You are on page 1of 57

Gramatika

Ugnayan ng Gramatika at Retorika


Ang GRAMATIKA (balarila) ay sinin ng
wastong paggamit ng mga salita batay sa
tuntunin ng isang wika. Sangkot sa pag-
aaral ng gramatika ang mga panuntunan
(rules) sa paggamit ng mga bahagi ng
pananalita. Binibigyang-diin sa gramatika
ang wastong gamit ng mga salita upang
mabuo ang mga pangungusap at
makapagbigay ng diwa o kaisipan.
Samantala, ang retorika ay tumutukoy sa
masining, mabisa at kaakit-akit na
pagpapahayag pasalita at pasulat man.
Mahalagang elemento ng masining na
pagpapahayag, ang kawastuhan ng
pangungusap – istruktura (structure),
kaayusan (sintaks), kahulugan (semantiks),
organisasyon o pagkabuo (debelopment).
Angkop na Salita sa Pangungusap
Narito ang ilang paraan.
1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig
sabihin
Di-angkop: Ang mga pampabango ay naipagbili
na.
Angkop: Ang mga pabango ay naipagbili na.

• Mas angkop na gamitin ang pabango kaysa


pampapabango.
2. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng pandiwang
ginamit

Di-angkop: Walang pasok dahil sususpindihin


ang klase.
Angkop: Walang pasok dahil sinuspindi ang klase.

• Mali ang gamit ng sususpindihin dahil


panghinaharap pa lang ito, gayong naideklara
nang walang pasok o pangnagdaan na ito.
3. Tiyaking angkop ang panlapi ng salitang
ginamit

Di-angkop: Nagsiuwian na ang mga turista.


Angkop: Nangagsiuwian na ang mga turista.

• Mas angkop gamitin ang nangagsiuwian na


kaysa sa nag-uwian sapagkat ang nag-uwian
ay isahan at ang nangagsiuwian ay
pangmaramihan.
4. Tiyaking timbang ang ideya ng mga salitang
ginamit
Di-angkop: Lumabas ng silid ang guro kaya
nangagsipag-ingay ang klase at tumahimik
lamang nang bumalik siya.
Angkop: Lumabas ng silid ang guro kaya
nangagsipag-ingay ang klase at
nangagsitahimik lamang nang bumalik siya.
• Pangmaramihan ang nangagsipag-ingay
samantalang pang-isahan ang tumahimik,
kaya dapat ay nangagsitahimik.
5. Tiyaking gamitin ang dalisay na salitang
Filipino kaysa Ingles lalo’t may pamalit naman
tayo. Iwasan ang labis na panghihiram.

Di-angkop: Ang mga soldier ay ipinadala sa


ibang bansa.
Angkop: Ang mga sundalo/kawal ay ipinadala sa
ibang bansa.

