You are on page 1of 2

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinapahalagahan ng panitikang Hapon.

Nagsimula ang
Tanka noong ika-pitong siglo habang ang Haiku naman ay noong ika-labing pitong siglo.

Ang Tanka ang moderong pangalan ng waka, na ibig sabihin ay “maikling kanta”. Ang pinakaunang
tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinatawag na manyoshu o “A Collection of Ten Thousand
Leaves”. Anotolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang pinapahayag at
inaawit ng nakararami. Sa panahong lumabas ang manyoshu, kumawala sa makapanyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang
Hapon ay sumusulat sa wikang tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang hapon sa pagsasalita at
wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ika-lima hanggang ika-walong siglo, isang sistema ng
pagsulat ng hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa tsina upang ilarawan ang tunog ng
hapon. Tinawag na kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang hapon ang
wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag.

Isa sa pinakamatandang Japanese forms ang tanka na nagmula noong ika-pitong siglo, at mabilis na
nagustuhan ang anyo ng tula na ito. Hindi lamang sa Japanese Imperial Court kung saan nakikipag-
kompitensya ang mga maharlika sa paligsahan ng tanka, kundi para rin sa mga kababaihan at kalalakihan
na nagliligawan. Ginagamit nila ang tanka upang ipahatid ang kanilang sulat sa kanilang minahamal. Ang
tanka ay anyo ng tula upang maipabatid o maipahayag ang kanilang damdamin. Ito ay binubuo ng
limang taludtod na may tatlumpu’t isa na pantig at may sukat na 5-7-5-7-7. Kadalasang paksa ng tanka
ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.

Noong ika-labing pitong siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang
bagong anyo ng tula na ito ay tinawag na Haiku.

Ang salitang Haiku ay nagmula sa unang elemento ng salitang haikai (isang nakakatawang uri ng
renga o tulang link verse) at ang pangalawang elemento ng salitang hokku (inisiyal na stanza ng renga).
Ang haikai ay binubuo ng beginning triplets (5-7-5 triplets) na tinatawag na ngayong hokku. Ang hokku,
na isang grupo ng tono ng renga, ay naglalaman ng tatlong linya tulad na lamang ng panahon, oras ng
araw, at ang nagingibabaw na detalye ng tanawin, dahilan para magmukha itong malayang tula. Ang
hokku (na madalas na tinatawag na haikai) ay naging sikat noong ika-19 na siglo, noong ito ay ganap na
divested sa orihinal nitong tungkulin na magbukas ng pagkasunod-sunod na taludtod. Binago ni Basho
ang poetics at ginawang isang malayang tula ang hokku, na kalaunan ay tinawag na haiku. Noong
panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap ang haiku. Ang pinakamahalaga sa haiku
ay ang pagbikas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa ingles ay
cutting. Ang haiku ay binubuo ng tatlong taludtod na may labing pito na pantig at ay may sukat na 5-7-5.

Iilan lamang na manunulat sa Japan ang nirespeto sa kanilang ginawang mga tula. Ilan lamang dito
ay sina Basho, Buson, Issa, at Shiki. Sa apat na ito, Si Basho ang pinaka tanyag na manunulat at binigyan
ng pagkilala sa paggawa sa haiku bilang kagalang galang na tula. Si Basho ay pinanganak noong 1644 sa
siyudad ng Ueno. Ang kanyang ama ay isang samurai o isang mandirigma na nagsisilbi sa Todo Family.

Noong sya ay siyam na taong gulang, naging kasama nya sa pag-aaral ang tagapagmana ng Todo
Family, si Yoshitada. Sila ay naging mabuting magkaibigan at nag-aral ng the art of linked verse sa ilalim
ng sikat na manunulat sa panahong iyon na si Teitoku. Namatay si Yoshitada sa edad na 25, naiwan si
Basho na naghihinagpis sa kalungkutan. Hiniling ni Basho na lumaya sa pagseserbisyo sa Todo Family
ngunit ang kanyang kahilingan ay tinanggihan, kaya tumakas sya papuntang Kyoto. Pinaniniwalaang sya
ay namalagi sa isang templo ng ilang taon habang nag-aaral ng Chinese at Japanese Classics.

Noong 1671, Bumalik si Basho sa kanyang tirahan sa Ueno at prinesenta sa dambana ang isang
anotolohiya o mga nakalimbag na koleksyon ng mga tula na ginawa ng maraming manunulat, kasama
ang kanyang sarili. Ito naman ay mahusay na tinanggap at nakuha ni Basho ang respeto para sa kanyang
trabaho. Pagkatapos ay umalis sya papuntang Edo na tinatawag na ngayong Tokyo, na sentro ng
Tokugawa Government. Nagtrabaho sya ng nagtrabaho hanggang sa makilala ang pangalan nya sa
mundo ng tula.

Noong 1676, Nagsimula syang sumulat tula para sa publiko. Ang mga tulang kanyang sinulat ay
lumabas sa maraming anotolohiya, sa susunod na mga taon ay nakita nya ang kanyang sarili kasama ang
iba pang mga tao na naglalathala din ng mga tula. Ngunit hindi sya masaya sa ganitong uri ng pagsusulat
kaya lumipat sya sa maliit na bahay malapit sa ilog. Siya ay mag-isang nakatira dito at makikita ang
kanyang pagdadalamhati sa mga tulang ginawa nya. (ito yung mga oras na nagdurusa si basyo kaya nag-
aral sya ng zen meditation sa ilalim ng gabay ng isang pari). Kalaunan ay nasunog naman ang kanyang
bahay.

Noong 1684, Nagsimula syang maglakbay at patuloy na nagsulat ng tula. Ngunit noong 1692, sya
ay namalagi sa kanyang bahay na humigit kumulang na dalawang taon at kalahati. Masasalamin ang mga
tula sa kanyang buhay. Noong 1694, umalis sya ulit para sa kanyang huling paglalakbay. Dito na
nagsimulang humina ang kanyang katawan, ngunit sya pa rin ay patuloy na nagsulat ng tula hanggang
sya ay namantay noong October 12, 1694.

You might also like