You are on page 1of 13

Tanka at

Haiku
•Ano ang saloobin
o damdamin mo
sa araw na ito?
• Paano ka ba magpahayag ng
iyong damdamin?
• Maraming paraan upang ang
iyong saloobin ay maiparating.
Ngunit palagi nating tandaang
may tamang paraan sa
pagpapahayag.
• Ating alamin ‘yan sa araling ito.
• Ang Japan ay isa sa mga kilala at
Nakabasa nangunguna sa larangan ng
ekonomiya at teknolohiya hindi
ka na ba ng lamang sa Asya kundi maging sa
tula mula sa buong daigdig. Bagama’t makabago
Bansang na ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao roon, napananatili pa rin nila
Japan? ang kanilang sinaunang kultura at
pagpapahalaga sa panitikan. Patuloy
nila itong ginagamit at pinagyayaman
tulad na lamang ng Tanka at Haiku.
• Mababakas natin sa mga tanka at
haikung isinulat ng mga may-akda ang
kanilang damdamin. Noong unang
panahon, ito ang kanilang paraan
upang maipahayag ang kanilang
saloobin. Kadalasan, kung ang akda ay
tungkol sa kabiguan at kalungkutan,
nakatutulong sa kanila ang pagsulat
upang maibsan ang kanilang
dinadalang bigat ng loob, at kung ito
naman ay tungkol sa kaligayahan ay
nadodoble pa ang kanilang saya kapag
naibabahagi nila sa iba.
• Ang tanka ay maikling
tulang binubuo lamang ng

TANK
31 na pantig. Nahahati ito
sa limang taludtod o linya
na may sukat na 5-7-5-7-

A 7. Naglalaman ng mga
paksa gaya ng pag-ibig at
iba pang damdamin ang
paksa ng Tanka.
• Ang haiku naman ay isang
maikling tula na binubuo
HAI ng tatlong taludtod lamang
na may sukat na 5-5-7 o

KU kaya ay 7-5-5 at 5-7-5 na


may kabuuang 17 na
pantig. Kadalasan, tungkol
sa kalikasan ang paksa nito.
• Ang mga tulang tanka at
haiku ay nagmula sa bansang
Hapon. Sa bansang ito,
tinitipon ng mga kilalang tao
ang kanilang tula mula pa
noong ika-8 siglo hanggang
sa kasalukuyan. Makikita ito
sa aklat na naglalaman ng
koleksyon ng kanilang tula
na Manyoshu, naglalaman ng
4,500 na tula at 90 bahagdan
ng mga tulang ito ay tanka.
• Ikaw, paano ka nagpapahayag ng iyong
damdamin? Maraming paraan upang
ang iyong saloobin ay maiparating. Sa
makabagong panahong ito, ginagamit
ng tao ang social media gaya ng pag-
shout out o pag-post ng status.
Nagiging daan ito upang magkaisa ang
mga tao para sa pagsulong ng mga
positibong adbokasiya. Ngunit sa
gawaing ito, inaasahang maipapahayag
mo ang iyong damdamin sa
pamamagitan ng tulang Tanka at haiku.
• Tanka
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di alam kung kalian
Puso ay titigil na
Haiku
Ngayong taglagas
Di mapigil pagtanda
Ibong lumipad

You might also like