Di angkop: Nag-end na ang kanyang kasakiman


Angkop: Nagwakas na ang kanyang kasakiman.
TANDAAN!
1. Ilapit ang panuring sa salitang tinuturingan
Di-mabisa: Magaspang ang lalaki kung kumilos
Mabisa: Magaspang kumilos ang lalaki.
2. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa
kapag hindi ang simuno ang gumaganap ng
kilos.
Di-mabisa: Si Cesar ay niregalo ang bagong kotse
sa kasintahan.
Mabisa: Ang bagong kotse ay iniregalo ni Cesar
sa kasintahan.
3. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa
pangngalang kinakatawan nito (panghalip “na”
at “ng”)
Di mabisa:
• Lugaw ang inalmusal niya na mainit.
• Tsamporado ng batang kinain ay malabnaw.
Mabisa:
• Mainit na lugaw ang kanyang inalmusal.
• Tsamporadong malabnaw ang kinain ng bata.
4. Gamitin ang ayos na panaguri kaysa sa
simuno upang mas maging efektibo.
Di-mabisa: Ang kamalian ay iwasto
Mabisa: Iwasto ang kamalian.
Paggamit ng mga salita na malabo/di-malinaw
ang kahulugang ibinibigay sa pangungusap
Sa halip na maging malinaw ang kahulugan
ng panungusap, ang ginamit na salita ay
nakagulo sa essensya ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Dahil sa kanyang masayang mukha,
masasabi kong siya’y galit. (Hindi maaring
maging masaya ang mukha kung ang isang
tao ay galit.)
2. Nakamamatay ang balita. (Sa halip, sabihing
nakapangingilabot o kaya nakalulungkot.)
3. Teribleng sorpresa ang tinanggap ko. (Sa
halip, sabihing magandang sorpresa.)
4. Kapangit-pangit ang kalagayan ng mga
pasyente sa ospital. (Sa halip, sabihing kaawa-
awa.)
5. Luray-luray ang dahon ng ampalaya dahil sa
tindi ng init. (Sa halip, sabihing lagas-lagas.)
Ang Efektibo/Mabisang Salita
Ang efektibong salita ay may sumusunod na
katangian:
1. Kongkreto at Ispesipik
Kapag tinutukoy ang kongkretong salita,
tumutukoy ito sa mga bagay o pangyayaring
ginagamitan ng ating pandama. Ang mga ito ay
nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan
o naaamoy. Ang kahulugan ng salita ay hindi
nagbabago.
Halimbawa: kanin
sapatos
telepono
salamin
Kapag ispesipik ang binanggit ay tumutukoy sa isa
at hindi sa grupo.
Halimbawa: ABS-CBN
GMA
Kamayan Restaurant
Bic bolpen
Cebu Pacific
Jollibee
Bukod sa pagtukoy sa isa at hindi sa grupo,
tinitiyak din o may paniniyak ang salitang
gamit.
Halimbawa:
1. Siya ay doktor, ngunit ‘di ko alam ang linya
niya. (Sa halip sabihin na lang na… Siya ay
cardiologist.)
2. Binabasa ng klase ang nobela ni Ave Perez
Jacob. (Sa halip, sabihing pinag-uusapan sa
klase ang nobelang “Mga Sibol sa Guho” ni
Ave Perez Jacob).
3. Eroplano ang kanyang sinakyan papuntang
Hongkong. (Sa halip, sabihing Cathay Pacific
Airlines ang kanyang sinakyan papuntang
Hongkong)
4. Nanonood ako ng palabas tuwing ika-6 ng
gabi (sa halip, sabihing TV Patrol).
5. Malinamnam ang kinain kong isda sa
Restawran. (Sa halip sabihing… Malinamnam
ang LapuLapu na kinain ko sa Restawran.)
2. Abstrakto
Ang mga abstraktong salita ay tumutukoy sa
mga ideya o konsepto na hindi nahahawakan.
Bagama’t di maiiwasan na magamit ang mga
salitang ito na nagbibigay ito ng mental na
imahe, simbolismo at kahulugan sa
pangungusap.
Halimbawa: kapayapaan, kadakilaan,
kabayanihan
3. Tiyak, di-maligoy
Ito ay nagagawa kung nagpapahayag ng
diretso at di-maligoy.

Halimbawa
Dinakip at hinuli saka kinasuhan ng kasong
estafa sa husgado ang mamang hinuling
tumatakas sa gitna ng kaguluhan habang
malakas ang ulan at saka kinulong at pinosasan.
Wastong Gamit
ng
Salita
Ng at Nang
Dalawang kataga na maaring makasira
sa global na diwa ng pangungusap. Maari
rin namang di makasira kung ang
pagbabatayan ay ang tunog ng mga
katagang ito. Magkagayon man may
dalawang kataga na lubos na makadiwa
kapag mapasama sa mga salita sa loob ng
pangungusap.
Ng
ang katagang ito ay ginagamit kung ang
susunod na salita sa loob ng pangungusap ay
pangngalan. Ang ng ay sinusundan ng
panggalan (halimbawa : ng bahay) at siyang
nagiging tuwirang layon ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang bata ay bumili ng tinapay.
Ang lolo ay kumakain ng prutas araw-araw.
Ang ng ay nagsisilbi ring pang-angkop sa
pagitan ng 2 salita kung ang sinusundan nitong
salita ay nagtatapos sa patinig at ang sumusunod
na salita ay pangngalan o iba pang bahagi ng
pananalita maliban sa pandiwa.
Halimbawa
batang babae- pangngalan
inang mabait- pang-uri
lalaking duwag- pang-uri
Pang-angkop dahil ang sumunod na salita ay
hindi pandiwa.
Ang ng ay nagsisilbi namang panghalip na
pamanggit kung ang sumusunod na salita ay
isang pandiwa. Sa pagiging panghalip na
pamanggit, ito ay nagsisilbing simuno ng
pangungusap ngunit nasa uring sugnay na di
makapag-iisa.
Halimbawa
Ang batang nahulog ay nagkasakit.
panaguring pandiwa
panghalip na pamanggit na naging simuno
ng pangungusap
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang
sugnay
1. Sugnay na nakapag-iisa. Ang bata ay
nagkasakit
2. Sugnay na di nakapag-iisa. ng nahulog

