You are on page 1of 46

PANAGURING

VERBAL
Ulat ni: Precilla Z. Sosa. Ma.Ed

LINGGUWISTIKANG FILIPINO
Pinakakomplikado ang estruktura ng
pangungusap na may pandiwang
panaguri.
Maraming morpema ang kailangan
para mabuo ang panaguri, at ayon sa
kahulugan ng pandiwa ang bilang ng
komplemento.
Mga estruktura mula sa pinakasimple
hanggang sa pinakakomplikado

A. Pandiwang hindi nababanghay


Maaaring ituring na pandiwang di- nababanghay ang na- at
nagsasaad ito ng lokasyon. Malinaw ang isolability nito- ang
pagturing bilang isang morpema- dahil ikinakabit lang ito sa
pariralang pangngalang sa, pati sa panghalip na pananong.
Iba Pang Pandiwang Hindi Nababanghay

1. Ang Eksistensiyal na Pandiwa-eksistensiyal + pangngalang pambalana + (mga pang-abay)


Pandiwa
May kapre (sa puno)
ang eksistensiyal na
May exam (mamaya)
pandiwa ay may at
mayroon na kadalasang Sa estrukturang ito malinaw ang konsepto
binibigkas na meron. ng batayang pangungusap na may “core”
Sumasagot ito sa tanong at “adjunct”.
na mayroon/ meron
bang N. Ang estruktura
ng pangungusap ay:
core Adjunct
• Ang mga morpema at • Ang mga morpema at
kategoryang gramatikal na kategoryang gramatikal na
kailangan para mabuo at maaaring isama kung
maging gramatikal ang kailangan mas detalyado ang
pangungusap. impormasyon.

Kaya ang may kapre ang core dahil buo na ang pangungusap, at sa
puno o mamaya ang adjunct dahil dagdag lang na impormasyon ito.
Ang Paaring Pandiwa

May at mayroon/meron din ang paaring pandiwa, pero


may tiyak na simuno na may fokus. Sumasagot ito sa
tanong na mayroon/meron bang N ang N, o anong
mayroon/ meron ang N.
Ang pandiwang ugat na panaguri
May mga pandiwang ugat na nagagamit bilang
panaguri. May kaunting kaibahan ang
kahulugan ng mga ito sa ganitong estruktura
kumpara sa binanghay na pandiwa.
Pangkalahatan ang panahon ng kaganapan ng
mga pandiwang ugat.
 Pandiwang ugat na nagagamit bilang panaguri

1. alam at kilala
Pandiwang ugat na alam Kilala
• May dalawang komplemento, ang agent • Kapag binanghay ang kilala,
na nasa pormang ng, at ang reference na nagiging limitado rin sa panahon
nasa pormang ang (may focus).
ang kahulugan.
• Maaaring banghayin ang alam pero
malilimitahan ang kahulugan nito sa
• Maaari ring banghayin sa –um-
particular na panahon, samantalang ang para mapunta ang focus sa agent,
pandiwang ugat na alam ay pero hindi ito nagagamit sa payak
pangkasalukuyan o higit pa. na estruktura kundi sa complex na
• Ang pandiwang alam ay hindi nagagamit estrukturang resulta ng
para sa reference na tao. embedding.
2. Bagay

2 Komplemento ng Bagay

Experiencer Reference
Bumabagay na nasa
Binabagayan na nasa
pormang ang/ si ( may
pormang sa. May mga focus).
wika sa Pilipinas na
ang experiencer ay
nasa pormang ng,
gaya ng Ilokano.
Tandaan !!!!
Kung ang experiencer at reference ay maaaring
pagbaligtarin at totoo pa rin ang sinasaad,
maaaring gawing tambalan ang experiencer, o
palitan ng panghalip na maramihan. Maaari ring
lapatan ng panlaping magka-.
3. gusto at ayaw
Ang pandiwang ugat na gusto (pati na rin ang mas pormal na ibig at
nais) at ang negatibo nitong ayaw ay may dalawang komplemento.

agent percept
Ang agent ay nasa pormang ng. ang pinagtutuunan ng pagkagusto o
pag-ayaw—ay nasa pormang ng din

gusto ko ng manga
ayaw ni Imelda ng lumang sapatos
Maaaring ilagay sa pormang ang (may focus) ang percept na
pangngalan, lalo na kung may panuring.

