You are on page 1of 2

EASTERN MINDORO COLLEGE

BONGABONG, ORIENTAL MINDORO


Telefax: (043) 2835479 * e-mail: emc_1945@yahoo.com

3rd Preliminary Exam


Filipino 7
Pangalan:______________________________ Seksyon/Silid:______________________________ Iskor:__________________________

Panuto: A. Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig at may diin sa sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa tapat ng bilang ang titik ng inyong sagot.

a. paunlarin f. dalangin k. napagg-isip-isip


b. pagkampay ng pakpak ng ibon g. kaakit-akit
c. malaman h. magkasintahan
d. dumadaloy i. mayabang
e. indayog j. nais

1.Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi natin.
2.Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang-bayan gamit ang mga salitang kaysarap pakinggan.
3.Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa atin n gating mga ninuno.
4.Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.
5.Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.
6. Ang dalagang nakatira sa dampang malapit sa kagubatan ay sadyang kabigha-bighani.
7.Isang palalong binata ang nagpahayag ng maalab na pagsinta sa magandang dalaga.
8.Napagtanto ng dalagang sa pagpili ng mapapangasawa higit na mahalagang tumingin sa kalooban ng isang tao kaysa sa panlabas na
anyo nito.
9.Binigyan ng basbas ng kanyang mga magulang ang magsing-irog na tunay na nagmamahalan.
10.Walang ibang hangad ang kanyang mga magulang kundi ang siya ay magkaroon ng maayos na buhay.

B. TAMA at MALI
Panuto: Isulat sa tapat ng bilang ang titik P kung tama at titik W kung mali ang pahayag sa bawat bilang ayon sa akdang “Ang Matandang Kuba
sa Gabi ng Caῇao.”
1. Isang matandang kubang papilay-pilay ang dumating nang hindi inasahan sa pagdiriwang ng canao.
2. Bahagi ng pagdiriwang ng canao ang pag-aalay ng karne ng baboy, mga awit, sayaw, malalakas na tugtog, at panalangin ang mga
katutubo para sa kanilang anito.
3. Si Lifu-o ay may anak na babaeng maaari niyang makatulong sa pagtatanim at pag-aani.
4. Ang makakita ng uwak sa daan ay nangangahulugan ng isang magandang pangitain.
5. Ang pagdiriwang ng caňao ay nangangahulugan lamang ng pagkakaroon ng masaganang pag-aani.
6. Ang pamilya ni Lifu-o ang nanguna sa pagkakaroon ng pagdiriwang ng canao.
7. Mabilis at tahimik na isinagawa ng mga katutubo ang pagdiriwang ng canao.
8. Ang matandang kuba mismo ang naging punong halamang ginto sa kuwento.
9. Kinalugdan ng mga anito at ng diyos ang mga panalangin at alay ng mga katutubo kaya dininig nila ang kahilingan ng mga tao lalo na
ng pamilya ni Lifu-o.
10. Naging mayaman ang lahat ng mga katutubo dahil sa kaloob na gintong puno ni Bathalang Kabunian.
C. Matching Type
Panuto: Ibigay ang hinhingi ng nasa Hanay A at piliin ang wastong sagot sa Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
Hanay A Hanay B
_______1. Tirahan ng isang pamilyang Igorot. a. Intonasyon
_______2. Matatandang Igorot b. Tono
_______3. Mga panalanging inaawit sa canao c. Diin
_______4. Mga guhit sa katawan na kauri ng tattoo d. Punto
_______5. Uri ng instrumenting karaniwang ginagamit sa mga idinaraos na canao. e. Haba
_______6. Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng f. Hinto / antala
ipinapahayag. g. Gangsa
_______7. Tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng h. Fatek
salita. i. Ay-ayeng
_______8. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. j. Am-ama
_______9. Nagpapahayag ng tindi ng damdamin. k. Af-fong
_______10. Rehiyonal na tunog o accent. l. Bugtong
_______11. Tawag sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas m. Awiting panudyo
_______12. Uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso, o mang- n. Tugmang de- gulong
uyam. o. Palaisipan
_______13. Paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. p. Tap-pey at fayas
_______14. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
_______15. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga tao.
D. Basahin at suriin ang elemento ng akdang “Ang Alamat ng Pinya” sa pamamagitan ng pagpuno sa sumusunod na graphic organizer. Punan
ang bawat bahagi ng nararapat na kasagutan.
Ang Alamat ng Pinya

Si Pina ay nag-iisang anak ni Aling Rosa, mahal na mahal niya ito kung kaya ninais niyang lumaki itong may kaalaman sa mga gawaing
bahay. Ngunit si Pina ay hindi mahilig sa paggawa ng mga ito. Ang tangi niyang nais ay makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Isang araw ay
nagkasakit ang kanyang ina napilitan si Pina na gumawa ng mga gawaing bahay.
Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang sandok. Kanya itong itinanong sa kanyang ina, sa inis ng ina sapagkat lahat na
lamang ay tinatanong ni Pina sinabi niya rito na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito ang mga bagay na hinahanap.
Umalis si Pina sa silid ng ina ng di umiimik. Kinagabihan hindi na bumalik si Pina sa kanyang silid. Agad niya itong tinawag ngunit walang
sumasagot sa kanyang tawag. Hindi na niya ito nakita.
Isang umagang nagwawalis si Aling Rosa sa kanilang bakuran nakita niya ang isang halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay.
Kinuha niya ito at itinanim sa kanilang bakuran. Pagkaraan ng mga araw ito ay lumaki at namunga. Nagulat si Aling Rosa sa itsura ng bunga ng
halaman sapagkat ang bunga nito ay napalilibutan ng mata. Kanyang naalala ang kanyang anak na si Pina at ang kanyang sinabi dito. Naisip
niya ang sinabi niya kay Pina ay tumalab dito. Kung kaya ang halaman ay tinawag niyang Pinang. Nang magtagal ito ay tinawag na Pinya.
Ang Alamat ng Pinya
1. Mga Tauhan

2. tagpuan

Banghay
3-4. Panimulang Pangyayari:

5-6. Papataas na Pangyayari:

7-8. Kasukdulan:

9-10. Pababang Pangyayari:

11-12. Wakas:

Prepared by:

MRS. PRECILLA Z. SOSA

Subject Teacher

You might also like