You are on page 1of 10

Tanka at Haiku

Ang bansang Hapon, bagamat isa sa mga kilala at nangunguna sa


larangan ng ekonomiya at tekonolohiya ay nananatili pa rin ang
pagpapahalaga sa kanilang sinangunang kultura at panitikan tulad
ng tanka at haiku na patuloy nilang ginagamit at pinagyayaman.
Kahulugan ng Tanka at Haiku

Ang tanka ay isang uri ng tula na sumibol noong ika-walong


siglo at naging tanyag. Nangangahulugan din ito ng maiikling
awitin na puno ng damdamin, nagpapahayag ng emosyon o
kaiisipan, at ang karaniwang paksa nito ay pagbabago, pag-iisa at
pag-ibig.
May 31 tiyak na bilang ng pantig ang tanka na nahahati sa
taludtod na lima at may sukat na 5-7-5-7-7 o kaya 7-7-7-5-5 at
maaring magkapalit-palit ngunit ang kabuuan ng pantig ay 31 pa
rin.
Ang haiku ay isa pang uri ng tula ng mga Hapones na isinilang noong
ika-15 siglo at binubuo ng 17 pantig, nahahati sa tatlong taludtod na may
sukat na 5-7-5 na pantig. Ang karaniwang paksa ng haiku ay kalikasan at
nagtataglay ito ng talinhaga. Pinakamahalaga sa haiku ang pagbigkas ng
taludtod na may wastong antala o paghinto.
Kahalagahan ng Tanka at Haiku

Ang tanka at haiku ay mga anyo ng tula na pinahahalagahang


bahagi ng panitikan ng mga Hapones. Naging mabisang paraan
din sa pagpapalaganap ng kanilang kultura at pagkakakilanlan
ng kanilang bansa. Nilalayon din ng tanka at haiku na
mapagsama-sama ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng
kakaunting salita.
Ano ang pinagkakaiba ng Tanka at Haiku?

Ang tanka ay binubuo bg 5 taludtod at may kabuuang 31 pantig


samantalang ang haiku ay mayroong 3 taludtod at kabuuang 17
pantig.
Ang tanka ay naging daan upang mapahayag ng damdamin sa isa’t-
isa ang nagmamahalan, at ang karaniwang tema nito ay pag-ibig,
pagbabago at pag-iisa samantalang ang haiku ay kalikasan at pag-ibig
ang karaniwang paksa at nagtataglay ng talinhaga. Ang mga salita sa
haiku ay maaring sagisag ng isang kaisipan.
Ano ang nilalaman ng Tanka at Haiku?

Ang tanka at haiku ay parehong nagpapahayag ng mga ideya


at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita. Ang tanka ay
naglalaman at nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon
tulad ng pagbabago, pag-iisa at pag-ibig. Ang haiku ay
naglalaman ng mga ideya ukol sa kalikasan at pag-ibig at
nagtataglay ng talinhaga.
 
Mga halimbawa:
Tanka:
Napakalayo pa nga 7 Araw na mulat 5
Wakas ng paglalakbay 7 Sa may gintong palayan 7
Sa ilalim ng puno 7 Ngayong taglagas 5
Tag-init Noon 5 Diko alam kung kelan 7
Gulo ang isip 5 Puso ay titigil na 7
Haiku:

Ulilang damo 5 Wala nang iba 5


Sa tahimik na ilog 7 Ikaw lamang, Sinta ko 7
Halika, sinta 5 Ang nasa puso 5
Mga Tanong:
1. Saang bansa sumibol ang tanka at kailan?
2. Saang bansa sumibol ang haiku at kalian?
3. Ano ang tanka?
4. Ano ang haiku?
5. Ano ang pinakamahalaga sa haiku?

You might also like