You are on page 1of 3

Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataus na pagdamay.

(KAIBIGAN) ni Emelita Perez Baes

Kabibi, ano ka ba? May perlas, maganda ka; Kung idiit sa taynga, Nagbubunitunghininga! (KABIBI) ni Ildefonso Santos

Palay siyang matino, Nang humangiy yumuko; Ngunit muling tumayo Nagkabunga ng ginto (PALAY) ni Ildefonso Santos

Alipatong lumapag Sa lupa nagkabitak, Sa kahoy nalugayak, Sa puso naglagablab! (TAG-INIT) ni Ildefonso Santos

Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadaramat nalalasap ang pag-ibig na matapat. (PAG-IBIG) ni Emelita Perez Baes

Pag ang sanggol ay ngumiti nawawala ang pighati, pag kalong moy sumisidhi ang pangarap na punyagi. (SANGGOL) ni Emelita Perez Baes

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan, naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay, samantalang ang maramiy nasa binggo, nagsusugal, nasa sine, nasa night club", naglalasing, nagsasayaw. Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain sa oras na kailangan... pagkabigat na gawain! Hanggang doon sa tahanay dala-dala ang iksamen, kaya't siya kung matulog ay hatinggabing malalim. At lalo nang ang isipay gulung-gulo, naghihirap kung sa kanyang pagtuturoy pasakit ang niyayakap pagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas, ang kataway's nanghihina't ang tinig ay nababasag. Ang maramiy natutuyo at ang tungoy sa libingan, lalo na kung sa iskwelay mga batang walang galang ang palagi nang kaharap sa umagat maghapunan, mga batang di na kayang patuwirin ng magulang. Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot, pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog, sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot, at ang pintig nitong puso'y di pansin ang lumuluhog. Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman: Kung ikaw may nagsasalat sa salapit karangyaan, nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal pagkat tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal. Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad: Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdag pag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat. O pag-asang naluluoy at sa hangiy lumilipad!

SA LIBING NG ISANG KASKASERONG TSUPER Pedro L. Ricarte Isang batang pipituhing taon, Limahid ang damit, Maalikabok ang may galis na bilnti, Tumatawid sa kalye sa tapat ng paaralang Walang pulis na nagtatanod. Sa gawi roon, Limang pasahero ang naghihintay. Dalawang dyipni ang magkasunod, Nagpapangarera sa pag-uunahan Sa pamumulot ng pasahero. Lumpas ang nahuhuli. Hindi nakita ng tsuper Ang batang tumatawid, at. Naglabasan sa kani-kanilang bakuran Ang mga taong may hawak na panghataw. Kinabukasan, dalawang bangkay Ang inihatid sa libingan, Sa libing ng kaskaserong tsuper Nakaitim ang kanyang payat na balo, Akay ang dalawang Maliliit na batang payat din. Walang luha sa mga mata ng balo. Sa kanyang isip, nakikita niya Ang isang dukhang hapag, Mga gusot at sira-sirang damit. Sa taguang may ipis Alam niya, Alam niya kung bakit Namatay ang kanyang asawa.

You might also like