Professional Documents
Culture Documents
Raw at Daw
Ito’y dalawang katagang maibibilang sa ponemang malayang
nagapapalitaan dahil bagamat may magkaibang titik sa parehong posisyon
taglay naman nila ang parehong kahulugan. Parehong tumutukoy sa diwang
walang kasiguraduhan.
Raw – Ito ang ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
patinig at sa malapatinig na w at y. Nagpapahiwatig ito ng kahulugang walang
katiyakan.
Daw- Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang diwa ng pangungusap ay
nagsasaad ng walang katiyakan. Sa loob ng pangungusap ginagamit ito kung
ang sinusundaang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Iwan at Ewan
Halimbawa ang mga ito ay pares minimal dahil bagamat halos magkasintunog at may
magkaibang titik sa parehong posisyon, sila rin ay may magkaibang kahulugan.
Iwan - Nangangahulugan ito ng paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o
malapit.
Halimbawa:
- Iwan mo siya kung kinakailangan
- Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
Ewan – Maaaring mangahulugan ng isang ekspresyon na may pahiwatig ng pagkainis.
Halimbawa:
- Ay! ewan.
Ewan ko sa’yo, makulit ka.
Sila at Sina
Ang mga ito’y panghalip at pantukoy na kapwa tumutukoy sa tao at kapwa maaaring unang
salita ng pangungusap o di kaya’y nasa gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sa kabila
nito kadalasang namamali ang gamit ng mga kabataan,
Sila – Ito’y bahagi ng pananalitang panghalip na kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao.
Maaaring makita sa unahan o sa gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap
Halimbawa:
Sila ang bago kong mga kaibigan.
Sa makalawa pupunta na sila sa Estados Unidos
Sina – Ito’y salitang tumutukoy sa maraming tao. Kapag ginamit ang pantukoy na sina palagi
nang ito’y sinusundan ng mga pangalan ng tao. Makikita ang sina sa unahan o sa gitna ng
pangungusap.
Halimbawa:
Sina John at Luis ang matalik kong mga kaibigan
Sa ating bansa ang mga makapangyarihan ay sina Pang. Arroyo noon at pang. Aquino
ngayon.
Nila at Nina
Nila - Salitang panghalip na kumakatawan sa marami o grupo ng mga tao.
Kung gingamit sa loob ng pangungusap hindi na sinusundan ng pangalan ng
tao.
Halimbawa:
Siya man ay naging kaibigan nila nang magbakasyon sila sa Caramoan.
Binigyan nila ng regalo ang nanay na nagdaos ng ikawalumpong kaarawan.
Nina – Salitang patukoy na maramihan na kung isusulat ay dinudugtungan ng
pangalan ng tao.
Halimbawa:
Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa mga matanawing lugar ng Bohol.
Ganoon na lamang ang pagpupunyagi nina mama’y papa na kaming
magkakapatid ay makapagtapos ng pag-aaral.
Isa’t isa
Tag-init
Maalinsangan ang tag-init. Katunayan ang sariling pawis ay nakakapangati ________ katawas. Maaari ka
ring mangitin sa tindi __________ sikat ng araw. Sa mga __________ allergy, ang panahong ito
__________ ay maaaring parusa sa kanila dahil ito __________ ang panahon na ito’y lumalabas.
Masaya ang panahon __________ tag-init dahil sa muli magkikita-kita kayo __________ iyong mga
kaibigan. Ito ang uwian __________ mga mag-aaral sa malayong lugar. Panahon ito __________
maraming aktibiti sa mga bara-barangay tulad ng pyestahan, santakrusan, basketbol, baleybol
__________ mga kabataan. Di lamang yan, dahil __________ minsan, ang magkakaibigan, ang buong
pamilya, ang magkakapitbahay ay nagkakatuwaang mag-beach o mag-outing. Panahon kasi ito
__________ pagrerelaks o pamamahinga matapos ang mahabang pagtatrabaho sa buong lingo. Kahit na
nga sabihing tayo’y mahirap lamang, marunong naman tayong magpasaya __________ ating sarili at di
nagpapatali sa maraming mga suliranin sa buhay. Ika nga __________ ding kaligayahang naghihintay sa
atin __________ marunong tayong magbalanse __________ ating buhay.
