You are on page 1of 3

Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

 Isang pag aaral, pagtalakay, pagsusuri, at pagpapaliwanag ng panitikan.


 Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pang unawa sa malikhaing
manunulat at katha.

Sangay ng Pagsusuring Pampanitikan


 Pagdulog
 Pormalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan. Sumakatuwid kung ano ang sinasabi ng may-akda
sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa.
 Moralistiko
 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao. Ang pamantayan ng tama at mali.
 Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o propisisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
 Sikolihikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
 Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na magbago o mabuo ito.
 Sosyolohikal-panlipunan
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda.
 Naipapakita rito ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga
katulad na suliranin.

 Pananalig
 Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga panyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita laging nagtatapos
nang may kaayusan.
 Romantisismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibant paraan ng tao o sumasagisag
sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
 Realismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang problemang kinakaharap ng lipunan ng
isang tiyak na panahon o lugar.
 Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay.
 Naturalismo
 Teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan
ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural.
 Lahat ng karunungan ay maaring dumaan sa masusing pagsusuri.
 Humanismo
 Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinapaniwalaan na
ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya
ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
 Imahismo
 Naipapahayag ang kalinawan sa mga imahaeng biswal, eksaktong paglalarawan o
pagbibigay anyo sa mga ideya.
 Feminismo
 Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa
isang kwento o akda.
 Arkitaypal o Simbolismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda.
 Formalism
 Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin sa pagsusuri. Ang pisikal
na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo.
 Eksistensyalismo
 Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan
halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
 Dekontraksyon
 Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka
ding mag dagdag ng mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhayin ang mga
namatay na sa akda.
 Marksismo
 Pinapakita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na
puwersang magkasalungat na puwersa
 malakas at mahina
 mayaman at mahirap
 Historical
 And teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa
mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit
ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating bayan.
 Bayograpikal
 And teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon.
 Kultural
 Tumutukoy sa mga kwentong base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o
tula.

Mga simulain sa panunuring pampanitikan


 Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob
na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
 Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng
lahok.
 Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang
wika at organisado ang paglalahad.
 Sa pagsusuri ay mahalagang mahanap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay
ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban
ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa
kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
 Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang
katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito. Ang
simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang
lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng sining ay
nasa ubod at laman.
 Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng ng
makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng
makatarungang paghatol ay kung papaano ang pagkatula.
 Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
 Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.

Kalahagahan ng panunuring pampanitikan


 Mapahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa
pagsusuri nito
 Kritisismo
 Panunuri
Panunuri o kritisismo
Naghahanap ng mali.
Kritisismo
Naghahanap ng estruktura.
Panunuri
Naghahanap ng kulang.
Kritisismo
Naghahanap ng kung ano pwede idagdag.
Panunuri

You might also like