Ng- panghalip na pamanggit ang gumanap ng


tungkulin ng simuno sa loob ng pangungusap
dahil ang panghalip ay nagiging simuno.
Nahulog- ito ang panaguri
Nang
Ito ay katagang maaring gamitin bilang
panimula ng pangungusap. Ginagamit din
bilang o di kaya’y tagapag-ugnay ng mga
pangungusap . Sa ibang pangungusap
ipinakikita ang gamit ng nang kung
nasasagot nito ang tanong na paano
ginawa ang isang bagay.
1. Ginagamit ang nang bilang panimula
ng pangungusap.
Halimbawa:
Nang dumating ang tsunami, walang
nagawa ang mga tao kaya’t maraming
namatay.
Nang umunlad ang teknolohiya sa
globalisasyon, nabago rin ang pananaw sa
buhay ng mga tao.
2. Sinasagot ang tanong kung paano ginagawa
ang isang bagay.
Halimbawa
Siya ay natutulog nang pabaluktot kapag
malamig ang panahon.
Siya ay nagsalita nang paangil…
3. Gamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa
Siya’y naging matagumpay mula nang
puspusan na ang kanyang pag-aaral
Paliwanag
Ang dalawang pahayag na pinaghihiwalay
ng nang ay mapupunang may magkadugtong
na kaisipan.
Unang pahayag – Siya’y naging matagumpay.
Ikalawang pahayag – Mula nang puspusan na
ang kanyang pag-aaral.
May at Mayroon
May
Ginagamit ang katagan ito sa loob ng
pangungusap kung salitang sumusunod dito
ay bahagi ng pananalita, sa at mga, maliban
sa panghalip na panao. Ang mga katagang
ito sa ganang sarili kung nag-iisa ay walang
kahulugan ngunit kapag napasama sa mga
salita sa loob ng pangungusap ito’y
nagkakaroon ng kahulugan.
Halimbawa
1. Ang Pilipinas sa ngayon ay may problemang
pampamahalaan. Panngalan
2. Ang mga magulang ay may matinding suliranin sa
mga anak. Pang-uri
3. Kapuna-puna sa kasalukuyan ay may mga mag-
aaral na para bang wala sa loob ang pag-aaral.
Kataga
4. Kagabi, naramdaman kong may lumalakad sa
bubungan namin. Pandiwa
5. Ang taong ito ay may sa pusa kung kumilos. Kataga
Mayroon
Katagang kung ginagamit ay sinunsundan din
ng bahagi ng pananalita. Ang kaibahan lamang sa
ng may , bago isunod ang bahagi ng pananalita
may nakasingit na kataga sa pagitan ng mayroon at
ng susunod na bahagi ng pananalita. Dito na
maaring gamitin ang panghalip na panao ngunit di
mo maaring gamitin ang mga katagang sa at mga
upang isunod sa mayroon. Magagamit ding
panimulang pangungusap tulad ng may. Sa
matalinghagang pahayag, ang mayroon ay
nangangahulugang angking kayamanan o angking
ari-arian.
Halimbawa
1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa
buhay mo?
2. Mayroon ding lumalakad sa bubungan
namin tuwing gabi.
3. Mayroon siyang kinaibigang hindi
nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa
barangay namin.
Kong at Kung
Mga katagang sa pagiging halos magkasintunog
ay maipagkakamaling maaring pareho lamang ang
tungkuling ginagampanan sa loob ng pangungusap
bagamat may sadyang kanin-kanilang tungkulin.
Kong – Ito ay ginagamit kung nagsasaad ng
pag-aari
- Hindi ito maaring gamitin bilang
panimula sa pangungusap.
- Isinasaad din ang kilos ay ginawa
mismo ng katawan.
Halimbawa
1. Matagal kong pinagmasadan ang kanyang
mukhang napakaamo.
2. Ibig kong bumili ng bagong damit.
Kung – ito ay maaring gamitin na panimula ng
pangungusap . Sa diwa ng pangungusap ito ay
nagsasaad ng pag-aalinlangan o pasubali. Ang
katagang ito ay kilos na hindi ikinilos ng katawan
ngunit sa Ingles ang katumbas ay if. Ginagamit
din ang kung sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa
1. Kung wala kang magandang sasabihin
sa kapwa huwag ka na lamang
magsalita.
2. Umuunlad pa rin ang bansa nating
kung magtutulungan ang bawat isa.
-hugnayang pangungusap na may himig
pasubali
Raw at Daw
Ito’y dalawang katagang maibibilang sa
ponemang malayang nagpapalitan dahil
bagamat may magkakaibang titik sa parehong
posisyon taglay naman nila ang parehong
kahulugan. Parehong tumutukoy sa diwang
walang kasiguraduhan.
Raw- ito ay ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos na w at y.
nagpapahiwatig ito ng kahulugang walang
katiyakan.
Halimbawa
1. Ang tao raw na matalino ay malayo ang
mararating.
2. Nakapanghihinayang isipin na ang
mga punong-kahoy raw sa bundok
Cordillera ay unti-unti na ring
nauubos.
3. Magiliw raw sa kapatid si Jericho.
4. Ang Tamaraw raw ay halos di nalalayo
sa kalabaw ang ayos.
Daw
Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang diwa ng
pangungusap ay nagsasaad ng walang katiyakan. Sa
loob n pangungusap ginagamit ito kung ang
sinusundag salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa
w at y.
Halimbawa
1. Ayon sa mga dalubwika, umuunlad man ang
globalisasyon, may katiyakan daw, na ang Pilipinas
ay di maiiwan.
2. Karapatan daw ng taong bayan ang magtanong sa
sinuman, sa ikaaalam ng katotohanan.
Iwan at Ewan
Halimbawa ang mga ito ng Pares Minimal dahil
bagamat halos magkasintunog ay may
magkaibang titik sa parehong posisyon, sila rin ay
may magkaibang kahulugan.
Iwan – nangangahulugan ito ng paglisan o pag-
alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o
malapit.
Halimbawa: Iwan mo siya kung kinakailangan
Bakit ba gusto mo akong iwan
tuwina?
Ewan
Maaring mangahulugan ng isang
ekspresyon na may pahiwatig ng
pagkainis.
Halimbawa:
Ay! ewan.
Ewan ko sayo, makulit ka.
Sila at Sina
Ang mga ito’y panghalip at pantukoy na
kapwa tumutukoy sa tao at kapwa maaring
unang salita ng pangungusap. Sa kabila nito
kadalasang namamali ang gamit ng mga
kabataan.
Sila- ito’y bahagi ng pananalitang panghalip na
kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao.
Maaring makita sa unahan o sa gitna ng mga
salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa: Sila ang bago kong mga kaibigan.
Sa makalawa ay pupunta sila sa Amerika.
Sina – ito’y salitang tumutukoy sa maraming tao.
Kapag ginamit ang pantukoy na sina palagi nang
ito’y sinusundan ng pangalan ng tao. Makikita
ang sina sa unahan o sa gitna ng pangungusap.
Halimbawa: Sina John at Luis ang matalik kong
mga kaibigan.
Sa ating bansa ang mga makapangyarihan ay
sina Pang. Duterte at Bise-Pres. Robredo.
Nila at Nina
Nila – salitang panghalip na kumakatawa sa
marami o grupo ng mga tao. Kung ginagamit sa
loob ng pangungusap hindi na sinusundan ng
pangalan ng tao.
Halimbawa
1. Binigyan nila ng regalo ang nanay na
nagdaos ng ikawalumpung kaarawan.
2. Siya ang naging kaibigan nila nang
magbakasyon sila sa Caramoan.
Nina – salitang pantukoy na maramihan na
kung isulat ay dinudugtungan ng pangalan ng
tao.
Halimbawa
1. Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa mga
matnawing lugar ng Bohol.
2. Ganoon na lamang ang pagpupunyagi nina
mama’t papa na kaming magkakapatid ay
nakapagtapos sa pag-aaral.
Isa’t isa
Tumutukoy sa pariralang isa at isa pa. Hindi ito
inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling sa
pagitan dahil may katagang at sa pagitan ng inulit
na salitang isa. Inilagay ang kudlit upang
mapasama sa unang salita ang at.
Halimbawa
1. Isa’t isang nagdatingan sa bahay ang mga
panauhin.
2. Tuwang-tuwa ako na isa’t isa ay may iniregalo.
Iba’t iba
Tumutukoy ito sa pariralang iba at iba. Tulad
ng isa’t isa di ito ginigitlingan dahil sa pagitan
ng inulit na salitang iba ay may katagang at.
Isinama rin sa unang salita ang at, at kudlit ang
ipinalit sa a.
Halimbawa
1. Ang mga pahayag niya’y iba’t iba kaya’t
nakakapag-alinlangang paniwalaan.
2. Iba’t iba ang binili ko sa palengke.
Ibang- Iba
Nilalagyan ito ng gitling dahil inulit ang
salitang iba. Batay sa tuntunin kung may
kahulugan ang kaputol na salita dapat na ito’y
gitlingan sa pagitan ng dalawang
magkaparehong salita kung paghihiwalayin.
Halimbawa
1. Ibang- iba siya sa kanyang kapatid sa pag-
uugali at talino.
2. Ibang- iba siya sa dati sa kanyang ikinikilos.
Sari-Sari
Ginigitlingan ang salitang ito kung ginamit
sa loob ng pangungusap bilang pang-uri. Ika
nag’y kung inilalarawan nito ang isang bagay.
Halimbawa
Ang itinayo ni nanay nang mag-retiro ay
isang sari-sari store.
Sarisari
Ang salitang ito ay hindi ginigitlingan
kung ang tinutukoy mismo ay pangngalan
o mga bagay-bagay na iba-ibang klase.
Halimbawa
Sa palengke ako bumili ng sarisari para
sa ihahanda namin sa Penafrancia Fiesta.
Paruparo
Isang salitang pangngalan na di rin
nilalagyan ng gitling kapag isinusulat
dahil walang kahulugan ang kaputol nito.
Katulad ito ng salitang GAMUGAMO,
hindi pwedeng paghiwalayin dahil wala
namang salitang Gamo na may kahulugan
sa sarili.
2009 Gabay sa Ortagrapiyang Filipino
na Pinagtibay ng Komisyon sa Wikang
Filipino (parsyal lamang ito sa mga
inilabas/iminungkahi ng KWF)
Tamang baybay ng mga salita kung gagamitin sa
panulat.