Gusto ko ng mangga na galing sa Zambales


Ayaw ni Imelda ang lumang sapatos na bigay ng meyor
Ang kaibahan ng pormang ng sa pormang ang sa topic ng gusto
ay makikita rin sa kaugnay na pangungusap kung saan
ginagamit ang topic na panaguri.

Gusto ko ang mangga ang mangga ang gusto ko


Gusto ko ng mangga mangga ang gusto ko
Kapag ang percept ay pangngalang, personal man o hindi, nasa
porma ito ng ang/si sa pandiwang ugat na gusto.
Gusto ni Rachel si Gerald
Gusto ng barkada naming ang UP
Sa ayaw, ang percept na pangngalang pantangi ay maaaring
nasa pormang ang/si o sa/ kay, at hindi sa pormang ng.
Mukhang walang kaibahan sa kahulugan ang dalawang
pormang ito dahil tiyak na natural ang tinutukoy ng
pangngalang pantangi.

Ayaw ng nanay si Gerald ayaw ng nanay kay Gerald


Ayaw ng barkada naming ang Harvardian ayaw ng barkada namin sa Harvardian
Ang percept na panghalip na pamatlig ay nasa pormang ng o
ang, at dahil tiyak na may itinuturo ang mga ito, walang
kaibahan ang pormang ng sa pormang ang. Madalas na ang
pormang ang ay tinatanggalan ng unang pantig.

Gusto ko nito /ito / ‘to


Ayaw ng mga pare niyan / iyan / ‘yan
Ang pandiwang ugat na gusto, ang percept na panghalip na
panao ay lagging nasa poramang ang. Kapag ang agent ay
pangngalan, inuuna ang percept na panghalip.

Gusto ko siya gusto siya ng boss


Gusto niya ako gusto ako ng nanay niya
Gusto niya siya gusto siya ni Ryan
Ang pangalawang panauhang isahan ay lumalabas na ka,
pinaikling porma o “clipped form”ng ikaw, at inilalagay
kasunog ng gusto.

Gusto ka niya gusto ka ng mga Ayala


Kapag ang agent ay unang panauhang isahan, ko, at ang percept
ay pangalawang panauhang isahan, ikaw, obligadong magsanib
ang dalawang panghalip sa pormang kita.

*gusto ko ikaw gusto kita

Regular na proseso ito tuwing magkakaroon ng relasyon ang ko


at ikaw, anuman ang tungkulin ng mga ito pangungusap.

*iniibig ko ikaw iniibig kita


*nakita ko ikaw nakita kita
*gaano ko ikaw kamahal gaano kita kamahal
Kaugnay ng pandiwang ugat na gusto, ang paggamit ng
pangngalang gusto bilang komplemento ng pandiwang paari
na may/ mayroon/ meron, pero sa kahulugang pag-ibig. Sa
estrukturang ito, ang agent ay nasa pormang ang (may focus),
at ang percept ay nasa pormang sa.

Gusto kita may gusto ako sa iyo


Gusto ng titser ang principal may gusto ang titser sa principal
Gusto ni Romeo si Juliet may gusto si Rmeo kay Juliet
Sa pandiwang ugat na ayaw naman, ang percept na panghalip
na panao ay nasa pormang sa o ang. Kapag ang agent ay
pangngalan, maaaring iuna ang percept na panghalip.

Ayaw ko sa kanya
Ayaw ko siya
Ayaw ng titser sa iyo ayaw sa iyo ng titser
4. maaari, puwede
 Ang estruktura ng maaari at puwede ay parang estruktura
ng pang-uring panaguri
--pandiwa + pangngalan na may focus + (pang-abay).
maaari ito para sa report puwede ako mamaya

Mas madalas gamitin ito bilang modal na pandiwa na


pinupuno ng pangungusap ang simuno na dumaan sa
nominalisasyon.

maaari niya itong magamit para sa report


puwede akong magbantay sa pasyente mamaya
B. Pandiwang nababanghay

Ang lahat ng ibang pandiwa ay nababanghay, at maraming mga


morpemang pambanghay ang nailalapat sa mga ito.
2 Basikong Impleksyon ng Pandiwang Nababanghay

1. Aspekto -ang mga morpemang sakop ng kategoryang aspekto


ay nagsasaad ng estado ng kaganapan ng kahulugang tinutukoy ng
pandiwa. Tatlong morpema angkaraniwang ginagamit—ang
perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Ganito ang porma sa
pandiwang banghay sa –um- kapag ang focus ay ang agent o
tagaganap ng pandiwa.

