You are on page 1of 3

Pointers to Review Filipino 9

IDYOMA
Idyoma -Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga. -Ito
ay di-literal kung kaya nangangailangan ng konotatibo at mallim na pagpapakahulugan.
Halimbawa: putok sa buho-anak sa pagkadalaga mababaw ang luha-madaling umiyak
naglulubid ng buhangin-nagsisinungaling hilong talilong-litung-lito pabalat-bunga-hindi totoo
TAYUTAY
Tayutay Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa
layuning gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa pagpapahayag.
Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning
gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa pagpapahayag. May iba’t ibang uri ng tayutay
ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagtutulad (simile) Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba
ng uri at gumagamit ng mga parirala tulad ngtulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’yat iba pa.
Halimbawa: Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.
2. Pagwawangis (metaphor) Paggamit ng mga pahayag na nagpapahaiwatig ng pagkukumpara ng
dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan ng mga pariralangtulad ng,
kawangis ng, gaya ng, animo’yat iba pa.
Halimbawa: Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
3. Pagbibigay-katauhan (personification) Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay.
Naipahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa: Sumasayawang mga alon sa karagatan.
4. Pagmamalabis (hyperbole) Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan.

Ponemang Suprasegmental
Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing
/laMANG/siya.
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Halimbawa:
1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan
mo.)
2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3. Magalis (puno ng galis)
mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.
Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
Halimbawa:
a. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:
Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat
sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang
salitang malumay sa patinig o katinig.
Mga Halimbawa:
buhay malumay kubo baka kulay babae
dahon apat
Malumi- Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas
nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng
dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging
nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa
pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Mga halimbawa:
baro lahi pagsapi bata luha mayumitama lupa panlapi
Mabilis- Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling
pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis
sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling
patinig ng salita.
Mga Halimbawa:
dilaw pito kahon bulaklak huli sapin buwanrebolusyon
Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang
binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi,
ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga Halimbawa:
Daga wasto pasa tumula hindi kumolo humula

You might also like