You are on page 1of 13

Komprehensibong

Pagbabalita

PINAL NA PAGGANAP (PETA)


IKATLONG MARKAHAN
LAYUNI
N
Naisasagawa ng mag-aaral
ang komprehensibong
pagbabalita (news casting)
tungkol sa napapanahong isyu
ng ating bansa.
2
• Sa diyaryo, sa unang basa pa Maraming paraan upang
lamang sa ulo ng mga balita o malaman ang mga
headline, halos alam mo na ang pangyayaring nagaganap sa
nilalaman ng buong balita.
loob at labas ng kapuluan.
• Mapapansin na ang unang talata ng bawat balita ay Maaari kang manood ng
naglalaman ng mga importanteng nilalaman nito. telebisyon, makinig sa radio, o
•Ang mahusay na balita, sa unang talata pa lamang ay magtanong-tanong sa mga tao.
sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, at
bakit. Kaya naman, sa unang talata pa lamang ay Subalit, kapag balita ang pinag-
nagagampanan na ng balita ang tungkulin nito sa uusapan, pinakamabuti pa rin
pagbibigay ng impormasyon.
ang pagbabasa ng diyaryo.
•Pagkaraan ng unang talata, ang mga karagdagang detalye
at paliwanag na lamang ang mga susunod upang mabuo ang 3

balita.
ILANG TIPS SA PAGSULAT NG
BALITA

REPORTER MAPANURI FLEXIBLE RESOURCES INVERTED


PYRAMID

4
TIP #1 : ANG MAMAMAHAYAG
Ang mga mamamahayag o reporter
ay karaniwang nakukuha ang mga balita o istoryang
gagawin mula sa kanilang editor, subalit ang mga
magagaling na reporter ay nakahahanap ng sarili nilang
mapagkukunan ng balita. Nagagawa niya ito sa bilis ng
pag-iisip, pakikipag-usap sa maraming tao, at sa masusing
pagtatanong.
5
TIP #2 : PAGIGING MAPANURI
Sa lahat ng lugar at panahon
ay may makukuha kang balita. Kailangan
lang na maging mapanuri kung ano-anong
balita ang makakukuha ng interest ng iyong
mambabasa.
6
TIP #3 : MAGING FLEXIBLE

Maaaring ang gusto mong ibalita


ay hindi pala naaayon sa plano mo. Kaya
kapag nakakita ng bagong anggulo sa paksa,
siyasatin ito. Magtanong at magsaliksik.

7
TIP #4 : MAPAGKUKUNANG
IMPORMASYON
Maaari ring kumuha ng
impormasyon mula sa internet, subalit
maging maingat at tiyaking wasto ang
nakukuhang impormasyon. Kumuha lamang
ng mga impormasyon sa mga website na
mapagkakatiwalaan. 8
TIP #5 : INVERTED PYRAMID
Kung nais mo na mang sumulat ng balita,
alalahanin mong ang sinusunod na anyo
ng mga balita ay ang tinatawag na inverted
pyramid. Nangangahulugan ito na ang mga
pangunahing detalye ay matatagpuan sa unang
talata at pagaan o papaliit na ang halaga ng mga
impormasyon sa mga susunod na talata.
9
TIP #6 :
HEADLINE NG BALITA
May mga taong kaunti lang ang panahon para mabasa ang
buong diyaryo, kaya pinapasadahan lang nila ang mga headline
at tumitingin kung ano rin ang nais nilang basahin. Dahil dito,
mag-isip ng nakagaganyak na headline para sa iyong artikulo.
Tiyaking maikli ito at maipahahayag pa rin ang mahalagang
impormasyon sa balita. Gumagamit ng pangkasalukuyang
panauhan sa artikulo. 10
TIP #7 : PROOFREADING
Matapos magsulat, bigkasin
ang naisulat.
Minsan, napapansin ng
tenga ang hindi napapansin ng mata.
Magrebisa.
Palitan ang mga pahayag
na dapat palitan.
11
TANDAAN DIN ANG MGA
SUMUSUNOD
(Mga karagdagang tips…)

a) Gumamit ng simple at napapanahong wika at salita.


b) Gawing maikli at malinaw ang mga pahayag.
c) Gawing nakatatawag-pansin ang simula o unang talata upang mahikayat ang
mga tao na ito’y basahin.
d) Upang ito’y maging tuwirang balita, iwasan ang paglalagay ng sariling
opinyon. 12
(Mga karagdagang tips…)

Ano pa ang dapat malaman mo…


Buksan ang iyong Course #3 sa Genyo.
13

You might also like