You are on page 1of 20

NAGAGAMIT ANG PONEMANG

SUPRASEGMENTAL NA ANTALA,
HINTO, DIIN AT TONO SA
PAGBIGKAS NG TANKA AT HAIKU
• Mapag-aaralan mo sa araling ito ang iba’t ibang
uri ng ponemang suprasegmental.
• Hindi man ito tunog na kinakatawan ng mga letra
sa alpabeto ngunit nakakaimpluwensiya ang mga
ito sa pagbabago ng kahulugan ng isang salita o
pahayag.
• Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay
lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.
• Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay
nasa huling pantig na /may/.
•Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga
salitang may iisang tunog, ang pagbabago
ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan
nito.
• Halimbawa:
• 1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
• 2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na
sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
• Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating
pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating
kausap.
• Halimbawa:
• 1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala
mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan
mo.)
• 2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na
si Cora ang may kasalanan
• Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng
nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.
Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na
siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
• Halimbawa:
• a. /asoh/ - usok
• /a:soh/ - isang uri ng hayop
• b. /pitoh/ - bilang na 7
• /pi:toh/ - silbato
• May apat na prinsipal na uri ng bigkas o
diin sa Filipino:
•Malumay-binibigkas ito nang dahan-
dahan at may diin sa pagbigkas sa
ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay
hindi ginagamitan ng anumang tuldik o
palatandaan. Maaaring magtapos ang
salitang malumay sa patinig o katinig.
•Mga Halimbawa:
Kubo baka kulay
babae dahon apat
• Malumi-ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas
ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang
dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat
sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang
pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng
mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog
patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na
paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang
binibigkas nang malumi.
•Mga halimbawa:
baro lahi pagsapi
bata luha Mayumi tama
lupa panlapi
• Mabilis-ang mga salitang mabilis ay binibigkas
nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang
mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o
patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
•Mga Halimbawa:
dilaw pito kahon
bulaklak huli sapin buwan
rebolusyon
• Maragsa-ang mga salitang maragsa ay binibigkas
nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang
binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o
pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito
ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig.
Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
• Tono - pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas
ng pantig ng isang salita. Ang pagbigkas ng salita
ay may tono o intonasyon – may bahaging
mababa, katamtaman at mataas. Ang pagbabago
ng tono o intonasyon ay maaring
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o
makapagbigay ng bagong kahulugan.
• Antala - saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas
maunawaan ang mensaheng nais ipahatid. May hinto
bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto
rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng
pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga
ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong
ipahayag. Kuwit (,) ang ginamit sa hintong ito na
sinisimbolo ng /.
• Halimbawa:
• Hindi, ako ang kumuha ng pera ni Tatay. (Ako
ang kumuha ng pera)
• Hindi ako ang kumuha ng pera ni Tatay.
(Hindi siya ang kumuha ng pera)

You might also like