Perf: -um- + V kumain


Imperf: -um- + redup + V kumakain
Kont: redup + V kakain
Dalawa pang aspekto ng pandiwang nababanghay pero
limitado lamang ang gamit nito

1 . Perpektibong katatapos 2. Prospektibo


• Nagagamit lang sa ilang mga pandiwa, na ang
• Sa impormal na pakikipag- karamihanay nagsasaad ng paggalaw tungo sa isang
usap, ang reduplikasyon ng direksiyon ( “telic” na pandiwa). Hal. akyat, alis, baba,
balik, dating, labas, luwas, pasok, punta, tapos, tungo,
perpektibong katatapos ay umpisa, uwi.
nailalapat sa unalaping ka-, • Isinasaad ng prospektibo na nag-umpisa nang
hal, kaaalis / kakaalis, isakatuparan ang pandiwa.

katatapos /kakatapos, Hal.

kasisimula/ kakasimula. Pabalik na sila sa Pilipinas[=nag-umpisa na silang


bumalik]

Paparating daw si Mea [=malapit na malapiy na raw siyang


dumating]
Mga Aspekto ng Pandiwa
1.Gamit ng Perfektibo
nagsasaad na naganap na ang pandiwa, natural na isalin ito sa
“past tense”, pero may mga kahulugang ibang tense ang salin nito.

a. salin sa “past tense”, para sa tapos na gawain:

Hal. Nag-aral kami ng German sa eskuwela =we studied German in school

b. salin sa “present perfect tense”, para madiin ang


pangkasalukuyan o pangmaramihang kaugnayan ng naganap:

Hal. nagmahal ako sa kaniya = I have loved him


c. Salin sa “present tense” para tapos na ang gawain, ayon sa estilo
ng pagsusulat o pagsasalita.

Hal. Lumusob ang Germany sa Poland.= Germany invades Poland


2. Imperfektibo

Dalawa ang maaaring panahon ng kaganapan ng pandiwang nasa


imperpektibo.

3. Kontemplatibo

Aspekto ng pandiwa sa panghinaharap.


2. Fokus

Ang focus na morpema ang nagtatakda kung aling


komplemento ng pandiwa ang gramatikal na simuno. Isa
itong “trigger” na proseso na apektado ang dalawang
bahagi ng pangungusap. Para mas malinaw ang
paglalahad, lahat ng pangungusap na gagamitin sa
listahan sa susunod na mga pahina ay nasa perpektibong
aspekto.
1. Fokus sa agent
• Ang agent ang tagapagpaganap ng aksiyong tinutukoy ng pandiwa. Ito
ang dating tinatawag na “actor”.
-um-: lumakad ang magtataho
mag-: nagkompyuter si Erron
ma-: naligo ang mga bata
maN1-: nandaya ang konsehal
maN2-: nangawil sila sa palaisdaan
Ang N1 ay assimilative (lumalagom)– ang nasal na katinig ay gumagaya sa
lugar na kasunod na katinig. Ang N2 naman ay replacive (pumapalit)- ang nasal
na katinig ay gumagaya sa lugar ng kasunod na katinig, at pumapalit dito.
2. Fokus sa experiencer (nakakaranas)
• Ang experiencer ang nakakaranas ng tinutukoy ng pandiwa. Mahina
o walang kusa o control ang experiencer na tinutukoy ng pandiwa.
(hal. Pumuti ang buhok ni Obama, nilagnat ang pasyente).

