulugan ng mga
nakasulat na mga salita.
6. Sa Dictionary naman ni Webster,
ang pagbasa ay isang kilos o gawa
ng isang taong bumabasa ng aklat,
sulatin at iba pa. Itoy pag-unawa
sa kahulugan ng isang aklat,
sulatin at ibang nasusulat na
bagay.
7. Ang pagbasa ay ang tiyak at
maayos
na
pagkilala
sa
pagsasama-sama ng mga salita
upang magkabuo ng kahulugan at
kaisipan (Angeles, Feliciana S.,
142).
8. Ayon kay Silvey, ang pagbasa ay
binibigyan mo ng kahulugan at
pagkilala ang mga kaalamang
nakalimbag batay sa pagkakasulat
ng may-akda. Sa pamamagitan ng
pag-justify ay napapalahad ng
may-akda ang kanyang kaalaman
at itinatanggap mo sa paraan ng
pang-unawa at sa dating kaalaman.
9. Ayon kay McWhorter, ang pagbasa
ay kailangan ng sapat na pag-iisip
at pang-unawa sa mga simbolong
nakalimbag o mga babasahin na
kadalasang
tinatawag
nating
teksto.
10.
Ayon kay Villamin (1999),
ang pagbasa ay isang susing
nagbubukas ng pintuan tungo sa
pagtatamo ng kaalaman tungkol sa
iba't ibang larangan bukod sa ito'y
nagbibigay din ng kasiyahan.
KATANGIAN NG PAGBASA
1. Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa
at pagsulat
2. Lumilinang
ng
ibat
ibang
kakayahan
a. Kasanayan sa pagkuha ng
panghunahing
detalye
at
mga kaugnayna detalye
b. Kasanayan sa pagbuo ng
hinuha o palagay

3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

c. Kasanayan sa pagdama o
pagkilala sa estilo o paraan
ng pagsulatng manunulat
d. Kasanayan sa pagkilala ng
pamaksang pangungusap
e. Kasanayan sa pagbubuo o
pagbibigay ng kongklusyon
kakayahang mabasa ng indibidwal
ang
bawat
titik
at
salitang
nakalimbag
mahalaga ang hagod ng mata sa
pagbasa
ang tunay na pagbasa ay ang pagunawa sa mensahe ng teksto
ang pag-unawa sa teksto ay
matatamo kung nauunawaan ang
wikang ginamit sa teksto
ang pagbasa ay isang proseso ng
pag-iisip
isang interaktibong proseso sa
pagitan
ng
manunulat
at
mambabasa
bahagi rin ng pagbasa ang
paggamit ng dating alam at pagugnay nito sa bagong kaalaman.

TEORYA PATUNGKOL SA PAGBASA


1. Teoryang Bottom-up
Ito ay isang traditional na
pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay
pokus sa kapaligiran sa paglinang
ng komprehension sa pagbasa.
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng
mga nakasulat na simbulo upang
maibigay ang katumbas nitong
tugon. Nananalig ang teoryang ito
na ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula
sa
yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap ng teksto,
bago
pa
man
ang
pagpapakahulugan
sa
buong
teksto. Ang proseso ng pag- unawa,
ayon
sa
teoryang
ito,
ay
nagsisimula sa teksto (botom)
patungo sa mambabasa (up) kaya
nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down
Ang pananaw na ito ay
impluwensya
ng
sikolohiyang
Geatalt
na
naniniwalang
ang
pagbasa
ay
isang
prosesong
holistik. Ayon sa proponent nito,
ang
mambabasa
ay
isang
napakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay
may taglay na dating kaalaman
(prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling
kakayahan sa wika (language
proficiency) at kanyang ginagamit
habang siya ay nakikipagtalastasan
sa awtor sa pamamagitan ng
teksto.
Tinatawag din itong teoryang
inside out o conceptually-driven
dahil
ang
kahulugan
o
impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto. Ito
ay
nagaganap
dahil
ang
mambabasa ay gumagamit ng
kanyang dating kaalaman at mga
konseptong nabuo sa kanyang
isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananawa sa paligid.
Bunga nito, nakakabuo siya ng mga
palagay at hinuha na kanyang
iniuugnay
sa
mga
ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.
3. Teoryang Interaktib
Bunga
naman
ito
ng
pambabatikos ng mga dalubhasa
sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down at
maaaring akma lamang sa mga
bihasa nang bumasa at hindi sa
mga baguhan pa lamang. Higit na
angkop daw ang kombinasyong
top-down
at
bottom-up
na
nagpapahiwatig
ng
dalawang
direksyon
ng
komprehensyon,
itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon
sa teoryang ito, ang teksto ay