Sino-sino hindi na sinu-sino


Pito-pito pitu-pito
Buto-buto butu-buto
Bato-bato batu-bato
Batubato (tinatanggap dahil uri ng ibon ang
tinutukoy)
Halo-halo (tanggap dahil mga bagay na
magkakasama ang tinutukoy.)
Mga Salitang nagtapos s titik E na inuulit at
nilalagyan ng NG
Karneng-karne – panay o lahat karne ang ulam
Berdeng-berde – napakaberde
Swerteng-swerte – napakaswerte
Mga salitang nagtatapos sa patinig e at nilagyan
o dinugtungan ng panlaping HAN/HIN
Sine – Sinehan
Onse – Onsehan
Base – Basehan
Mga salitang nagtapos sa patinig e ngunit
nagiging I kapag idinugtong ang panlaping
HAN/HIN.
Korte – Kortihan
Atake – Atakihin
Salbahe – Salbahihin
Kung ang salita ay nagtapos sa tunog O at
dudugtungan ng panlaping IN/ AN.
Balot – Balutan Bato – Batuhin
Hinto – Hintuan
Iba pang pagbabago sa baybay ng salita.
Babae – hindi na Babai
Sampu – hindi Sampo tulad ng dati
Politika – hindi Pulitika
Buhos – hindi Buhus
Opisina – hindi na Upisina
Koryente – hindi Kuryente
Tradisyonal – hindi Tradisyunal
Tornilyo – hindi na Turnilyo
Imahe – para sa Image
Dayalogo – para sa Dialogue
Prayoridad – para sa Priority
Mga namamaling pahayag na itinuwid ng Komisyon
sa Wikang Filipino.
Mga painting – hindi mga paintings
Mga opisyal – hindi mga opisyales
Mga kompyuter – hindi mga kompyuters
Kalalakihan – hindi mga kalalakihan
- hindi limang kalalakihan
Kababaihan – hindi mga kababaihan
- hindi anim na kababaihan
Kaguruan – hindi mga kaguruan
- hindi tatlong kaguruan

You might also like