3. Fokus sa perceptor
ang perceptor ang gumaganap ng pandiwang pandama.
Masasabing agent din ito pero kailangang ihiwalay ang kategorya
ng mga pandiwang pandama dahil sa kaibahan ng marker ng
percept at patient. (hal. Tumingin siya sa malayo, Nakinig ang
audience sa lecture
4. Fokus sa reciprocal agent
• Ang reciprocal agent ang dalawa o higit pang sabay na
nagpapatupad ng kahulugan ng pandiwa. (hal. Nag-uusap
ang drayber at konduktor, Nag-inuman sina Tina at Ria.)
5. Fokus sa comitative

ang comitative ang kasama ng agent sa pagpapatupad ng


kahulugan ng pandiwa. Ito ang isa sa mga reciprocal agent na
nilapatan ng focus. ( hal. Kinausap ng konduktor ang drayber).
6. Fokus sa agent na may comitative
• kapag naka-focus sa agent sa estrukturang may comitative, nasa pormang sa
ang comitative. (hal. makipag-: nakipag-usap ang drayber sa konduktor.
7. Fokus sa patient
• Ang patient ang direktang naaapektuhan ng tinutukoy ng
pandiwa, at nagkakaroon ng pagbabago sa kaniyang kabuuan. Ito
ang dating tinatawag na “goal”, pero ang “goal” ngayon ang
termino para sa direksiyon ng paggalaw. Ang patient ay maaaring
ang ginawa o ang resulta ng tinutukoy ng pandiwa (tinatawag na
“constructum”), o ang sinira (tinatawag na “destructum”).
Makikita ang paglalapat ng focus na morpema sa agent o sa
patient ayon sa focus ng pandiwa.
• (hal. Ininom ni Mark ang beer.)
8. Fokus sa lokasyon
• ang lokasyon ang nagsasaad kung saan ang pangyayaring
tinutukoy ng pandiwa, ang lokasyon bilang komplemento
ang maaaring i-focus ng pandiwa. Ang lokasyon na hindi
naifo-focus ay pang-abay.

9. Fokus sa source o pinanggalingan


Ang source ang pinanggalingan o pinagmulan ng pangngalang
gumagalaw.
10. Fokus sa goal
Ang goal ang direksiyon o pupuntahan ng paggalaw na tinutukoy ng
pandiwa. Ang mga pandiwang may goal na komplemento ay kabilang sa mga
tinatawag na “telic” dahil markado ang katapusan ng paggalaw. (“atelic”
naman ang tawag sa mga pandiwang hindi markado ang katapusan.)

11. Fokus sa theme


sa mga pag-aaral tungkol sa theta role, dalawa ang lumalabas na
kahulagan ng “theme”. Nabanggit na sa paglalahad ng panaguring
di-berbal na ang simuno nito ay gumaganap sa theta role na
“theme”, pero sa pag-aaral na ito, “topic” ang itinatawag doon.
12. Fokus sa Percept
Ang percept ang stimulus ng pandama-ang nakikita, naririnig,
nalalasahan, naaamoy, nararamdaman, (sa pisikal o emosyonal
na kahulugan). Maari ring isama dito ang mga tinuturuan o
ginagabayan.

13. Fokus sa Reference


Ang reference ang ideyang inisip o sinabi, o tinukoy ng
diskusyon, pag-aaral, imbestigasyon, at mga katulad nito.
Kadalasang ang mga komplementong ito ay buong
pangungusap.
14. Fokus sa beneficiary o tagapakinabang

ang beneficiary ang nakikinabang sa pagganap ng pandiwa.

15. focus sa instrument


Ang instrument ang bagay o paraang ginagamit para maganap ang
pandiwa.

16. Fokus sa layon (reason) o dahilan

Ang reason ang nagsasaad ng dahilan sa tinutukoy ng pandiwa.


Modal na Impleksiyon

Ang mga modal na impleksiyon ay nagdaragdag ng mga


kahulugang tulad ng maramihan, sabayan, paraan, damdamin o
pananaw sa pagganap ng tinutukoy ng pandiwa. Lumalabas ang
modal sa pandiwang panaguri bilang panlapi, o mga prosesong
nilalapat sa pandiwang ugat.
Mga Modal na Panlapi
1.Intensibo : mag-…-um-
isang impleksiyon na nagdaragdag ng intensibong kahulugan sa
pandiwa ang pagsasama ng mga basikong panlapi para sa focus sa
agent na mag- at –um-, pero hindi gaanong gamitin.