kumakatawan sa wika at kaisipan


ng awtor. At sa pag-unawa nito,
ang
isang
mambabasa
ay
gumagamtit ng kanyang kaalaman
sa wika at mga sariling konsepto o
kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa at
mambabasa-awtor.
Ang
interaksyon, kung gayon, ay may
dalawang
direksyon
(o
bidirectional).
Masasabing
ang
teoryang ito ay isang pagbibigay
diin sa pag-unawa sa pagbasa
bilang proseso at hindi bilang
produkto.
4. Teoryang Iskima
Mahalaga ang tungkuling
ginagampanan sa pagbasa ng
dating kaalaman ng mambabasa.
Ito ang batayang paniniwala ng
teoryang iskima. Ayon sa teoryang
ito, bawat bagong impormasyong
nakukuha
sa
pagbabasa
ay
naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatwid , bago pa man basahin
ng isang mambabasa ang isang
teksto, siya ay may taglay nang
ideya sa nilalaman ng teksto mula
sa kanyang iskima sa paksa.
Maaring binabasa niya lamang ang
teksto upang patunayan kung ang
hinuha o hula niya tungkol sa
teksto ay tama, kulang o dapat
baguhin. Dahil dito, masasabing
ang teksto ay isang input lamang
sa proseso ng komprehensyon.
Hindi teksto ang iniikutan ng
proses ng pagbasa, kundi ang
tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa.
URI NG TEKSTO
1. Tekstong Akademiko
Ang tekstong akademiko ang
tawag sa mga tekstong ginagamit
sa pag-aaral ng humanidades,

agham panlipunan at agham


pisikal. Taglay nito ang mga
terminolohiya, uri ng diskurso o
pahayag, nilalaman ng teksto at
ang mga konseptong inilalahad.
Ang tekstong akademiko ay may
katangiang hindi tiyak sapagkat
nakabatay ito sa katanggapan ng
mga
kasapi
ng
lipunang
akademiko.
2. Tekstong
Propesyunal
Pandalubhasaan

Ang tekstong propesyonal o


pandalubhasaan ay nagsasaad ng
talakay ukol sa natatanging paksa
at may kaugnayan sa propesyon ng
manunulat. Naglalaman ito ng
batayang teorya at mga datos
bilang
ebidensya
ng
talakay,
maging ang mga bagong tuklas na
datos na may kinalaman sa gawain
ng
manunulat.
Masusing
pananaliksik at mahusay na pagpili
ng
salitang
gagamitin
ang
kailangan dito.
Ang tekstong propesyonal ay
yaong mga teksto na nagdaan sa
mabalasik na pareresirts at ito ay
para sa mga taong ang gustong
pag aralan ay yaong mga bagay na
makakatulong
upang
maging
malawak ang kanilang kaalaman
gaya ng mga abogasya at medisina
dahil ito ay nakakatulong upang
kanilang malaman ang mga bagay
na mga patunay o pinatutunayan
ng mga akda. Halimbawa, ang
isang tao ay nakapagtapos ng
Ph.D. at gumawa ng isang tesis
batay kanyang riserts tungkol sa
makabagong pamamaraan ng pagoopera ng pasyente. Ang tesis na
ito ang tinatawag nating tekstong
propesyunal.
3. Tekstong Literari

Malaya
ang
paraan
ng
pagpapaunlad ng diwa sa tekstong
ito. Ginagamit ng manunulat ang
kanyang
sariling
karanasan,
damdamin, pananaw at wika bilang
batayan sa pagpapaunlad ng
tekstong literari. Ang kahulugan ng
tekstong
ito
ay
karaniwang
nakabatay
sa
sariling
pagpapakahulugan ng mambabasa
dahil ang paksa ng ganitong uri ng
tekstong
ito
ay
hango
sa
katotohanan
o
kathang-isip
lamang.
Ilan sa mga napaiilalim sa uri
ng tekstong ito ay ang mga Nobela,
Kuwento, Balita, Alamat, Pabula,
Parabula, Talumpati, Anekdota, at
Talambuhay.

4.

5.

6.