GAWAIN 3
Gumawa ng tigalawang pangungusap sa mga sumusunod:
• raw at daw
• kong at kung
• may at mayroon
• ewan at iwan
• ng at nang
• iba’t iba
• isa’t isa
Sumulat ng isang komposisyon na may dalawang talata at gamitin ang mga natutunan sa
tinalakay na Wastong Gamit. Salungguhitan ang mga ito
Halimbawa:
P S
Binabangungotsiyakagabi kaya namatay.
P S
Ikinagitla koang balita sa telebisyon.
Kabaligtaran – kung litaw o nakalantad ang ay sa loob ng
pangungusap ang balagkas ay S-P o nauuna ang Simuno
sinusundan ng Panaguri.
Halimbawa:
S P
Ang balita sa telebesyon ay ikinagitla ko.
S P
Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na nagbabago.
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
Payak – ito ang pangungusap na may iisang paksang pinag-uusapan na kumakatawan sa iba’t
ibang anyo. Bagamat payak may inihahatid itong mensahe
Mga anyo ng payak na pangungusap.
PS – PP – payak na simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Masipag na mag-aaral si Jose.
Matalinong bata si Jay.
PS – TP – payak na simuno at panaguri
Halimbawa:
Matalino at masipag namag-aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.
TS – PP – tambalang simuno at panaguri.
Halimbawa:
Kapwa matulungin sina Jun at Lito
Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay kailangan ninuman.
TS – TP – tambalang simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Mapagakandili at maaalahanin sina mama at papa.
Sina Pangulong Arroyo at Estrada ay haligi ng bansa at mga
magulang ng bayan.
Tambalan– ito ay pangn=ungusap na may dalawang kaisipan na pinag-uugnay
o pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig.
Halimbawa:
- Si Luis ay mahilig mang-asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.
Unang kaisipan – Si Luis ay mahilig mang-asar.
Pangalawang kaisipan – Si Loreng ay mapagmahal.
Pangatnig – samantalang
Hugnayan – ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa
at sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay
magkarugtong at pinag-uugnay o pinagsasama ng pangatnig.
Halimbawa:
- Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mamamayan ay magtutulong-
tulong.
Sugnay na makapag-iisa – Di malayong umunlad ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag-iisa – kung ang mamamayan ay magtutulong-tulong.
Pangatnig – kung
Langkapan - ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na
makapag-iisa o sugnay na di makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may
kaugnayan na diwa.
Halimbawa:
- Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa
pag-aaral at magtitiis ng hirap.
- Ang 2 sugnay na makapag-iisa – Makapapasa takaga siya at makatatamo ng
diploma.
- Ang 2 sugnay na di makapag-iisa – Kung magsisipag sa pag-aaral at
magtitiis ng hirap.
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit / Tungkulin
Paturol – ipinahahayag ng uring ito ng pangungusap ang isang
katotohanan o kalagayan ayon sa paraan ng pagkakapahayag.
Palagiang sa tuldok tinatapos ang pangungusap na nagsasaad ng
katotohanan.
Halimbawa:
- Napakagandang pamana ng edukasyon.
- Toong masaya ang buhay, may lungkot man o ligaya.
Pautos – may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap. Ang pag-uutos
ay nauuri sa dalawa:
May paggalang sa kapwa sa tulong ng unlaping paki o maki.
Pag-uutos na walang paggalang o pasintabi.
Halimbawa A:
Pakiabot ng aking sapatos,
Makikuha ng gamit ko.
Halimbawa B.
Abutin mo nga ang sapatos ko.
Kunin mo ang gamit ko.
Patanong – pangungusap na may himig ng pagtatanong. Tanong
na may paglilinaw ng bagay
ng itatanong. Sa dulo ng bawat pahayag, gumagamit ito ng bantas
na tandang pananong (?)
Halimbawa:
Alin ba ang higit na mainam, pera o pina-aralan?
Paano mo matutulungan ang iyong kapwa?
Padamdam – ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang bawat
pangungusap na may himig ng matinding emosyon. Ang tandang
padamdam ay maaaring ilagay sa una o sa hulihan ng
pangungusap.
Halimbawa:
- Naku po! Magilawgaw, naluluha tuloy ako.
- Ayun! Siya nga ang magnanakaw!
Pangungusap na Walang Paksa