2. Maramihan ang agent: mag-…-an


kapag maramihan ang agent na komplementong nakafokus,
maaaring gamitin ng plural na imleksiyon ang pandiwa. Opsiyonal
ito, tulad ng opsiyonal na plural sa pang-uring panaguri.
3. Maramihan ang agent at sabayan ang pagganap:
4. Sabayan at intensibo ang pagganap

5. Maramihan ang patient: maN-

6. Pakikisama sa pagganap: maki-


sa pagganap ng tinutukoy ng pandiwa na may kahalong
pakikisama sa ibang tao, nagagamit sa hiningian ng pabor na
maaaring tawaging social na komplemento.
7. Pakikisama at sabayang pagganap: makipag-….-an

maaaring sabihing may halong pakikisama ang pagganap na


sabayan na kaiba sa simpleng maramihan ang agent. Nasa pormang
sa ang social na complement, na kasama rin sa pagganap.

8. Kakayanan
Maaaring idiin na nakayananng agent ang pagganap ng tinutukoy
ng pandiwa. Kapag agent ang focus, ginagamit ang maka- sa mga
pandiwang banghay sa –um-, o makapag-naman sa mga pandiwang
banghay sa mag-
9. di- sinasadya
para sabihing hindi sinasadya ang pagkakaganap ng tinutukoy ng
pandiwa, panlaping ma-(mahaba ang patinig) ang ginagamit
kapag patient, theme o reference ang focus.

10. Causative
ang causative na kahulugan ay lumalabas sa panlaping pa-sa
pandiwang ugat. Isinasaad nito na ang causative agent ang
gumawa ng paraan para magawa ng agent na komplemento ang
tinutukoy ng pandiwa. Kapag nasa causative agent ang focus, ang
agent ay nasa pormang ng o sa. Ang panghalip ay nasa pormang
sa lamang.
11. Causative na kaugnay ng pangngalan o pang-uri: magpa-,
magpaka
Maaaring banghayin bilang pandiwa ang pangngalan at isaad ang
pagkakaroon nito para sa beneficiary na komplemento. Maaaring
hanguin ito sa causative at sa simflikasyon ay nagiging
malapandiwa ang pangngalan. Ang focus ay inilalagay sa causative
na agent, sa agent, o sa beneficiary.

12. Pakiusap
Para isaad ang pakiusap, nilalapatan ng panlaping paki- ang
pandiwang ugat, o pandiwang stem na may causative na pa-na.
pareho sa causative ang estruktura ng pangungusap.
13. Mga kombinasyon ng modal na impleksiyong panlapi

may mga pandiwang lapatan ng kombinasyon ng mga modal na


impleksiyon, lalo na ang kakayanan at causative.
Mga Modal na Proseso sa Pandiwang ugat

1. Repetitive ---paulit-ulit na pagganap ng tinutukoy ng


pandiwa
2. Intensive– matinding pagganap ng tinutukoy ng pandiwa.
Ginagamit ito sa pandiwang pandama o kaugnay nito.
3. Repetitive intensive– ang paulit-ulit at matinding
pagganap ang tinutukoy ng pandiwa.
4. Repetitive causative– pareho rin ito sa unang porma ng
repetitive intensive pero may panlaping pa- ang pandiwang
ugat na nagdaragdag ng kahulugang causative.
5. Abilitative intensive—isinasaad ang nakayanang pagganap ng
matindi ang tinutukoy ng pandiwa.
6. Incipient na aksiyon--- sininasaad na gustong-gusto o
kailangang-kailangan nang gawin ang tinutukoy ng pandiwa pero
hindi pa maaari.
7. Incipient na reaksiyon– halos magawa na ang agent ang
tinutukoy ng pandiwa, o nagagawa na nga pero hindi tuluyan.
8. Diminutive – hindi gaanong natupad ang tunay na tinutukoy ng
pandiwa.
9. Pretensive– kunwari lang ang pagganap ng tinutukoy ng
pandiwa, inuulit ang pandiwang ugat, nilalapatan ng hulaping –an,
at binabanghay sa mag-.
10. Conclusive--Unti-unting pagkamulat ng kaisipan ng agent.
11. Critical– hindi mabuti ang pagganap ng tinutukoy ng pandiwa,
lalo na kung paulit-ulit ang pagganap, kaya may resultang hindi
maganda.
12. Stative– nasa akto ng katuparan ang tinutukoy ng pandiwa, na
maaaring nasa panahunang pangkaraan o pangkasalukuyan.
Maraming Salamat!!!!
GOD BLESS..

You might also like