MGA HULWARAN NG MGA URI NG


TEKSTO
1. Informativ tekstong naglalahad
ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at
mga bagong informasyon. Ang mga
kaalaman
ay
nakaayos
ng
sekwensyal at inilalahad nang
buong
linaw
at
kaisahan.
(Halimbawa: mga kasaysayan, mga
balita)
2. Argumentativ
o
Pangangatwiran;
tekstong
naglalahad ng mga proposisyon
upang magpaliwanag kung itoy
nagpapakita ng kaugnayan sa
pagitan ng konsepto o iba pang
proposisyon. Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na
bakit.
Naglalayon
itong
mapatunayan ang katotohanan
ng ipinahahayag at ipatanggap sa
bumabasa ang katotohanang iyon.
(Halimbawa: mga editorial)
3. Persweysiv o Panghihikayat;
tekstong naglalahad ng mga sapat
na katibayan o patunay upang
manghikayat
o
upang
ang

7.
8.

9.

isang paksa ay maging kapanipaniwala. (Halimbawa:


mga
nakasulat
na
propaganda
sa
eleksyon, mga advertisement)
Narativ
o
Pagsasalaysay;
tekstong
nagpapahayag
ng
pagkakaugnay ng mga pangyayari
at may layuning magkuwento.
(Halimbawa:
mga
akdang
pampanitikan)
Deskriptiv o Paglalarawan;
tekstong
nagtataglay
ng
impormasyong may kinalaman sa
pisikal na katangian ng isang tao,
lugar, bagay. Madali itong makilala
sapagkat ito ay tumutugon sa
tanong na ano. (Halimbawa: mga
lathalain,
mga
akdang
pangpanitikan)
Prosijural tekstong nagpapakita
at naglalahad
ng
wastong
pagkakasunod-sunod ng malinaw
na hakbang sa pagsasakatuparan
ng anumang gawain o paggawa ng
isang bagay.
Nareysyon tekstong naglalahad
ng mga impormasyong tumutugon
sa mga tanong na paano at kailan.
Exposisyon

o
Paglalahad;
tekstong naglalahad ng mga payak
na
pagpapaliwanag
ng
mga
konsepto, mga iniisip at mga
palagay sa sariling pananaw.
Tinutugon nito ang tanong na
paano.
Referensyal- ang isang teksto
kung ito ay naglalahad ng mga
tiyak na pinaghanguan ng mga
inilalahad na kaalaman. Ang mga
kaalamang hinango mula sa iba ay
malinaw na tinitiyak at inilalahad.

MGA AKDANG NABASA


Message in a Bottle (Nicholas Parks,
1998)
Left Behind: A Novel of the Earth's
Last Days (Tim LaHaye & Jerry Jenkins,
1995)

Glorious Appearing: The End of Days


(Tim LaHaye & Jerry Jenkins, 2004)
Harry Potter and the Philosopher's
Stone (J. K. Rowling, 2001)
The Choice (Nicholas Parks, 2007)
Tribulation Force: The Continuing
Drama of Those Left Behind (1996)
Nicolae: The Rise of Antichrist (Tim
LaHaye & Jerry Jenkins, 1997)
Soul Harvest: The World Takes Sides
(Tim LaHaye & Jerry Jenkins, 1999)
Apollyon: The Destroyer Is Unleashed
(Tim LaHaye & Jerry Jenkins, 1999)
Assassins: Assignment: Jerusalem,
Target: Antichrist (Tim LaHaye & Jerry
Jenkins, 1999)
The Indwelling: The Beast Takes
Possession (Tim LaHaye & Jerry
Jenkins, 2000)
The Mark: The Beast Rules the World
(Tim LaHaye & Jerry Jenkins, 2000)
Desecration: Antichrist Takes the
Throne (Tim LaHaye & Jerry Jenkins,
2001)
The Remnant: On the Brink of
Armageddon (Tim LaHaye & Jerry
Jenkins, 2002)
Armageddon: The Cosmic Battle of the
Ages (Tim LaHaye & Jerry Jenkins,
2003)

Harry Potter and the Chamber of


Secrets (J. K. Rowling, 2002)
Harry Potter and the Prisoner of
Azkaban (J. K. Rowling, 2004)
Harry Potter and the Goblet of Fire (J.
K. Rowling, 2005)
Harry Potter and the Deathly Hallows
(J. K. Rowling, 2007)
PROSESO NG PAGBASA
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala
sa mga nakalimbag na simbulo at
maging sa pagbigkas nang wasto
sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon Pagproproseso
ito ng mga impormasyon o
kaisipang
ipinahahayag
ng
simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon hinahatulan
o
pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng
isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon isinasama
at
iniuugnay ang kaalamang nabasa
sa mga dati nang kaalaman o
karanasan.

You might also like